GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

73. FIRE

1.3K 58 21
By haciandro


TAISSA

Nakita ng dalawang mata ko kung paano nilamon ng apoy ang mansion at kasama nitong nilamon sina Flex at Miss Melania. Ako na lang ang natitira sa FIERCE 5. Wala na ang mga kaibigan ko. Wala na rin si Flex.

Halos hindi ako makalakad sa sobrang panghihina ng aking loob. Maraming tao na ang nawala sa akin. Marami na ang namatay.

"Taissa!" sigaw ni Henry nang napaupo ako sa lupa. Buhat niya sa kaniyang balikat si Rylee. Hindi ko kayang umalis ng wala si Flex. Pinangako namin sa isat-isa na sabay kaming makakaalis dito.

"Kasalanan ko to." iyak ko.

"No Taissa. Flex sacrificed her life for me, for you, for Rylee! For all of us! Masasayang ang lahat ng ginawa niya kapag hindi ka kumilos!" desperadong sigaw ni Henry.

Malakas ang pag-ugong ng apoy sa likod ko. Mabilis na natutupok ang lahat ng bahagi ng Mansion. Ilang saglit pa ay bumagsak na ang buong Mansion sa likuran ko. Mabilis akong hinila ni Henry papalayo bago pa ako matabunan. Humahapdi ang mga mata ko dahil sa usok. Hindi lang kasi ang Mansion ang nasusunog kundi pati na rin ang buong gubat. Palinga-linga si Henry sa paligid. Humahanap siya ng pwedeng mahingan ng tulong. Nababalot na kasi ang buong paligid ng nagngangalit na apoy. Mukhang hindi na kami makakalabas dito.

"Ewan!" sigaw namin ni Henry.

"Prima!"

"Nasaan kayo?"

May nakarinig din sa wakas sa aming sigaw ngunit ang masaklap ay hindi ang grupo ni Ewan kundi ang grupo ng mga infected na aso.

"Henry!" sigaw ko sa sobrang takot. Lumalakad patungo sa akin ang tatlong aso. Nagngangalit ang kanilang mga ngipin.

"Taissa! Run!" sa hudyat ni Henry ay binilisan ko ang aking takbo. Mabagsik na nakabuntot sa amin ang tatlong aso.

Biglang tumalon kay Henry ang isang aso. Mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas kaya tumilapon ang aso at dumeretso sa apoy. Mas nagalit ang dalawang aso kaya umatake ito ng mabilis. Ibinaba ni Henry si Rylee sa lupa at dinampot ang isang nag-aapoy na sanga at hinampas sa mga aso. Hindi natitinag ang mga aso at patuloy pa rin sila sa pag-atake. Hinila ko si Rylee papunta sa gilid dahil may nagsibagsakan na mga punong malapit sa kinahihigaan niya. Hindi ko namalayan na wala na si Henry sa harapan ko. Isang iglap lang ay nawalay na kami sa kaniya. Hindi ko na siya makita at gayon din ang mga aso. Nabagsakan kaya siya ng mga puno? Sana huwag naman.

"Henry!" sigaw ko. Takot na takot ako.

Walang Henry ang sumagot sa sigaw ko. Tinakpan ko ang bibig at ilong ko. Malaki na ang apoy sa paligid. Hindi na ako gaanong makahinga sa kapal ng usok.

May nakita akong isang anino ng tao sa di kalayuan. Papalapit na siya sa akin. Kakaiba ang pagkilos nito kaya masasabi ko na hindi ito si Henry. Kasunod na nagsisulputan ang iba pang katulad nito. Rinig ko ang pag-angil nila habang papalapit na sila sa akin. Tumayo ako at hinila si Rylee. Nakita ko ang pag-iba at pagbilis ng kilos nila. Tila mabangis na hayop sila na takot maubusan ng pagkain. Nilakasan ko lalo ang paghila kay Rylee. Kapag hindi ko pa binilisan ay siguradong mamamatay kami. Maaaring dahil sa apoy o sa mga infected.

