They Met At First Kiss

By YnaSone

2.2M 35.4K 5K

Meet Adriana Joyce Chavez, isang matalino at talintadong babae ngunit tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwal... More

They Met At First Kiss Synopsis
TMAFK#1
TMAFK#2
TMAFK#3
TMAFK#4
TMAFK#5
TMAFK#6
TMAFK#7
TMAFK#8
TMAFK#9
TMAFK#10
TMAFK#11
TMAFK#12
TMAFK#13
TMAFK#14
TMAFK#15
TMAFK#16
TMAFK#17
TMAFK#18
TMAFK#19
TMAFK#20
TMAFK#21
TMAFK#22
TMAFK#23
TMAFK#24
TMAFK#25
TMAFK#26
TMAFK#27
TMAFK#28
TMAFK#29
TMAFK#30
TMAFK#31
TMAFK#32
TMAFK#33
TMAFK#34
TMAFK#35
TMAFK#36
TMAFK#37
TMAFK#38
TMAFK#39
TMAFK#40
TMAFK#41
TMAFK#42
TMAFK#43
TMAFK#44
TMAFK#45
TMAFK#46
TMAFK#47
TMAFK#48
TMAFK#49
TMAFK#50
TMAFK#51
TMAFK#52
TMAFK#53
TMAFK#54
TMAFK#55
TMAFK#56
TMAFK#57
TMAFK#58
TMAFK#59
TMAFK#61
TMAFK#62
TMAFK#63
TMAFK#64
TMAFK#65
TMAFK#66
TMAFK#67
TMAFK#68
TMAFK#69
TMAFK#70
TMAFK#71
TMAFK#72 [EPILOGUE]

TMAFK#60

11.8K 318 33
By YnaSone

Adriana's pov.

"Flowers for you." May pinatong na artificial pink roses si Ava sa aking table habang kinikilig ito.

"Kanino galing?"

"Kay Dominic mo." Masaya nilang sambit at sinusundot ang aking bewang.

"Akala ko kay unknown number." Hanggang ngayon nagte-text pa rin ang lalaking never ipakilala ang kanyang sarili. Nagpapadala din ito ng totoong pink roses hindi gaya ni Mr. Sy Yabang na artificial lang.

"Kayo na ba ni unknown number?"

"Hindi ah! We're just text mate." Sagot ko sa tanong ni Ava ngunit tila ayaw nila maniwala sa akin.

"My text mate ba na nag-aalabyuhan?"

"Hoy! Binasa mo?" Inis kong tanong kay Maxine nang asarin ako.

"A little!"

"May gusto ka na yata kay unknown number."

"No way! Hindi na ako nagpapabola sa mga lalaki ngayon. Mga manloloko lang!" I'm just bored kaya ini-entertain ko si unknown number pero wala akong balak seryosohin.

"Not all!" Singit ni Maxwel na kararating lang sa room. "Hindi lahat ng lalaki manloloko. Loyal nga ako sa'yo." Nakangiti nitong sambit. I'm so thankful to Maxwel dahil tanggap na niya na hanggang magkaibigan lang kami.

"Except sa'yo Maxwel."

"Kaninong flowers 'yan?" Tanong niya at kinuha ang bulaklak.

"Pang peace offering ni Dominic."

"May ginawa na naman bang kasalanan sa'yo?" Tanong nito para ako'y umiling.

"May note oh!" Pinakita ni Maxwel sa akin ang note dahilan para ako'y ma alarma.

"Akin na 'yan." Pilit kong kunin sa kaibigan ko ngunit ayaw niyang ibigay.

"Good luck sa laro Adriana. From your handsome enemy." Basa nito sa maliit na papel dahilan para asarin ako ng mga kaibigan ko.

Madalas kaming magkita ngunit bihira naman mag-usap dahil pareho kaming busy sa gaganaping program dito sa SEU.

"Anong oras ang laro mo?"

First day of SEU Intramurals ngayon. Ang bawat section ay may panlaban sa bawat patimpalak. At ako'y kasali sa larong badminton at volleyball.

"Ngayon na." At pinakita ko kay Maxwel ang suot kong jersey na ipinahiram niya.

"Samahan na kita."

Papunta na kami sa covered court nang makasalubong namin si Dominic kasama ang kanyang fiance.

"Hanggang ngayon tanga pa rin 'yang ex mo." Bulong ni Maxwel habang masama ang tingin kay Dominic.

