Yves's POV
"Mag-iingat ka..." sabi ni Frost sa isip ko. "Delikado ang Light Magic kay Cris... Mapapahamak siya." nag-aalalang tugon niya.
Tinignan ko si Cris na nasa likod ko. "Keep our distance..." mahinang sabi ko.
Ngumiti ito. "I'm fine.. Hindi kita iiwan." Ngumiti na rin ako dahil unti unting binabalot ang katawan niya ng mga maliliit na vines. Hanggang sa mabuo at tuluyan nang balutin ng Earth Drive ang buong katawan niya.
"Ako ng bahala sa kanya." si Rock mula sa isipan ko.
"Salamat." sagot ko sa kanya. Napansin kong may berdeng liwanag ang pumapalibot sa kanya.
Itinuon ko na ulit ang atensiyon ko sa kalaban. Pumikit ako tsaka ako nag-ipon ng lakas palibot sa akin. "God Mode Activate..." pagcast ko ng spell. May puting liwanag ang pumalibot sa akin. "Dragon Drive." Nagkaroon ng malakas na pwersa ang kumawala sa akin hanggang sa mabuo ang armor ko. Isang puting armor na may halong kulay ginto. Pinagalaw ko ang mga pakpak ko habang nakatingin ako sa Demon ng nakangisi.
Agad siyang nawala sa paningin ko kaya sinabayan ko siya. Lumitaw ako sa harap niya dahilan yun para magulat siya. Buong lakas kong sinuntok siya sa mukha. "Light Punch." pagcast ko ng spell. Tumilapon siya palayo. Umatake na rin si Cris at Frost sa kanya. Lumapag ako sa lupa.
Napatingin ako kay Cris ng bigla itong tumilapon. Yumuko ako tsaka buong lakas akong lumipad palapit sa kalaban. Sinipa ko siya sa bandang tiyan. Pero nagulat ako ng masalag niya ito gamit ang kamay niya na umiilaw. Hinawakan niya ang paa ko at inihagis niya ako. Tumama ako sa puno pero sa lakas ng pagkahagis niya sa akin ay nawasak ang puno kung saan ako tumama. Pinagalaw ko ang pakpak ko para huminto ako at maglanding ng maayos sa isang puno. Agad akong lumipad ng mabilis paatake sa kanya. Nagsummon ako ng Light Sword. Sa bilis ko ay hindi na niya naiwasan ang atake ko. Huminto ako sa likod niya at mabilis na umikot para sipain ang likod niya.
Agad akong lumipad para sundan siya patungo kung saan siya tumilapon. Pinaulanan ko ito ng mga bilog na liwanag habang nasa ere. Pero hindi ko inaasahang maiiwasan niya ang mga ito. Lumapag ako sa lupa. Pagkababa ko ay nabigla ako ng biglang yumanig ang lupang kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Cris at tama nga ako na siya ang may gawa nito. Lumikha ng mga bitak sa lupa ang atakeng yun. Nagpaangat siya ng mga lupa. Agad akong lumipad palapit sa kanya at pumwesto sa tabi nito. Sinabayan ko ang galaw ng mga kamay niya para alalayan siya sa spell na binubuo niya. Nadurog ang mga lupang pinalutang niya at lumikha ito ng mga matutulis na bagay.
"Earth Lance." sabay naming sabi. Mabilis ang mga ito na umatake sa kalaban. Agad na binalot ng yelo ang katawan niya ng tangka niya itong iwasan. Sunod sunod na tumama ang mga ito sa buong katawan niya. Agad akong nagcast ng Fire Spell paatake sa kanya. Napapasigaw na lang siya dahil dito. Hindi nagtagal ay tumigil na ito sa pagsigaw hanggang sa maging abo na ito.
Tinanggal ko na ang armor ko. Ganun na din si Cris. Nandito na rin sa kinatatayuan namin si Frost.
"Bumalik na tayo sa kaharian." sabi ni Frost na agad naman naming sinunod. Pagbalik namin ay agad kong tinungo kung saan pwedeng dinala si Rain.
"Kamusta siya?" tanong ko sa isang babae pagpasok ko sa kwarto. Nandito na rin sina Aria at Fyro.
"Mahal na prinsipe..." sabi ni Fyro tsaka ito lumapit sa akin. Maluha luha itong nakatingin sa akin. "Hindi pa siya nagkakamalay... pero magiging ok na daw siya." mangiyak ngiyak na sabi niya. Hinawakan ko ang ulo niya gamit ang isang daliri ko habang lumilipad ito sa harap ko.
"Pasensiya na... kasalanan ko... hindi ko siya naprotektahan..." mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng pilit.
Umiling ito. "Hindi po... wala pong may gusto ng nangyari..." depensa niya. "Tungkulin po naming protektahan kayo." Ngumiti na lang ako.
"Rain." napatingin ako kay Aria ng magsalita ito tsaka ko ibinaling kay Rain na nakahiga sa isang maliit na kama ang tingin ko. Agad akong lumapit sa kanila ng mapansin kong unti unti ng nagkakamalay si Rain.
