GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

41. MONSTER PARTY (p.1)

1.5K 142 45
By haciandro


TAISSA

Bukas na ang Monster Party kaya ngayong araw ay kukunin ko na ang costume na isusuot ko para bukas. Nagpresentar si Henry na sasamahan niya daw ako sa Dress Shop na kung saan ako magrerent ng susuotin namin.

"Hey nasaan ka na?" tanong ko kay Henry sa kabilang linya.

Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa bahay kaya nagpasya na akong tawagan siya. Mabuti at sinagot na niya sa wakas ang tawag ko.

"I'm coming!" sigaw niya.

"Bilisan mo! Kanina pa ako naghihintay dito sa bahay. Asan ka na ba?" tanong ko.

"Malapit na ako, huminto pa ako para sagutin ang tawag mo." eksplinasyon niya.

"Oh sige, hintayin na lang kita dito." pinatay ko na ang tawag.

Wala na akong maisip na isusuot na itsurang monster kaya nagpasyahan na lang namin ni Henry na magsuot ng anti-hero costumes. Monsters din naman sila dahil mga kontrabida sila sa buhay ng superheroes.

Mga ilang minuto ang lumipas at dumating na rin si Henry. Rinig ko ang busina ng Motor niya sa labas.

"Nay alis na po ako!" paalam ko kay nanay na nasa likod ng bahay.

"Mag-ingat ka! Umuwi ka kaagad!" rinig kong sigaw din niya.

"Opo!"

Sinimangutan ko si Henry ng makita ko siya na nakangiti sa suot ang helmet. Daig ko pa ang shotang nagseselos. Wala namang kami at magkaibigan pa lang.

"Late ka!" asik ko ng makaangkas na ako sa Ducati niyang motor.

"Sorry Tais, hindi ko kasi namalayan ang oras." sabi niya na nakatagilid ang ulo sa akin.

"Okay lang," mahinahon ko nang sabi. "Basta huwag na mauulit."

"Yes Maam!" patawa niyang sabi.

"Tara na!" anyaya ko.

"Wear this first." inabot sa akin ang helmet. Pagkatapos ko itong masuot ay
pinaharurot na niya ang motor.

Malapit lang itong Dress Shop na pupuntahan namin kaya mabilis lang ito naming narating. Dumagdag pa ang mabilis na pagpapatakbo ni Henry.

"Good morning Maam, Sir." bungad sa amin ng anak ni Aling Shiella - ang may-ari ng Dress Shop.

"Good morning too." magalang din na gumanti ng bati si Henry. Ngumiti na lang ako.

"Kukunin na sana namin ang rerentahan naming costumes." ngiti ko sa babae.

"Saglit lang po ah," nginitian niya din ako. "may kausap pa si Mama sa loob."

"Ah sige, hintayin nalang namin siya dito." umupo kami ni Henry sa may upuan.

"We will be awesome supervillains tomorrow!" biglang excited na sabi ni Henry sa tabi ko.

"Dapat nga sana monster costumes ang damit natin kaso wala akong mahanap na maganda at babagay na susuotin." ani ko.

"It will still be okay," lumapit siya ng kaunti. "if we arrive tomorrow not in typical monster costumes ay hindi naman siguro nila tayo papalabasin and we will perform right? Kawalan kapag pinalabas nila tayo." naalala ko ang kanta namin para bukas.

Siguro sapat na ang pagpapractice namin ng mahigit dalawang linggo. Hindi ko maiwasan na kabahan para bukas.

"Alam mo may tama ka rin!" wika ko. "Kasi naman noong nakaraan marami naman ang hindi sumunod sa theme na binigay."

"Ganon naman pala eh!" aniya.

"Oo." napatingin ako sa oras ng cellphone ko. Natagalan yata si Aling Shiella sa kausap niya.

Inilipat ko ang tingin ko kay Henry ang tingin ko at nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ko.

"Wala lang." ngumiti siya.

"Ano?" tumitig siyang muli. Iniinis niya talaga ako.

"Are you feeling nervous?" tanong niya.

"Nerbyos? Saan?"

"For tomorrow's performance." ngiti niya.

"Basta kasama kita bukas," nginitian ko siya at kinurot sa pisngi. "hinding-hindi ako nenerbyosin." nagpahabol ako ng kindat.