Nailayo ko si Rylee papunta sa bahaging hindi pa naaabot ng apoy. Maya-maya ay siguradong matutupok na din ito. May bulalas akong narinig sa kailaliman ng gubat. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Wala na akong mapupuntahan sa pagkakataong ito.

Ipinikit ko ang ang aking mga mata at nanalangin. Nanalangin na sana matapos na ang lahat ng ito.

Hindi ako nabigo nang may marinig akong boses. Idinilat ko ang aking mga mata at hinanap ang pinanggagalingan ng boses.

"Taissa?"

Marahang lumabas si Ewan mula sa kadiliman. Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Kasunod na lumabas sina Prima at Carlo.

"Nasaan si Flex?" tanong ni Ewan. Alam kong ito ang una niyang itatanong.

Yumuko ako at pilit na itinago ang nagsisisi kong mukha. Nahihiya ako sa kaniya dahil isa ako sa may kasalanan kung bakit namatay si Flex. Hinawakan ako ni Ewan sa balikat at saka niyugyog ito.

"Nasaan si Flex?" pag-uulit niya.

Pinilit ko ang sarili na magsalita. "Patawad Ewan pero patay na siya." hindi ako makapaniwala na nasabi ko ito. Na parang kailangan ko na talaga itong tanggapin.

"Hindi." mahina niyang sabi. Tumakbo siya patungo sa direksiyon ng Mansion ngunit bago pa siya makalayo ay agad na siyang hinatak ni Prima.

"Mamamatay ka kapag bumalik ka doon!" babala ni Prima kay Ewan habang hawak niya ang mukha nito. Kanina ko lang siya nakilala ngunit sigurado na ako base sa nakikita ko na matapang ang babaeng ito. Ipinapakita niya rin na mahal niya ang kaniyang mga kasama.

Hindi na napigilan ni Ewan ang humagulgol. Alam kong mahalaga sa kaniya si Flex at mas masakit sa kaniya ang pagkamatay nito. Habang humahagulgol siya ay niyayakap siya ni Prima at hinihimas ang likod niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng ganito. Napaluha na rin ako.

Napabaling ang atensiyon namin nang magsibagsakan ang mga puno sa di kalayuan.

"Guys!" sigaw ni Carlo. Hawak niya si Rylee at sinusuri ang kalagayan nito. Napalingon kami sa kanila. "Kailangan na nating umalis dito, kailangang magamot na kaagad si Rylee." pagpapatuloy niya.

Alam kong malala na ang kalagayan niya ngunit may isang tao pa ako na iniisip. Si Henry.

"Si Henry!" sigaw ko.

Natigilan si Prima at saka lumapit sa akin. Nakatulala lang na nakaupo si Ewan sa pinanggalingan niya. Wala na siya sa kaniyang konsentrasiyon.

"Nasaan siya?" tanong ni Prima.

"Bigla siyang nawala habang hinahabol kami ng mga infec—." hindi ko natapos ang paliwanag ko nang may bumulagang infected.

Inatake nito si Prima kaya nagpagulong-gulong sila ng infected sa lupa. Mabilis namang kumilos si Carlo at binaril ang infected.

Narinig ko ang boses ni Henry na sumisigaw sa di kalayuan. Inilibot ko ang paningin sa paligid ngunit hindi ko makita kung nasaan siya.

"Taissa!" sigaw ni Henry. Kasunod na maririnig ay ang sigaw niya na parang inaatake, nasa panganib siya. Maririnig din ang pag-angil ng mga infected sa di kalayuan.

Tumayo si Prima mula sa lupa at nilapitan si Ewan. Hinawakan niya ang mukha ni Ewan at pilit na pinapatingin sa kaniya ng diretso.

"I need you right now, Ewan!" seryoso niyang sabi. "Hindi gugustuhin ni Flex na maging ganiyan ka." may lambing sa mga mata niya.

"Namatay si Flex nang hindi man lang ako napapatawad." ani Ewan.

