GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

66. CHRISTIAN

1K 115 59
By haciandro


CORMAC a.k.a. CHRISTIAN

Ito ang aking nakaraan.

Naging masalimuot ang buhay ko ng dahil sa Pamilya Loreto. Sila ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat. Kung bakit ko kailangan maghiganti.

Noong una ay mabait naman ang mga Loreto sa aming dalawa ng aking inay. Masaya ang pakikitungo nila sa amin. Nagsimula lang maging magulo ang lahat dahil sa anak nilang si Rylee. Triplets ang anak nina Mrs. Karina at Mr. Harold Loreto. Ayon kay inay ay galing daw sa unang tatlong letra ng pangalan ni Mr. Harold ang mga pangalan ng triplets. Har din ang palayaw ni Mr. Harold. HARHenry ang panganay, Armie ang panggitna at Rylee ang bunso na siyang sakitin. Oo, sakitin itong si Rylee, dahil sa kaniya kaya laging may mga doktor at scientists na pumupunta sa kanilang bahay. Nakikita ko ito dahil lagi akong naglalaro sa labas.

Isang araw, naging mabangis itong si Rylee dahil sa gamot na itinurok sa kaniya. Ito dapat na magpagaling sa sakit niya. Nagawa ni Rylee na atakihin ang kapatid niyang si Henry. Sa takot na maging katulad ni Rylee si Henry ay ipinadala nila si Henry sa America upang ipasuri. Sa tulong ng Tito at Tita nila ay naagapan si Henry at minabuti na doon muna siya tumira.

Si Armie na naiwan dito ay pinagbawalan din na makipagkita kay Rylee, pati na rin nga ako. Ngunit isang araw may nangyaring hindi inaasahan. Nakalabas si Rylee sa kwarto kung saan siya inoobserbahan. Noong araw ding iyon niya ako inatake at pinagkakagat. Agad namang naawat si Rylee ngunit napuno naman ako ng sugat. Grabe ang iyak ni inay noong makita ang kalagayan ko.

Napagdesisyunan ng mag-asawang Loreto na i-terminate ako. Kailangan ko daw mamatay dahil baka makahawa ako sa ibang tao. Tinanong ko sila kung bakit ako lang? Bakit hindi nila i-terminate din si Rylee? Ang sagot ay dahil anak nila ito. Ako naman ay anak lamang ng disgrasyadang katulong.

Nagmakaawa ang aking inay na huwag akong patayin. Kitang-kita ng musmos kong mga mata kung paano tumangis ang aking inay. Nakaluhod siya sa paanan ng mag-asawang Loreto. Ayon kay inay ay wala naman kasing nangyaring kakaiba sa akin. Hindi naman daw ako tinablan ng kung anong virus o sakit kaya dapat pabayaan na lang ako. Nagmakaawa ang aking inay na paalisin na lang kami. Pinangako pa niya na hindi na kami magpapakita kailanman, ngunit naging matigas ang mga Loreto. Pinanindigan nila ang desisyong pagterminate sa akin. Hindi na daw nila kayang problemahin ang isa pang bata.

Noong araw ng pagpatay sa akin. Sampong taong gulang ako. Rinig ko ang pag-aaway ng mag-asawang Loreto. Rinig ko sila mula sa kwarto na pinagkulungan nila sa akin. Inisip ko na huli na para sa akin ang lahat ngunit ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Pinakawalan ako ni Armie Loreto. Tinulungan niya rin ang aking inay para makatakas kami. Grabe ang pasasalamat ni inay kay Armie. Niyakap at hinalikan niya si Armie sa sobrang pasasalamat.

Tinuruan kami ni Armie kung saan kami dapat dumaan. Sinabi niya na makakalabas kami ng Hacienda ng hindi mapapansin kung susuyurin namin ang gubat. Sinunod naman ang sinabi niya. Masasabi ko na naging mabuting kaibigan sa akin si Armie.

Hindi naging madali ang paglalakbay namin ni inay sa loob ng gubat. Masikot at mabangis ang mga daan. May mga ligaw na hayop kaming nakasalubong ngunit agad naman namin itong natatakasan. Makikita sa reaksiyon ni inay na takot at pagod na siya. Pilit kong pinapalakas ang loob niya kahit ako ay pagod na rin. Nakatagal pa kami ng ilang araw si gubat.