Nagmake-face siya. Ang kulit ng ekspresyon niya kaya napatawa ako.

"By the way," nagsalita siya kaya pinutol ko ang tawa ko. "have you been to Yotik City?" tanong niya. Yotik City ang pinakamalapit na syudad sa Hacienda Señeres at mga karatig hacienda.

"Matagal-tagal na din akong hindi nakakapunta doon, four or five months na siguro." wika ko.

"Gusto mong sumama sakin kapag pumunta ako doon?" anyaya niya.

"Anong gagawin mo doon?"

"You know that we have branches of Loreto Pharmacy there? Right?" tanong niya. Alam kong meron kaya tumango ako. "My parents are very busy people so they told me to check those branches for them."

Mayaman itong pamilya nila Henry. Anak ba naman ng pinakasikat na pharmacy sa aming lugar.

"So kailan ka ba pupunta doon?" tanong ko. Gusto kong sumama sa kaniya.

"Two days after the Monster Party." mabilis niyang tugon.

Tama ba ang pagkakasabi niya?

"Talaga? Nakakapagod naman." reklamo ko.

"That's the only time na free tayo." aniya.

Oo nga. Dahil pagkatapos ng Monster Party, dalawang araw na walang pasok. Kadalasang ginagawa ng mga estudyante ay nagpapahinga o di kaya ay gumagala. Tsansa ko na itong gumala!

"So sasama ka?" tanong niya pagkatapos kong mag-isip ng ilang minuto.

"Sige?" nag-aalangang sagot ko.

"Yes!" ang saya niya.

"Nga pala," tumigil siya at napatingin sa akin. "sa bahay nila Shaina kami mag-iistay pagkatapos ng Party, mga dalawang araw din ako doon dahil umaga na matatapos ang party."

Nakapag-usap na kami nina Emery, Shaina at ako na kina Shaina kami matutulog dahil may business trip ang mga magulang nito. Sasamahan namin siya para hindi daw boring. Sumakto pa ito sa araw pagkatapos ng Monster Party. Si Joan hindi sasama dahil hindi siya pinayagan ng mga magulang niya. Mga strikto masyado.

"Nga pala anong oras mo ako susunduin?" tanong ko.

"Sunduin kita ng after lunch?" aniya.

"Okay Henry." tugon ko.

Napalingon kami ni Henry dahil may narinig kaming pamilyar na boses.

"Salamat po aling Shiella." sabi nito.

"Walang anuman Flex." tugon ni Aling Shiella. Masaya ang tuno ng boses nito.

Si Flex pala ang kanina pang kausap ni Aling Shiella sa loob. May hawak siyang plastic bags. Marahil ito ang costumes niya para bukas.

"Hello Taissa at Henry," bati niya sa amin ng makita kami. "dito rin pala kayo magrerent ng costumes?" tanong niya.

"Oo Flex." ani ko.

Parang may kung ano sa awra ni Flex. Natetense ba siya o natatakot? Siguro pakiramdam ko lang ito. Baka wala naman.

"Kanina pa kayo?" tanong niya.

"Not really." si Henry ang sumagot.

"Patingin naman ng costume mo!" akmang titignan ko na nang ilayo niya ito sa akin.

"Bukas na Tais para surprise!" nakangiting aniya.

"O sige!" hindi ko na siya pinilit.

Patuloy pa rin niyang pinalalabas ang nakakailang niyang ngiti.

"Mauna na ako sa inyo." paalam niya.

"Sige Flex." ani Henry.

"Bye." ngiti ko.

Ngumiti lang siya at tsaka umalis.

"Taissa at Henry!" tawag sa amin ni Aling Shiella. "Halikayo dito!" senyas niya na pumasok kami sa loob.

"Tara." sabi ko kay Henry.

"Saglit lang at kukunin ko muna ang costumes ninyo." ani Aling Shiella. Tumungo siya sa kasulok-sulukan ng kwarto.

"Okay po." ani ko.

Sa loob ng kwarto ay makikita ang iba't-ibang uri ng dresses at gowns. May pang-sports, pang-contest, pang-pageant at may pangkasal. Dumapo ang tingin ni Henry sa damit pangkasal. Lumapit siya dito at tsaka ako nilingon.

