They Met At First Kiss

By YnaSone

2.2M 35.4K 5K

Meet Adriana Joyce Chavez, isang matalino at talintadong babae ngunit tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwal... More

They Met At First Kiss Synopsis
TMAFK#1
TMAFK#2
TMAFK#3
TMAFK#4
TMAFK#5
TMAFK#6
TMAFK#8
TMAFK#9
TMAFK#10
TMAFK#11
TMAFK#12
TMAFK#13
TMAFK#14
TMAFK#15
TMAFK#16
TMAFK#17
TMAFK#18
TMAFK#19
TMAFK#20
TMAFK#21
TMAFK#22
TMAFK#23
TMAFK#24
TMAFK#25
TMAFK#26
TMAFK#27
TMAFK#28
TMAFK#29
TMAFK#30
TMAFK#31
TMAFK#32
TMAFK#33
TMAFK#34
TMAFK#35
TMAFK#36
TMAFK#37
TMAFK#38
TMAFK#39
TMAFK#40
TMAFK#41
TMAFK#42
TMAFK#43
TMAFK#44
TMAFK#45
TMAFK#46
TMAFK#47
TMAFK#48
TMAFK#49
TMAFK#50
TMAFK#51
TMAFK#52
TMAFK#53
TMAFK#54
TMAFK#55
TMAFK#56
TMAFK#57
TMAFK#58
TMAFK#59
TMAFK#60
TMAFK#61
TMAFK#62
TMAFK#63
TMAFK#64
TMAFK#65
TMAFK#66
TMAFK#67
TMAFK#68
TMAFK#69
TMAFK#70
TMAFK#71
TMAFK#72 [EPILOGUE]

TMAFK#7

23K 483 15
By YnaSone

Dominic's pov.

What is your greatest fear in life?

I'm afraid to lose her.

I don't wanna lose my happy pill.

Nalungkot ako nang makita ko siyang nakahandusay sa marumi at malamig na semento. Lahat ng lakas ko ay nawala nang makita ko siyang duguan at walang malay.

This is all my fault. Kung hindi sana ako uminom ay hindi sana ito mangyayari sa kanya. I'm really stupid! Pinangunahan ako ng galit at pagdududa sa mga nakita ko. Hindi ko man lang nagawang magtanong o makinig sa mga paliwanag niya. And worst of all, inakala kong lalaki ni Adriana ang kanyang kapatid.

"I'm sorry Adriana. Kasalanan ko 'tong lahat." Nandito ako sa hospital para bantayan si Adriana na tatlong araw nang hindi nagigising.

"Please, wake up. Babawi pa ang boyfriend mo." Ayaw kong may nasasaktan at umiiyak na babae. Pero dahil sa katangahan ko, nagawa ko siyang saktan. Buwesit na akala 'yan, nasaktan ko ang babaeng hindi deserve masaktan.

"Miss na kita, Miss Chubby." Dahan dahan kong sinusuklay ang kanyang buhok habang tanggang kinakausap ito. Lahat ng involve sa gulo ay hindi ko papalampasin. They deserve to suffer.

"Kapag hindi ka pa gumising babawiin ko 'yung dugong isinalin sa'yo."

"Or I will kiss you?" Panakot ko habang yakap ang kanyang kamay.

Adriana was the only woman who made me cry. Except sa aking Ina na iniyakan ko 9 years ago nang madatnan kong wala ng buhay sa Hospital.

"Hindi ko kaya na pati ikaw mawala sa'kin."

Adriana's pov.

"I don't wanna lose my happy pill."

"Hindi ko kaya na pati ikaw mawala sa'kin." Alam kong boses ni Dominic 'yon dahil kilalang kilala na siya ng panrinig ko. Unti unti ko nang kinakahiligan ang kanyang boses na araw araw kong naririnig.

Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit 'di ko magawa. Hindi ko rin maigalaw ang aking kanang kamay dahil nangingirot ito. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. What if hindi ko na sila makita? Paano si Dominic?