Tatlong araw ang lumipas nang maabutan kami ng mga armadong lalake na silang magti-terminate sa akin. Ni-hire sila ni Mr. Loreto. Binilisan namin ng takbo ni inay para hindi kami mahuli ng mga lalake. Pagod na si inay na tumakbo kaya sinabi niya na hihinto na siya. Naaalala ko pa ang ang mga sinabi niya sa akin.

"Tumakbo ka na Christian. Huwag mo na akong aalalahanin. Ako na ang gagawa ng paraan para hindi ka nila mahuli. Si inay na ang bahala sa iyo." mahinang sabi niya habang naghahalo na tumutulo sa mukha niya ang sipon at luha.

"Hindi ko kayo iiwan inay." nagmamakaawa ako.

Nagpumilit ako ngunit itinaboy lang ako ni inay.  Minura niya ako para masaktan ako at tumakbo. Sinabi pa nga niya na hindi niya ako mahal, na wala akong kwentang anak at hindi na niya ako kayang mahalin at alagaan. Alam kong hindi totoo ang lahat ng iyon. Alam kong mahal na mahal ako ni inay. Ginagawa niya lamang ito para makatakas ako.

Napilitan akong iwan si inay dahil malapit na ang mga lalake. Rinig ko ang pagtahol ng mga asong dala nila. Desperado talaga silang mahuli ako. Siguro malaki ang ibinayad sa kanila ni Mr. Loreto.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi pa ako nakakalayo noong marinig ko ang isang malakas na putok. Hudyat na pinatay na nila ang aking inay. Nakapanghihinang tumakbo habang iniisip mo ang pagkamatay ng iyong inay. Wala na ang pinakamamahal kong inay. Kasalanan ito ng mga Loreto.

Habang tumatakbo ako ay may nakasalubong ako na tatlong lalake. Sa una ay nag-aalangan pa akong kausapin sila. May mga dala kasi silang armas at malalaking mga bag.

"Hey, bata? Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan." nakangiting sabi ng lalake na may nakalagay na Cecilio sa nameplate sa bandang dibdib ng kaniyang damit. "Kami ay Biologists, nandidito kami para mag-save ng animals. Harmless kami." inilapag niya sa lupa ang shotgun na nakalagay sa balikat niya. Para siguro maniwala ako sa kanila na hindi nila ako sasaktan.

Lumapit ako sa kanila. Pinainom din nila ako ng tubig. Parang mabubulunan ako sa pag-inom ng dahil sa sobrang uhaw.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ng Aurelio ang name plate nang matapos akong uminom.

"May gustong pumatay sa akin." ani ko na umiiyak. Kasabay din ng pagsasalita ko ang pagkarinig namin ng mga kahol ng aso. Takot na takot akong nagtago sa likuran ng tatlong lalake pagkarinig ko nito.

Ilang saglit lang ay naririto na ang grupo ng lalake na papatay sa akin. Hinila nila ang K9 dogs na hawak nila papunta sa amin. Sumenyas ako sa Biologists na sila ang mga lalakeng gustong pumatay sa akin. Sinabihan ako ni Mr. Cecilio na magtago ako sa likod ng puno.

Maghahanda na sana sila ngunit tinutukan na sila ng armas ng mga armadong lalake. Initusan nila ang mga Biologist na ibaba at ibigay sa kanila ang kanilang hawak na armas. Wala ng nagawa ang Biologists kung hindi ang sumunod.

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Binitawan ng mga lalake ang hawak nilang mga aso at pinalapa ang tatlong Biologists. Sobrang lakas at hindu ko mapigilan ang hagulgol ko habang pinapanuod na nilalapa ang mga Biologists na sila sanang tutulong sa akin. Sa sobrang lungkot at galit ko ay lumabas ang nakatagong anyo ko.

Noon ang unang pagkakataon na naging halimaw ako. Noon ko rin napagtanto na napasahan nga ako ng sumpa ni Rylee. Feeling ko ang lakas-lakas ko. Hindi na nakapanglaban ang mga armadong lalake sa akin. Sa sobrang bilis kong kumilos ay napatay ko sila ng mabilis. Ang mga asong lumapa sa Biologists ay nagsitakbuhan din dahil sa takot sa aking anyo. Maski sila ay kinabahan sa akin.