Nagkakamali si Ewan. Napatawad na siya ni Flex. Hindi magagawa ng kaibigan ko na magtanim ng galit sa kaniyang puso. Kahit ako nga na sobrang laki ng kasalanan sa kaniya ay nagawa pa rin niyang mapatawad.

"Mas hindi ka niya mapapatawad kung hahayaan mo na mapahamak ang mga taong mahal niya." sinserong paliwanag ni Prima. "Kailangan ka namin ngayon."

Pinahid ni Ewan ang kaniyang mga luha at inayos ang sarili. Tumayo siya galing sa pagluluksa at makikita sa kaniyang mukha ang pagsilay ng bagong lakas.

Lumapit ako kay Ewan at hinawakan ang kaniyang braso. "Nagkakamali ka Ewan sa iniisip mo, napatawad ka na ni Flex. Alam mo yan puso mo." ani ko.

Sumilay sa kaniyang mukha ang pilit na ngiti.

Pinutol ni Prima ang aming usapan. "Carlo, ikaw ang umalalay kay Rylee. Samahan mo siya Taissa. Mauna na kayo habang hinahanap namin si Henry." utos niya.

Nag-aalangan pa akong umalis pero wala na akong nagawa. Mapapahamak kami kapag hindi namin sinunod si Prima. Magiging sagabal lang kami sa paghahanap nila kay Henry kapag nanatili pa kami dito.

"Iligtas niyo siya." pakiusap ko sa kaniya.

Tumango lang siya. Pagkatapos ay mabilis silang tumungo ni Ewan sa pinanggalingan ng boses ni Henry. Kami naman ni Carlo ay nagsimula ng maglakad. Nakita ko si Carlo na may iniinda ding sakit kaya nagpresenta na akong tulungan siya. Inilalayan naming dalawa si Rylee. Tig-isa kami ni Carlo sa mga braso ni Rylee. Nilagay namin ito sa magkabilaang balikat namin.

Maliwanag ang buong paligid dahil sa nagngangalit na apoy. Parang umaga lang ang liwanag ng paligid kahit malalim na ang gabi. Sobrang init din na sobra pa sa init ng tanghaling tapat.

"This way, Taissa!" turo ni Carlo sa kanan. Ang daan na ito ay patungo sa malapit na kalsada.

Naramdaman ko na may bumubuntot sa amin. Sa di kalayuan ay may mga pigura akong naaninag. Natuwa ako.

"Nandito na sila, Carlo!" excited kong sabi dahil sa wakas ay nailigtas na rin nina Ewan si Henry.

Sumilay ang nerbiyos sa mukha ni Carlo. Bigla niya akong hinatak at pinabibilis niya ang aking lakad. Anong problema?

"Hindi sila ang mga iyan, Taissa! Bilisan natin!" tarantang pahayag niya.

Nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin. Sa di kalayuan kasi ay may maririnig na pag-ungol. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga infected na papalapit na samin. Kahit nababalot na ng apoy ang mga katawan nila ay patuloy pa rin sila sa paglalakad patungo sa kinaroroonan namin.

Inayos ni Carlo ang braso ni Rylee sa kaliwang balikat niya at saka hinugot ang kaniyang baril at sinimulang pagbabarilin ang mga infected. Natumba ang tatlong infected na natamaan niya ngunit may higit sampong infected pa ang natitira. Makikita sa mukha ni Carlo na nahihirapan na siya.

"Ako na ang aalalay kay Rylee." presenta ko.

Tinanggal ko si Rylee sa balikat niya. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad kahit sobrang bigat ni Rylee. May pagkakataon pa na natitisod ako.

Patuloy ang pagbaril ni Carlo sa mga infected. Patuloy din silang dumadami. Ang bibilis ng kilos nila. Alam ko na anumang sandali ay mauubos na ang mga bala ni Carlo. Nanganganib na ang buhay namin.

Nakada ako ng pag-asa. Sa di kalayuan kasi ay naaaninag ko na ang kalsada. Malapit na kaming makalabas sa gubat.

"Carlo! Ang kalsada!" sigaw ko.

Lumingon siya at binigyan ako ng isang ngiting-pilit. Napangiti din ako ngunit hindi rin ito nagtagal. Napalitan ito ng matinding kaba ng mapagtanto ko na na-corner na kami ng mga infected. Humigit sampo pa na mga infected ang papalapit sa amin.

"Taissa! Mauna na kayo ni Rylee!" sigaw ni Carlo.

Ipinagpatuloy niya ang pagbaril. Nang maubos na ng tuluyan ang bala ng baril niya ay saka siya inilabas ng dalawang patalim — tig-isa sa bawat kamay. Alam ko na ang susunod na gagawin niya. Bibigyan niya kami ng sapat na oras para makatakas.

"Paano ka Carlo?" tanong ko.

Ngumiti lang siya. "This is my life, Taissa. Ang tunay na Slayer ay hindi sumusuko at hinding-hindi uunahin ang sariling kapakanan." paliwanag niya.

"Thank you." naluluha kong sabi.

"Saka ka na magpasalamat kung ligtas na kayong dalawa ni Rylee," ngiti niya. "kaya bilisan niyo na!"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Binilisan ko ang paglalakad kahit bigat na bigat na ako kay Rylee. Habang papalayo kami kay Carlo ay rinig ko ang tunog ng mga pagsaksak niya. Rinig ko kung paano bumagsak ang mga katawan ng infected sa lupa. Rinig ko din ang huling sigaw ni Carlo nang hindi na niya nakayanang puksain ang mga infected. Pilit kong pinipigil ang aking mga luha na pumatak ngunit kusa itong nahuhulog galing sa aking mga mata.

Konti na lang! Malapit na!

Sa wakas! Nakalabas na rin kami ng tuluyan sa gubat.

Naputol ang pansamantalang kaligayahan ko. Hindi lang kami ang nakalabas sa gubat. Naririto na din sa kalsada ang tatlong natitirang infected. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Dahil dito ay natisod ako at natumba kami ni Rylee. Tagaktak ang pawis ko habang pilit na pinapatayo si Rylee. Sinubukan ko siyang pasanin ngunit hindi ko talaga kaya. Sa bigat niya at pagod ko ay hindi ko talaga siya mapapasan.

Ni-relax ko ang aking sarili. Wala naman rin akong magagawa. Iniyuko ko ang aking ulo, nanalangin at saka inantay ang paglapit ng mga infected.

Tulungan nawa ako ng Diyos.

Rinig ko ang pag-angil nila. Ramdam ko na nasa harapan ko na sila. Isang hakbang na lang ay tuluyan na nila akong makakain.

Bang!

Isang putok ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Kasunod nito ay maririnig ang kaskas ng sasakyan. Bigla kong naramdam ang mga brasong pilit akong pinapatayo. Hinihila nito ako papalayo sa kinaroroonan ko.

Iniangat ko ang aking ulo. Ngiti ni Henry ang bumungad sa akin. Pumiglas bigla ang aking puso dahil sa sobrang galak. Buhay siya! Kinakausap niya.

"Ligtas na tayo." sambit niya at saka niyakap ako.

Sa di kalayuan ay nakahandusay ang tatlong katawan ng infected na humahabol sa amin kanina. Duguan sila dulot ng tama ng baril.   Nginitian ako ni Prima, nasa loob siya ng kotse. May hawak siyang baril patunay na siya ang tumapos sa mga infected. Hindi ko napansin na binubuhat na pala ni Ewan ang katawan ni Rylee. Ligtas na nga kami.

Muling nagsalita si Henry. "We need to go now, Taissa." aniya.

Hindi na ako nakapagsalita pa at agad na pumasok sa kotse.

Matulin na pinaandar ni Prima ang kotse. Habang lumalayo kami ay lalo kong nakikita kung gaano kalaki ang parte ng gubat na tinupok ng apoy. Makikita na napuno ng itim na usok ang kalangitan.