"I will see you someday wearing this kind of beautiful wedding dress." aniya habang nakangiti sa akin.

"Talaga lang ha?" pilosopo kong tugon.

"Oo naman!"

"Sino ang groom ko?" tanong ko.

"Ewan ko sayo?" tumawa ito.

"Akala ko ikaw." pabulong kong sabi.

"Anong sabi mo?" lumapit siya sa kinatatayuan ko. Narinig niya ata.

"Wala!"

"May sinabi ka eh!" pilit niya.

"Wala nga sabi!" tinalikuran ko siya.

"I can be your groom if you want to." yabang niya.

"I don't want to!" wow englisher na ako.

"Hahaha!" tawa siya.

"Bestman na lang kita!" napatawa ako ng kaunti.

"Yeah! I can be your bestman," lumapit na naman siya. "and I think the bestman is the groom that's why his bride ended with him."

"Ay wala! Magkaiba yon!" pambabasag ko sa kaniya.

"Okay, kung ayaw mo akong maging groom, it's fine." nalungkot siya.

"Ang arte mo ha?" sinimangutan ko siya. "tsaka na natin pag-usapan ang ganyan, ang bata pa kaya natin!"

Papalapit na si Aling Shiella dala ang costumes namin.

"Ito na ang costumes ninyo," ngiti niya. "bago pa kayo mag-away." iniabot niya sa amin ang mga ito.

"Hindi po kami nag-aaway." ani ko.

"I'm mad." kunwaring nakasimangot na sabi ni Henry. Halata namang nagbibiro siya.

"Arte." asik ko.

Sinuri ko ang costume ko at masasabi kong babagay ito sa akin. Ang ganda ng pagkagawa. Itong-ito talaga iyon ang kagaya sa movie.

"Naguatuhan mo?" tanong ni Aling Shiella sa akin.

"Opo! Ang ganda!" masigla kong sabi.

"Look." pinakita ni Henry ang costume niya.

Napatunganga na lang ako dahil ang ganda rin nito. Teterno ito sa costume ko.

"Ang ganda din!" sabi ko.

May kinuha si Henry sa bulsa niya. Inilabas niya ang wallet niya at kumuha ng pera. Iniabot niya ito kay Aling Shiella. Bayad ito sa renta.

"Salamat Henry." ani Aling Shiella.

"Ako na magbabayad nong sakin." sabi ko.

"Bayad na po!" nilakihan ako ni Henry ng mata.

"Huwag na!" ani ko.

"Ang kulit! Bayad na nga!"

"Edi thank you." ngumiti na lang ako.

Kompyansa ako na magiging okay ang lahat bukas. May susuotin na ako at ready na rin ako sa kakantahin namin. Magiging pinakasayang party ko ito sa High School.

FLEX

Araw na ng Party!

It is already 3PM at wala pa rin si Monyo. Magsisimula ang Monster Party ng 6PM. Kasama kong pupunta si Monyo sa party kaya hinihintay ko siya ngayon. Sabi niya he will find a way to be here kahit na maliwanag pa ang sikat ng araw at may posibilidad na makita siya ng ibang tao. Naniwala naman ako na pupunta siya.

Pagkatapos ianunsiyo ni Cormac na magkakaroon ng Monster Themed Party ay naisip ko kaagad si Monyo. Nagsuggest na rin ako kay Cormac na sana pwedeng magdala ng outsider para masama ko si Monyo. He said okay and the great thing followed. I can bring the real monster now. Nakakatawa lang. Kaya kinagabihan nong araw na iyon ay kinausap ko kaagad si Monyo.

"Monyo gusto mo bang makasalamuha ang maraming tao?" tanong ko sa kaniya habang nasa taas kami ng bubong noon.

"KUNG PWEDE." tugon niya.

"Magkakaroon kami ng Monster Party at gusto kitang isama." sabi ko.

"SASAMA AKO?" tanong niya.

"Oo naman! Gusto mo?"

"OO."

So ganoon nga ang nangyari. Pumayag siyang sumama kaya hinihintay ko siya ngayon. Sabi niya kahapon ay dadating siya ng ganitong oras. Nakasuot na ako ngayon ng costume ko na isang vampire na nakasuot ng itim. Mamaya na ako maglalagay ng pangil, red contact-lenses at make-up kapag tapos ko ng ayusan si Monyo. Kung dadating siya.