Huli na ang lahat. Patay na ang mga inosenteng Biologists. Patay na rin ang aking inay. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung lumabas na sana ang pagkahalimaw ko kanina ay nailigtas ko pa sila. Ang gago ko!

***

Kahit ganoon ang nangyari ay kailangang magpatuloy sa buhay. Narating ko din ang sentro ng Hacienda Señeres. Nagpalaboy-laboy ako sa lansangan. Namalimos at nanguha ng tirang pagkain sa basurahan. Ginawa ko ang lahat para mabuhay.

Nagbago ang buhay ko dahil sa mag-asawang walang anak — ang mga Lagani. Mga dayuhan sila. Nakita nila ako sa kalsada habang umuulan ng malakas. Naawa sila sa akin kaya kinupkop nila ako at pinag-aral. Hindi sila taga Hacienda Señeres kaya sa ibang lugar nila ako pinalaki. Mayaman sila kaya naibigay nila ang lahat ng gusto ko. Tinuring talaga nila akong tunay nilang anak. Masasabi ko na hindi pa pala lubusang malupit sa akin ang mundo.

***

Lumipas ang ilang taon. Naisipan kong bumalik sa Hacienda Señeres, ngayon ay sa pangalang Cormac Lagani. Sa Hacienda ako nag-high school. Sa kabutihang palad ay naging Presidente pa ako ng SSG. Ginamit ko ang mga ito para maisakatuparan ang mga plano ko — ang makaganti sa mga Loreto. Pinlano ko ang lahat simula sa una. Kinumbinse ko ang mga magulang ko na magtayo ng Soya Milk business na siyang gagamitin ko sa hinaharap. Naging kaibigan ko din ang grupo ni Eric. Saktong girlfriend niya si Maricel. Si Maricel ay bestfriend ni Flex. Si Flex ay anak ng Biologist na si Mr. Cecilio, kasama ko siyang ipaghihiganti. Si Flex ay may gusto kay Armie. Si Armie ay tinatago si Rylee sa Mansion sa loob ng gubat. Sa kanila nagsimula ang plano ko.

I've done all the research. Sigurado ako na ang mga taong ito ang paraan para mapalabas si Rylee sa lungga niya. Sisiguraduhin kong kamumuhian ng buong Hacienda Señeres sina Rylee at mga magulang niya. Kamumuhian siya ni Flex.

Ako ang nagsuggest kay Eric at sa grupo niya na pumunta sa Usok Falls. I convinced them that Usok Falls is the most beautiful part of Hacienda Señeres. Sa katunayan nga ay kasama dapat nila ako kaso I backed out. Hindi nila alam na dito ko sila papatayin. At kapag patay na sila ay mag-iisip na ako kung paano mapupunta kay Rylee ang sisi. Gusto ko ring maramdaman nila ang salitang guilt.

Hindi ko lang inaasahan na magiging malaki ang involvement nina Flex at Armie sa gulong ito. Hindi ko naisip na hahanapin nila ang mga kaibigan nila. Hindi ko rin alam kung saan napunta si Maricel. Kung hindi sana siya nawala. Kung nakita lang sana ang bangkay niya ay mailalayo ko na si Flex sa gulong ito.

Wala akong nagawa sa planong paghanap nina Flex at Armie sa kaklase nila. Ginamit ko na lang itong advantage para makaharap ko si Rylee. Hindi naman ako nabigo.

Dinala ko si Flex sa kweba kung saan ko kinakain ang nabibiktima ko. Dinala ko siya para may makausap naman yung Nina. Dahil sa katalinuhan ni Armie ay natunton niya ang kweba. Sa kasamaang palad, habang tinatakas niya sina Flex at Nina ay natapi ko siya ng malakas kaya nahulog siya sa malalim na uwang ng kweba. Tuwing nagiging halimaw kasi ako ay hindi ko mapigilan ang pagiging mabangis at agresibo.

Nasaksihan ko kung paano siya bumagsak sa batong sahig. Sinubukan ko siyang iligtas at sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagtanto niya na ako ang halimaw, na ako ang kababata niyang si Christian. Ako ang bestfriend na tinulungan niyang makatakas.