"Hanggang ngayon malandi pa rin si Belle." Panlalait ko nang mapansin kong nakapulupot ang kamay nito sa braso ng ex ko.

"Totoo nga pa lang ang balita na magboyfriend and girlfriend kayo ni Maxwel." Wika ni Belle nang tumigil ito sa tapat namin.

"Kumalat na pala ang tsismis."

"S'yempre kilalang kila ka dito Adriana. Ang dating kriminal ng SEU." Mataray niyang sambit dahilan para pigilan ito ni Dominic.

"Ana, stop it."

"Don't be jealous, Belle. Ikaw na ang susunod na kriminal ngayon." Napangiti ako nang mapansin itong nainis sa sinabi ko.

"You're so lucky with Maxwel. Binigyan ka pa ng flowers kahit hindi mo deserve. Remind ko lang sa'yo na bantayan mo iyang girlfriend mo baka kasi niloloko ka lang." Payo ni Belle sa kaibigan ko.

"Thanks for your concern, but she's not like that." Pagtatanggol ni Maxwel at inakbayan ako na ikina simangot naman ni Dominic.

"Thanks sa concern mo, Belle. But I'm not like you na manloko lang sa lalaki."

"And you!" Tinuro ko si Dominic at binigyan ng matamis na ngiti para magselos itong si Belle.

"Remind ko lang sa'yo Dominic na don't trust too much with someone else kahit na sa kaibigan mo pa ito. Mahirap na baka niloloko ka." Payo ko at tinapik tapik ang balikat nito.

"Ana is not like that." Pagtatanggol ni Dominic dahilan para pagtawanan ako ni Belle.

"Bahala ka, Mr. Dominic. Concern lang naman ako sa tulad mo." At kumindat ako. "By the way Belle, ang sweet pala ng fiance mo."

"Oo naman. Laging sweet pagdating sa akin." Proud niyang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Sa sobrang sweet pati ako pinapadalhan ng bulaklak." Pang-iingit ko habang pinakita sa kanya ang hawak na bulaklak ni Maxwel.

"What do you mean?"

"Dominic, thank you sa padala mong bulaklak. I liked it!" At naglakad na kami palayo sa kanila habang tuwang tuwa sa naging reaksyon ni Belle.

"Galingan mo, Adriana." Saad ni Maxwel at inayos ang sintas ko na hindi maayos ang pagkakatali.

"Thank you Maxwel for everything. Gagalingan ko para sa'yo." Niyakap ko mo na ito bago tumakbo pababa ng court.

"Go Anabelle!" Nagsigawan ang lahat nang bumaba rin si Belle sa court dahilan para ikagulat ko.

Anong ginagawa niya?

"OMG! Adriana Versus Ana." Sigaw ng mga estudyante habang hindi makapaniwala sa nakita.

Kalaban ko na nga pagdating sa lalaki pati ba naman dito sa laro kalaban ko pa rin.

"So, ikaw pala ang kalaban ko?" Mataray niyang tanong nang makarating ito sa tabi ko.

"Matagal na."

"Hindi ko akalain na marunong ka pa lang maglaro ng badminton." Hindi makapaniwalang sambit ni Belle.

"Puro panlalaki lang kasi ginagawa mo kaya hindi mo napapansin ang talent ko." Saad ko at tumawa ng mahina.

"You are so lucky dahil napaka talented mo. Magaling ka na ngang kumanta at sumayaw pati ba naman sa paglandi the best ka." Pagpuri niya habang nagwi-wave sa mga taong sumusuporta sa kanya.

"Huwag kang mainggit. May talent ka rin naman pagdating sa panloloko at pagpapanggap."

Huminto na kami sa pagbabangayan nang dumating na ang referee.

Pinalo ko na rin ang shuttlecock papunta sa kanya dahilan para agad niyang maibalik sa akin.

"Nice one Belle." Sigaw ng supporters ng kalaban ko nang hindi ko ito napalo pabalik sa kanya.

"Loser!" Tawag ni Belle dahilan para bigyan ko ito ng mapang-asar na ngiti.

Stop looking at me Mr. Sy Yabang. Nawawala ako sa focus dahil sa titig mo.

"One—zero!" Sigaw ng scorer.

"Go Adriana!" Sinyas ni Dominic dahilan para hindi ko mapansin ang ginawang pagpalo ni Belle ng shuttlecock papunta sa direksyon ko.

"Two—zero!"

"Shit! You're driving me crazy." Napasabunot na lang ako sa sarili ko nang ma-distract ako kay Dominic.