"ANDITO NA AKO." rinig ko ang malaki at malalim niyang boses.

Pumasok siya mula sa bintana. Isinara ko kaagad ang bintana at nilock ang pintuan.

"Sigurado ka bang walang nakakita sa iyo?" nag-aalalang tanong ko.

"SIGURADO." tugon niya.

Naamoy ko bigla ang mabahong amoy na nanggagaling sa katawan ni Monyo kaya napatakip ako ng ilong ko.

"I think you should take a bath first." I said.

"PWEDE NA TO." aniya.

"Hindi, maligo ka muna, doon ang banyo." turo ko sa banyo.

Agad naman siyang tumayo at tumungo sa banyo.

Tog!!!

Napalingon ako sa malakas na tunog at nakitang nakahawak si Monyo sa ulo niya. Nauntog siya. Ang tangkad pala itong si Monyo. Seven footer ata ito. Nahilo siya sa pagkakauntog kaya sumandal siya sa dingding ng malakas. Nag-swing ang larawan sa dingding dahil sa impact at nanalangin ako na sana huwag itong mahulog.

One...

Two...

Three...

Plakk!!!

Bumagsak ang larawan at gumawa ng malakas na ingay. Ess. Ano ba itong nangyayari? Lalapit pa sana si Monyo ngunit pinatigil ko siya.

"Maligo ka na! Ako na bahala dito!" naiinis kong utos. Sumunod naman siya at pumasok na sa banyo.

May narinig akong mga yabag. Parang papunta ito sa kwarto ko. Doon ko na narinig ang katok.

"Flex okay ka ba diyan? Ano ang ingay na narinig ko?" boses ni Mama. Lagot na.

"W-Wala ito Ma! May nag-wrestling lang na mga butiki sa kisame Ma! N-nahulog sa ulo ko yung isa kaya nataranta a-ako at natumba!" narealized ko na ang panget pala ng dahilan ko.

"Pero okay ka na ba?" tanong niya ulit.

"Okay na Ma!"

"Saan na ang butiki?" akalain mong tatanungin pa ito ni Mama. Ess!

"Knock-out na Ma! Pinalo ko na ng walis!" please Ma! Umalis ka na.

"Sige anak." hay salamat.

Bumilang ako ng ilang segundo at narinig ko ng bumaba si Mama. Pagkalingon ko ay nasa harap ko na si Monyo. Muntikan pa akong mapasigaw dahil sa gulat. Ginawa pa niyang tuwalya ang kumot ko.

"Isuot mo ito." inabot ko sa kaniya ang damit na ni-rentahan ko. Ito ang damit na muntikan ng makita ni Taissa sa Dress Shop.

Agad din naman niyang isinuot ang damit at sumakto naman ito sa kaniya. All black lang ito para matakpan naman ng konti ang kulay blue-green sa katawan niya. Dapat maging kakaiba ang hitsura niya at baka may makapansin sa kaniya.

Pagkatapos ay ang mukha naman niya ang babaguhin ko. Pinaupo ko siya sa harap ng salamin at kumuha ako ng gunting.

"PARA SAAN IYAN?" tanong niya sa akin sabay turo sa gunting

"Babawasan natin ang kilay mo." ngiti ko habang hawak ang gunting sa harap niya.

Masyadong mayabong na ang kilay nito at pabagsak pa ang direksyon. Ang panget tignan. He should look lesser scary.

"BAKIT MO BABAWASAN?" tanong niya na parang nag-aalangan sa gagawin ko.

"Dahil..." nilakihan ko pa ang ngiti ko. "Kilay is life!" tumawa ako ng malakas hawak pa rin ang gunting.

Sinimulan ko ng bawasan ang kilay niya. Nadesmaya si Monyo dahil ang kinalabasan ay epic!

"ANG PANGET!" reklamo niya.

"Aayaw-ayaw ka pa kasi kanina kaya ayan tuloy!" sinisi ko siya.

Aaminin ko, ang panget ng gupit ko sa kilay niya. Hindi ito pantay pantay. May mga bahagi pa na over-trimmed at may hiwa-hiwa. Nagmukha tuloy siyang adik na halimaw. Ess.

