The Dragon Prince

By Queen_Phoenix28

144K 9.4K 398

Ang tanong, may nabubuhay pa bang Dragon sa mundo? Kung meron man, kailangan ko silang mahanap... Sa lalong... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129

Chapter 54

1.1K 71 3
By Queen_Phoenix28

Yves's POV

Agad akong pumasok sa isang pinakamalapit na kwarto para takasan sila. Nandito pa rin ako sa dormitory ng mga warriors. Pagkasara ko ng pinto ay agad kong tinungo ang terrace ng kwarto. Tumalon ako sa isang pinakamalapit na puno para makaalis dito. Nagpalipat-lipat ako sa mga puno.

May naririnig na rin akong mga pagsabog sa paligid. Tumigil ako sa isang puno. Nagtago ako dito ng may mapansin akong tumatakbong mga estudyante sa ibaba. Ng umalis na sila dito ay agad akong tumalon pababa ng may maramdaman akong aatake mula sa itaas ko. Ng maglanding ako sa lupa ay agad akong nag-summon ng dalawang Leaf Sword. Agad akong umikot para harapin ang nasa likod ko. Sinalag ko ang espada niya gamit ang dalawang espadang hawak ko. Ako talaga ang puntirya ng mga warriors ngayon. Bahagya ko siyang itinulak para dumistansiya sa kanya. Nag-backflip ako ng tatlong beses ng may nagpaulan ng mga Air Strike mula sa itaas. Ng maglanding ako sa lupa ay tumingala ako para makita ito. Naka-cloak ito habang nakalutang sa ere. Iwinasiwas ko ang espada ko sa harapan ko ng maramdaman kong may atake siyang ginawa. At tama nga ako. Air Blades. Ng matamaan ko ang mga ito ay nagkaroon ng malakas na pwersa sa harapan ko.

Nabigla ako ng tumilapon bigla ang warrior na kaharap ko kanina. Tumama siya sa isang puno. Nanatili akong nakatingin sa itaas. Hanggang sa unti-unti itong bumababa hanggang sa makatapak na ito sa lupa. Napatingin ako sa paligid ng mapansin kong may mga estudyante ng papunta dito sa kinaroroonan ko. Pero napapikit ako ng magpakawala ang naka-cloak ng malakas na pwersa gamit ang hangin. Tumilapon ang mga estudyante palayo sa amin. Nasira na rin ang mga puno na nasa malapit sa amin. Naghanda ako. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga espada ko.

Itinapat niya ang palad niya sa akin. May lumabas na magic circle sa harap niya. "Four Element.... Zero Barrier." sabi niya.

Nabigla ako sa narinig ko. May namuong barrier na pumalibot sa aming dalawa. Malaki ito. Pero kami lang dalawa ang nasa loob nito. Sa pagkakatanda ko, walang makakasira ng barrier na ito kahit anong elemento ang gamitin laban dito. Dahil pinagsama-sama ang apat na elemento sa barrier na ito.

Tinanggal niya ang hood ng cloak niya. Nagulat ako ng makita ko kung sino yun. Ang... Ang lalakeng yumakap sa akin noon sa hallway sa dorm namin... Ngumisi ito.

"Tignan natin ngayon kung anong kaya mong gawin..." Tumawa ito. "Alam mo naman siguro kung anong kaya kong gawin ngayon." nakangisi ito. "At sa lagay mo ngayon, wala kang laban sa akin."

Napamura ako. "Lazer L-.." hindi ko natuloy ang spell ko. Napatingin ako sa wrist ko. Shit. May Seal Magic pala sa akin.

Narinig ko itong tumawa. "Mukhang nakakalimutan mo... May Seal Magic sa iyo. Anong gagawin mo ngayon? Walang tutulong sa'yo."

Bigla niya akong pinaulanan ng mga Air Bombs. Pero inilagan ko lang ang mga ito. Napatingin ako sa isang gilid ng may tumawag sa pangalan ko. Si Cris.

Napamura na lang ako ng may sumabog sa harapan ko. Mabuti na lang at nakapagcast agad ako ng spell at nakagawa ako ng barrier. Lumapit ako sa barrier kung nasaan si Cris. Marami na ring mga estudyante ang nandito.

"Yves." sabi niya ng makalapit ako sa kanya. Sinusuntok niya ang barrier pero wala itong magawa. Iniipon niya ang kapangyarihan niya sa kamay niya tsaka niya ipinatatama sa barrier pero sa oras na tumama ito ay nawawala ang kapangyarihan sa kamay niya. Maluha luha itong nakatingin sa akin.

"Fyro.. Kailangan kita ngayon.." sabi ko. Itinapat ko ang palad ko sa barrier. Lumapit si Fyro sa kinaroroonan nito at ilinapat din ang palad niya sa barrier.

Alam kong impossible ito.. Pero, susubukan ko. Huminga ako ng malalim. "Spirit Assimilation.." sabi ko. May namuong pwersa sa katawan ko at sa paligid ko. "Spirit Drive." sigaw ko. Pero napatigil ako ng walang nangyayari. Hindi pumapasok si Fyro sa katawan ko. Napaharap ako sa likuran ko ng tumawa ito. Napaatras ako ng atakihin ako ng mga Air Blades at Air Bombs. May mga galos na ako sa katawan ko. Sira na rin ang damit ko. Napaluhod na ako.

