The Dragon Prince

By Queen_Phoenix28

144K 9.4K 398

Ang tanong, may nabubuhay pa bang Dragon sa mundo? Kung meron man, kailangan ko silang mahanap... Sa lalong... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129

Chapter 31

1.5K 91 0
By Queen_Phoenix28

Yves's POV

"Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong sa kanya ng makaupo na ito sa tabi ko.

"Hindi na ako pumasok sa klase ko kaya nandito ako." sabi niya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko.

"Mas importante na nandito ako kesa sa klase ko." sabi niya.

"hah?" -ako. Ano bang sinasabi ng isang to?. Hindi siya sumagot. Ngumiti lang ito. Hindi ko na siya pinansin. Kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap ko.

"Matagal pa ba ito?" tanong ko kay Ian na nasa right side ko pero mahina lang ito. Liningon ko ito.

"Malapit na sigurong matapos. Bakit ba?" mahina ring tanong niya na medyo inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Nagugutom na ako." sabi ko.

"Hindi ka pa kumain?!" medyo gulat na tanong ng nasa left side ko. Kaya napalingon ako sa kanya. Umiling ako. "Ba't di mo sinabi sa akin kanina.?" sabi niya. Kumunot ang noo ko. Sino ba siya sa inaakala niya? Hindi ko pa nga gaanong kakilala ang isang ito. Akala mo kung sino kung makaasta.

Napatingin ako sa harap ko ng magsitayuan na ang iba. Mukhang tapos na ang klase namin. Wala man lang akong naintindihan. Napailing na lang ako. Hayst.

"Tara na." napatingin ulit ako kay Terrence. Nakatayo na ito. Inilahad niya ang kamay niya sa akin para alalayan niya akong makatayo. Inabot ko ito at bahagya niya akong hinila para mas madali akong makatayo. "Kakain muna tayo. Skip ka muna ng klase mo. Ok lang ba?"

Sinimangutan ko siya. "Kaya ko ng kumain ng mag-isa. Balik ka na sa klase mo." mahinang sabi ko sa kanya.

"You heard him. Balik ka na sa klase mo. Ako ng sasama sa kanya." napatingin ako sa nagsalita. Si Cris. Nasa likod siya ni Terrence. Seryoso niyang tinitigan si Terrence ng lumingon ito sa kanya.

Lumingon si Terrence sa akin. "Un-..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may sumigaw bigla sa likod nito.

"ALIS NA!" malakas na sigaw ni Cris. Napatingin halos lahat ng nandito sa gym sa kanya. Kaya nginitian ko na lamang at tinanguan si Terrence. Kaya wala na itong nagawa kaya umalis na.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso para pigilan niya ako. Tinignan ko siya. "bakit?" walang ganang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "saan ka pupunta?" -Cris.

"di ba sabi mo na umalis na kami." -ako.

Nanatiling nakakunot ang noo niya. "Hindi ikaw yun." sabi niya sabay hila sa kamay ko.

"saan mo ako dadalhin?" taka kong tanong sa kanya habang hila-hila parin ako.

"Kakain muna tayo. Di ba sabi mo na nagugutom ka?" -Cris.

Ngumiti ako ng pilit. 

Narating namin ang cafeteria. Walang masyadong estudyante ang nandito. Umupo ako samantalang siya ang umorder ng pagkain namin. Bumalik siya na may hawak na dalawang plato. Tinignan ko ang inorder niya. Napasimangot ako. Ba't andami nito?

Tumawa ito. Dahilan yun para tignan ko siya ng masama. Nakakainis. "Tataba ako nito." mahinang sabi ko. Patuloy lang ito sa pagtawa. Sinimulan ko na lang kumain. Nagugutom na talaga ako.

"Sino ba yung lalaki kanina?" -Cris.

"hah?" -ako. Tinignan ko siya.

"Ang sabi ko, Sino. Yung. Lalaki. Kanina?" pagpapaliwanag niya.

"Terrence. Si Terrence yun." sabi ko.

"Manliligaw mo?" mahinang sabi niya.

Umiling ako. "Hindi." tipid kong sabi. Pero, alam kong ganun ang patutunguhan ng ginagawa ng Terrence na yun sa akin kahit hindi niya pa rin ito sinasabi sa akin. Ngumiti na lamang ito tsaka binalik ang atensyon niya sa pagkain niya.

Wala na siyang sinabi pagkatapos nun. Natapos kaming kumain ng hindi siya umiimik. Ano na namang problema ng isang 'to?.

