GROWLING HEARTS

Od haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... Více

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

33. BYE

1.2K 140 17
Od haciandro


FLEX

"Andito ako!" sigaw ko sa dalawang naka-Red.

Lumingon sila at mabilis na tumakbo patungo sa akin. Sa tingin ko ay hindi nila napansin ang Mansion sa kabilang bahagi. Makikita mo lang naman kasi ito kung nasa gilid ka na ng batis.

Hindi ko masasabing kilala ko ang dalawang babaeng ito. Hindi kasi kita ang mukha nila. What's wrong with them? Pa-mysterious ang mga mukha nila. Nasa gubat pero nakashades na pula? Tapos ang lipstick nila lagpas sa mga labi. Nagmukha tuloy silang clown na maganda. Nakakabaliw ang pormada nila.

Teka lang. I saw someone like them before. Saan nga iyon?

Right!

Sa hospital ko siya nakita. Ang babaeng nakapula. Ang babaeng pumatay kay Erik. Lumapit sa akin ang mas payat sa kanila habang may kausap naman sa cellphone ang isa. Napansin ko na may keychain na pulang bola sa cellphone niya.

"Lady Em may nakita kaming babae sa gubat." sabi ng nakacellphone sa kausap niya.

Malapit na sa akin ang mas payat. Nakatitig lang siya sa akin. Sinusuri niya siguro kung sino ako at kung bakit ako naandito.

"Ilang araw na akong naliligaw sa gubat na ito," paliwanag ko. "ngunit hindi ko talaga mahanap ang daan papalabas, mabuti at nakita ko kayong dalawa." tingin ko sa kasama niya.

Tumitig muna siya sa akin bago siya nagsalita.

"Okay ka lang ba?" tanong niya. Parang pamilyar ang boses niya.

"Okay lang ako." tugon ko.

Pagkatapos noon ay hinatid na nila ako. Habang sa daan ay nagpakilala silang dalawa. Hindi nga lang ang personal names nila kundi ang pangalan ng grupo nila. They call themselves Slayers and their group are called Red Roses. Sabi nila ay suportado sila ng Gobyerno. Ang Red Roses ay isa lang daw sa maraming grupo ng Slayers. Baka color-coded din yung iba. They are the ones who terminate monsters and deadly creatures. The ones who protect us from great danger. Ngunit hindi para kay Monyo. Baka nga sila ang dahilan kung bakit may mga sugat siya. Mabuti na lang at nakuha ko ang atensyon nilang dalawa, kapag nagkataon sana ay napahamak na si Monyo. Nakakalungkot lang na hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.

Pinakiusapan ako ng dalawang ito na ilihim ko daw muna ang existence nila. They said that they are solving some mysteries in Hacienda Señeres. Alam ko kung ano iyon. Ito ang mga kaso ng patayan at mga pagkawala.

*****

"Flex!" sigaw ni Ewan sabay yakap sa akin nang makita niya ako sa Police Station.

Ang higpit ng pagkayakap niya sa akin. Hindi na nga ako makahinga sa higpit nito. Nag-alala talaga siya ng sobra sa akin.

"Ewan..." mahinang sabi ko. "hindi ako makahinga." at binitiwan niya na ako.

"Anong nangyari sayo? Saan ka nagpunta?" may pag-aalala niyang sabi.

His reaction is genuine. He missed me that much? Bakit naman? Friends lang naman kami.

"Mahabang storya, tsaka ko na ikukuwento sa iyo." ani ko.

May sasabihin pa sana siya kaso biglang dumating sina Mama at Stephen. Mangiyak-ngiyak si Mama ng makita niya ako. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ginantihan ko ito ng matindi ding yakap sabay halik sa pingi nila ni Stephen. I miss this feeling. Ang pakiramdam na kasama mo na ang mga taong mahal mo.