"Patawad Armie! Hindi ko sinasadya!" hinagpis ko.

Ang sama-sama ko. Kabutihan ang pinakita ni Armie sa akin ngunit sinuklian ko lang ito ng kaniyang kamatayan.

Habang tumatangis ako ay biglang dumating ang pinakahihintay ko — si Rylee. Hindi niya nasilayan kung sino ako. Mabuti na lang. Nang makita niya ang walang buhay niyang kapatid ay agad niya akong inatake. Sa sobrang bagsik ng away namin ay nakabalik kami sa taas. Nakita ko kung paano namuo ang matinding takot sa mata ni Flex nang makita kaming nag-aaway. Hindi ko na namalayan na nakatakas na pala siya.

Mas malakas ako ng konti kay Rylee kaya napuruhan ko siya. Hindi ko siya pinatay dahil may inilaan pa ako sa kaniya. Iniwan ko siya sa loob ng kweba at tsaka umalis.

***

Tatlong araw ang lumipas. Dumating galing ng America si Henry. Alam kong sinabihan na siya ni Rylee kung nasaan ang kapatid nila na si Armie. Noong araw ding yun kinuha nila ang bangkay ng kaibigan ko at inilibing sa garden ng Mansion ni Rylee.

***

Dumaan ang mga araw. Naging tanyag na sa buong Hacienda ang tungkol sa halimaw. Natuwa naman ako. Gumagana na ang mga plano. Mas natuwa ako noong sumabay pa ang balita tungkol sa mga nawawalang babae. Wala akong kinalaman doon ngunit nagagalak ako dahil pati ito ay sinisisi nila sa halimaw, kay Rylee.

Para makatiyak na gagana ang mga plano ko, minabuti kong masdan at sundan si Rylee. May isa akong nadiskubre sa kaniya. Nadiskubre ko na palihim niyang binabantayan si Flex kung saan man ito pumunta. Isang bright idea ang naisip ko dahil dito.

Isang gabi ay kumuntrata ako ng isang lalake na manggagahasa kay Flex. Sinabihan ko ang lalake na hindi niya tutuluyan si Flex. Gusto ko lang sa pamamagitan nito ay lumabas si Rylee at iligtas si Flex. Gusto ko na mahalin niya si Flex. Pagkatapos na mahalin niya ito ng tuluyan ay sasabihin ko na kay Flex ang totoo. Ang totoo na siya ang dahilan kung bakit namatay ang Papa niya. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Sigurado akong masasaktan siya kapag kinamuhian na siya ni Flex.

Sa wakas ay magtatagumpay na ako sa plano ko. Nakapaghiganti na ako. Makakapagpahinga na ako.

***

FLEX

Akala ko pinakamasakit na iyong malaman na patay na si Armie at hindi siya si Monyo. Pagkatapos ko kasing marinig ang kwento ni Cormac ay may mas masakit pa pala. Sobrang sakit ng lahat ng ito. Pinapanalangin ko na lang nga na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Na hindi ito totoo. Ngunit hindi eh. Kahit anong pilit ko ay ayaw talaga.

"You've gone too far, Christian." binanggit ko ang totoong pangalan ni Cormac. Gusto kong magalit sa kaniya ngunit hindi ko kaya. We cannot judge a person by how he became bad. We didn't know the amount of pain he tried to endure. We didn't know the whole story.

"Gone too far, yeah. That's my goal from the very beginning, Flex. I want it to be too painful for them." nakangiting tugon ni Cormac. Even though he is smiling, I still can see the pain in his eyes. Them are the Loretos.

"Ikaw din ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng outbreak?" tanong ko.

"Yes, I put my own blood in every bottle of soya milk." Cormac seemed proud saying it.

Hindi na nakapagtimpi si Ewan. Tumayo siya at lumapit kay Cormac. Itinutok niya ang kaniyang baril sa ulo ni Cormac. "Dahil sa ginawa mo marami ang nadamay na mga inosente!" galit na galit na sabi niya.

Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Cormac. Kasunod nito ang malakas na tawa. "Haha! Hindi mo na kailangang gawin iyan, Ewan. Huwag mo ng dungisan ang mga kamay mo. I will die without your bullets." masayang sabi niya.

