GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

55. BETRAYAL

1.1K 113 78
By haciandro


TAISSA

Salamat sa Panginoon dahil kahit nasa bingit na ako ng kamatayan ay nailigtas pa rin ako ni Henry. Siya ang sumipa ng pinto at pumatay sa aso nila Aling Vicky. Mabuti na lang at may usapan pala kami bago ang Monster Party na susunduin niya ako sa bahay ni Shaina upang pumunta sa Yotik City. Naaalala ko na inutusan pala siya ng mga magulang niya na tignan ang branches ng Pharmacy nila doon.

Mag-iisang linggo na ako dito sa hospital at mukhang bumubuti naman ang kalagayan ko. Papagaling na din ang mga sugat na tinamo ko — ang tama ng shotgun at mga kagat ng aso. Nasuri na rin ako ng mga doktor kung nainfect ba ako ng virus na nakuha ni Maricel. Sa mabuting palad ay wala naman, gayon rin si Shaina na nagpapahinga sa kabilang kwarto ay okay na din. Ang tatag talaga ng babaeng iyon. Hindi siya sumuko ng basta-basta. Sabi ni Henry ay dumating na din ang mga magulang niya galing business trip at bumubuti na ang kalagayan nito. Mukhang na-trauma lang daw si Shaina kaya titigil muna siya sa pag-aaral. Napag-isipan din daw nilang dalhin si Shaina sa ibang lugar. Para siguro makalimutan ang mga nangyari.

Nagpapasalamat ako at sa kabilang banda ay nalulungkot din. Hindi kasi pinalad ang Pamilya Almigar — sina Mang Thomas, Maricel at Aling Vicky. Pagkatapos kasi na mailigtas kaming dalawa ni Shaina ay namatay din kaagad si Aling Vicky. Mahina na kasi ang katawan niya kaya hindi na niya siguro kinaya ang mga nangyari sa pamilya niya. Hindi ko mawaglit sa isip ko na naging mga biktima lang ang Pamilya Almigar. Hindi naman kasi magkakaganon ang pamilya nila kung hindi nakagat ng halimaw si Maricel. Kasalanan ito ng halimaw. Gagawin ko ang lahat para matigil na ito.

Nagising si Flex na kanina pa natutulog sa gilid ng higaan ko. Naramdaman niya ang paggalaw ko habang inaabot ang baso ng tubig kaya siya nagising. Agad niyang kinusot ang mga mata at tinanong ako kung ano ang kailangan ko.

"Tubig? Gusto mo?" tanong niya.

Ngumiti ako at nagsalita. "Sana, puwede bang paabot? Nauuhaw kasi ako." sabi ko.

"Sure, ito oh." inabot niya ang tubig at agad kong ininom ito.

Noong unang araw ko pa lang sa hospital ay dinalaw na kaagad ako ni Flex. Siya ang unang pumunta pagkatapos ng pamilya ko at ni Henry. Dumalaw na rin kahapon ang mga kaklase ko, sina Miss Melania pati sina Cormac at mga barkada niya. Sa kasalukuyan ay umuwi na muna sina Nanay at Tatay kasama ang tatlo kong kapatid, may pasok pa kasi sila bukas. Si Henry naman ay umuwi lang saglit at nangakong babalik din mamayang 10:00 PM. Alas otso y media pa lang kaya may isang oras at kalahati pa bago siya dumating.

"Ano pang gusto mo?" tanong ni Flex habang nakangiti. Kita sa mga mata niya na inaantok siya.

"Wala na Flex, matulog ka na at ang laki na ng eyebags mo." utos at biro ko sa kaniya.

"Haha, ikaw talaga Tais oh! Huwag mo akong alalahanin," sabay pakita ng kaliwang braso niya na akala niya maskulada. "I'm alive and kicking pa oh!" naging energetic siya bigla kaya nakakatawa siyang tignan.

Napatawa na lang ako sa reaksyon niya. Ito pa rin ang Flex na kilala ko. Mabuti at bumabalik na ang relasyon naming magkaibigan. Nakakagaan sa pakiramdam.

