They Met At First Kiss

By YnaSone

2.2M 35.4K 5K

Meet Adriana Joyce Chavez, isang matalino at talintadong babae ngunit tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwal... More

They Met At First Kiss Synopsis
TMAFK#1
TMAFK#2
TMAFK#3
TMAFK#4
TMAFK#5
TMAFK#6
TMAFK#7
TMAFK#8
TMAFK#9
TMAFK#10
TMAFK#11
TMAFK#12
TMAFK#13
TMAFK#14
TMAFK#15
TMAFK#16
TMAFK#17
TMAFK#18
TMAFK#19
TMAFK#20
TMAFK#21
TMAFK#22
TMAFK#23
TMAFK#24
TMAFK#25
TMAFK#26
TMAFK#27
TMAFK#28
TMAFK#29
TMAFK#30
TMAFK#31
TMAFK#32
TMAFK#33
TMAFK#34
TMAFK#35
TMAFK#36
TMAFK#37
TMAFK#38
TMAFK#39
TMAFK#40
TMAFK#41
TMAFK#42
TMAFK#44
TMAFK#45
TMAFK#46
TMAFK#47
TMAFK#48
TMAFK#49
TMAFK#50
TMAFK#51
TMAFK#52
TMAFK#53
TMAFK#54
TMAFK#55
TMAFK#56
TMAFK#57
TMAFK#58
TMAFK#59
TMAFK#60
TMAFK#61
TMAFK#62
TMAFK#63
TMAFK#64
TMAFK#65
TMAFK#66
TMAFK#67
TMAFK#68
TMAFK#69
TMAFK#70
TMAFK#71
TMAFK#72 [EPILOGUE]

TMAFK#43

18.8K 471 116
By YnaSone

Adriana's pov.

"Huwag na huwag kang papasok dito hangga't wala akong pahintulot." Linyahan ng kapatid ko tuwing ayaw na ayaw akong papasukin dito sa lumang kwarto hanggang ngayon.

Pumasok pa rin ako kahit bawal. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko at gusto kong masagot iyon.

"Best friend forever," basa ko doon sa nakita kong envelope na may naka drawing na dalawang bata.

Tsk! Best friend forever daw pero siya nga umagaw sa boyfriend ko. Kinuha ko na ang envelope dahil gusto ko lang makita ang mga drawing namin ni Belle noong malilit pa kami.

Nang makuha ko iyon ay bumalik na agad ako sa kwarto. Masayadong ma alikabok kaya hindi ko kayang magtagal sa loob.

"BELLE AND ADRIANA FOREVER!" Nang mabasa ko iyon ay nakaramdam ako ng inis at galit sa dati kong kaibigan. Sa dami ng lalaki sa SEU ay bakit ang boyfriend ko pa ang napili niya. Ahas!

Nakita ko sa loob ang aming mga draft ng drawing na medyo luma na.

"My first best friend turned into my enemy." Binato ko 'yung envelope dahilan para kumalat ang mga papel. I trusted her so much pero sinira lang niya dahil sa pagiging ingitera niya.

"What's that?" May nakita akong kakaibang litrato na ngayon ko lang nakita. Dinampot ko ang litrato kung saan ay may tatlong bata dahilan para mag doble doble ang paningin ko.

"All for one, all for three"

"Adriana!" Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya dali dali kong tinago ang envelope sa ilalim ng kama ko.

"Ikaw po pala."

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Alex at naupo sa kama ko.

"Don't worry about me, Kuya. Okay na ako." At nag-unat unat ako para ipakita sa kapatid ko na malakas na ako.

"Good!"

"Kuya Alex, diba business man ka?"

"Oo bakit?" Tanong niya habang nagtataka sa naging tanong ko,

"May kilala kang Isaac Monreal?" Posible kasing kilala niya ito dahil business man din ang kuya ko gaya ni Tito Isaac.

"Why did you ask?" Halatang nagulat ito sa tanong ko. Nagbago rin ang mood niya nang banggitin ko ang pangalan ng daddy ni Yuri.

"Do you know him?" Dagdag na tanong ni Kuya na mukhang interesado sa sagot ko.

