They Met At First Kiss

By YnaSone

2.2M 35.4K 5K

Meet Adriana Joyce Chavez, isang matalino at talintadong babae ngunit tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwal... More

They Met At First Kiss Synopsis
TMAFK#1
TMAFK#2
TMAFK#3
TMAFK#4
TMAFK#5
TMAFK#6
TMAFK#7
TMAFK#8
TMAFK#9
TMAFK#10
TMAFK#11
TMAFK#12
TMAFK#13
TMAFK#14
TMAFK#15
TMAFK#16
TMAFK#17
TMAFK#18
TMAFK#19
TMAFK#20
TMAFK#21
TMAFK#22
TMAFK#23
TMAFK#24
TMAFK#25
TMAFK#26
TMAFK#27
TMAFK#28
TMAFK#29
TMAFK#30
TMAFK#31
TMAFK#32
TMAFK#33
TMAFK#34
TMAFK#35
TMAFK#36
TMAFK#37
TMAFK#38
TMAFK#39
TMAFK#40
TMAFK#41
TMAFK#43
TMAFK#44
TMAFK#45
TMAFK#46
TMAFK#47
TMAFK#48
TMAFK#49
TMAFK#50
TMAFK#51
TMAFK#52
TMAFK#53
TMAFK#54
TMAFK#55
TMAFK#56
TMAFK#57
TMAFK#58
TMAFK#59
TMAFK#60
TMAFK#61
TMAFK#62
TMAFK#63
TMAFK#64
TMAFK#65
TMAFK#66
TMAFK#67
TMAFK#68
TMAFK#69
TMAFK#70
TMAFK#71
TMAFK#72 [EPILOGUE]

TMAFK#42

18K 473 55
By YnaSone

Adriana's pov

"Aalis ka na? Iiwan mo na ako?" Sunod sunod na tanong ng batang babae habang umiiyak.

"Babalikan naman kita."

Paalis na ngayon ang kanyang kaibigan na si Nic upang manirahan sa ibang bansa. Kaya masakit para sa kanilang dalawa ang mapalayo sa isa't isa.

"Pero kailan?"

"Kapag malaki na tayo. Kaya magpalaki ka dahil liligawan pa kita." Ginulo ng batang lalaki ang buhok ni Ana habang nanunubig ang mga mata nito.

"Huwag mo akong kakalimutan, Nic." Agad naman niyakap ni Ana ang kanyang kaibigan at ayaw nang pakawalan.

"Hinding hindi kita makakalimutan, Ana. Ikaw ang best friend, girlfriend at papakasalan ko in future." Sambit ng batang lalaki.

"Iinom ako ng cheryfer para lumaki na ako at hindi ka na aalis." Masakit para sa batang babae ang pag-alis ng kanyang kaibigan dahil iniwan na rin ito ng kanyang ama.

"Kailangan na namin umalis, Ana. Babalikan naman kita promise."

"Remember this, I am Dominic Giles Sy." Pakilala ng batang lalaki kay Ana. Sa tagal na ng pagkakaibigan nila ay hindi pa rin alam ang totoong mga pangalan ng isa't isa.

"Ikaw?"

"Ako si Ana Mon——" hindi na natapos ng batang babae ang pagpapakilala nang biglang dumating ang sasakyan ng mga magulang ni Nic.

"Dominic, let's go. Mala-late tayo sa flight."

"Babalikan kita, Ana."

"Promise?" Wala nang magawa ang batang babae na tanggapin na aalis na rin ang kanyang kaibigan.

"Promise Ana, babalikan kita."

******

"Adriana, kanina ka pa tulala. Anong iniisip mo?" Tanong ni Ava habang umiinom ng kape dito sa canteen.

"Iniisip ko lang 'yung panaginip ko kagabi. Pilit kong alalahanin pero hindi ko maalala." Tanging dalawang bata at pangalang Nic ang naalala ko.

"Baka bumalik na alaala mo noon?"

"Imposible naman iyon, Maxine. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik ang mga alaala ko."

One week na ang lumipas simula nang maging okay kami ng boyfriend ko. Although nakakasama niya si Ana pero mas lamang ako.

"Malay mo maalala mo pa rin 'yang memories mo. Hindi lang ngayon dahil baka hindi ka pa handa na malaman ang past mo."