"Tara na. Hatid na kita sa klase mo." sabi niya. Tumayo na ito. Ngumiti ako tsaka tumayo na rin ako. Tumalikod na ito. Nagsimula na itong maglakad. Hinabol ko siya at sumabay sa paglalakad niya. "May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito. Ginulo niya ang buhok ko. Argh. "Wala." sabi niya.

"Pero, ba't tahimik ka?" sabi ko.

"Wala siguro ako sa mood ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Dahil ba yun sa akin?" taka kong tanong.

Tumawa ito. "Hindi."

"Ok. Sabi mo eh." sabi ko. Mas binilisan ko ang paglalakad ko.

Tumawa ito. Hinabol niya ako para makasabay sa paglalakad ko. "Sulking?" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "No. I'm not." sabi ko.

Hinatid niya ako sa building naming mga beginner. Pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko beginner. Nagtataka siguro sila kung bakit may kasama akong elite.

"Bago ko makalimutan. May laban tayo bukas. 8 am. Tayong mga lalahok sa festival." sabi niya.

Tinignan ko siya. Ngumiti na lamang ako tsaka tumango. "Pasok na ako baka masira ko pa ang araw mo." seryosong sabi ko.

Tumalikod na ako. Pero, pinigilan niya ako. Liningon ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"May problema ba?" taka niyang tanong.

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "Itanong mo sa sarili mo." sagot ko tsaka umalis na ako. Nakakainis.

Bakit pa niya ako kakausapin kung nasisira ko ang araw niya? Hindi niya yun sinasabi  pero parang ganun ang pagkakaintindi ko kaninang sinabi niya na wala siya sa mood. Siya yung lumalapit pero bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Argh.

Umupo ako sa tabi ni Ian. "Oh, ba't ganyan ang mukha mo?" taka niyang tanong.

"Wala." tipid kong sagot sa kanya na hindi ko na ito liningon.

Napahawak ako sa ulo ko ng binatukan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Masakit yun ah. "Para saan naman yun?" medyo inis kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Trip ko lang." sabi niya. Tumawa siya. Sinimangutan ko siya.

"May showdown tayo bukas. Kalaban natin ang lahat ng kalahok sa festival. Di ba ang bongga? Parang naaamoy ko na si kamatayan." natatawang sambit niya.

"Ok. May you rest in peace." sarkastikong sabi sa kanya.

"Huy! Kasama ka dun."

Tumawa ako. "Di ba dapat tatlo tayo?" sabi ko. Tinutukoy ko na tatlo ang representative naming mga beginners.

Tumango ito. "Hindi mo pa ba siya nakilala o nakita man lang?" taka niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi pa. Kahit isang beses man lang." sabi ko.

Hayst. "Masyado ka kasing busy. Hindi ko nga alam kung saan saan ka napapadpad." sabi niya.

"So? Nakita mo na siya?" takang tanong ko.

Tumango ito. "Oo. Madalas. Kasama ko siya sa training." Akala ko ba wala siyang kasama kapag nagtratraining siya?

"Wow ah. May laban na tayo bukas. Hindi ko man lang siya mamimeet bago yun." sabi ko.

"Sama ka mamaya? Pupuntahan natin siya." sabi niya.

Tumango ako. "Oo. Wala man akong gagawin mamaya."

Inayos ko ang upo ko ng dumating na ang professor namin. Isang oras ang tinagal ng aming klase. Marami siyang sinabi pero ni isa ay wala akong naintindihan. Nang matapos na ito ay tumayo na si Ian at ganun din ako. Sumunod lang ako sa paglalakad niya.

Tumigil ako ng tumigil siya sa paglalakad. Napatingin ako sa lalakeng tinatawag niya na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno kasama ng tatlo pang lalake. Lumingon ang isa sa kanila. Ngumiti ito. Tinapik niya sa braso ang katabi niya bago tumakbo palapit sa amin.

"Hi." masayang sabi niya ng tuluyan na itong nakalapit sa amin.

"Hi." si Ian. "Yves. Si Drake. Drake. Si Yves." pagpapakilala niya sa amin.

Ngumiti siya. Kaya napangiti na rin ako. "Rumors are true. Your adorable." sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "hah?" takang tanong ko rito. Liningon ko si Ian.

Nanatiling nakangiti ito. "Siya. Siya yung pangatlong representative nating mga beginners." sabi ni Ian.

Liningon ko ang lalakeng nasa harap namin. Wala akong maramdamang kapangyarihan mula sa kanya kaya nagtaka ako. Hindi ko alam pero parang may mali dito.

---------------
A/N. Keep voting.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...