"Yep, daddy ng kaibigan ko. Napakabait niya sa akin kuya biruin mo pinapapunta ako sa bahay nila para maglunch at dinner." Proud kong kuwento sa kapatid ko ngunit tila 'di niya nagustuhan ang sinabi ko.

"From now on, 'wag ka nang makikihabilo sa kanila. You don't know him well, Adriana." Anong problema niya? Kanina nag-aalala sa akin pero ngayon ay galit na ito sa mga sinabi ko.

"Kuya Alex, mabait na tao si Tito Isaac. Welcome ako sa family nila."

"Stay away from their family." Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Kuya Alex na hindi ko kayang tanggapin dahil napamahal na ako sa kanila.

"But they were kind to me. Kaibigan ko rin si Yuri kaya hindi ako lalayo sa kanila." Pagmamatigas ko na ikinasimagot ng kapatid ko.

"Basta lumayo ka na lang sa kanila hangga't maaga pa, Adriana."

"Bakit kailangan kong lumayo sa kanila?" Bigyan mo ako ng magandang rason kuya Alex kung bakit ayaw mo sa pamilya nila.

"They were rich at marami silang kaaway sa business and politic baka madamay ka pa."

"Pero wala silang kaaway kuya." Hindi naman sila masasama para magkaroon ng mga kaaway.

"I am your brother kaya mas alam ko ang ikakabuti mo. I knew them already at masasabi kong hindi sila dapat kaibiganin. Trust me, Adriana." Hawak hawak niya ang aking kamay habang nagmamakaawa na layuan ang pamilyang Monreal.

"Naiintindihan ko kuya." No choice na ako dahil mas paniniwalaan ko ang kapatid ko kesa sa ibang tao. Siya lang ang meron ako.

"How many times have you seen him?"

"Many times na pero ngayon ay hindi na simula nang dumating si Belle sa buhay nila." Gusto ko magtampo kay Mr. Monreal dahil hindi na niya ako nabibigyan ng atensyon pero sino ba naman ako para sa kanya.

"Belle?"

"Si Belle ang nawawalang anak ni Tito Isaac na inakalang patay na." Kuwento ko na ikinagulat ng kapatid ko. Hatang hindi ito makapaniwala sa nalaman kahit ako ay hindi rin dahil nakakasama ko naman siya noong maliliit pa kami.

"Unbelievable!"

"Kasinungalingan ang lahat."

"Huh? Anong kasinungalingan doon?" Tanong ko nang marinig ko ang sunod sunod niyang bulong.

"Nothing, don't mind me. Hindi lang talaga ako makapaniwala."

"Me too! Napaka swerte niya."

"You don't really know na mas maswerte ka kesa sa kanya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Kuya Alex. Lagi niya akong pinapasaya kahit hindi totoo ang mga sinasabi niya

"Mas masuwerte pa rin si Belle because she found her father. E kailan ko kaya mame-meet si Daddy."

"Don't get jealous, Adriana. May kapatid ka namang gwapo at mahal na mahal ka." Agad ko naman itong niyakap dahil na touch ako sa pagiging sweet niyang kuya.

*******

"Adriana, kamusta?"

"Break na ba talaga kayo?" Salubong ng mga kaklase ko nang makita nila akong papasok sa room. Naisipan ko na rin pumasok dahil nag-aalala na ang aking mga kaibigan. Ayaw ko na rin mag-alala sa akin si kuya Alex dahil sa pagliban ko sa klase.

"Oo!" Wala kong mood na sagot sa kanila. Halos alam na ng lahat ng estudyante dahil pagpasok ko pa lang sa gate ay ako na ang topic.

"Aww!"

"May pag-asa pa bang magkabalikan kayo?" Sila 'yung mga kaklase kong botong boto sa relasyon namin ni Dominic.

"I don't know!" Mahirap tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa. Ang masakit lang kung kailan marami na kaming pinagsamahan bigla na lang susulpot ang mga taong sisira sa relasyon namin.

"Bakit ka ba nakipagbreak sa kanya dahil ba sa ahas niyang best friend?"

"Gano'n talaga, we're not meant to be." Ayokong sabihin sa kanila na 'Dominic chose his best friend than me' dahil ayaw kong maawa sila sa akin.