"Sa totoo lang ito naman talaga ang gusto kong mangyari, para cool kang tignan mamaya." palusot ko.

"ANG PANGET." paulit-ulit niyang sabi.

"Huwag ka nang magreklamo. Make-up-an na kita." pinaharap ko siya sa akin.

Make-up brush naman ang hawak ko ngayon. Iniba ko ng kaunti ang kulay ng mukha niya at maganda naman ang kinalabasan. Sumunod na ginawa ko ay nilagyan ko siya ng lipstick. Sinadya kong lumagpas ito sa bibig niya at ikinalat sa bandang baba para magmukha itong dugo.

"That's it." masaya kong sabi.

"HMMM." aniya.

"Hmmm lang? Hindi mo nagustuhan?" tanong ko.

"SAKTO LANG."

"Ah wait..." hinanap ko ang kulang sa awra niya. "Ito!" pinusod ko ang bangs na nakalugay sa mukha niya para magmukha naman siyang friendly.

Mukhang okay na sa kaniya ang pormahan niya kaya ako naman ang nag-ayos. Ginawa kong mas dark ang mukha ko dahil vampire ako. Nagsuot ako ng color red na contact lenses at naglagay ng pangil sa ngipin. Ready na talaga akong pumunta sa Monster Party.

Madilim na ng matapos kami sa pag-aayos ni Monyo.

"Hindi tayo pwedeng magkasama na umalis dito," paliwanag ko. "magtataka sina Mama."

"ANO ANG PLANO?" tanong niya.

"Mauna ka na at hintayin mo ako malapit sa parking lot ng Gym." sabi ko at tumango naman siya.

Lumabas siya sa bintana at ilang sandali lang ay wala na siya. Kaya bumaba naman din ako.

"Ahhh!!!" sabay na sigaw ni Mama at Steph ng makita nila ako sa sala. Nakatutok kasi sila sa TV ng sumulpot ako.

"Takot kayo no?" natawa ako sa ekspresyon ng mukha nila. Napayakap pa si Stephen kay Mama.

"Ang panget mong bampira ate!" sigaw ni Steph.

Kaya pala napasigaw silang dalawa. Ang panget ko pala? Ess. Kagatin ko kayo diyan!

"Balakayojan! Alis na ako!" sabay labas ng bahay.

"Diretso uwi bukas ha?"
sigaw ni Mama.

"Okay Ma!" tugon ko.

Nakaabang na sa labas ng bahay ang sundo namin nina Hanne at Regine. Matabang Monster ang costume ni Hanne habang Aswang naman ang kay Regine.

"Katakot ang mukha mo Flex!" lait ni Regine nang nasa loob na kami ng sasakyan. Pati siya natakot.

Sasakyan ito ng Tito ni Regine na pinahiram sa kaniya. Mabuti at marunong itong si Regine magdrive. Nakapag-driving lessons kasi siya noong summer.

"Siyempre!!! Monster Party nga diba? Alangang mag-Elsa ng Frozen ako?" inis nila ako.

"Okay lang iyan Flex! Cool nga!" mabuti pa itong si Hanne.

"Kasi ikaw hindi cool! Ang taba ng costume mo Han! Haha!" nakakainis na tawa ni Regine.

"Laitera of the night lang ang peg mo Reg?" tanong ni Hanne.

"Tara na!" sigaw ko.

"Let's go to the party!" sigaw ni Regine.

"Yahooo!!!" hiyaw ni Hanne.

Tumawa na lang kaming tatlo.

I will just have fun tonight.

*****
Dedicated to: sanosaizuna and Buzzy28

BE READY FOR THE NIGHT!!!
COMMENT AND VOTE PO!!!
MAHAL NA MAHAL KO ANG MGA HINDI SILENT READERS!!! 😘😇

PALANGGA TA KAMO ANDROIDZ!!!😘😘😘

P.S. Gumala si Author ninyo sa Hacienda. 😂

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 1K 23
Naging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon...
3K 154 37
HORIZON yan ang lugar na tinatawag sa aking pinag mulan at sinilangan isang lugar na pinamamahayan ng mga kilalang bampira at mga tao, matapos magana...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!