They Met At First Kiss

بواسطة YnaSone

2.2M 35.4K 5K

Meet Adriana Joyce Chavez, isang matalino at talintadong babae ngunit tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwal... المزيد

They Met At First Kiss Synopsis
TMAFK#1
TMAFK#2
TMAFK#3
TMAFK#4
TMAFK#5
TMAFK#6
TMAFK#7
TMAFK#8
TMAFK#9
TMAFK#10
TMAFK#11
TMAFK#12
TMAFK#13
TMAFK#14
TMAFK#15
TMAFK#16
TMAFK#17
TMAFK#18
TMAFK#19
TMAFK#20
TMAFK#21
TMAFK#22
TMAFK#23
TMAFK#24
TMAFK#25
TMAFK#26
TMAFK#28
TMAFK#29
TMAFK#30
TMAFK#31
TMAFK#32
TMAFK#33
TMAFK#34
TMAFK#35
TMAFK#36
TMAFK#37
TMAFK#38
TMAFK#39
TMAFK#40
TMAFK#41
TMAFK#42
TMAFK#43
TMAFK#44
TMAFK#45
TMAFK#46
TMAFK#47
TMAFK#48
TMAFK#49
TMAFK#50
TMAFK#51
TMAFK#52
TMAFK#53
TMAFK#54
TMAFK#55
TMAFK#56
TMAFK#57
TMAFK#58
TMAFK#59
TMAFK#60
TMAFK#61
TMAFK#62
TMAFK#63
TMAFK#64
TMAFK#65
TMAFK#66
TMAFK#67
TMAFK#68
TMAFK#69
TMAFK#70
TMAFK#71
TMAFK#72 [EPILOGUE]

TMAFK#27

20.9K 486 50
بواسطة YnaSone

Adriana's pov.

"I am so sorry, Adriana."

Alam kong binabantayan niya ako mula kagabi hanggang ngayon. Ngunit nang imulat ko ang aking mga mata ni anino niya ay hindi ko makita.

"Kailan mo ba ako lulubayan, Mr. Sy Yabang?" Napabuntong hininga na lang ako habang naka tingin sa bukas na zipper ng tent ko.

Lumabas na ako ng tent nang marinig ko ang malakas na ingay ng bell dahilan para maglabasan na rin ang ibang estudyante.

"Kumusta pakiramdam mo?" Salubong na tanong ni Ava habang humihikab.

"Medyo okay na ako kesa kahapon."

"Good!"

Napasigaw kaming tatlo nang basahin kami ng isang lalaki na may hawak na hose.

"Bakit mo kami binasa?" Reklamo ni Maxine habang nakatingin ng masama doon sa lalaki.

"Sorry Miss! Start na ng ating day two camp." Binasa muli kami ng tubig ng lalaki kaya tumakbo na ako palayo. Marami rin estudyante ang nagkakagulo dahil sa pambabasa ng mga kalalakihan.

"Takbo.." Maraming fire truck ang naka parada sa gitna ng resort habang bumubuga ng tubig para basahin kaming mga estudyante. May ibang estudyante na may hawak na mga water gun para puwede kaming habulin.

Madaming estudyante ang nasa gitna habang binabasa ng fire truck.

"I got you!" Laking pasasalamat ko nang dumating si Maxwel para i-rescue ako sa mga taong nambabasa sa akin.

"Where's your friend?" Tanong ni Maxwel habang mahigpit ang kapit sa kamay ko.

"I dunno! Naligaw na yata ako." Tumakbo kami palayo sa mga armadong kalakihan. Kaso mukhang kami ang target dahil hindi nila kami tinitigilan. Tinago ako ni Maxwel sa kanyang likod upang hindi mabasa ng mga taong namamaril sa amin.

Nawala 'yung ngiti ko nang buhusan kami ni Dominic ng isang timbang tubig dahilan para mabasa ang buong katawan ko. "Sorry! Paharang harang kayo sa daan."

"Pre, nakakabastos ka na." Mukhang naiyamot si Maxwel sa biglaang pagbuhos ni Dominic.

"Masakit kayo sa mata." Ngumisi mo na ito bago itapon ang timbang hawak niya.

"Dapat pumikit ka." Sigaw ni Maxwel at hinawakan ang kwelyo ng damit ni Mr. Sy Yabang.