"Rain." pagtawag ko sa kanya pagkalapit ko.
"Ma... mahal... na... prinsipe.." nahihirapang sabi niya. Sinusubukan niyang bumangon pero pinigilan siya ni Fyro.
"Magpahinga ka na muna." seryosong sabi niya kay Rain.
"Alagaan niyo siya." tiningnan ko sina Aria at Fyro na agad naman silang tumango. "Ako na muna ang bahala sa pagbabantay sa kaharian." Napagdesisyonan namin ni Cris na lumabas muna ng kwarto ng masiguradong maayos na ang lagay ni Rain.
"Yves..." napatingin ako sa kasama ko. Tumigil na rin kami sa paglalakad. Tinignan ko siya ng nagtataka. "Pinapabalik na ako sa kaharian namin." sabi niya. Kumunot ang noo ko sa narinig ko. "Gusto kong kasama kita sa pagbalik ko dun."
Umiling ako tsaka ko ibinaling ang atensiyon ko sa ibang direksiyon. "Hindi ako pwedeng umalis dito... Lalo na't may hindi magandang nangyari... Baka maulit yun kapag umalis ako dito." mahinang sagot ko sa kanya.
Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang baba ko para matignan ako. "Pero, kailangan kong bumalik."
Ngumiti ako sa kanya. "Kung yun ang gusto mo... gawin mo."
Ngumiti na rin siya pero halata sa mata niya ang pagkadismaya. "I love you." sabi niya bago niya ako halikan.
"I'm sorry... Hindi kita masasamahan." sabi ko ng maghiwalay ang mga labi namin. Nanatili itong nakangiti sa akin.
"Ok lang.. Naiintindihan ko.." sabi niya.
"Babalik ka pa naman dito, di ba?." tanong ko sa kanya. Ngumiti na lang ito tsaka tumango.
-------------------
Tumingala ako. Kasalukuyan akong nandito sa balkonahe ng aking kwarto. Dalawang linggo na ang nakalipas ng umalis dito si Cris. At hanggang ngayon ay wala pa akong balita sa kanya. Napatingin ako sa pinto ng kwarto mula sa kinatatayuan ko ng makarinig ako ng katok mula rito.
"Yves?." narinig ko. Sa boses niya ay alam kong si Frost ito. Lumapit ako sa pinto para buksan ito.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya pagkabukas ko.
"Tungkol sa sinabi mo sa akin nung nakaraang araw.." panimula niya. "Sina Walden at Alden na lang ang ipapadala ko sa academy para tumulong sa pagbabantay." sabi niya. Nabalitaan kasi namin na may umatake dun na taga-Underworld kaya naisipan naming makialam. At gusto naming malaman kung bakit at ano ang pakay nila ngayon.
Tumango ako. "Sige... pero, gusto ko silang makausap bago sila umalis." seryosong sabi ko. Tinignan niya ako ng nagtataka. "May gusto lang akong sabihin sa kanila." natatawang sabi ko. Tumango na lang ito bago siya umalis sa harapan ko. Isinara ko ang pinto tsaka ako nagbihis para lumabas.
Naglakad lakad ako sa kaharian. May mga nakakasalubong akong mga kalahi ko. Binabati nila ako habang ang iba ay yumuyuko lang kapag nadadaanan ko sila. Sa totoo lang, hindi pa ako sanay sa ganito. hayst.
"Nasaan ka?" napatigil ako sa paglalakad ko ng may magsalita sa isipan ko.
"Bakit?" tipid na sagot ko.
"Ngayon na ang alis ng kambal." bulyaw niya sa akin. Alam kong si Frost ito. "Di ba may sasabihin ka sa kanila?"
Huminga ako ng malalim. "Nandito ako sa likod ng kaharian." sagot ko. Hindi ko na siya narinig kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko patungo sa lawa na nandito. Umupo ako sa damuhan sa ilalim ng isang puno. Hinawakan ko ang tiyan ko tsaka ako tumingala.
"Miss na kita." mahinang sambit ko. Nanatili akong nakaupo habang nakatingin sa kawalan.
"Mahal na prinsipe." Huminga ako ng malalim bago ako tumayo para harapin sila.
"Sa pagbalik niyo dun." panimula ko. Nakatingin lang sila sa akin. "Gusto kong alamin niyo kung ano na ang balita kay Cris." seryoso kong sabi.
"Masusunod po.." sabay silang yumuko.
"Mag-iingat kayo." sabi ko sa kanila. Iniangat nila ang ulo nila para matignan ako. "Balitaan niyo kami kapag may napansin kayong kakaiba. Bawat detalye.. Para, makapagpadala kami agad ng tulong kapag nagkaproblema." utos ko sa kanila.
"Makakaasa po kayo." sabi nila bago ko sila sabihan na pwede na silang umalis.
---------
A/N: Keep reading.
(Pasensiya na.. Hindi ako nakapag-update kahapon..)