"Kamusta ka naman?" Nag-aalalang tanong ng mga kaibigan ko.

"I'm not okay!" Kahit anong gawing kong paglimot sa mga nangyari ay hindi ko magawa. Mas minahal ko siya kesa sa first boyfriend ko. Kaya doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Buwesit talaga 'yang si Belle. She planned it all para lang masira ang relasyon niyo." Galit na sambit ni Ava.

"Gaya rin siya ni Eunice na nagdadrama sa harap ng boyfriend ko." Marami silang pagkakatulad ngunit ang pagkakaiba lang ay si Belle ang first love, si Eunice ang unang niligawan at ako ang unang girlfriend.

"Tanga naman 'yang boyfriend mo para magpaniwala na naman sa iba."

"Maybe, he doesn't love me anymore. Lagi na lang niya pinipili ang kanyang first love than me." Ang sakit lang sa part na ginulgol ko ang panahon at oras ko sa kanya but he chose Belle na wala pang nagagawa sa kanya.

"I will talk to Eunice."

"No, Adriana hindi kami payag sa balak mo. Tinatraydor ka na nga, lalapitan mo pa." Sambit ni Ava at pinigilan akong maka alis.

"May gusto lang akong malaman sa kanya." Kung bakit meroong akong litrato ng tatlong bata na meroon din sila? Isa ba ako sa mga kaibigan nila?

"Bakit kailangan mo pang alamin na niloloko ka lang nila. Wake up Adriana, they fooled you."

"I just want to know about this picture." Pinakita ko sa kanila ang litrato na nakita ko sa mga gamit ko.

"Ano naman iyan?"

"Bakit meron kang litrato ni Dominic at Anabelle?" Tanong ng mga kaibigan ko habang nagtataka.

"I found this picture in our stock room. Litong lito ako kung bakit ako meron nito. They look familiar sa bawat panaginip ko." Lagi akong nakakapanaginip ng tatlong bata at malakas ang kutob ko na konektado ito sa akin.

"Si Dominic 'yung batang lalaki at si Anabelle naman ito. Pero sino 'yung isang babae?" Turo turo ni Maxine sa isang batang babae na matangkad kay Anabelle.

"I don't know. Kaya gusto kong makausap si Belle para maging malinaw sa akin ang lahat." Konektado din ba ito sa past ko? Isa ba ako sa mga bata sa panaginip ko?

"Ana, may naghahanap sa'yo." Pinuntahan ko sa room si Belle para itanong ang mga tanong na nabubuo sa isip ko. I believe, she knows everything.

"I am busy." Sigaw ni Belle at mataray na lumingon sa akin.

"Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakaka usap." Pagmamatigas ko.

"Ano bang kailangan mo?" Sa wakas ay lumabas na rin ito. Ibang iba na siya sa dating Anabelle na kilala ko. Mamahalin na rin ang mga suot niya at makakapal na makeup.

"Ouch!" Sigaw ni Belle nang hilahin ko ito palayo sa kanyang room. Dinala ko ito sa tahimik at walang makakarinig sa amin.

"Don't touch me, loser." Tinanggal ni Belle ang aking kamay habang nakakapit sa braso niya na halatang diring diri.

"Wala kang karapatang hilahilahin ako because I am the SSG President here in SEU." Proud niyang sabi. Nang malaman ni tito Isaac na nag-aaral sa SEU ang kanyang anak ay ginawa niya itong SSG President. Unfair pero wala kaming magawa.

"Hindi mo iyan mararating kung hindi ka namin tinulungan Belle." Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Ang gusto ko lang ay hindi na dapat siya nanghimasok sa relasyon namin ni Dominic.

"Oh ayan! Bayad na ako." Hinampas niya sa palad ko ang mga lilibuhing pera dahilan para mapangisi ako.

"I don't need your money." Inis kong binalik ang pera sa kanya dahil sa pagiging mapagmataas niya.

"Tanggapin mo na para makabili ka rin ng mga branded na damit." Wala siyang utang na loob sa amin. Purkit mas naka angat na siya kaya kung ituring niya ako ay parang basura..

"Nasuotan ka lang ng mga branded na damit pero mananatili ka pa rin basura sa aking paningin because of your attitude and personality." Panlalait ko sa kanya.

