GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

72. WAR

1.1K 70 63
By haciandro


EWAN

I can't do anything but to run. Kailangan kong mailayo ang humahabol sa akin, ngunit bago ko pa yata mailayo ito ay mapapatay na nito ako. Habang tumatakbo ay nakapulot ulit ako ng sanga.

"Sige! Lapit!" sigaw ko hawak ang sanga. Huminto ako at hinarap ang malaking aso. Even my skills won't match his hunger.

I thought my bravery would be my weapon. Nagkakamali ako. Hindi man lang kasi natinag ang aso. Umungol ito ng napakahaba kaya sa ilang sandali lang ay dumating na rin ang iba pang mga aso. Lima sila sa pagkabilang ko.

Patay na!

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit may himala na biglang dumating. I heard gunshots. Second thing I know is all the creepy dogs are lying in the ground, dead.

"Not too late?" tanong sa akin ni Prima habang nakataas ang hawak na baril. Kasama niya si Henry ngunit wala si Rylee.

"Thank you." tanging nasambit ko.

"Nasaan si Carlo?" tanong ni Prima.

Itinuro ko ang daan sa kanila papunta kay Carlo. Sa kabutihang palad ay hindi naman napahamak si Carlo. Nakasandal siya sa puno at inaayon niya ang katawan sa bahaging walang sugat nang madatnan namin.

"You are all back." nakangiwing sabi niya.

"You look bad." tugon ni Prima.

Ngumiti si Carlo at inayos ang pagkakasandal sa puno. "I'm more than okay Prima." pilit niyang tinatago ang pag-inda niya.

"You think?" tugon ni Prima at ginantihan na lamang siya ni Carlo ng isang ngisi.

Sumagi sa isipan ko ang napansin ko kanina, hindi nila kasama si Sam at Rylee. Hindi ko na natiis na tanungin kung nasaan sila.

"Where's Sam and Rylee?" tanong ko.

Nakita ko ang pagbagsak ng emosyon nina Henry at Prima. It indicates that something bad happened to them.

"Hawak ni Lady Em si Rylee, si Sam naman ay wala na." malungkot na sabi ni Henry pagkatapos ng ilang segundo.

"Nakita namin kung paano hinatak ni Em si Rylee papasok sa Mansion ngunit wala kaming nagawa dahil sa sobrang dami ng aso na nakasagupa namin." dugtong ni Prima.

Napakalawak ng isipan ni Lady Em. Nagawa niyang magplano ng ganito sa loob ng kakaunting panahon. Kung hawak na niya si Rylee ay mas mahihirapan kami sa pagligtas kina Flex.

"Kahit anong mangyari ay dapat nating tulungan sila." mahinang sabi ko, lalo na si Flex.

Si Flex ang mas inaalala ko. Malaki ang galit ni Lady Em kay Rylee at sigurado ako na siya ang gagamitin para makaganti dito. Sumang-ayon ang lahat sa akin na kailangan na naming simulan ang pagliligtas sa kanila kaya inumpisahan na namin ang paglalakad papunta sa mansion. Kahit si Carlo na may sugat ay sumama na rin. Walang iwanan. Sama-sama naming tatapusin ang lahat ng ito. Pupuksain naming tuluyan si Lady Em. This is going to be war.

***

FLEX

"Ano ito?" tanong ni Taissa habang inaabot ko sa kaniya ang dalawang nakatuping papel. Ang mga papel na ito ay para kay Monyo at Stephen.

"Kung may mangyaring masama sa akin, gusto kong ibigay mo ito kay Monyo at Stephen." ani ko at saka kinuha niya ito at inilagay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Flex, tatanggapin ko ito pero dapat mong ipangako na pareho tayong makakaalis dito." sinserong pakiusap niya.

Ngumiti ako sa kaniya. Yong ngiting hindi sigurado sa kung anong mangyayari sa hinaharap. "Life is uncertain Taissa. Hindi tayo nakakasigurado kung ano ang magiging takbo ng mundo pero sisikapin ko na makakaalis tayong dalawa dito." ngiti ko.