"Marunong ka ba talagang maglaro o sadyang naggagaling galingan ka?" Tanong ni Belle habang nagmamaigi sa akin.

"Pinagbibigyan lang kita Belle."

"Bitch!' Inis niyang sigaw at pinalo na papupunta sa ang shuttlecock.

"Adriana, concentrate." Bulong ko sa sarili ko bago hampasin ang shuttlecock papunta kay Belle dahilan para lumampas ito ng line.

"Three—zero"

"Go Ana!" Napatingin ako sa direksyon ni Dominic na sumuporta sa kanyang fiance. Hindi ako nagseselos sa kanila. Naiinis lang ako dahil nagpapaloko ito sa dati kong kaibigan.

"Four—zero!"

Hindi ko namalayan na nasa akin na pala ang shuttlecock para magkapuntos si Belle.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalaro hanggang matapos ang game one. May tatlong set ang laro at panalo si Belle sa set one dahil sa katangahan ko.

"Anong nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Ava habang pinapaypayan ako.

"Hindi ako makapagconcentrate ng maayos."

"May problema ba?" Tanong ni Maxine dahilan para ituro ko si Dominic na nakatingin sa direksyon ko.

"Nadi-distract ako sa kanya."

"Adriana, titig lang 'yan hindi nakakamatay. Gusto mo bang matalo ang section natin?" Tanong ni Abigail na tila kinokonsensya ako.

"Babawi ako."

"Alam kong magaling si Belle sa larong badminton pero Adriana mas magaling ka." Pampagaan ng loob ng mga kaibigan ko.

Nang magstart na ang laro para sa set two ay bumalik na ako sa gitna para harapin si Belle.

"Tell to your fiance na natutunaw ako sa mga titig niya." Pang-aasar ko habang tinuturo si Dominic na pasimpleng tumitingin sa akin.

"Kapal ng mukha mo Adriana. Hindi naman siya naka tingin sa'yo kundi sa akin."

"Oh really? Akala ko manhid ka iyon pala bulag ka rin." Pang-aasar ko at nagpapansin muli ako sa kanyang boyfriend.

"Lumalandi sa akin 'yang fiance mo habang wala ka. Poor Belle!" Dagdag ko dahilan para magalit ito.

"Sasampalin mo ako?" Tanong ko nang mapansin ko ang pagtaas ng palad niya.

"Don't talk to me like that. I am the SSG president here."

"I am a student here." Proud kong sambit habang pinaglalaruan ang aking buhok para magpapansin kay Dominic.

"Mas mataas ang posisyon ko kesa sa'yo. So, please respect me."

"I thought you were smart. Ang tungkulin mo ay manilbihan sa mga estudyante. But look at yourself, hindi ka mukhang leader kundi katulong." Pang-aasar ko at bumalik na sa direksyon ko nang pumito ang referee.

Inihagis na ni Belle ang shuttlecock papunta sa akin kaya nagfocus lang ako doon.

"Galingan mo Adriana." Sigaw ng mga kaklase ko nang maibalik ko ang shuttlecock sa kalaban.

Kitang kita kung paano ma-distract si Belle sa ginagawa kong pagpapapansin sa kanyang fiance.

"Manalo! Matalo! Adriana pa rin kami." Cheer ng mga kaklase ko para mapangiti ako. Solid ang suporta nila sa akin ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan.

"Congrats Adriana!" Sigaw ng mga kaibigan ko nang manalo ako sa game two.

"Isipin mo na lang na ikaw si badminton racket habang si Dominic naman ay si shuttlecock na pinag-aagawan niyong dalawa ni Belle." Suggest ni Abigail dahil para makipag-apir ang dalawa.

"Gusto mo bang manalo si Belle at mapunta sa kanya si Dominic? Or you won't let her win dahil ayaw mong mawala sa'yo si Dominic?"

"Hindi involve si Dominic sa laro. Mananalo ako sa game not because of him para ito sa section natin." Pagtatama ko at bumalik na muli sa pwesto ko.

Napangiti ako nang mahuli kong nakatingin sa akin si Dominic na tila gustong punasan ang mga pawis ko.

"Babaero!" Bulong ko at ngumiti sa kanya para ipakita kay Belle na nag-e-enjoy ako sa mga titig ng fiance niya.

"Nice one Adriana!" Sigaw ni Ava nang makapuntos ako. Nawawalan ng focus si Belle dahil ang lalaking inaasahan niyang susuporta sa kanya ay walang ginawa kundi titigan ako.