I admit na takot ako sa kanya dahil first love siya ng boyfriend ko pero hindi ko naman hahayaan na tapak tapakan na lang niya ang pagkatao ko.

"At least branded na ako ngayon e ikaw basura pa rin noon hanggang ngayon. Plus binasura ka na rin ni Dominic dahil sa kalandian mo."

Kailan pa ako naging malandi e halos bantay sarado ang boyfriend ko sa akin. Wala na rin akong time sa sarili at mga kaibigan ko dahil seloso ang lalaking 'yon.

"No, it's not true. Hindi pa kami break ng boyfriend ko dahil wala pang confirmation mula sa kanya." Iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Ako pa lang ang nakipagbreak sa kanya kaya wala pang officially break up sa aming dalawa.

"Don't worry Adriana, siya na mismo ang makikipag hiwalay sa'yo kaya mag-umpisa ka nang umiyak para advance." Masaya niyang sambit bago lumingon sa hawak kong litrato.

"What's that?" Nagulat ako nang bigla niya itong kinuha sa kamay ko.

"Bakit na sa'yo ito?" Kinakabahan ito habang hindi makapaniwala sa nakita niya.

"That's the reason kung bakit gusto kitang makausap. Bakit meron ako niyan na meron ka at si Dominic?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang siya ay nag-iisip ng isasagot.

"Where did you get this?"

"Just answer my question. Isa rin ba ako sa mga kaibigan mo? Ako ba ang bata d'yan?" Seryoso kong tanong sa kanya dahilan para mapabuntong hininga ito.

"Oo, ikaw ang batang 'yan." Turo ni Belle doon sa isang batang matangkad para mapangiti ako. I am also part of their friendship. Kaya siguro na in love ako kay Dominic nang biglaan.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kung alam pala ni Belle iyon bakit hindi niya agad sa akin sinabi. Maybe, planado talaga niyang lahat ito.

"I don't care about you."

"And huwag kang magpakasaya dahil hindi ka naman talaga namin kaibigan noon. Extra ka lang sa friendship at relasyon namin." Dagdag niya para masaktan ako. Hanggang kailan ba ako magiging extra sa buhay ng taong mahal ko. Even if we have a relationship, extra pa rin ako sa kanilang dalawa.

"Belle, ikaw ba talaga si Ana?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Napaka imposible para sa akin dahil nakasama ko naman siya noong maliliit pa kami.

"Yes, I am! Bumalik man 'yang alaala mo or not I am still Ana Monreal." Binigyan niya ako ng masamang tingin bago ako tinalikuran.

Bakit ang hirap tanggapin ng lahat ng natuklasan ko ngayon? I am just an extra in their love story. Tama naman si Belle hindi ako tinuring na kaibigan ni Dominic dahil hindi niya ako hinanap gaya ng ginawa niya kay Belle.

"Hanggang ngayon iyakin ka pa rin." Hindi ko akalain na mababangga ko ang unang lalaking inibig ko.

"Akala ko nga naging matibay ako simula nang iwan mo ako but I was still fragile." Bakit sa pangalawang tao pa ako lubos na nasaktan? Nagsimula lang naman kami sa laro pero bakit natapos sa masakit na hiwalayan.

"Sorry!" Hindi na ako nagdalawang isip na natanggapin ang panyong inaabot ni Kristoffer sa akin.

"Para saan?"

"Nagawa kitang saktan." Halata naman sa kanya na nagsisisi ito sa mga ginawa niya sa akin at matagal ko na rin siyang napatawad.

"Kristoff, matagal na kitang napatawad kaya wala na iyon para sa akin." Tanggap ko naman na hindi tayo para sa isa't isa. Pero mas tatanggapin ko na sana na hindi mo na lang sana ako niloko para ikaw pa rin ang lalaking laging nasa tabi ko. Wala sanang Dominic na lagi akong sinasaktan.

"Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana kita pinaubaya sa kanya." Sambit niya para maguluhan ako.

"What do you mean?"

"Babalikan sana kita kaso lang may mahal ka nang iba. I saw how happy you are with him kaya hindi na kita kinuha sa kanya." Mas lalo akong napaiyak sa kanyang sinabi. Bakit ngayon lang niya sinabi sa akin disin matagal na akong sumama sa kanya?