"Oy tama na 'yan." Pag-aawat ko. 'Yung mga estudyanteng humahabol sa amin kanina ay nagsitakbuhan palayo dahil natatakot masangkot sa away ng dalawa.

"Bitawan mo ako." Hindi nagpatalo si Dominic kaya hinawakan din nito ang kwelyo ng kaibigan ko.

"Paalala ko lang sa'yo. Hindi na sa'yo si Adriana. Wala na kayo kaya stop acting that you're still her boyfriend. Leave her alone kung hindi ako ang makakalaban mo." Seryosong saad ni Maxwel bago bitawan si Dominic.

"Tsk! Stop pretending that you are her boyfriend. Look, she doesn't like you." Mayabang na sambit ni Dominic bago ito umalis sa harap namin.

"Let's go!" Hinila na ako ni Maxwel palayo na tila galit sa nasabi ni Dominic. Lumingon mo na ako kay Mr. Sy Yabang na hanggang ngayon ay naka tingin pa rin sa akin.

"Kanina ka pa namin hinahanap." Sinalubong ako ng mga kaibigan ko habang basang basa rin.

"Kasama ko si Maxwel," sagot ko dahilan para mapatingin sila sa kamay ko na hawak hawak ni Maxwel.

"Bakit kayo magkasama?"

Agad kong tinanggal ang kamay ko dahil baka bigyang isyu nila. "Hinabol kami ng boys."

"Alis na ako. Please take care of her." At umalis na si Maxwel na walang kalingon lingon sa amin.

"What happened to him? Galit ba siya?"

"Nagkasagutan sila ni Dominic," kuwento ko at muling lumingin sa direksyon ni Dominic na nakausap si Eunice.

"Eh para saan 'yung holding hands?" Kinikilig na tanong ni Ava para hampasin ko.

"Tanga, we're just friend."

"Para sa'yo lang pero more than friends ang tingin ni Maxwel sa iyo." Ani ni Maxine.

"He treats me like a little sister. Napaka pa-isyu niyo." Close lang talaga kami ni Maxwel dahil magkakilala sila ni Kuya Alex. Laging nagtatanggol at nagbabantay sa akin.

"SEU are you ready?" Tanong ng Emcee para mapalingon kami sa stage.

"YES!"

"Let's start the game tutal naman mga basa na rin kayo. Activity 11 WATER-BALLOON VOLLEYBALL. Each team needs six participants. Hahawakan ng mga kalahok ang malaking kumot at iyon ang gagamitin nilang panambot at pangserve ng ballon sa ibang team. Kung sino ang mahulugan ng balloon tanggal agad." Paliwanag ng Emcee para magsigawan ang mga estudyanteng excited sa laro.

"Sinong lalaro sa atin dapat alisto. Tatlong babae at talong lalaki para fair." Suggest ni Bakla.

"Sa babae ay sina Maxine, Ava at Adriana. Adriana kaya mo na bang lumaro?" Tanong ni Kaye Ann sa'kin.

"Oo naman." Hindi na masyadong masakit 'yung sugat ko sa tuhod at isa pa mukhang exciting ito.

"Tapos sa boys ay sina....."

"Ay tama, kayo na lang tatlo." Sigaw ni Rex habang tinuturo ang tatlong magkakaibigan na may sariling mundo. Bakit ba pilit nila kaming pagsamahin ni Dominic sa iisang laro.

"Si Kaye Ann daw papalit sa akin." Saad ko habang nakaturo sa President.

"Aba'y hindi ako sasali."

"Dali na..." pamimilit ko.

"Bakit? Akala ko ba okay ka na?"

"Sumakit bigla 'yung tuhod ko," pagsisinungaling ko habang umaakting.

"Tuhod ba talaga o puso?" Agad kong tinakpan ang kanyang bibig dahil sa malakas nitong pagkakasabi.

"Anong puso? Wala ako nun." Bulong ko dahilan para sundutin niya ang bewang ko.

"Aysus! Ipakita mo sa akin na hindi ka na naapektuhan 'pag kasama mo si Dominic." Bulong ni Kaye Ann para maging no choice ako. Kahit anong pagpilit ko ay hindi talaga sasali si Kaye Ann.

"Team A VS. Team B."

Tinulak na ako ni Kaye Ann papunta sa gitna habang chine-cheer kami.

"Relax self, concentrate." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang bumabakat na abs ni Dominic dahil sa puting damit nito.