"Aw." inda ko ng biglang kumirot ang sugat ko sa braso. Mabilis na tumayo si Flex at tinignan kung napano ako.

"Anong masakit Tais?" nag-aalala niyang tanong. Nakakatawa ang mukha niya kapag nag-aalala.

"Haha, wala to... aw." tatawa pa sana ako nang sumakit na naman ulit.

"Ayan, huwag na kasing tumawa, eh." sermon ni Flex na kasama pang pandidilat ng mga mata.

"Kasalanan mo ito Flex." sabi ko sa kaniya habang tinitiis ang kirot.

"Hala? Bakit ako?" nanlalaki na naman ang mga mata niya.

"Para ka kasing joke. Nakakatawa ka." sabi ko na pinipigilan ang tawa.

"O sige, serious na po ako." bigla siyang sumeryoso.

"Ewan ko sayo Flex." wika ko. Biglang nag-iba ang reaksiyon niya.May nabanggit yata akong hindi maganda. "May nasabi ba akong masama Flex? Bakit biglang kumunot noo mo?" tinanong ko siya.

"Wala Tais." pilit na ngiti niya.

"Meron talaga eh, ano bang sinabi ko." inisip ko kung ano pero bumigay din ako sa kakaisip. "Ewan Fle... Ah! Ewan? Nasaan nga pala si Ewan mo?" nanunuksong tanong ko.

"Ewan ko sa kaniya." walang kabuhay-buhay niyang tugon.

"Uy." pisil ko sa braso niya.

"Ano?" sagot niya.

"Nag-away ba kayo?" tanong ko.

"Hindi Tais." sagot niya.

"Okay." tugon ko. Mukhang may problema silang dalawa. Hayaan ko na si Flex na lumutas ng problema nila.

Napatingin ako sa TV sa dulo ng kwarto. Kanina pa pala nakabutas ito ngunit naka-mute ngalang. Kasalukuyan ay nagsasalita ang isang reporter. Binasa ko ang nakasulat sa ibabang bahagi ng TV screen.

Dalawang dalaga na naging biktima ng Pamilya Almigar ay inilibing na kaninang umaga.

Binasa ko ulit ang nakasulat. Doon na bumalik ang lungkot na dinadaing ko noong pang mga nakaraang araw. Ang mga kaibigan kong si Joan at Emery ay wala na talaga. Hindi man lang ako nakapunta sa libing nila.

"Pakilakasan naman ang volume ng TV." utos ko kay Flex na nagiging malungkot na din.

Nilakasan niya ang volume at pinakinggan namin ang nagbabalita.

"Humigit-kumulang limang daang estudyante ang pumunta sa libing ng magkaibigang Joan at Emery. Ang mga pamilya ng mga biktima ay humihingi ng katarungan sa nangyari sa mga anak nila. Gusto nilang madakip na ang halimaw na gumagala sa Hacienda Señeres upang hindi na ito makapambiktima pa ng iba. Ayon kasi sa polisya ay nagawa lamang ni Thomas Almigar na mangdukot ng mga dalagang babae upang ipakain sa nagugutom niyang anak na si Maricel Almigar. Ayon sa kanila itong si Maricel ay nainfect di umano pagkatapos na makagat ng halimaw. Kahapon ay na-dispose na ang katawan ng buong pamilya Almigar upang hindi na ito makahawa pa sa ibang tao. Sinusuri na din ng mga eksperto kung airborne nga ba talaga ang naturang virus. Live here in Hacienda Señeres Public Cemetery. Laine Obregon, nag-uulat." pagbabalita ng reporter.

Tumulo na lamang ang mga luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na niyakap ako ni Flex mula sa likod ko. Bakit sina Joan at Emery? Bakit si Maricel? Sila ang mga kaibigan kong totoo. Hindi ko na mapigilan pang umiyak kaya humagulgol na ako. Sinabayan na rin ako ni Flex sa pag-iyak.

"Bakit Flex?" tangis ko. "Bakit tayo pa ang nakakaranas nito? Bakit mga kaibigan pa natin ang dapat mamatay?" ang sakit sa puso kaya lalong nadadagdagan ang kirot sa braso ko.