I get it after he said it. "May poison sa wine na ininom mo? Cormac?" maluha-luhang tanong ko. I feel sympathy for Cormac. Kahit ganoon ang ginawa niya ay naging mabuting kaibigan siya sa akin kahit papano. Hindi niya deserve ang lahat ng ito. Naging masama lang siya dahil sa ginawa ng Pamilya Loreto sa kaniya.

I believe that all human beings are born good. It is the world that makes us evil. By choice and by chance, we can learn to be good again.

"Hanggang sa huli ay matalino ka pa rin, Flex. Hanggang sa huli ay ikaw pa rin yung tinuturing ko na nag-iisa kong babaeng kaibigan. Your friendship and Armie's friendship will always be with me. It is one of the few good things that I will always treasure, even in death." nakangiti si Cormac ngunit may luhang tumutulo sa kaniyang mukha. "Pwede na akong mamatay. My sole purpose of living is already achieved. I avenge the death of my mother, your father and all the innocent people." tinapos niya ang kaniyang pangungusap sa isang ngiti.

"Cormac." wala na akong masabi pa. I feel lost.

"And to you Henry and Rylee." tinawag ni Cormac ang pangalan nila. Agad naman silang nakinig ng mabuti sa sasabihin niya. "Huwag niyo ng hintayin ang parents ninyo. Sa pagkakataong ito ay sigurado ako na hinuhuli na sila ng otoridad. Before you went here, I already created a video stating all the things your parents have done. I also include evidences and send it already to the police." nakangiti siya.

"Damn you!" asik ni Henry. Tahimik lang si Rylee sa tabi niya. Inawat niya si Henry nang tangka itong lumapit kay Cormac.

"C-Congratulations C-Christian!" naiiyak at nauutal na sabi ni Rylee. Alam niyang may kasalanan siya kung bakit nagkaganito si Cormac. Hindi niya kayang magalit sa kaniya.

Napansin ko na nagsisimula ng mahirapan sa paghinga si Cormac. Lumapit ako lalo sa kaniya. Hinawakan niya ng kaniyang dalawang kamay ang mukha ko. "It has to be done, Flex. I am v-very s-sorry my friend." hirap na sabi niya. After he said it, I saw how life slowly drift away from his eyes. I lost a friend, again.

My friend Cormac Lagani is dead.

Gusto kong umiyak ngunit wala na ako mapigang luha sa mga mata ko. Naubos na ito kakaiyak ko kanina. Oo masama si Cormac pero hindi ko pinangarap na mawala siya. Naging isa siyang mabait ang responsible na Student Leader. Nilamon lang siya ng galit sa puso niya.

Feeling ko biglang bumagal ang takbo ng paligid dahil sa isang putok ng baril. Napatingin ako kay Ewan. Nilingon ko ang magkapatid at nakita ko na nakahandusay na si Monyo sa sahig, duguan siya. Pinipigilan ni Henry ang pag-agos ng dugo galing sa sugat niya. Alam ko kung ano ang nangyari. Binaril ni Ewan si Monyo.

"No!" sigaw ni Henry dahil akma ng kakalabitin ni Ewan ang baril sa ikalawang pagkakataon.

Ayokong meron pang mamatay sa loob ng silid na ito kaya umaksyon na ako. Tumayo ako at saka pinigilan si Ewan bago pa niya matamaang muli si Monyo.

Pumutok ang baril ngunit hindi ko alam kung saan ito tumama.

*****
Dedicated to: Cormaclaggen
Thank you bro for helping me when I just started in Wattpad. Isa ka at ang Book Club mo sa mga dahilan kung bakit maraming nakadiscover sa story ni Flex at Monyo. Sayo din nanggaling ang name ni CORMAC. Thank you talaga bro. 😇

LAST 4 CHAPTERS HASHIES!
😇🤓😍

PALANGGA TA KAMO!
😘

Continue Reading

You'll Also Like

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
28.7K 873 25
"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a coll...
33.3K 1.3K 20
For early notice, this is a VAMPIRE story. Sa mga kapwa ko adik sa mga vampire diyan, basahin niyo na po :) I'm sure makakarelate kayo dito. A/N: Bag...
8.3K 508 29
In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng ma...