"Ipangako mo, Flex." diin niya.

"Okay, pangako." napipilitan kong sabi.

Habang nag-uusap kami ay may narinig kaming mga putok ng baril na nanggagaling sa labas. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Aksidente kong nakapa ang sugat sa hita ko na tinamo ko sa baril ni Miss Melania. Napahinto ako dahil sa pagtataka. Nilingon ko si Taissa at nagtaka din siya sa kaniyang nakita.

"Magaling na ang tama mo?" tanong niya.

Tinignan ko ang hita ko at nakitang wala na nga ang sugat. Paanong nangyari iyon? Side Effect din ba ito ng HSV?

"Wala na akong sugat." sabi ko.

Nagtataka pa rin si Taissa ngunit kita sa mukha niya ang galak. Hindi na kami mahihirapan na makaalis dito. Isang putok ang narinig naming muli.

"Marahil sina Rylee at Henry na ang mga iyan!" inunahan ako ni Taissa sa bintana at itinihin ang kaniyang mga paa para malaman kung ano ang nangyayari sa labas. "Hindi ko makita." sabi niya nang tumalikod siya sa akin.

Masyadong mataas ang bintana kaya hindi ko rin makita kung ano ang nangyayari. Pawang mga kahol at putok ng baril ang naririnig ko. Matinding labanan ata ang nangyayari sa labas. Tanging ang pintuan na lang ng kuwartong ito ang paraan para makalabas kami dito. Hindi na namin mahihintay sina Monyo.

We will start our plan, now.

***

We heard a sound of unlocking of chains after an hour. Miss Melania is here. Pabugso-bugso ang pagkakatanggal niya ng kandado. Napansin yata niya na hindi na gumagana ang CCTV dito sa kuwarto. Wala na rin kaming naririnig na ingay sa labas, sana okay lang silang lahat.

Sinenyasan ko si Taissa na pumuwesto na sa gilid ng pintuan. Hawak niya ang paa ng kama na ginamit niya pansira sa CCTV. Pumunta ako sa gitna ng room na direkta sa harapan ng pinto. Dito ako pumuwesto.

Biglang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok ang biglaang hangin. Nakatayo si Miss Melania sa labas at nakatitig siya ng diretso sa akin. May kakaiba akong nararamdaman sa kinikilos niya. Hinintay ko siya na pumasok at saka sinenyasan si Taissa. Aktibong kumilos si Taissa at ipinukol niya ng malakas ang hawak sa ulo ni Miss Melania. Laking gulat naming dalawa nang hindi man lang siya tinablan. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at binigyan ako ng isang ngiti.

"Taissa! Takbo!" sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata ni Taissa. Nag-aalangan pa sana siya ngunit di kalaunan ay kumilos na rin siya. Hindi pa siya nakakalabas ay hinawakan na siya ni Miss Melania sa leeg at saka idinikit sa pader. Tumakbo ako ng mabilis patungo kay Miss Melania at tinulak siya ng malakas. Napahiga kaming dalawa sa labas ng kuwarto habang si Taissa naman ay bumagsak sa sahig.

"Taissa! Lumabas ka na di—." hindi ko natapos ang sasabihin dahil sinakal na ako ni Miss Melania.

Habang sinasakal ako ay may mabigat na bagay na dumagan sa likod ni Miss Melania. Nasa likod na niya si Taissa at sinasabunutan siya. Itinigil niya ang pagsakal sa akin at hinarap si Taissa. Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Taissa at saka ito hinagis. Bumagsak si Taissa sa sahig sa di kalayuan.

I saw something in her eyes. Her eyes have a hint of blood. Infected ba si Miss Melania? Kaya ba sobrang lakas niya?

"What?" she asked, noticing the horror in my face.

"Anong ginawa mo sa sarili mo?" tanong ko.

"Kayo ang may gawa nito sa akin! I am very happy right now! I feel very strong!" panlilisik ng mga mata niya.

Napansin kong bumangon si Taissa at marahan na bumaba ng hagdan. Habang ginagawa niya ito ay may hinugot na device si Miss Melania galing sa bulsa niya.