"Anak, gumising ka na." Nang marinig ko ang boses ng aking ina ay para bang may magic na kusa na lang bumukas ang mga mata ko.

"Maaaa!" Ungol ko habang may luhang tumulo sa gilid ng mata ko.

"Adriana!" Sa pagbukas ng aking mga mata ay mukha agad ni Dominic ang nakita ko. Kahit malabo alam kong siya 'yon. Ang taong pilit kong kainisan pero 'di ko makalimutan.

"Ma!" Pinilit kong bumangon habang hinahanap ito sa paligid pero hindi ko magawa dahil sa nangingirot kong kamay.

"Adriana, 'di ka pa puwedeng tumayo."

"Don't cry, nandito na ako." Nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mahigpit na yakap ni Dominic. Pakiramdam ko ligtas na ako.

"Sorry babe!" Ramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko habang nag-aalala sa akin. "I promise, I will never make you cry again." Bulong niya para mapangiti ako.

"Adrianaaa--" bumitaw na sa pagkayakap si Dominic nang magsidatingan ang mga barkada namin.

"Nakikilala mo ba ako?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni kuya Alex. Alam kong magagalit siya sa'kin dahil sa hindi ko pag-iingat.

"Kuya!"

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Pinag-alala mo kaming lahat." Kitang kita ko sa mukha ni Kuya ang pag-aalala at takot. "Sorry Kuya," niyakap niya ako mahigpit para mawala na 'yung takot ko.

"Si Mama?" Nagulat ang kapatid ko dahil sa naging tanong ko. Alam kong wala na si Mama pero narinig ko talaga ang boses niya.

"Adriana, hanggang ngayon ba napapapanaginipan mo sila?" Tanong ni Kuya Alex habang inaayos ang buhok ko na nagkalat sa mukha.

"Iniwan tayo ni daddy sa panaginip ko." Kitang kita ko ang pagkagulat ni kuya Alex ng banggitin ko si Daddy. Ayaw na ayaw niyang binabanggit ko si daddy simula nang mawalan ako ng alaala.

"Gawa lang 'yan ng mga iniinom mong gamot." Wala talaga siyang balak sabihin kung sino at anong pangalan ng aking ama.

"Ano bang nangyari sa'yo?"

"Bakit nasa faculty room ka?"

"May masakit ba sa'yo?

"Kilala mo ba kung sino ang nagkulong sa'yo?"

Napatakip tenga ako nang kumirot ang ulo ko dahil sa sunod sunod nilang tanong sa akin.

"Magpahinga ka na muna, Adriana. Masyado ka pang mahina. You need more strength." Saad ni kuya Alex habang pinupunasan ang mga luha ko.

****

"Aray!" Sigaw ng batang lalaki nang madapa ito dahil sa paglalaro.

"Bata, okay ka lang?" Tanong ng isang batang babae habang tinutulungan makatayo ang lalaki.

"Sino ka?"

"Hindi ako sinuka ng Mama ko kundi iniri." Biro ng babae para mapangiti ang batang lalaki.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng lalaki habang iniinda ang kanyang sugat sa tuhod.

"Ana, ikaw?"

" Call me Nic," pakilala ng batang lalaki.

"Gagamutin ko 'yang sugat mo." Pinaupo ng batang babae ang lalaki sa nakahelerang upuan sa Park at inumpisahan nang linisan ang sugat.

"Aray masakit! Hindi ka puwedeng maging nurse." Reklamo ng lalaki dahil sa naging mariin na pagpunas ng batang babae.

"Wala akong balak magnurse kung ganyan tulad mo kakulit ang magiging pasyente ko." Nanihimik naman ang batang lalaki at tiniis ang kirot ng sugat habang ginagamot ng batang babae

"Tapos na!" Nakangiting sambit ng babae habang nilalagyan ng band aid ang sugat ng bata.

"Punasan mo 'yang mukha mo panay buhangin." Alok ng babae habang inaabot ang kanyang panyo. "Thank you Ana."

"Sino palang kasama mo?" Tanong ng lalaki nang mapansin na nag-iisa si Ana. "Busy ang parents ko kaya ako lang mag-isa dito." Malungkot na kuwento ng batang babae.

"Huwag ka na malungkot. Sali ka na lang sa laro namin." Akit ng batang lalaki para mapangiti ang batang babae.

"Talaga?"

"Oo, simula ngayon best friend na tayo."

******

Nagising ako sa hindi ko maintindihang panaginip. Dalawang bata ang nakita ko ngunit walang mukha at tanging liwanag lang. May naramdaman akong naka hawak sa aking kamay at napangiti ako nang si Dominic iyon.

"Gwapo mo," nakangiting kong sambit habang pinagmamasdan itong matulog. "I miss you," hindi ko alam kong bakit nagiging emotional ako habang pinagmamasdan ang lalaking akala ko'y mawawala na sa'kin.

"Alam kong gwapong gwapo ka sa akin. Pero hindi mo na kailangang titigan pa dahil lagi na akong nasa tabi mo. Sige ka, kapag natunaw ako wala ka nang tititigang gwapo." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita dahilan para mahiya ako.

"Kahiya!" Nagtalukbong ako ng kumot nang marinig nito ang mga sinabi ko.

"There's nothing wrong with that. Tatlong araw kang tulog, mamimiss mo talaga ang gwapong tulad ko." Hinila niya pababa ang kumot at ngumiti.

"Seryoso, three day na akong tulog?"

"Three days mo rin akong pinag-alala. I'm glad you didn't leave me." Kita sa mata niya 'yung pag-aalala at malasakit sa'kin.

"Are you still mad at me?" Tanong ko nang maalala ko ang nangyaring away sa pagitan namin.

"Hindi na ako galit, baby." Hinawakan ni Dominic ang aking kamay at niyakap. "Ikaw ang dapat magalit sa akin dahil napahamak ka habang wala ako sa tabi mo." Kitang kita sa mukha niya ang pagsisisi matapos niya akong hindi pansinin.

"It's not your fault. Kagagawan 'to ng mga babaeng naglock ng pinto sa dating faculty. Kung hindi nila sinarado hindi sana ako mahihiwa ng jalousie." Paliwanag ko sa kanya.

"Pero ako ang rason kung bakit nandoon ka. Kung hindi sana ako uminom, hindi ka sana mapaparusahan."

"Bakit ka ba uminom? Nag-alala lang ako sa'yo tapos ikaw pa itong nagalit." At kunwaring nagtatampo ako. "I'm so sorry!"

"Sorry lang without explanation? Alam mo ba ilang araw kong inisip kung anong kasalanan ko sa'yo." Reklamo ko sa kanya.

"Sorry, dahil pinag-isipan kita. I thought you had another man." Paliwanag niya para mapatawa ako.

"Sino?" Kung meron man akong lalaki ay si Dominic 'yon. He's the only man na tutulong sa akin mabawi si Kristoff.

"I saw you with another guy. Sa Mall habang nagsha-shopping kayo. I thought, you didn't need me anymore." Kuwento niya. "Tha'ts my brother." I can't believe na ang isang Mr. Sy Yabang ay nagselos sa kapatid ko.

"Nagpasama siya sa Mall para magpatulong bumili ng ring na ipro-propose sa kanyang girlfriend." Paliwanag ko habang hindi mapigilang pagtawanan ito.

"I don't know! Hindi mo naman sa'kin pinakilala si Kuya Alex."

Kung makatawag siyang kuya ay akala mo girlfriend talaga ako. "Excuse me, I'm not your girlfriend para magalit ka kung sino man ang kasama kong lalaki. Baka naman nagseselos ka?" Pang-aasar ko para sumimangot ito.

"Ako, magseselos? No way! Never! Hindi ikaw ang tipo ko." Proud niya pa niyang sabi na tila ayaw na ayaw sa akin.

"Sus, ba't ka nagalit kung hindi ka nagseselos?"