Iyak lang ang tanging sagot ni Flex sa tanong ko. Ilang minuto din kaming naging ganito.

"Tahan na Tais, makakasama sa kondisyon mo ang pag-iyak," opinyon niya. "We should accept things as they are even though it hurts so bad." sabi niya.

Iniyak na lang namin ang lahat hanggang sa makatulog kaming dalawa. Nilikha talaga ang kirot para lubusan tayong magising sa katotohanan. Katotohanang may mga bagay na hindi natin kontrolado.

***

"Kanina pa ba siya tulog?" tanong ni Henry. Dinig ko ang bulungan nilang dalawa ni Flex.

Malamang 10:00 PM na kaya nandito na siya.

"Mga isang oras na din siguro." tugon ni Flex.

Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang ngumingiting si Henry. Suot na naman niya ang guwapo niyang ngiti. Napansin ko din sa lamesa sa gilid ng kama ko ang maraming prutas at bulaklak.

"And you're awake! Here's your superman!" presentar ni Flex kay Henry.

"Baliw." asik ko kay Flex.

"Talagang superman Tais kasi nailigtas ka niya." pagpapaalala niya sa ginawa ng lalakeng nasa harap ko.

"Flex said that you cried pretty damn ugly." panunukso ni Henry. Umi-ingles na naman.

"Baliw." inulit ko lang ang sinabi ko.

"Baliw sa akin?" tanong ni Henry.

Ngumisi na lang ako at pumikit ulit. Bahala kayo diyan.

"Grabe ka ah? Tutulugan mo lang ako?" tanong ni Henry.

Iminulat ko ang aking mga mata. Kaming dalawa na lang pala ni Henry ang nasa loob ng kwarto. Hindi ko namalayang lumabas si Flex.

"Are you okay?" tanong ni Henry.

"Medyo." tugon ko.

"Right." aniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na libing pala ng mga kaibigan ko kanina?" mahinang tanong ko.

"I don't want you to be sad again. Kaya ginawa ko iyon." malumanay na pagkasabi niya.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. May punto din naman siya kung bakit hindi niya sinabi sa akin. Alam niyang iiyak ako ng sobra gaya ng nangyari kanina matapos mapanood ang balita.

"May kailangan ka ba? Kahit ano?" tanong ni Henry. Napansin siguro niya na malalim ang iniisip ko.

"Ikaw. Dito ka lang." sabi ko habang nakapikit. Naaantok na ako.

"I will be here. I will never leave you." pangako niya sabay halik sa noo ko.

Si Henry sa gabing ito ay sapat na para mapawi kahit pansamantala ang sakit na nadarama ko.

*****

FLEX

I FORGET EVERYTHING.

The three words that I should say right now to get away in this darn situation. Sinabi kasi ni Ewan sa akin na para makaalis ako sa giyera ng Slayers ay dapat kong inumin ang red pill na inaabot niya. But hell no, I can't do that. Kapag ininom ko iyon ay siguradong makakalimutan ko ang lahat. Malay ko ba kung lason talaga iyon. I will never trust Ewan again.

Two weeks na siyang wala sa Hacienda Señeres. He also resigned as the school nurse. I still remember our conversation two weeks ago — his farewell speech.

"You can't take it?" turo niya sa red pill.

"I can't Ewan! Damn! Tinatanong pa ba yan?" naiinis kong tugon.

"This is your last chance to get free to all of these!" he is referring to the monsters and slayers thing.

"Get free? Tanga ka ba? Aaminin mo ang lahat sa akin tapos papainom mo sakin iyan?" I getting more furious.

"Okay, okay, just don't hate me Flex, please." he calmed down.

"Kaya siguro gusto mong ipainom yang wipe-out pill na yan para makalimutan ko ang ginawa mo. Ewan naman! Uutuin mo na naman ako? Pakiusap, tama na." I'm feeling mixed emotions.

"Flex you know that I love you, I can't do that to you." naluluha na siya.

"Kung mahal mo ako, tutulungan mo akong mailayo si Monyo sa Slayers." my proposal.