"Ayaw ko nang bumalik sa nakaraan ko. Pero iba ang nararamdaman ng puso ko na tila gusto ko nang maalala lahat."

"Baka may past ka na hindi mo dapat puwedeng kalimutan." Sambit ni Ava habang nilalaro ang hawak niyang spoon.

"Hindi ko alam Ava. Natatakot ako na baka 'di ko na maalala ang boyfriend kung sakali mang bumalik ang alaala ko." Maraming naka encounter ng amnesia na naalala na ang past ngunit nakalimutan ang present. At ayokong mangyari iyon sa akin.

"Hindi iyan."

"Tiwala lang, Adriana, Kayo talaga para sa isa't isa." Sambit nila sa akin habang nakangiti sa akin.

"Nga pala, asan ang boylet mo?"

"Kasama ng boylet niyo." Okay na kami ng boyfriend ko at nagpofocus na rin ito sa akin. Si Belle naman patuloy lang ang pagpapapansin kay Dominic. S'yempre tumutulong din ang mga kaibigan ko para mapalayo sila sa isa't isa.

"Kailan date niyo? Anong oras?"

"Lunch time daw." Inakit ako ni Dominic na magdate dahil naging busy kami sa school dahil magsususunod sunod na ang mga events.

"Halika! Sama ka mo na sa amin." Hinila nila ako sa banyo at nagmamadaling ilabas ang mga makeup kit ng mga kaibigan ko.

"Anong ginagawa niyo?"

"Dapat maganda ka sa date niyo." Saad ni Ava at sinuklay ang buhok ko.

"Simplicity is beauty diba? Kaya okay lang na walang make up."

"Huwag ka nang makulit. Napapansin mo ba si Anabelle laging naka makeup. Kaya ikaw din dapat para mas tumindi ng nararamdaman ni Dominic sa'yo." Saad ni Ava.

"Hindi naman kailangan idaan sa pagandahan kung nagmamahalan naman kayo."

"Minsan kailangan mo rin magpaganda lalo na't ang daming babaeng umaaligid sa boyfriend mo. Ang gaganda pa man din." Saad ni Maxine at inumpisahang ayusan ako.

"So parang sinasabi mo na kailangan kung mag makeup para gumanda. Pinaparating mo yata na pangit ako?"

"Wala akong sinasabing pangit ka Adriana. You are beautiful even without makeup pero mas gaganda ka if meron." Paliwanag ni Ava.

"Simple lang ah!" No choice na ako dahil nasimulan na nila akong ayusan.

"Oo naman, trust me. Hindi ka makilala basta basta ni Dominic." Natatawang sambit ni Maxine. Mabilis lang nilang ini-apply ang makeup sa akin. Hindi nila kinapalan gaya ng sinabi ko.

"Gorgeous!" Hindi ko mapagilang hindi mapangiti dahil maganda ang kinalabasan ng makeup.

"Saan pala kayo magdadate?"

"Hindi ko alam basta pupuntahan na lang niya ako sa room natin." May practice kase sila ng basketball ngayon kaya mamaya pa kami magkikita.

"Good luck na lang sa inyo. Naway hindi masira ng bruhang Anabelle ang date niyo." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Maxine.

"Huwag na nga nating pag-usapan si Anabelle baka biglang hindi matuloy ang date namin." Lagi kasi siyang papansin sa boyfriend ko. Lagi niyang dinadahilan na pinapatawag siya ni Tito Isaac pero hindi naman.

Habang naglalakad kami papunta sa room ay may kung sinong lalaki ang humila sa akin papunta sa isang sulok dahilan para hindi mamalayan ng mga kaibigan ko ang pagkawala ko.

"Miss, have you seen Adriana?" Tanong ng lalaking humila sa akin.

"Bakit?" Tanong ko habang naguguluhan sa kanya. Kinabahan talaga ako sa part na sinandal niya ako sa pader habang naka taklob ang aking bibig.

"I'm looking for her." At kumindat ito dahilan para mawala ang kaba ko.

"Why are you looking for her kung nandito naman ako sa harap mo?" Biro ko para mapatawa ito.

"She's my girlfriend." Minahal ko siya dahil sa mga nakakakilig niyang banat at pagiging makulit sa harap ko.

"You love her?"

"I love her more than anything." Sambit niya at pinaglaruan ang buhok ko na naka harang sa pagmumukha ko.

"Paano naman ako?"

"Sino ka ba?" Tanong nito para mapasimangot ako.

"Your future wife..." banat ko para mapakagat labi siya sa kilig.

"Seriously?"

"Yes! Ako lang naman 'yung girlfriend mo na papakasalan mo in future." Pakilala ko habang pinapakita ang binigay niyang singsing sa akin.

"Sorry, hindi kita nakilala because of your makeup. You're so fucking gorgeous." At mas ikinagulat ko ang pagnakaw halik niya sa labi ko.

"Naniniwala ka na ba na ako ang girlfriend mo?"

"Hindi pa rin. One kiss pa nga." At akmang hahalikan niya ako kaso lang umiwas ako.

"Nasobrahan ka na yata."

"One more, 'di ko nalasap." Request niya dahilan para takbuhan ko.

"Manyak mo!" Agad naman niya akong hinabol at inakbayan.

"At least mahal mo." Hindi ko akalain na hahabulin niya ako para halikan ulit.

"Hoy! Bakit mo iyon ginawa." Tumakbo siya kaya hinabol ko ito kahit na maraming estudyante ang nagkalat sa daan.

"Nasarapan ka na naman," sambit nito habang palabas na kami ng gate.

"Ang asim kaya ng labi mo." Lagi ko iyon pang-asar sa kanya kahit hindi naman totoo. Wala akong malasahan pero ramdam ko ang kilig ng buong katawan ko.

"Let's do it again nang matikman mo."

"Hindi na lang." Nakakahiya kung dito pa niya ako hahalikan sa public place.

"Lasang lip balm 'yang labi mo." Kumento niya habang hinahawakan ang labi nito.

"At least nag-enjoy ka."

"Babe, let's go na." Sumakay na ako ng taxi ngunit nagtaka ako nang huminto ito sa pagsakay habang nag-aalalang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Anong problema?" Kinakabahan kong tanong habang sobrang seryoso nito at hindi na ako kinakausap.

"Mauna ka na, Adrina. She needs me." Mas nasaktan ako nang tumakbo ito at iniwan ako mag-isa sa loob ng taxi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na ito. Kung susunod ba ako o iiyak dahil iniwan ako ng boyfriend ko nang wala man lang paalam sa kanyang girlfriend.

"Miss, saan ka?" Tanong ng taxi driver habang iniintay ako.

"Hindi na po kuya." Agad naman akong bumaba habang nanunubig ang aking mga mata.

"Sinayang niyo lang ang oras ko." Sigaw ng driver at umalis na sa harap ko. Kasalanan mo talaga ito Dominic kaya nakagalitan ako ng diver.

Sino bang babae ang may kailangan sa'yo para iwanan mo lang ako basta basta?

Wala na akong magawa kundi ang sundan ito. Kahit nakakaramdam ako ng takot ay gusto ko pa rin makita kung sino ang dahilan para hindi matuloy ang date namin.

Nasaktan ako when I saw my boyfriend na buhat buhay ang walang malay na si Anabelle. Because of her again nasira muli ang aming date.

"What happened to her?" Nag-aalalang tanong ng boyfriend ko sa mga kaibigan ni Belle

"Bigla na lang siyang nahimatay."

Napasandal ako sa pader habang nanghihina nang lampasan lang nila ako. Matangkad akong tao pero bakit hindi ako napansin ng boyfriend ko. Sobra siyang nag-aalala kay Belle kesa sa girfriend niyang selos na selos na.

Sumunod pa rin ako sa kanila kahit alam kong masasaktan ako sa mga nakikita ko. Okay lang sana kung nagpaaalam ang boyfriend ko pero hindi e. Hindi na niya ako nakikita kapag si Ana na ang usapan.

Pumasok na sila sa loob ng clinic habang ako'y naka silip lang sa bintana. Wala akong lakas ng loob na maghimasok sa kanila kahit ako pa 'yung girlfriend.

"Ana, please wake up." Nasasaktan ako nang makita ko na yakap ng boyfriend ko si Anabelle.

Minsan naguguluhan ako. Sino ba ang mas lamang sa aming dalawa ni Ana? Sino ang mas importante para sa kanya? Sino ang mas mahal niya?