"Are you okay?" tanong ni Henry na nasa tabi ko. Nasa harapan ng kotse sina Ewan at Prima, katabi naman ni Henry si Rylee sa kanan niya.

Tanging ngiti lang ang naging sagot ko sa tanong niya. Wala akong gustong gawin ngayon kung hindi namnamin ang sandaling ito. Payapa at ligtas na kami. Iyon ang mas importante.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Henry. Alam kong kakaunti na lang ang sandali na magkakasama kami. Malapit ng sumikat ang araw gayon din ang pag-alis ko sa Hacienda Señeres. Mamimiss ko ang lahat ng nandidito.

***

Nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog. Maliwanag na ang paligid at nakahinto na ang kotse sa gilid ng kalsada.

"Nandito na tayo." ani Henry na nakatitig sa akin.

Umayos ako sa pagkakaupo at sinilip kung nasaan na kami. Sa unahan malapit sa pwesto ng kotse ay makikita ang arko ng Hacienda Señeres. Sa gilid ng arko ay may nakalagay na speaker. Sa paligid makikita ang mga pulis at mga doctor na naka-mask. Nandito na pala kami sa Entrance.

"Kailangan mo ng umalis, Taissa," nagsalita si Ewan na nasa unahang upuan ng kotse. "Anomang oras ay isasara na ang Entrance ng Hacienda, this will be under Red Zone after that. Meaning Restricted na ang lugar na ito." paliwanag niya.

Alam ko na ang lahat ng ito. Dahil sa Hacienda Señeres Virus na kumakalat ay naisip ng gobyerno ang ganitong desisyon. Wala kaming magagawa kundi ang sundin ang utos na ito.

"Ngunit paano na kayo?" pag-aalala ko.

Nagsalita si Prima at nilingon ako. "You don't need to worry about us. Slayers kami at anytime pwede kaming lumabas dito." aniya.

Ang mas inaalala ko ay si Henry at Rylee.

Nagsalita si Henry na parang nabasa na ang iniisip ko. "Hindi kami pwedeng umalis dito, Taissa. Nasa katawan namin ang Virus. Bago kami makalabas ng Hacienda ay susuriin nila kami. They will detect the Virus in our blood and we will be a living specimen to them. They will run a lot of tests until our bodies can't handle one." paliwanag niya. May point siya.

"Si Flex, siya ang lunas sa lahat ng ito." pabulong kong sabi.

Nag-iba ang ekspresyon ng lahat. Masakit pa rin ang pagkawala ni Flex. Lalo na siya pa ang lunas na kailangan namin.

"Isang rason pa iyan kaya dapat kaming mag-stay dito. May blood samples pa ako ni Flex sa Lab. I can use it to make a cure." ngiti ni Henry. Nagsalita siyang muli. "At isa pa, kailangan ko ring suriin ang kalagayan ni Rylee. Hindi ko alam kung anong substance ang itinurok sa kaniya ni Lady Em." magaan ang lahat ng pagkakasabi niya.

Nabaling ang atensiyon namin sa pagtunog ng alarm. Kasunod nito ang isang announcement.

Ipinababatid namin sa lahat ng residente ng Hacienda Señeres na ang huling limang minutong countdown upang makaalis sa Hacienda ay magsisimula pagkatapos ng anunsyong ito.

Pagkatapos maputol ang anunsyo ay nagsimula kaagad ang countdown.

"Taissa." ani Henry.

This is it. Kailangan ko na talagang magpaalam sa kaniya.

Wala na akong magagawa. Marahan akong lumabas sa kotse ay nagsimulang maglakad patungo sa entrance. Bago pa ako makalayo ay hinabol ako ni Henry at niyakap sa likod. Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. Ang sakit sa puso ng sandaling ito. Parang gusto kong sumabog.

Pinaharap ako ni Henry sa kaniya. Pinahid niya ang mga luha sa aking mga mata at pilit na pinapangiti ako.

Nakangiti siya pero halata pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Promise! Makakahanap kami ng lunas at kapag nangyari iyon pwede na tayong magsama." pumatak ng tuluyan ang luha sa kaniyang mata.