"I thought, you didn't love me anymore." Nagkaroon kami ng fake relationship para pagselosin ka pero bakit pinatagal mo pa 'yan tuloy nahulog na ako sa lalaking iyon.

"I still love you." Nakaramdam din ako ng totoong pagmamahal mula sa kanya. Pero alam kong hindi na kami para sa isa't isa dahil iba ang takbo ng isip namin pagdating sa lahat ng bagay.

"Please stop, I loved someone else." Kahit sinaktan ako ni Dominic ay mahal na mahal ko pa rin iyon. I'm so thankful to Kristoff dahil sa kanya nakilala ko rin ang taong minahal ko ng lubos.

"I know, kaya nga pinapalaya na kita." Masaya ako dahil naging ex ko ang lalaking dahilan kung bakit naging top student ako. Lagi niya akong pinupursue na gawin ang mga bagay na ikai-improve ko.

"Pero wala na rin kami ni Dominic."

"Bakit?" Siya lang ang kilala kong lalaki na walang paki sa tsismis. Lagi kasing hindi pumapasok kaya hindi alam ang nangyayari sa school.

"Break na kami."

"I'm so sorry Adriana nang dahil sa akin nasaktan ka na naman." Kung hindi sana niya ako niloko siguro hindi ko mararanasan ang masaktan ng paulit ulit kay Mr. Sy Yabang.

"It's not your fault, Kristoff. Sadya lang na iwanin ako ng mga taong mahal ko." Lahat na lang sila iniwan ako. Si Daddy na iniwan kami dahil sa ibang pamilya. Si Kristoff na iniwan ako ng wala man lang dahilan at ang boyfriend ko na iniwan ako dahil sa kanyang first love. Si Belle na kaibigan ko iniwan ako dahil lang sa boyfriend ko.

"Hindi ka ka-iwan iwan, Adriana. Sadya lang na tanga kami para saktan ka." Nagulat ako nang yakapin ako ni Kristoffer. Medyo nabawasan naman 'yung pain dahil sa yakap ng ex ko.

"Adriana, don't blame yourself kung iniwan ka man namin. Kasi hindi kami 'yung right person para sa'yo. You don't deserve us." Napangiti naman ako dahil hindi siya toxic ex boyfriend ko tulad ng iba. At masasabi kong comfortable pa rin ako sa kanya.

"Thank you dahil you always being there for me." Thank you for being part of my life kahit nasaktan mo ako ay naging masaya naman ako sa two years nating pagsasama.

"Sabihin mo lang sa akin kapag sinaktan ka ulit ni Dominic ako ang makakalaban niya." Saad niya at ginulo ang aking buhok.

"Hindi na, Kristoff. Kaya ko naman." Hindi ko na kailangan mandamay ng ibang tao dahil lang sa gulo namin ni Mr. Sy Yabang.

"Sabihin mo sa gagong 'yon magtutuos kaming dalawa." Matapang na sambit ni Kristoff para mapatawa ako. Gago rin naman siya para sa saktan ako.

"Huwag na!"

"Ayaw mo 'yon? EX versus EX." Biro niya para mapatawa kami pareho.

"Sira!"

"Adriana, I'm so lucky dahil ako ang unang lalaki na minahal mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Kristoff. Kung wala sanang mga taong mahilig manira ng relasyon ng iba ay maniniwala ako na kami talaga ni Kristoff para sa isa't isa.

Hindi lahat ng bagay dito sa mundo ay permanente. 'Yung baso nga na iningat ingatan mo nababasag at ang mga alahas na pinapahalagahan mo nawawala.

'Yung boyfriend mo pa kaya na minahal at pinagkatiwalaan mo ay bigla ka na lang iiwanan at itatapon na para bang basura.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 406 37
Carmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and t...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
423 96 7
COMPLETE | UNEDITED ______________ Sino nga ba ang tunay na salarin? Sino nga ba ang may kasalanan? Sino nga ba ang dapat sisihin? Nagtungo ang lima...
51.1K 366 56
Revised edition. Copyright © all belongs to Ms. Alesana Marie, original author of TBYD.