"Seloso ka pala, Mr. Sy Yabang." Nagulat ako nang pigilan ang aking kamay at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. "Tawa pa, hahalikan talaga kita." Panakot niya para matahimik ako.

"Oy ano 'yan?"

"Hospital ito, hindi hotel." Halos mabara si Dominic sa paglayo sa akin nang magdatingan ang mga kaibigan namin.

"Wrong timing yata tayo," natatawang sambit ni Albert habang inaasar si Dominic.

"Why are you here?" Tanong ko sa mga kaibigan ko habang inaayos ang sarili.

"Bakit naistorbo ba namin kayo?" At nagtawanan silang lahat maliban sa'min ni Dominic.

"Hindi, buti nga dumating kayo." Kung hindi ay baka nahalikan na ako ni Dominic.

"Kamusta pakiramdam?" Nag-aalalang tanong ni Ava at lumapit sa akin.

"Okay na ako, makirot lang itong kamay ko." Saad ko habang pinagmamasdan ko ang kanang kamay ko na may bandage.

"Paano niyo ako nakita?" Curious kong tanong sa kanila. Hindi naman nila alam na naglinis ako sa dating faculty room.

"Nag-aalala kami dahil ni isang tawag mo'y wala kaming natanggap. Hating gabi na pero wala ka pa rin sa bahay. Kaya hinanap ka namin sa SEU sa tulong nila Dominic." Kuwento ni Maxine para mapalingon ako kay Dominic na kumikindat sa akin.

This is not a coincidence, it's destiny. Tinadhana kami hindi para magkaroon ng special relationship, tinadhana kami to help and protect each other.

"Hanggang nadatnan ka naming nakahandusay sa sahig habang walang malay. Buti na lang kasama namin si Kristoff at Dominic to save you. Buhay ka because of Dominic. He transferred his blood into your body kaya ingatan mo." Hindi ko mapigilan hindi mapangiti dahil sa kuwento ni Ava. Nag-alala rin sa akin si Kristoff kaya hinanap ako. Pero mas malaki ang utang na loob ko kay Dominic dahil kung wala siya patay na sana ako.

"Thank you, Dominic." Ibig sabihin may dugo rin si Dominic na tumatagaytay sa katawan ko kaya siguro naging magaan ang loob ko sa kanya ngayon.

Maya maya ay naisipan nang umuwi ng mga barkada ko dahil hindi sila puwedeng matulog ditong lahat.

"Bakit 'di ka pa umuuwi?" Balita ko ay madalas siyang nagbabantay sa'kin. Nakakahiya naman kung babantayin pa rin ako kahit gising na.

"I stay here with you." At inayos niya ang mga bulaklak na pinagbibili niya sa akin.

"Nakakahiya na,"

"I am your boyfriend kaya responsibilidad kitang alagaan." May pinatong siyang table sa kama ko para makaramdam na ako ng gutom.

Habang tumatagal parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya as a friend. Para bang matagal ko na siyang kilala. He treated me like a real girlfriend. 'Yung tipong nag-aalala pero sa mayabang na paraan. Ayaw niyang nasasaktan ako at nahihirapan.

"I cooked it all kaya ubusin mo. Bawat butil ng kanin na makikita ko ay ganon din ka daming halik na gagawin ko." Panakot niya makasigurado lang na kakain ako.

"This is all yours. Alam kong gutom na gutom ka kaya pinaghandaan ko ito." Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang mga favorite dish ko tulad ng adobo, sinigang at turtang talong.

"Bakit may na ligaw na gulay dito?" Reklamo ko nang may nakita akong gulay na hindi masarap sa panlasa ko.

"Para mabilis ang recovery mo, Adriana."

"Pero allergy ako sa hipon." May isa akong kaibigan na nagngangalang Ana. She was my first best friend. Magkasama kaming nag-aral sa elementary dahil pinag-aral din siya ni Kuya Alex. Grade 2 to 3 kami naging magkaklase. Madalas niya akong sinasamahan kumain sa canteen. That time, umorder kami ng pinakbet dahil sabi ni Ana 'masarap daw iyon'. Hindi ko naman akalain na allergy ako sa hipon na naka lahok sa pinakbet. Simula noon hindi na ako kumain nito.

"Don't worry, walang halong shrimp 'yang niluto ko." Binukatkat niya ang ulam para ipakitang walang hipon na naliligaw dito.

"Pinakbet is good for you. Lahat ng vegetables na hinalo ko ay healthy for your body. Kainin mo 'yang squash, it helps strengthen your bones. Tamang tama 'yan sa kamay mo." Saan naman niya nalalaman ang benefits ng pinakbet.

"Thank you, but I don't like pinakbet."

"Isang ayaw, isang halik." Panakot niya dahilan para mawalan ako ng choice.

"Try mo 'yang bitter gourd," Daming alam ng lalaking 'to puwede namang sabihing ampalaya, pinapasosyal pa niya. "Mapait!"

"Kahit mapait it is actually good for our body. It strengthens our immune system kaya kailangan mo 'yan para mabilis kang maka recover."

Mukhang no choice na talaga ako. Kakain na lang ako kesa makatikim ng maasim niyang halik.

"Ito naman ang sauteed long beans, masarap ito dahil para 'tong adobo." Turo ni Dominic doon sa huling dish na niluto niya.

"Ano nga uli, suted? Su-what?" Hindi ko naintindihan ang pangalan ng niluto niya pero sitaw lang.

"Sauteed long beans," pag-ulit nito.

"The term 'ginisa' simply means 'sauteed', while 'sitaw' is the tagalog word for 'long beans'." Paliwanag niya para mamangha ako.

"Tsk! Dami mong alam, Mr. Sy Yabang."

"Kainin mo 'yan, because your body needs protein to maintain healthy bones and muscles. 'Yang sitaw na 'yan ay good source of mineral that support your metabolism and promotes wound healing. Ubusin mo kung hindi halik ko ang matitikman mo." Enjoy na enjoy na ako sa pakikinig ng mga benefits ng gulay ngunit napasimangot ako nang takutin niya ako ng halik.

"Oo na, kakainin ko 'yan lahat. Kesa naman matikman ko 'yang labi mong maasim." Reklamo ko dahilan para mapatawa ito.

"May benefits din naman 'yung kiss ko kaya hindi ka lugi." Hindi ko mapigilang hindi mailang sa mga sinasabi niya. Kinuha ng kaliwa kong kamay 'yung kutsara at tinidor ngunit agad niya itong nilayo. "Ako na, sleeping beauty."

"Kaya ko naman kahit kaliwa ang gamit ko." Siya na nga 'tong nagpaiwan para bantayan ako, siya pa 'tong magiging taga subo ko. "Nandito ako to help and guide you kaya sumunod ka na lang sa'kin."

"Ginagawa mo ba 'yan dahil nagsisisi ka sa mga ginawa mo? Hindi mo naman kailangan 'tong gawin dahil pinatawad na kita." Ayaw ko ng utang na loob dahil hindi ko alam kung paano ako makakabawi.

"Hindi ko ito ginagawa dahil nagsisisi ako. It's a boyfriend's job to take care of his girlfriend."

Continue Reading

You'll Also Like

61.9K 3.9K 80
Inspired by; Teen Clash by IDangs He's Into Her by Maxinejiji My Husband Is A Mafia Boss by Yanalovesyouu Avah Maldita by Simplychummy The Four Bad B...
2.2K 196 41
HENDRIX ACADEMY: LOVING MR. SUNGIT [COMPLETED] Anya Castro, Isang scholar na babae at handang gawin ang lahat upang hindi bumagsak sa isang subject. ...
423 96 7
COMPLETE | UNEDITED ______________ Sino nga ba ang tunay na salarin? Sino nga ba ang may kasalanan? Sino nga ba ang dapat sisihin? Nagtungo ang lima...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...