"TIME OUT!"

Nakita ko ang biglang pagsulpot ni Belle sa harap ni Dominic para yakapin ito nang mahigpit.

"Selos?"

"Wala sa bokabularyo ko ang magselos sa isang tulad ni Belle." Sagot ko sa pang-aasar ng mga kaibigan ko.

"Are you tired?" Nagulat ako nang magsigawan ang mga kaklase ko dahil sa biglang pagsulpot ni Maxwel sa harap ko habang may dalang towel.

"Hindi pa naman."

"Kawawa ka naman kung wala kang boyfriend na gagawa nito." At pinunasan niya ang aking pawis mula sa mukha hanggang leeg.

"Go Mrs. Devela!" Sigaw ng mga kaklase ko dahilan para magkaingay ang lahat.

"Sila ba talaga?"

"OMG!"

"Si Maxwel at Adriana nga."

"Look sa jersey name." Bulungan ng mga estudyante nang mapansin nila na apelyido ni Maxwel ang nakatatak sa jersey na suot suot ko.

"GO ADRIANA!"

"GO BELLE!"

Mas umiinit ang laban namin ni Belle dahil halos nagpapalitan na lang kami ng shuttlecock at dikit sa bawat puntos.

"FOURTEEN — FOURTEEN!" Announce ng scorer nang mahabol ni Belle ang score ko. Magaling ka sa lahat ng bagay pero hindi ko na hahayaan na manalo ka sa laban ko.

"Sorry Belle!" Malakas kong pinalo ang shuttlecock papunta sa kanya at sinadyang madapa sa harap ng maraming manonood upang mapunta sa akin ang atensyon.

"Adrianaaaa." Lumapit sa akin so Dominic habang sinusuri ang natamo kong sugar sa braso.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito para mapangiti ako. Pasok na yata ako sa pagiging artista para mapaniwala ang gagong 'to.

"Hindi!" Saad ko at nagpanggap na may masakit sa tuhod ko.

"Please, mag-ingat ka naman sa susunod. You scared me." Sigaw nito sa akin para ika bilis ng tibok ng puso ko.

"Anong problema?" Tanong ni Dominic nang mapansin akong nakahawak sa aking dibdib.

"Chest pain siguro." Pagsisinungaling ko.

"Congratulations Miss Chavez!" Saad ng referee kasabay ang malakas na hiyawan mula sa mga estudyanteng sumusuporta sa akin.

Pasimple akong ngumiti kay Belle at kitang kita ko paano ito magalit. Hindi niya napalo ang shuttlecock pabalik sa akin. Nawalan siguro ng concentration dahil ginawa ni Dominic na paglapit sa akin.

"Dadalhin kita sa clinic." Tinulungan niya akong maka tayo ngunit hindi pa ako satisfied na pagselosin si Belle.

"Sorry!" Napayakap ako sa kanya nang mahirapan ako sa paglakad. Nagawa niya akong buhatin tulad ng pangbridal style carry dahilan para kiligin ang mga estudyante.

"OMG!"

"Muling ibalik ang dati."

"Put me down baka magalit si Belle." Kunwareng nakokonsensya pero sa totoo'y nag-e-enjoy ako.

"Don't mind her. I will talk to her later."

Kitang kita ko ang selos mula sa mga mata ni Belle na naramdaman ko rin noon. Ipaparanas ko kung gaano kasakit ang iwan gaya ng ipinaranas mo sa akin dati.

"Marunong ka ba talagang maglaro ng badminton?" Tanong ni Dominic na tila hindi makapaniwala.

"Oo kaya nga nanalo ako."

"So, ba't natalo ka ni Ana sa game one?" Kilala ako ni Dominic noon na walang hilig sa sports tanging sa arts lang. But just like seasons, people change.

"Kasalanan mo iyon." Paninisi ko sa kanya at tiningnan ito ng masama.

"Bakit ako?"

"Gawa ng titig mo. Nakaka distract!"

"I can't stop looking at you. You're so damn georgeous." Pakilig niya para mapangiti na naman ako na parang tanga.

"What happened to Miss Chavez?" Sinalubong kami ni Nurse Glen habang tinuturo ang gasgas ko sa tuhod.

"Nagpapansin sa akin." Sagot ni Dominic kay Nurse Glen.

"Kapal ng mukha mo."

"Nadapa sa paglalaro ng badminton." Maayos na paliwanag ni Dominic dahil binigyan ko ito ng masamang tingin.