"Kailangan ng dalawang partner sa bawat dulo ng tela upang mahawakan ng mabuti. Si Ava at Albert ay sa tig kabilang dulo ng tela."

"Kayo naman Adriana at Airon ay sa kabilang gilid." Nakahinga ako ng maluwag nang si Airon ang naging katabi ko. Kinuha ko 'yung kabilang dulo ng tela at binigay naman kay Airon itong isa.

"Maxine at Dominic ay sa gitna kayo." Sumunod naman sila sa utos ng coach namin.

"Wait, there's something wrong." Kinabahan ako sa ginawang pagsingit ni Kaye Ann.

Anong pinaplano niya?

"Right Adriana?" Ngumiti ito sa akin habang ginagalaw galaw ang kanyang kilay.

"Meron nga! I'm not qualified in this game kaya ikaw na lang Kaye Ann ang maglaro para sa ikapapanalo natin." Saad ko ngunit umiling ito.

"Sorry Adriana, you are destined in that game." Hinila ni Kaye Ann si Airon palayo sa akin dahilan para kabahan ako.

"Masyadong maliit si Airon para kay Adriana, change partner."

Alam kong pinaglalaruan ako ni Kaye Ann dahil gusto niya kaming magka ayos ni Dominic. Pero para saan pa kung hindi talaga kami para sa isa't isa. He loves someone else.

"Ayos na 'yan." Pagkontra ko at hinila pabalik si Airon sa tabi ko.

"Hindi talaga!"

"Ayos na Kaye Ann 'wag na nakulit." Nagmatigas na rin ako. Kung hahayaan ko lang ito mas lalo akong 'di makakapagconcentrate sa laro.

"Nalilito na ako sa inyong dalawa. Kay Maxine na lang ako pa-partner." At umalis si Airon sa tabi ko habang litong lito sa pag-aagawan namin ni Kaye Ann.

"See, balance na." Tuwang tuwang sambit ni Kaye Ann at tinulak si Dominic papunta sa akin. Sa sobrang lakas ay hindi na ako naka ilag pa dahilan para mapasubsob kay Dominic.

"Ayieeee! Uso ang comeback." Pang-aasar ng mga estudyanteng boto sa amin. Lumayo agad ako sa kanya nang makarinig ako ng malakas na pagtibok ng puso.

"Ready na ba?"

Wala na akong choice kundi kunin ang kabilang dulo ng tela.

"Yes, we're ready!"

Inihagis na ng kalaban ang balloon na may lamang tubig kaya nagmadali kaming sambutin iyon.

"Good Job!" Sigaw ni Rex nang masambot namin ang balloon. Hinagis namin pabalik sa kabilang team ang lobo ngunit hindi nila ito nasambot.

"Team B out!" Sigaw ng Emcee para magsigawan ang mga kaklase ko. Biruin, first time kong maglaro nanalo agad kami.

"Team A vs. Team C!" Dahil kami ang nanalo ay inilaban naman kami sa ibang team. Napangiti ako nang makita si Yuri mula sa kabilang team.

"Hi, Ate Adriana." Nagkipagwave na rin ako sa kanya habang excited ito.

Kami ang nagserve ng lobo pupunta sa kabilang team at naipasa naman ito ng maayos. Kaso lang nahihirapan kami dahil kailangan talagang magforce ng energy.

"Ayan naa.."

Mabilis nilang naibalik ang lobo kaya hinabol namin ito at inihagis muli sa kanila. Kaso lang nagkasabid sabid ang aming mga paa dahilan para bumara kaming lahat. Sa kasamaang palad ay kay Dominic ako bumagsak.

Bakit sa kanya pa bumibilis ang tibok ng puso ko? Puwede naman kay Kristoff or Maxwel. Bakit sa lalaki pang hindi puwedeng maging akin?

"WAAAAAAH!"

Parang magnet ang aming mga mata. Mahirap iwasan. "Oh my ghad!"

Nagulat kami pareho nang sumabog ang lobo sa tapat namin dahilan para mapangiti si Dominic. I missed his smile.

"Don't smile. Hindi bagay sa'yo." Bulong ko at tumayo na sa pagkakabara sa kanya.

"Ayieee! Comeback na ba?" Nakaramdam ako ng hiya dahil sa pang-aasar ng ibang estudyante.