*******

Naglakas loob na akong pumasok sa clinic habang wala pa ang mga nagbabantay kay Belle. Umalis na mo na ang boyfriend ko at mga kaibigan niya.

"Aw concern ka talaga sa akin." Nagulat ako nang makita ko si Belle na bumangon sa pagkakahiga niya habang masayang nakatingin sa akin. Planado talaga ni Belle ang lahat ng ito. Sinira niya ang plano naming date ng boyfriend ko

"Why did you do that?"

"Sayang ang makeup mo kung hindi matutuloy ang date ng boyfriend ko." Pang-aasar ni Anabelle habang nagpopout ito.

"So, palabas mo lang ang lahat ng ito para hindi matuloy ang date namin?" Inis kong tanong habang nanggigigil sa kanya.

"Oo, you're not for each other kaya ako na ang gumagawa ng way."

"Kasalanan mo ang lahat ng ito. Since you came here puro na lang gulo ang ginagawa mo." Mangiyak ngiyak kong sabi sa bruha kong ex best friend.

"It's not my fault, Adriana. Hindi ko naman kasalanan na ako ang pinili niya kesa sa date niyo."

"Simula nang dumating ka nagbago na ang lahat. Sinira mo ang relasyon naming dalawa." Pinagsisihan ko na naging kaibigan kita. You betrayed me.

"Hindi ko kasalanan kung nasira ang relasyon niyong dalawa. Sinabi ko sayo na kapag gusto ko ang isang tao kukunin ko. Kahit masira pa ang pagkakaibigan natin dalawa ay gagawin ko." Nakangiti niyang sabi sa akin para mapangisi ako.

Kilala ko si Anabelle, hindi iyan susuko hangga't hindi niya nakukuha ang kanyang gusto. At isa pa, isa na siya sa taga pagmana ng Monreal.

"Pinagsisisihan ko na naging kaibigan kita. Akala ko ang bait mo pero hindi ko akalain na isa ka pa lang ahas." Tinulungan ka namin ni Kuya Alex pero ito ang igaganti mo.

"Hindi ko pinagsisihan na makilala kita dahil naging uto uto ka simula pa noong mga bata pa tayo. Ngayon 'di ka pa rin makalaban sa akin dahil duwag ka." Sa sobra kong inis ay sinugod ito pero laking gulat ko nang bumukas ang pinto.

"Adriana?"

Nakita ko ang boyfriend ko na gulat na gulat nang makita ako. Umatras agad ako kay Anabelle at hindi na tinuloy ang pagsugod ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit masama bang sundan ka? Masama bang malaman ko kung anong dahilan kung bakit iniwan mo ako at pinagpalit ang date natin?" Umiiyak kong tanong sa kanya. Ito na naman 'yung pain na akala ko ay hindi ko na mararamdaman simula nung ipagpalit niya ang monthsary namin.

"Sorry babe!" Lumapit ito sa akin ngunit agad na humarang si Anabelle at umiyak sa harap ng boyfriend ko.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ng boyfriend ko.

"Nic, she slapped me. Ako raw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang date niyo." Hindi ko akalain na nagmana rin pala siya kay Eunice. The way kung paano siya umiyak at magmakaawa.

"Wow! Artistahin ka rin pala Anabelle." Inis kong sabi sa kanya at binato sa kanya 'yung unan.

"Aray!" Sigaw ng peki kong kaibigan at biglang nanghina sa harap ni Dominic.

"Adriana 'wag ka ditong mag-eskandalo. Kaibigan mo siya." Nasaktan ako nang pagtaasan ako ng boses ng boyfriend ko dahil lang kay Ana..

"She's not my friend." Sigaw ko sa boyfriend ko. Hindi kasi niya alam ang lahat nang nangyari sa amin ni Belle kaya nagiging bias na naman ito.

"I trusted you so much Adriana pero dahil lang sa selos tatalikuran mo na ako." Sambit ni Ana at biglang yumakap sa akin. Napatawa ako sa inis nang magpanggap siyang kaibigan ko.

"Huwag kang plastic, Belle." Sa sobrang inis ko sa pagiging fake niya ay naitulak ko ito.

"Ana, okay ka lang?" Ito naman boyfriend ko todo rescue sa babaeng pinagseselosan ko.

"I am not okay."

"Why did you do that Adriana? May sakit siya pero sinasaktan mo." Sigaw ng boyftiend ko sa akin dahilan para ngumiti si Belle nang patago.

"Wala siyang sakit Dominic. Nag-iinarte lang 'yan para hindi matuloy ang date natin." Natatakot ako ngayon dahil mukhang mauulit na naman ang mga pangyayari noon.

"It is not true Adriana. You can ask my friends na I'm not feeling well. Adriana kung galit ka sa akin please don't blame him." Umiiyak na sambit ni Anabelle at lumuhod sa harap ko.

"Sinungaling ka, Belle. Plinano mo talaga ito para hindi matuloy ang date namin." Pilit ko siyang itulak para mahiwalay sa pagkakahawak sa akin. Ngunit hinila ako ng boyfriend ko palayo kay Belle dahilan para ako'y masaktan.

"Bitawan mo ako." Napaka tanga ng boyfriend ko sa part na maawain sa mga umiiyak na babae. Samantalang 'pag dating sa akin ay paulit ulit lang akong paiyakin at saktan.

"Adriana, bakit ba ang babaw mo? It's just a date puwede namang ipagpabukas."

"Oo simpleng date lang iyon Dominic at iyon lang ang kahilingan ko dahil halos wala ka ng time sa akin. Puro na lang si Anabelle ang inaatupag mo habang ako'y nahihirapan at nasasaktan tuwing magkasama kayo. Tapos ngayon siya ang kakampihan mo kesa sa girlfriend mo?" Mangiyak ngiyak kong sambit sa kanya. Pagod na akong magselos, umiyak, masaktan at maghabol sa mga taong hindi naman kaya akong pahalagahan.

"Babe, hindi naman sa gano'n. Mali lang ang ginawa mo kay Ana."

Hanggang ngayon ba naman si Belle pa rin ang kakampihan niya kahit nagdadrama at nanunumbat na ako sa harap niya. Ubod ng tanga mo Dominic.

"Sino ba talaga sa amin ang girlfriend mo?" Lahat ng sakit ay pilit kong itago pero ngayon hindi ko na kaya. Gusto kong ipagsigawan sa boyfriend ko 'yung mga nararamaman ko na hindi niya kayang intindihin.

"Ikaw, you are still my girlfriend." Sagot niya at lumapit sa akin ngunit agad akong lumayo sa kanya.

"Pero bakit hindi ko madama?" Umiyak na ako sa harap nilang dalawa. Sobrang sikip ng dibdib ko at pagod na pagod na sa mga nangyayari.

"Paulit ulit ka na lang Dominic, nakakasawa na. Lagi mo na lang siyang inuuna kesa sa girlfriend mo. I'm tired of you, let's break up."

Alexander's pov

"I cannot take away your pain, but I can listen if you'd like to talk about it." Bulong ko sa kapatid ko nang maabutan ko itong umiiyak.

Two days na siyang hindi pumapasok sa school because of her problem na hindi ko naman matukoy kung ano dahil hindi ito nag-o-open sa akin at maghapon naka kulong sa kwarto.

"May umaway ba sa'yo? I will talk to your Adviser, Adriana."

Masakit para sa akin ang mga pinagdadaanan niya since childhood until now. I knew, she wanted to meet her dad pero ako lang itong aayaw. For her safety na rin. She grew up without our Mom habang ako ay busy sa trabaho para maibigay ang pangangailangan niya.

"Kuya Alex!" Sa wakas nagsalita na rin ito. Magang maga ang kanyang mga mata at magugulo ang buhok.

"What's your problem, Adriana? Dahil ba sa fake relationship niyo ni Dominic kaya umiiyak ka?" Halatang nagulat ito sa sinabi ko. Yes, I knew they have a relationship at hinayaan ko iyon dahil pinagkakatiwalaan ko si Dominic

"How did you know?"

"I am your kuya, dear. May mata ako sa SEU and alam ko 'yung fake relationship turned into a real relationship." Nasa SEU ang girlfriend ko kaya lagi akong updated sa kapatid ko. Marami siyang pinagdaanan sa SEU na isa sa mga pinagsisihan ko. Dapat pala hindi ko siya iniwan at pinag-aral sa SEU.