"Ano iyan?" tanong ko.

"Death sentence ng mga kaibigan mo." maligayang tugon niya. Nababaliw na talaga siya. Unti-unti ng kinakain ng virus ang huling parte ng katinuan niya.

Hindi ko na inisip ang mangyayari basta ang gusto ko lamang ay mailigtas ang mga taong mahalaga sa akin. Marahas kong inagaw ang device sa kamay ni Miss Melania kahit hindi ko pa alam kung para saan ito. Ang alam ko ay delikado ito.

"Ah!" sigaw ko matapos ang isang putok.

Kinapa ko ang bahagi ng tiyan ko na sobrang sakit at nadama ang pagdaloy ng dugo dito. Binaril ako ni Miss Melania. Kasunod nito ang pagdaloy ng aking mga luha.

"You can't beat me, Flex." aniya sabay click sa device habang ako naman ay dahan-dahan na bumagsak sa sahig.

May narinig akong mga pag-angil at pagkahol kasabay nito ang paglabas ng usok na nanggagaling sa ibaba. Narinig ko din ang pagsigaw ni Taissa.

Tears clouded my eyes. Sobrang sakit ng tama ko. Pinilit kong gumapang ngunit bago pa man ako makayo ay hinatak na ako ni Miss Melania papunta sa kabilang kwarto. Hindi ito ang kwarto na pinaglagyan sa amin ni Taissa. Nanlabo ang aking paningin at nahimatay na ako bago ko pa masuri ang laman kuwarto.

***

Napapikit ako ng ilang sandali. Sa pagkakataong ito ay hindi na gaanong masakit ang tama ko sa tiyan. Napansin ko rin ang mas makapal na usok na napapaloob sa kwarto at gayon din ay ramdam ko na mas uminit dito. Nasusunog na ang Mansion.

Napansin ko ang isang katawan na nakahiga sa tabi ko. Gumapang ako papalapit dito. Sinapo ko ang kaniyang mukha upang malaman kung sino siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. "Monyo?" sabi ko.

May narinig akong pagtawa sa gilid ng kwarto kaya inilipat ko dito ang aking paningin at nasilayan si Miss Melania na kampanteng humahalukipkip at tumatawa.

"Ang sweet ninyong tignan." nakakainis na papuri niya. Hawak pa rin niya ang kaniyang baril.

Namuo ang poot sa puso ko. You've gone too far Miss Melania! Pinatay ko ang pag-aalinlangan na nadarama ko at unti-unting tumayo. Papatayin kita Miss Melania!

I was calculating my next move when I heard voices. Taissa and Henry are here. Kailangan ko silang pigilan sa pagpasok dito sa kwarto. Nakita ni Miss Melania ang biglaang takot sa mukha ko kaya lumakas pa ang tawa niya.

"Flex?!" mas malakas na pagtawag ni Henry. Hudyat na malapit na sila.

"I will kill anyone who enters that door." Miss Melania warned me.

Bitch!

I need to do something.

Nang makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ay mabilis kong dinaganan si Miss Melania. Nag-agawan kami sa baril. Bigla niyang kinalabit ang gatilyo kaya nabingi ako sa malakas na putok.

Tumalsik ang hawak niyang baril dahil may sumipa dito. Nakita ko kaagad si Taissa na hinihila ako papalayo. Napagtanto ko na si Henry pala ang sumipa sa baril. Sa kasalukuyan ay nakikipagbuno siya kay Miss Melania. Kakaiba ang lakas na pinapakita ni Miss Melania. Pati si Henry ay walang panama sa kaniya. Sinakal niya si Henry at hinagis papunta sa pader ng kwarto.

"Henry!" sigaw ni Taissa at saka lumapit kay Henry. Nilapitan siya kaagad ni Miss Melania at sinuntok sa tiyan. Mabilis na bumagsak si Taissa sa sahig.

Mabilis kong tinadyakan si Miss Melania ngunit masyado siyang malakas para mapuruhan. Agresibo siyang nakabawi at nagulat ako nang bigla niya akong kinalmot. Nagtamo ako ng sugat sa bandang dibdib.