"Cris." pagtawag ko sa kanya. Liningon ko ito habang sinusubukang tumayo. Nandito na halos lahat ng estudyante maging ang mga Student Council. "Kailangang matanggal ito." sabi ko sabay pakita sa kanya ang wrist ko. "Pipigilan ko siya." sabi ko. Ito na lang ang natitirang pag-asa at paraan para pigilan siya. Gagamitin ko sa kanya ang majika ko.

Umiling ito. "Please... Don't do this.." maluha-luhang sabi niya. Sumandal na ito sa barrier. "Malalaman na nila." mahinang sabi niya.

"Wala na akong ibang naiisip na paraan..." sigaw ko sa kanya. Napatingin ito sa akin. Mamamatay ako kapag wala akong ginawa. "Please... Pagkatapos nito, proprotektahan mo naman ako, di ba?" sabi ko. Tumango ito. "Of course." sagot niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Tawagin niyo dito ang Headmistress.. Ngayon na." sigaw niya.

"Hindi na kailangan.. Ako ng bahala.." napatingin ako sa nagsalita. Si Elle. Agad akong tumalon sa kabila ng muli niya akong atakihin. Ibinato ko sa kanya ang dalawang espadang hawak ko pero bigla itong tumigil tsaka bumalik sa kinaroroonan ko. Inilagan ko lang ito. Nagbackflip ako para maiwasan ito.

"Absolute Cancel." sabi ni Elle. Saktong paglanding ko sa lupa ay nawala na ang Seal Magic sa wrist ko. Napangiti ako.

"Babe... Please... Tanggalin mo na ito.." sabi ni Cris.. Liningon ko ito. Narinig ko pang pinipigilan ako ni Fyro pero binalewala ko lang ang mga ito.

Umiling ako. Hindi ko hahayaang madamay sila. "Ako ng bahala sa kanya." sabi ko. Wala na akong pakialam kung malalaman nila kung ano ang totoong majika ko.

Hinarap ko siya. Nakangisi ito. "Let's start." seryosong sabi ko.

"Show me what you've got." sabi niya.

Agad akong nawala sa kinatatayuan ko. Lumitaw ako sa likod niya. "Water Javelin!" sigaw ko. Inatake ko siya mula sa likod. May matulis na gawa sa tubig ang tumama sa likod nito. Bumagsak na ito sa lupa. Nakasuot na rin ako ng Water Drive ko. Bumaba ako sa lupa.

"Water Vortex." inatake ko ulit siya. Pero nailagan niya lang ito. Inatake niya rin ako gamit ang Water Vortex. "Two-layered magic circle.." sabi ko. May lumitaw na dalawang magic circle sa harap ko.  "Mirror Water." pagcast ko. Hinigop nito ang Water Vortex niya. Tsaka ko pinatama ito sa kanya pabalik pero mas malakas ito. Nailagan niya ulit ito. Nararamdaman nila kung gaano kalakas ang aming mga atake pero hindi sila naaapektuhan sa labas ng barrier.

Sunod-sunod ko siyang pinatamaan ng Water Slicer. Pero, gumawa lang siya ng Air Wall sa harap niya para protektahan ang sarili niya. Pinalitan ko ang suot kong armor. Tinanggal ko ang Water Drive ko. Pinalitan ko ito ng Fire Drive. Ngumisi ako sa kanya.


Binato ko siya ng maraming Fire Balls. Nahihirapan na siyang depensahan ang sarili niya. Napangiti ako ng mapansin ko siyang pinalilibutan na siya ng itim na awra. Sa wakas, nagpakita ka rin.

"Hindi ko lubos maisip, ikaw lang pala ang hinahanap namin." seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi ko rin inaasahan na may dalawang katauhan ang katawang yan." sabi ko.

Tumingin ito ng masama sa akin.

"Yves!!.. Please, let me help.." sigaw ni Cris sa isang gilid. Tinignan ko lang siya na parang sinasabing ako ng bahala sa kanya. Ayaw kitang masaktan. "Please?" pakiusap niya. Pero itinuon ko na ang ayensiyon ko sa kalaban.

Itinapat ko ang palad ko sa kanya. Nagcast ako ng isang Fire Spell, "Explosive Scattershot." sabi ko. May lumabas na magic circle sa harap ko. Mula dito ay may mga apoy na lumabas at patama ito lahat sa kanya. Ng tumama ito sa kanya ay bigla itong sumabog. Ramdam na sa paligid ang lakas ng spell kong iyon. Salamat na lang dahil sa barrier na ito ay hindi madadamay ang mga nasa labas nito.


Napamura na lang ako ng maaninag ko na nakatayo pa rin ito. Nakasuot na rin ito ng Fire Drive pero itim ang kulay nito. Dark Flame sabi ko. Mukhang pinagsama na nito ang Fire at Dark Element. Mukhang mahihirapan ako sa isang ito.



------------------
A/N: Follow me.. Please? Thanks.. Love you..

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...