"Akala ko nahulog na sa'yo." Nakangiting biro ni Nurse Glen dahilan para tumawa naman itong si kasama ko.

"Paki gamot nga Nurse Glen."

"Sus! Kaya mo na 'yan Dominic." Mukhang nagtuturuan pa sila kung sino ang maggagamot sa sugat ko.

"Pakitawagan na lang si Maxwel." Utos ko kay Dominic. "Bakit kay Maxwel pa?" Tanong ni Dominic habang nakasimangot.

"Ayaw mo e!"

"Wala naman akong sinabing ayaw." Kinuha niya ang first aid kit para gamutin na ang mga gasgas ko.

"Kailangan pang gamitin si Maxwel para lang mapapayag ka." Pang-aasar ko para mapatawa rin si Nurse Glen.

"Alam mo ba noong bata pa ako—"

"May naalala ka na?" Hindi na niya ako pinatapos ng kuwento nang bigla itong magtanong.

"Childhood memories lang ang naalala ko."

"Akala ko naalala mo na ako." Ngumiti ito sa akin ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagsisi dahil sa mga ginawa niya sa akin noon.

Don't worry Nic naaalala naman kita mula bata hanggang ngayon.

"Tuwing nadadapa ako laging nad'yan ang kaibigan ko para gamutin ang mga gasgas ko."
Kuwento ko baka sakaling maalala niya ako.

"Bakit mo sa akin sinasabi?"

"Kasi type ko lang."

"Type mo ako?" Tanong niya at ngumiti sa akin.

"Puwede ba—"

"Why not? Type rin kita." Saad niya nang hindi ako patapusin sa pagsasalita.

"Puwede ba pakilinisan na ang gasgas ko." Paglilinaw ko sa aking sinabi dahilan para mapahiya ito. Napaka assuming mo!

"Ikaw na nga itong inaasikaso. Ikaw pa itong nagrereklamo."

"I thought, you wanted to be a doctor. Bakit hindi mo i-apply sa akin ngayon?" Hindi 'yung kay Belle ka lang nagpapakatulong at nagpapakatanga.

"Bakit ikaw ba ang ex ko?"

"Sa akin mo naman nakikita ex mo." Proud kong sambit at nagpa-cute sa harap niya.

"Nakikita ko lang sa'yo but you will never be like her. She's too kind hindi mo tulad na stubborn at hindi sweet."

"Stop comparing me to your ex. Di hamak na mas tanga iyon kesa sa akin." Sobrang tanga ko noon para magtiwala at maniwala sa tulad mo na manloloko.

"Tanga?"

"Tanga ang ex mo dahil nagkagusto sa lalaking may fiance na at maraming babae." Inis kong sambit sa kanya.

"Ba't ka galit? Ikaw ba ang ex ko?"

"Hindi at never akong magiging ex mo." Kung mahulog muli ako sa'yo ay gagamitin ko na ang utak ko huwag lang masaktan sa isang tulad mo.

"And one more thing....bakit ibang babae ang inisiip mo? E ako 'tong nasa harap mo?" Pagpapanggap ko na nagseselos sa ex niya. Kunti na lang mahuhulog ka rin sa akin Mr. Dominic.

"Nasa harap nga kita pero siya pa rin ang hinahanap ko." Malungkot nitong sambit.

"Paano naman si Belle?"

"Nasa puso ko silang dalawa." Sambit niya para makaramdam ako ng inis. Hindi ba puwede ako lang?

"Ang dami mo naman babaeng nagpapatibok sa puso mo."

"Kasama ka na rin Adriana." Pakilig niya habang tinuturo ako.

"Babaero ka nga talaga." Reklamo ko habang pinipigilan huwag magpadala sa mga banat niya.

"But there's a woman I love the most."

"Sino?" Curious kong tanong habang nagdadasal na huwag sana si Belle dahil ayokong masaktan si Dominic sa bandang huli.

"U!"

Continue Reading

You'll Also Like

677K 1.4K 2
Highest ranking #11 in Action Top #1 in Fantasy as of June 6, 2019! Top #15 (01/15/19)
1.3K 311 25
This story is not based on fiction or fantasy, but a story of true and beautiful love. A love that was full of life and color, that was never be dull...
14.1K 243 16
✅ COMPLETED ✅ I MarriedToMrArtista Side Story I [Philip Renier Young's story] Walang ibang minahal si Philip kundi si Martha lang. Dahil sa paghahang...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...