Kaagad niyang sinapo ang mukha ko at inilapit niya sa kaniyang mukha. Ramdam ko ang labis na lungkot ni Henry. Ramdam ko iyon kung paano niya ako hinahalikan. Marahil ito na ang huling pagkakataon na mahahalikan niya ako.

"I love you Taissa Rivera." aniya.

"I love you too Henry Loreto." tugon ko.

May hinugot ako sa bulsa ko. Iniabot ko ito sa kaniya ng nakatupi. Tinignan niya ang kapirang papel na inabot ko.

"Ibigay mo iyan kay Rylee kapag nagising na siya." sabi ko.

Nagplanta ako ng huling halik sa labi niya at saka tuluyan ng umalis. Bumaha na ang mga luha sa aking mata.

Nakita ko pa na hindi pa siya umalis sa kinatatayuan niya. Habang sinusuri ako ng mga doktor kung infected ba ako ay patuloy ang pagtitig niya sa akin.

"Clear!" sabi ng isang doctor.

Kaagad niya akong pinalabas sa maliit na gate na inilagay nila. Mula dito ay makikita ko pa si Henry. Tinignan ko siya ng ilang segundo. Ito na ang huling sandali na makikita ko ang kaniyang mukha.

Paalam Henry.

Paalam mahal ko.

***

Nasa loob ako ngayon ng bus na maghahatid sa amin sa City. Punong-puno ng mga tao ang loob. Karamihan sa kanila ay kung hindi malungkot ay umiiyak. Nakadungaw ang iba sa bintana at pinagmamasdan ang dako ng Hacienda kung saan sila lumaki, nag-aral at nagkapamilya. Hindi lubos maisip na sa ganitong paraan ko iiwan ang Hacienda Señeres.

"Anak okay ka lang?" tanong ni Tatay. Katabi niya si Nanay at ang natitira kong kapatid. Nagpapasalamat ako na buhay sila.

Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya.

May isang ale na nakakuha ng atensiyon ko. Kinakausap niya ang batang katabi niya. Marahil anak niya.

"—wawa ka naman. Mag-isa ka lang ba? Nasaan na ang mga magulang mo?" tanong niya sa bata. Hindi umiimik ang bata.

May iba akong kutob tungkol sa bata kaya tumayo ako at pumunta sa kinauupuan nila ng ale. Nagsimula na ring umandar ang bus kaya paika-ika ako papunta sa kanila.

"Saan ka pupunta anak?" tanong ni nanay.

"May titignan lang po ako." ani ko.

Pagkalapit ko sa ale at bata ay labis na galak ang nadama ko. Hindi ako nagkamali sa kutob ko. Naiyak ako ng makita ang musmos niyang mukha.

"Ste—phen?" nauutal kong sabi.

Nanlaki ang mata ng bata ng makita ako. Tumayo siya at mahigpit akong hinagkan.

"Ate Taissa!" hagulgol ng bata.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Nagpapasalamat ako na nakita ko siya.

Tutuparin ko ang pangako ko sa iyo Flex.

Binuhat ko si Stephen at dinala sa kinauupuan ko. Pumuwesto siya sa pinakadulo malapit sa bintana at sabay naming pinagmasdan ang papaliit na imahe ng Hacienda.

Paalam Hacienda Señeres.

*****
THANK YOU HASHIES FOR BEING WITH ME DURING THIS ROLLER COASTER RIDE!!! PALANGGA TA KAMO!!!😘😘😘

Ps. Next Chapter will be the last. 😇😘😢

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
1.8M 1.7K 2
When a simple college student, Selene Reese met the white, tall, and handsome Hunter Ybrahim, she knows her life will never be the same again. Convin...
33.3K 1.3K 20
For early notice, this is a VAMPIRE story. Sa mga kapwa ko adik sa mga vampire diyan, basahin niyo na po :) I'm sure makakarelate kayo dito. A/N: Bag...
401K 13.1K 125
(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pag...