Bakit ba lagi kaming pinaglalaruan? Pagkatapos pag-awayin ay paglalapitin. Kapag nagkasakitan, ay pagtatagpuin. Lord naman, kung kami talaga puwede bang ipilit mo. Pero kung hindi, please paglayuin mo na lang po kami.

"Are you okay?" Kung makatanong si Dominic akala mo walang ginawang masama sa akin kanina. Buhusan ba naman kami ng isang timbang tubig.

Ano iyon nagmamaigi?

"Mas okay pa ako sa inaakala mo." At iniwan ko na ito dahil talo na kami sa game. Pumutok na 'yung lobo sa base namin.

"Ilang inches na lang mahahalikan mo na siya."
Pang-aasar ng dalawa kong kaibigan.

"As if namang hahalikan ko ang maasim niyang labi." Kahit siya pa ang lalaking gusto ko kaya ko pa naman kontrahin ang sarili ko.

"Masama tuloy ang tingin sa'yo ni Eunice." Nilingon ko ang babaeng tinuturo ni Maxine na naka pulupot sa braso ni Dominic.

"Mukhang papatayin niya ako sa selos."

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Eunice na kaya niyang patayin ang mga babaeng lumalapit kay Dominic.

"Don't mind her. Inggit lang siya sa'yo.".

"Next game is tug of war. Limang babae at limang lalaki para fair." Sambit ng Emcee dahilan para magtago ang mga kaklase kong ayaw sumali sa laro.

"Sino ang lalaro sa atin?" Tanong ni Bakla habang nakatingin sa'ming lahat.

"Sino pa ba? E di si Maxine and her friends at ako." Ani ni Kaye Ann habang tinuturo kaming magkakaibigan.

"Isali rin natin 'yung mga basketball player dahil malalakas iyon."

"Si Albert and his friends, Kristoffer and Rex para maganda ang laro." No choice ako sa naging desisyon ni Kaye Ann. Paglalapitin at paglalapitin talaga nila kami.

"Sino pa ang puwedeng sumali sa babae? Isa na lang ang kulang?" Tanong ni Kaye Ann sa mga babae kong kaklase ko.

"Puwede ba akong sumali?"

"Di ba na sprain ka. Bakit ka pa sasali?" Tanong ni Maxine na ikinatamihik ni Eunice.

"Masakit pero gusto kong makatulong sa inyo." Muli siyang umarte na masakit ang paa kaya nagsimula na naman ang bulungan ng marami.

"Arte"

"Halatang nagpapanggap lang"

Hindi na kami nagkapag-usap ni Eunice tungkol sa nangyari sa gubat. Tanging masasamang tingin na lang ang ginagawa namin sa isat-isa.

"Mas makakatulong ka kung mauupo at mananahimik ka sa isang tabi." Saad ni Maxine para magtawanan ang mga kaklase ko.

"Nakakahiya naman sa inyo dahil kayo nang kayo na lang ang laging naglalaro dahil sa sitwasyon ko. Baka sabihin niyo pabigat lang ako sa team." At nagpanggap ito na nakokonsensya sa aming lahat.

"Kung nakukunsensya ka sa amin dapat hindi ka nagpakahulog sa bangin." Sambit ni Ava na para bang nang-iinis. Wala si Dominic kaya hindi siya maiipagtanggol nito.

"Bakit ba ganyan kayo sa kaibigan ko?" Singit na tanong ni Evone.

"Hindi siya tanga para magpakahulog sa bangin at umiyak. Si Adriana talaga ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi niya tinulak si Eunice hindi sana siya mai-sprain." Dagdag pa ng kaibigan ni Eunice.

"Bakit may katibayan ka?"

"At kahit anong sabihin niyong magkakaibigan hindi kami naniniwala sa inyo. Mas kilala namin si Adriana kesa sa kaibigan mo." Ani ni Kaye Ann para mapangiti ako.

"Tama na 'yan baka magsumbong pa sila kay Dominic. Alam mo naman sumbungera ang mga palaka." Pag-aawat ni Rex sa pakikipagtalo ng mga kaibigan ko sa kaibigan ni Eunice.

"Kung hindi makakasali si Eunice ay isali niyo si Evone sa game para may pakinabang." Utos ni Kaye Ann para magulat si Evone.

"Bakit ako kasali?"

"Wala ka pang naiitulong kaya wala kang karapatan magreklamo." Inis na sabi ni Rex sa kaibigan ni Eunice.