"Bakit ba ganoon na lang ang pag-aalala mo sa kaniya? Alam mong hindi ko kayang gawin iyon." inis na sabi niya.

"Yon naman pala eh." taas-kilay kong sabi.

"Kung alam mo lang Flex kung gaano kahirap ang sitwasyon ko ngayon." nanlulungo niyang sabi.

"Parehas lang tayo na nahihirapan." naiiyak na ako.

Nanahimik na lang siya at tinitigan na lang ako. I can see the water in his eyes. He's fighting his tears from falling.

"I think I will never change your mind but let me do this before I leave." lumapit siya sa akin at sinapo ang aking mukha.

Pipigilan ko pa sana siya ngunit huli na ang lahat dahil lumapat na ang labi niya sa labi ko. He is kissing me now. Hindi ito ang halik na gusto. I never imagined that my first kiss will be like this. Gusto ko siyang patigilin at sampalin ngunit may pumipigil sa aking gawin ito. I like the way he kisses me at same time I hate it too. He fills me with so much emotions. There is regret, there is anger and there is happiness.

"Thank you Flex for making me happy every time I am with you. I will never forget that." he said after he broke the kiss.

"What are you saying?" tanong ko.

"This will be the last time you'll see me Flex." is he saying goodbye?

"Ha? Aalis ka?" tanong ko.

"Sinabi ng Superior ko na kapag hindi ko napainom sa iyo ang pill na ito ay tatanggalin na niya ako sa pagiging slayer. I am not a Knight anymore Flex." paliwanag niya.

"Ewan." I feel guilty for him.

"Remember this, stay away from your friends Flex. They will use you to find Monyo." babala niya.

"Sinong mga kaibigan?" pagtataka ko.

"They'll know if I tell you and they'll kill me if I tell you who they are." he explained.

"Is this another joke?" I asked.

"Slayers are everywhere Flex." he warned.

"Ewan."

"Uunahan ko silang mahanap si Monyo. Papatayin ko siya bago ka idamay ng Red Roses." seryoso siya sa plano niya.

"Don't do this Ewan. Please!" I begged.

Gagawin niya talaga ang lahat para maalis ako sa sitwasyong ito. Kahit pa ang kapalit ay kaligtasan niya. Hindi niya makakayang patayin si Monyo ng nag-iisa. Baka si Monyo pa ang makapatay sa kaniya kapag nagkataon.

"Just stay away from all of your friends!" he shouted.

"Ewan?" I repeated his name.

"Goodbye." the last word he said.

Two weeks na ang nakakaraan ngunit hindi ko pa rin ma-gets kung sinong friends ang tinutukoy niya. Napapraning na tuloy ako ngayon.

"Hey girl? Where are you already? Ang lalim ng iniisip mo." pagpukaw ni Regine sa atensiyon ko.

Naririto ang lahat ng tropa sa canteen except kay Cormac na abala sa pamimigay ng Flavored Soya Milk Drinks. Pasasalamat ito ng mabait kong kaibigan dahil naging successful ang ginawang Monster Party. Soya Milk Drinks ang negosyo ng pamilya niya kaya ito na rin siguro ang naisip niyang pa-thank you.

"I'm okay." tugon ko kay Regine.

"Sure?" tanong niya.

"Yeah." ani ko.

"Everything is weird." buntong hininga ni Erika.

"Bakit weird Er?" tanong ni Hanne.

Tumingin si Erika sa akin tiyaka nilakihan ako ng mata. May ngiwi pa siya ng bibig.

"Kasi itong si Flex ay tulala, nakatitig lang doon," turo ni Erika sa clinic kung saan dati nagtatrabaho si Ewan. "habang itong si Cormac naman ay nag-ala Santa Clause at namigay ng maagang pamasko. Di ba weird?" humarap siya kay Hanne nang tapusin niya ang kaniyang paliwanag.

"Weird nga." sang-ayon ni Hanne.

"Mas weird ang pagiging usosera ninyong dalawa." sabat ni Carlo na kanina ay nakikinig lang. Ibang-iba siya sa Carlo na nang-joke sa amin ni Monyo noong Monster Party. Ayon kay Regine ay tipsy daw siya that time kaya lumabas ang pagkawalang-hiya.