"Anong nangyayari sa kaniya?" tanong ni Taissa.

"Infected na siya, Taissa." sambit ko.

I can see how shock Taissa is. Naiisip na niya na mas mahihirapan na kaming makaalis dito.

"Kailangan na natin makaalis dito, Flex. Hinihintay na tayo nina Ewan sa labas. Tinatapos nila ang mga aso at mga taong infected." natataranta niyang sabi. This confirms one thing — Ewan and his Co-Slayers are here. Maybe his Prima is also here.

Sabay kaming napaubo ni Taissa. Mas lalo na kasing kumakapal ang usok sa loob ng kwarto. Mukhang nasusunog na ang ilalim na bahagi ng Mansion.

Lumapit sa amin si Miss Melania at binuhat ako. "Sino ang nagsabing makakaalis na kayo?" tanong niya kasunod nito ay hinagis niya ako ng malakas.

Bumagsak ako sa maliit na lamesa sa gilid ng kwarto. Nagsilaglagan ang mga bagay na nakapatong dito. Habang inda ang sakit ng pagkakahagis ay may isang bagay sa sahig na nakakuha ng aking atensiyon — posas. Gumapang ako papalapit dito at kinuha ito.

I notice movements behind me after that. Nang tumalikod ako ay napansin ko na gising na si Monyo. Isinuksok ko ang posas sa bulsa ko at gumapang patungo sa kaniya. I touch his face and plant a kiss in his lips.

"You're awake." maluha-luha kong sabi.

"Hey, beautiful." he smiles.

Isang putok ang muli kong narinig galing sa baril ni Miss Melania. Kasabay nito ang pagdanak ng dugo galing sa tiyan ni Monyo. Napahiyaw ako sa nasilayan. I saw how Monyo's smile shifted into a painful one. Pinisil ko ang tiyan niya ng malakas para pigilan ang pagtagas ng dugo.

"Stay with me Monyo!" iyak ko.

Kaagad na inagaw ni Henry ang hawak na baril ni Miss Melania kasabay nito ang paglabas ng apoy sa sahig ng kwarto. Umurong si Taissa sa kinalalagyan niya dahil muntikan na siyang maabot ng apoy.

Sinilip ko ang butas sa sahig na ginawa ng apoy. Kita ko ang malakas na bulyaw ng apoy sa ibaba. Anomang minuto ay lalamunin na ng apoy ang buong mansion na ito. Rinig ko rin ang malakas na hiyawan sa labas.

"Flex! Taissa! Bilis! Lumabas na kayo!" may pag-aalalang sigaw ni Ewan sa labas.

Pinagmasdan ko ang kalagayan ng mga kaibigan at minamahal ko. Si Taissa ay takot na takot na iniiwasan ang apoy. Si Henry ay hirap na hirap sa makikipagbuno kay Miss Melania. Ang lalong hindi ko maatim ay naghihingalo na si Monyo. Hindi ko alam ang ginawa ni Miss Melania sa kaniya at hindi na gumagana ang healing ability niya. Ang alam ko lang ay mamamatay siya kapag hindi ako umaksyon.

"My heart will always growl that I love you, Monyo." hinaplos ko ang pisngi niya kasabay ng pagpatak ng luha ko. "Always remember that." and I kiss him deeply.

That will be our last kiss.

Tumayo ako at hinatak si Taissa papalayo sa apoy. Ipinuwesto ko siya sa sabi ni Monyo. Inilibot ko ang paningin ko sa posibleng exit. Binuhat ko ang lamesa na binagsakan ko kanina at malakas na hinagis ito sa bintana.

I feel so strong right now.

"Tulungan mo si Henry na ilabas si Monyo dito." utos ko kay Taissa. Nagtataka siya.

"Anong gagawin mo, Flex?" tanong niya.

"I'm doing what I promised, Taissa. Ilalabas ko kayo dito." I smile like this will be my last chance to do it.