"Pero masakit—"

"Walang pero pero!" At hinila na siya ng ibang girls upang pumunta sa hanay namin.

"Maxwel," tawag ko nang makita siya sa kabilang linya. Ibig sabihin, makakalaban ko ito sa tug of war.

Lumingon ito sa akin ngunit agad akong inisnaban.

"Galit ka ba sa akin?"

"Hindi!"

"E bakit inisnaban mo ako?"

"Kalaban kita kaya walang kaibi-kaibigan ngayon." Nakangiti niyang sabi para mapatawa ako.

"Mamaya na 'yan! Oras ng laro hindi oras ng pakikipaglandian." Sigaw ni Dominic para mapasimangot ako.

"Don't mind him. Attention seeker lang 'yan."

Kung maka sigaw siya akala mo siya ang leader ng grupo namin.

"Adriana!" Muli akong lumingon kay Maxwel nang tawagin ako.

"Bakit?"

"Kapag nanalo ako sa laro, let's date. Pero kapag ikaw ang nanalo, susundin ko lahat ng utos mo." Kondisyon ni Maxwel dahilan para magulat ako.

"Date?"

"Friendly date, ano ka ba." Nalilito na ako sa mga pinapakita niyang kasweetan sa akin.

"Akala ko naman kung anong klaseng date."

"Bakit gusto mo ng totoong date? Pagbibigyan kita." Nakangiti niyang sambit para mapatawa ko.

"Back to your line, Adriana. Ikaw na lang ang iniintay namin." Sigaw muli ni Dominic ngunit hindi ko ito pinansin.

"Okay, deal! Kapag natalo kita sundin mo lahat ng gusto ko." Syempre hindi ako magpapatalo sa kanya. I will do my best para manalo.

"Magpatalo ka ah." Bulong ni Maxwel at isinuot sa akin ang kanyang hinubad na jacket.

Bumalik na ako sa team dahil mukhang nagagalit na si Mr. Sy Yabang.

"Walang bibitaw! Lalaban tayo." Sigaw ni Kaye Ann habang tinatapik ang mga balikat ng bawat isa.

Humawak na kami sa lubid habang nagpa-practice kung ano ang aming strategy sa paghila.

"Kaya ba natin sila?" Tanong ko sa mga kaibigan ko habang kinakabahan.

"I am not sure. Malalakas din ang kalaban."

"True! Hindi papayag si Maxwel na matalo ito dahil wala siyang mapupurang date sayo." Pang-aasar ng mga kaibigan ko.

"Give me your hands." Napasimangot ako nang biglang sumulpot si Dominic sa harap ko.

"Bakit?" Masungit kong tanong ngunit tiningnan lang ako ng masama.

"Kailangan ko pa bang tagalogin? Akin na 'yang kamay mo."

"Kailangan ko pa rin bang english-in na why?"

Nginisian lang niya ako habang pilit na kunin ang aking kamay.

"Bitawan mo ako." Nagpumiglas ako kaso nilapit nito ang kanya mukha sa mukha ko habang nakatingin sa labi ko.

"I don't want to hurt you." At tinali niya ang kanyang panyo sa kanan at kaliwang palad ko. Kahit anong paglayo namin ay hindi pa rin namin mapigilang hindi mapalapit sa isa't-isa.

"You don't care!" Kahit kinikilig ako kay Dominic ay nagmatigas pa rin ako. Ako ang nagsimula ng paglayo at pag-iwas dapat panindigan ko.

"I care about you since the day I met you."

Nananahimik ako dito tapos bubulabugin mo na naman ang puso ko.

"Tigil tigilan mo na ako, Dominic." Nahulog na nga ako sa'yo tapos pahuhulugin mo pa lalo.

"Huwag kang magpapatalo. Please, don't date him. I'm warning you."

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

51.1K 366 56
Revised edition. Copyright © all belongs to Ms. Alesana Marie, original author of TBYD.
2.2K 196 41
HENDRIX ACADEMY: LOVING MR. SUNGIT [COMPLETED] Anya Castro, Isang scholar na babae at handang gawin ang lahat upang hindi bumagsak sa isang subject. ...
51.5K 2.5K 33
Unedited/Completed A stalker that knows everything about me, alam n'ya kung saan ako pumupunta at alam n'ya rin kung sino ang kasama ko. But having a...
90.7K 3.8K 103
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka lang haha!