"Ang harsh mo ah." sabi ni Hanne sabay palo kay Carlo sa braso.

Iniisa-isa kong sinusuri ang kilos at galaw ng mga kaibigan ko. Nagbabasakaling may makuha akong hint sa katauhan nila. Iniisip ko kasi ang huling sinabi ni Ewan sa akin. Paulit-ulit itong nagsasalita sa isip ko.

Just stay away from all of your friends!

They will use you to find Monyo.

Maaari kayang isa sa kanila ang Slayer na tinutukoy ni Ewan?

Nasa harap ko na ba siya?

Nasa gilid?

O nasa likod?

Isinantabi ko ang mga iniisip ko dahil nagsisimula ng sumakit ang ulo ko. Habang nag-uusap kami ay napadaan si Henry sa canteen. Hindi niya kasama si Taissa o si Shaina. Si Taissa kasi ay excuse sa klase for another two weeks at si Shaina naman ay tumigil na sa pag-aaral. Balita ko ay dinala siya ng mga magulang niya sa Palawan. Doon na daw siya magpapagaling sa traumang naranasan niya.

Nahagip ako ng tingin ni Henry kaya ngumiti siya. Ginantihan ko din siya ng ngiti. Pagkatapos noon ay umalis na din siya sa canteen.

***

"Hey Flex! Maglalakad ka lang?" sigaw ni Regine ng madaanan nila ako ni Erika na naglalakad pauwi. Dala ni Regine ang itim na kotse ng Daddy niya.

"Oo Reg, exercise na din." tugon ko.

Dumungaw si Erika sa bintana at sumigaw. "Masyadong hapon na para sa ganyan Flex. Halika na! Sumabay ka na." pamimilit niya.

Hindi na ako nakatanggi sa kanila at sumakay na ako sa kotse. Pumuwesto ako sa likuran ng kotse dahil nasa front seats sina Erika at Regine. Maingay ang buong byahe dahil puro rock ang kanta sa radyo. May napansin akong kakaiba sa dinadaanan namin kaya nagtaka ako.

"Parang hindi naman ito ang daan papunta sa bahay ah?" tanong ko.

Tumawa lang silang dalawa. May kinuha si Erika na parang perfume sa bag niya at tinanggal ang cap nito. Naglabas din kaagad sila ng sari-sarili nilang panyo at tinakpan ang mga ilong nila.

"Hindi naman kasi tayo pupunta sa bahay ninyo." wika ni Regine nakatangiti sa ilalim ng kaniyang panyo.

"Slayers gonna slay tonight Flex." nilingon ako ni Erika at ini-spray sa mukha ko ang hawak niyang perfume.

Nagulat ako sa sinabi at ginawa niya. Nakaramdam ko na lang na nahihilo na ako dahil sa sobrang bango ng ini-spray niya. Kahit gusto kong manlaban ay wala na akong nagawa kung hindi matulog.

There is one thing I know before I lose my consciousness. Erika and Regine are Slayers. Red Roses to be exact.

Suddenly, I savoured the bitter sweet taste of my friends' betrayal.

*****
Dedicated to: Gummybearwannahugyou
It's November 16 and it's your birthday!!! Happy birthday Gummy!!! Sana makadulot ng konting kasayahan itong greetings ko sayo. Just stay nice and cute lagi. Always focus in your studies for your better future. I wish you a good health and many many many more years to come in your life, mga 100 years pa? Okay lang? Hihihi. Godbless Gummy. Happy Birthday Hashi Gummy.
*greet natin siya hashies ah?*

PALANGGA TA KAMO TANAN!!!😘😘😘

Ps. Marami pang revelations kaya kapit lang.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 154 37
HORIZON yan ang lugar na tinatawag sa aking pinag mulan at sinilangan isang lugar na pinamamahayan ng mga kilalang bampira at mga tao, matapos magana...
6K 1K 81
Matapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang kalimutan na ang lahat kasabay ng pamumuh...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
29.3K 1K 23
Naging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon...