Addicted To You (Arrhenius Se...

By radikewl

566K 12.2K 706

Patricia Aurora Ante is said to be the black sheep of the family. Siya ang bunsong anak nina Fedelino at Adel... More

ATY
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Mikael Thai Arrhenius
Epilogue
Radikewl's Note

Chapter Twenty Nine

7.6K 171 7
By radikewl

TWENTY NINE

"I'll drive you home.." He insisted. Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan na lang siya sa gusto niyang gawin.

Nawalan na ako ng mga salitang gusto kong sabihin. So my sister is lying? Bakit naman niya gagawin yun sa akin? But rememberimg everything, wala namang gustong gawin ang kapatid ko kundi ang masaktan ako.

"When's your graduation?" He asked without leaving his eyes on the road.

Sinubukan kong hindi siya tignan bago sumagot. "April 14."

"What time?"

Nagkibit balikat ako sa kanya dahil wala pa namang binibigay na oras sa amin. Pagkatapos ng maikli naming pag-uusap ay balik sa tahimik ang paligid.

Niliko ni Mikael ang kotse papuntang bahay ni Yel.

Hindi na niya kailangan pang tanungin kung nasaan ang lokasyon ng bahay ni Yel.. Minsan na rin siyang pumunta dito at...

Itinapat ni Mikael ang sasakyan niya sakto sa pagbababaan ko, mabilis kong tinanggal ang seatbelt.

"Salamat.." Atat kong sinabi bago ako nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan.

Napatigil ako nang makita siyang lumabas rin. I wanted to ask him why but it seems like he is really gonna stay for a while.

"Wala kang trabaho?" Tanong ko habang inaalis ang kandado ng pinto, nauna akong pumasok at laking pasasalamat ko nang madatnan kong malinis ang sala.

"Tapos na." Ani Mikael, hindi niya na hinintay pa na imbitahin ko siya sa loob. Maybe he thinks that he is welcome here?

Nilapag ko ang bag sa malaking couch. "Appointments? Schedules? Meeting? Wala kang titignan na mga papers?"

Not that I'm pushing him to go pero parang ganun na nga.

Tinignan ako ni Mikael na para bang isang malaking joke ang sinabi ko, he removed his coat and put it beside my bag.

"I already cancelled it.." He sat down while massaging the bridge of his nose.

Ayoko nang magtanong pa, he's tired. Alam ko. Pumunta ako sa kwarto namin ni Yel para magbihis. Agad na uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari dalawang linggo na ang nakakalipas.

Mikael took me. He's my first. Nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi ng Fiancée ni Sir Syche, kaya kailangan ko nang may makakapitan. I need someone to be there for me at alam kong si Mikael lang ang makakapagbigay sa akin nun.

Hindi ako nagsisisi. Ginusto ko 'yon kaya kailangan kong tanggapin.

Mikael is busy looking around the house. Sinilip ko siya ng ilang minuto at napansin ko ang kanyang mas lalong nag matured na hitsura.

His stubble beard perfectly fits his thick eyebrows, the authority will never fade in his aura. Minsan ay naisip ko, naranasan na kaya ni Mikael ang mag pahaba ng buhok?

Napangiti ako ng wala sa oras pero agad ding napawi dahil nararamdaman kong bumabalik sa pagka masigla ang aking puso.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. I caught his attention, nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Yel will be late tonight.." Aniya

Tumango ako. She's been like that lately. Siguro ay maraming inaasikaso sa opisina.

"Masipag si Yel.." Sabi ko na lang at nilabas ang laptop sa bag upang buksan 'yon.

Umayos ng upo si Mikael nang makita ako. I'm sitting opposite to him. Tanging isang glass coffee table lang ang pumapagitna sa aming dalawa.

"And you're busy too." He said slowly.

Pumunta agad ako sa folder ng research namin, I need to proofread everything. Kahit na medyo ilang ako sa presensiya ni Mikael ay kailangan kong tapusin ito.

"Need a help?" Napatingin ako nang bigla siyang umalis sa kinauupuan at tumabi sa akin.

Pigil hininga ang ginawa ko upang hindi manlambot nang masinghot ko ang natural niyang bango.

"Research, huh?" Silip niya sa ginagawa ko.

Tumango ako. "A-Alam mo ba 'to?" Stupid question. Malay ko ba kung sa business lang may alam si Mikael?

He looked at me smiling, "Try me" Anito at hinawakan ang mouse na hawak hawak ko.

Mabilis kong nabitawan ang mouse, Mikael chuckled. Talaga bang nagugustuhan niya ang lahat ng ito? Parang kanina lang ay ayoko siyang makita!

"Do you mind if I check?" Tanong ni Mikael habang mabusising tinitignan ang laptop ko.

"S-Sige lang.." Tumayo ako, hindi na siya nag-abala pang silipin ang dahilan ng pagtayo ko. "Gagawa lang ako ng makakain.."

Nagmamadali akong pumuntang kusina at naghanap ng mga tinapay, hindi kami nag iipon ni Yel ng pagkain dito dahil hindi naman kami parehong maalam sa pagluluto. We often have our foods delivered.

Isang hindi pa nabubuksan na wheat bread ang namataan ko. This will do.

Pinalamanan ko ng mayonnaise ang tinapay, apat na palaman ang ginawan ko, naabutan kong busy pa rin si Mikael sa pag check ng research..

"Kain ka muna.." Yaya ko sa kanya sabay lapag ng pagkain.

Kinuha agad ni Mikael ang tinapay at malaking pagsubo ang ginawa niya doon. Even the way he chew his food is very manly.

Lahat nalang ba ay mapapansin ko sa lalaking 'to?

Pero nahihiya pa rin ako. Sa nalaman ko, nag over think lang pala ako.

Sabay ang pag lipad ng tingin namin ni Mikael nang biglang magbukas ang pinto. Papasok si Yel at nang tumama ang mata niya sa amin ay awtomatiko itong napaatras.

"Hala sorry!" She said like this is not her own house.

"No it's okay.." Mikael chuckled, sinara nito ang laptop. "I will go.."

"Sir hindi! Okay lang, ano, Aurora? Aalis muna ako? Pwede naman!" Ani Yel at ngumiting ngiwi sa amin.

Umiling ako at napatingin kay Mikael na nagtatago rin ng ngiti.

"Aalis na talaga siya."

Kinuha ni Mikael ang coat niya at sinabit sa kanyang balikat habang hawak hawak ito.

"I thought you will come home late.." Si Yel ang kinausap niya.

"Pinauwi na po ako ni Sir Syche. Nag-aaway po sila ng Fiancée niya.." Ani Yel habang tinatanggal ang sapatos at pumapasok sa bahay.

Nagpaalam si Mikael sa aming dalawa, gusto ko sana siyang ihatid pero nahihiya pa rin ako. Hindi ko alam kung paano mawawala ang hiya na 'to.

I released an exaggerating sigh when he left. Tinabunan ko ng throw pillow ang aking mukha habang nagpapa padyak.

"Magkwento ka!" Binato ni Yel ang kanyang mga gamit bago ako tinabihan. "Okay na kayo? Hindi mo na kailangan ng space? Ano ba kasing nangyari?!"

My friend can be hyperactive sometimes.

"Nagtatrabaho si Ate sa kompanya.." Diretsya kong sinabi.

Nanlaki ang mga mata nito at ilang beses na napamura, pinanuod ko ang bawat reaksyon ni Yel at halatang nagulat siya sa sinabi ko. She doesn't know?

"Siya pala yung makulit na pumalit sa pwesto mo noon! Aba kahit malapit lang ang sariling company ni Sir Mikael laging pumupunta doon para makipag-usap regarding sa sales! Ano teh? Hindi pwedeng ipadala sa secretary ni Sir?"

"Hindi mo alam?" Pinilig ko ang aking ulo.

"Hindi no! Buti na lang pala nalipat ako! Baka isang araw pa lang na makatabi ko siya ng cubicle ay mag resign na ako!"

I laughed at my friend's hatred. Ayaw niya kay Ate dahil minsan na rin siyang nasupladahan nito noong sinundo niya ako sa bahay.

"Eh bakit ka nanghingi ng space kay Sir? Saka paano mo nalaman na nagtatrabaho yang Avinia shit na yan sa WeHenius?" Humalukipkip ito.

"Nung umuwi ako sa Calatagan, sa WeHenius ko pinadiretsyo si Dan kasi... kasi sabi ni Daile nagsisinungaling daw si Mikael, tapos nakita ko si Ate.. Syempre, wala naman kaming pag-uusap na hindi kami nag-aaway.. Ayun, sinabi niyang.. gusto niya si Mikael at parang ganun din ang nararamdaman sa kanya ni Mikael.."

Habang nagkwekwento ako ay wala akong ibang makita kundi ang nandidiring ekspresyon ni Yel.

"Pinaniwalaan mo yon?"

"Alam kong mali ako, okay?"

"Tingin mo ba talaga lolokohin ka ni Sir?"

Yumuko ako.

"You cannot blame me... Alam mo naman lahat ng pinagdaanan ko sa bahay. Si Ate ang magaling, si Ate ang mabait, si Ate ang madiskarte, si Ate lahat..."

Marahan akong hinila ni Yel at pinalapit sa kanya, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Mikael is not like your parents, Aurora.. Para sa kanya, ikaw ang magaling, ikaw ang mabait, ikaw ang madiskarte, ikaw lahat." She said in her not usual voice, masyadong malumanay ang pagkakasabi niya non sa akin na para bang gusto niyang maintindihan ko lahat.

"How did you know?" I asked in a low voice.

"Kasi alam ko. Sir Mikael will never lie to you. Hindi siya ganoon. Kung merong pinaka matino sa kanilang magpipinsan, alam mong siya na yon. Kaya nga siya ang nagustuhan mo diba?"

Napatitig ako sa kawalan sa mga sinabi ni Yel. Noong nakita ko siya sa isang golf course kasama sina Cadence, namangha ako dahil ang bait niya. Hanggang sa inistalk ko siya sa kanyag social media accounts. Although naka private ang karamihan doon ay nakita ko kung gaano niya pinapahalagahan ang kanyang pamilya.

"Hindi lahat ng tao si Avinia ang gusto," hinaplos ni Yel pababa ang buhok ko. "Kasi ako? Hinding hindi ko magugustuhan ang bitchesa na yon!"

Natawa na lang ako sa pagbibiro niya. Yel wanted me to feel comfort to her words.

"Sorry kung hindi ko sinabi.." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Basta next time ha? Huwag kana mag secret sa akin! Katampo!"

Matapos ang araw na 'yon ay lagi na ulit akong sinusundo ni Mikael pag-uwian. Kahit na alam kong tambak sa trabaho ay gumagawa pa rin ito ng paraan para mapuntahan ako sa school.

He is not staying. Talagang gusto niya lang na makauwi ako ng maayos. Habang ako ay busy sa research.

Nang dumaan ang defense namin ay namangha ako sa aking mga kaklase. They studied everything I gave to them. Kaya kami ang best in practical research 2. Nakakatuwa dahil nasusuklian lahat ng hirap.

Matapos ang ilang nakakapagod na araw ay dumating na ang pinakahihintay namin.

Ang practice for graduation.

"Nahihilo ako Yel.."

Fuck! Unang araw ng practice ay absent ako! Paggising ko kasi ay biglang umikot ang sikmura ko at ang una kong niyakap ay ang aming bowl.

"Ano ba kasi kinain mo kagabi?" Tanong niy habang nagsusuklay ng buhok, papasok na rin kasi siya.

Ayun na nga. I didn't eat my dinner yesterday. Nakita ko pa lang an sarsa sa ulam namin ay parang naipon bigla ang mga laway ko sa bibig!

Limang araw ko nang nararamdaman ito. Hindi naman ako makapag pa check-up dahil sa trabaho ko sa canteen.

"Wala.." Sagot ko na lang.

Napatingin sa akin si Yel, may kinuha siya sa pink niyang wallet at binigay sa akin. "Huwag kang papasok ngayon ha? Magpcheck-up ka! Kaya mo ba o sasamahan kita?"

Tinanggap ko ang pera na binigay niya sa akin. "Kaya ko."

Naligo lang ako saglit, sabay na kami ni Yel na umalis. Malapit lang naman ang clinic dito pero hindi pa yon bukas. Maybe I must buy something to eat? Sa grocery na lang siguro.

Hindi na ako nagdala ng blue basket sa loob, bibili na lang siguro ako ng isang yakult at biscuit.

Nahanap ko agad ang mga kailangan ko, pero nadagdagan iyon dahil parang gusto ko ng matamis.

Isang babae ang nabangga ko sa paghahanap ng makakain.

"Ay sorry--" Napahinto ako para ibigay sakanya ang mga nahulog kong bilihin.

Isang pagdarambong na tibok ng aking puso ang tumambad sa akin nang makilala ko kung sino ang aking nabangga.

"M-Ma?"

Agad na napalitan ang ngiti sa ekspresyon ng aking ina, her face is shouting anger!

"Patricia..."

Nangilid ang luha sa aking mga mata.. bago ko pa mayakap si Mama ay nagdilim ang aking paningin.




Continue Reading

You'll Also Like

8K 631 38
Can you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astiel...
117K 2.3K 33
Faith Laurienzo is the youngest among the Laurienzo sisters. Their family is known for having a successful businesses in IloIlo. Everyone thinks that...
4.5K 354 26
AMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?
49K 1K 66
Some speculated that Cain Greg Romualdez Samaniego decided to build his own mansion because he knew their spacious mansion would be given to the youn...