"I am so sorry kuya." Niyakap agad niya ako para mapangiti naman ako. I missed her so much.

"Kung kaya lang baguhin ng kuya ang oras at panahon sana hindi ka na nasasaktan." I'm so sorry Adriana, naging makasarili ako tungkol sa pagkatao mo. Ikapapahamak mo kung sakali mang may malaman ka.

"K-Kuya!"

"Ano 'yon, you want something? Foods? Chocolates? Ice cream? Cake?"

I will give everything to her. Huwag lang siyang umiyak dahil lang sa lalaki.

"I want a peaceful life. 'Yung walang inisip na problema, walang dinadamdam na sakit, hindi nakaranas ipagpalit at lokohin. Ang sakit, it drives me crazy."

Mukhang hindi ko kayang ibigay sa kanya iyon. She's starting to face her problem at kailangan niyang tapusin iyon for her to learn and become strong.

"Tell me, ano ba talagang nangyari? Baka maayos pa ito ng Kuya." Awang awa na ako sa kapatid ko ngunit walang akong magawa dahil hindi ko pa nararanasan ito. I am a loyal person and never pang makasakit ng damdamin ng mga babae.

"B-Break na kami."

Breakup is the most painful word na kinakatakutan ng lahat ng tao dito sa mundo.

"Mas masakit pa sa break up namin ni Kristoff." Dagdag ng kapatid ko at nagpatuloy muli sa pag-iyak. Pilit kong 'wag manloko ng babae dahil may kapatid din akong babae. Pero gago talaga 'tong si Dominic, sinaktan niya pa rin ang kapatid ko.

"Gago 'yang boyfriend mo. Stay here, igaganti kita." Agad naman akong pinigilan ni Adriana nang tumayo akp. Napaka bait ng kapatid ko para maranasan ito.

"Kuya Alex, ako ang nakipagbreak." Kitang kita ko sa mukha niya ang pagsisisi na hiwalayan si Dominic. Gano'n niya ba kamahal ang lalaking iyon?

"Anong rason kung bakit ka nakipagbreak sa kanya."

"I loved him pero napapagod na ako." Normal lang ang mapagod sa isang relasyon. Need mo lang ng space at time para sa kanilang sarili.

"Can you live without him?"

"Hindi Kuya... I want to stay with him pero si Belle ay laging umi-extra sa buhay namin. She was the reason kung bakit nakipagbreak ako kay Dominic."

"Si Belle? Iyon ba 'yung bestfriend mo?"

"Yes Kuya, she betrayed me. Tinuring ko siyang kaibigan pero siya rin pala ang aagaw sa boyfriend ko." Masakit para sa akin na makitang umiiyak ang kapatid ko dahil lang sa maling lalaki.

"Hindi dapat tayo naging mabait sa kanya. Kung alam ko lang na magagawa niya iyon hindi ko na sana siya tinulungan at pinakitaan ng mabuti."

I thought, she was a good friend at totoo ang pinapakita sa kapatid ko. Nagkamali pala akong pag-aralin ang taong kayang saktan ang kapatid ko.

"Aagawin niya sa akin ang boyfriend ko."

"Nakipagbreak na ba sa'yo si Dominic?" Tanong ko sa kanya. Baka may magawa pa akong paraan para magka ayos muli sila.

"Ako palang kuya.."

"Good! Tomorrow we will go to your school. Kakausapin ko si Belle at kausapin mo ang iyong boyfriend." Galit ako kay Dominic pero hindi naman kayang mawala ng kapatid ko ang kanyang boyfriend.

"Thank you Kuya!" Kulang na kulang siya sa pagmamahal ng magulang kaya alam kong naghahanap din siya ng atensyon mula sa mga taong mahal niya.

"I will do everything for you, Adriana."

Continue Reading

You'll Also Like

51.6K 2.5K 33
Unedited/Completed A stalker that knows everything about me, alam n'ya kung saan ako pumupunta at alam n'ya rin kung sino ang kasama ko. But having a...
89K 379 19
Guide how to use patreon to read all CengCrdva's deleted chapters in wattpad, full male lead POV's, special chapters, exclusive new stories, unshared...
5.6K 406 37
Carmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and t...
51.1K 366 56
Revised edition. Copyright © all belongs to Ms. Alesana Marie, original author of TBYD.