"Flex—." pinutol ko ang sasabihin niya.

"Just do what I said." ani ko.

Lumakad ako papalapit sa kina Henry at Miss Melania. Ni-lock ko ang isang bahagi ng posas sa aking kanang pulsuhan. Hinablot ko ang kaliwang kamay ni Miss Melania at saka ikinabit ang huling bahagi ng posas. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa sa ginawa ko.

"Flex?" pagtataka ni Henry.

"You promise that you will save Rylee no matter what?" tanong ko. "Do it now!" utos ko.

Nag-aalalangan si Henry ngunit wala na siyang nagawa. Kaagad kong hinila si Miss Melania papunta sa butas ng apoy. Malakas ang hiyaw niya. Ramdam ko ang init at hapdi sa buong katawan.

Habang nilalamon kami ng apoy ay masaya kong nasilayan ang pag-alis nina Taissa, Henry at Monyo.

Now, I can rest in peace knowing that they are safe. Everything turns red and orange. I can't feel a single thing. Miss Melania is gone and turned into ashes, so do I.

***

I was awaken by a white light. Ang gaan sa pakiramdam ng ilaw na ito. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung nasaan ako. I finally heard familiar voices.

"Flex?" ngiti niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasa harapan ko ngayon si Maricel.

"Maricel!" lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Aheem! Siya lang ba ang yayakapin mo?" masayang tanong ni Jessa na katabi si Nema.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Niyakap ko rin silang dalawa ng mahigpit. Buo na ang FIERCE 5 kung nandito lang si Taissa. Nandidito din ang iba kong mga kaibigan.

"Pwede ko rin bang mayakap ang unica hija ko?" ani ng lalake sa likod ko.

Hinarap ko ang lalake. Mangiyak-ngiyak ako nang masilayan ang mukha ni Papa.

"Papa!"

Ganoon pa rin ang hitsura niya noong huli ko siyang nakita — bago siya mamaya. Niyakap ko siya ng mas mahigpit.

"Sali ako!" boses ito ni Mama.

"Nandito ka rin Ma?" tanong ko.

Ngumiti lang si Mama at kinindatan ako. Niyakap nila ako ni Papa at ilang beses na hinalikan sa pisngi.

"Iiwan ka muna namin dahil may taong napakaimportante sayo na gusto kang kausapin." ani ni Mama at saka lumayo silang lahat at iniwan akong nag-iisa.

Inilibot ko ang aking paningin. Nagulat ako dahil nasa gitna pala ako ng isang strawberry farm.

"Gagawan mo ako ulit ng ice candy na gawa sa strawberry?" nakangiting tanong ni Armie na nasa harap ko.

"Armie!" sigaw ko sabay yakap. "Namiss kita!"

"Namiss din kita, Flex!" tugon niya.

"I am very sorry." ani ko.

"Para saan?" tanong niya.

"For not knowing that you're gone for a long time before I knew." ani ko.

"People don't go. They just exploring something new." ngiti niya.

"Like this?" turo ko sa paligid.

"Yeah, like this." sang-ayon niya.

He is right. This is also new for me. I am new here in heaven.

"Patay na ako." bigla akong nalungkot.

"You still have a chance to go back." sabi niya.

"What if I don't want to?" tanong ko.

"Then, we will be together forever with them." turo niya sa mga taong mahal ko. Masaya ako na kasama ko na sila ngunit hindi ko maiwasan maging malungkot kapag naaalala ang mga taong naiwan ko.

I should not be sad because I know that someday I will be with all the people that I love. Not now, but sooner.

I chose to stay.

*****
Sorry po dahil natagalan ang pag-update ko. Medyo busy lang these last few months. You know, adulting na. Hihi 😇😘😇

Ps. Malapit na po ang The End.
Palangga ta kamo 😘

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
3K 154 37
HORIZON yan ang lugar na tinatawag sa aking pinag mulan at sinilangan isang lugar na pinamamahayan ng mga kilalang bampira at mga tao, matapos magana...
28.7K 873 25
"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a coll...
8.3K 508 29
In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng ma...