Hindi ko akalain na may makikita pa akong ibang tao sa Police station. Laking ulat ko nang makita sina Taissa at Henry. Sina Cormac at ang grupo namin ay nandito din. Isa-isa nila akong kinamusta at niyakap. Huling kumausap sa akin ay si Taissa at Henry. Hindi na nagsalita si Taissa at niyakap na lang ako. Napatawad na nila ako ni Henry. Isang magandang pagsalubong ito sa pagbabalik. Napakasaya ko ngayon.

"Henry sor..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"May ibang araw para diyan, saka na natin iyan pag-usapan." ngiti ni Henry sa akin habang kaholding-hands si Taissa. I cay say that there is something between them.

Ang saya ko!

Mangiyak-ngiyak ako dahil sa saya ng mga nangyayari ngayon. Isang bagay na lang sana ang kumpletong magpapasaya sa akin. Si Monyo. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos. Sana maging okay lang siya.

Goodbye for now Monyo.

*****

MONYO

Gabi na nang maimulat ko ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking sugat. Mabuti naman at magaling na ito ngayon. Bilang isang halimaw ay may katangian ako na magpagaling ng sugat sa mabilis na panahon. Dati nga ay segundo lang ang itinatagal nito upang gumaling. Natagalan lang yata ako ngayon dahil may kung anong kemikal silang nilagay sa ginamit nilang bala. Matatalino talaga sila.

Slayers.

Pinakinggan ko ng mabuti ang paligid. Wala akong marinig na kahit anong ingay dito sa loob ng Mansion. Bumangon ako sa pagkakahiga at naglakad-lakad. Nasaan na si Flex? Bakit hindi ko siya naririnig?

"FLEX?" tawag ko.

Naghintay ako ng ilang saglit ngunit walang sumagot sa tawag ko. Siguro nandoon si Flex sa gubat. Baka nangunguha siya ng mga panggatong na kahoy. Pinuntahan ko ang gubat. Nagpasalin-salin ako sa mga puno upang magkaroon ng malinaw na angulo kung nasaan si Flex. Bilang halimaw ay kaya ko rin kasing makakita sa dilim. Ilang puno na ang sinalinan ko ngunit wala akong Flex na nakita.

Pagkatapos ng gubat ay tumungo ako kaagad sa may batis. Baka kasi naglalaba siya o nagsasalok ng maiinit niyang tubig. Nag-alala ako ng ang sumalubong sa akin ay ang tahimik na agos ng batis. Wala ring Flex dito.

Isang pakiramdam ang pumukaw sa atensyon ko. Ito ay ang puno ng mansanas na nasa kabilang bahagi ng batis. Marahil ay nanguha siya ng mansanas para makain sa hapunan. Naalala ko na nabanggit kong ang punong ito sa kanya. Matalino siya at siguradong dito siya pumunta.

May mga bakas akong nakita patungo sa direksyon ng puno ng mansanas. Sigurado akong pumunta si Flex dito. Naaamoy ko ang naging presensya niya dito ngunit may iba pa akong naaamoy bukod sa kanya.

Kalaban!

Nanggaling din dito ang mga Rosas na iyon.

Hindi kaya nakita nila si Flex dito?

Nalungkot ako sa ideya na naisip ko. Nagkita nga sila ng mga Rosas. Ito rin ang naging paraan ni Flex para umalis dito. Iniwan na ako niya! Hindi man lang siya nagpaalam sa akin!

"FLEX!" sigaw ko.

Dama ko ang lungkot sa aking puso. Ang katotohanan na umalis na si Flex ang dahilan ng lungkot na ito.

Napasigaw ako ng lungkot sa gitna ng dilim ng gabi.

*****

NEW ACHIEVEMENT PO!!!
#33

HELLO!!! SINULAT KO ITO HABANG NASA BUS. MAKAPAG-UPDATE LANG. BTW MEDYO BUSY NGAYON SI KUYA NYO. PASENSYA NA!!! HIHI. PARANG SIRANG PLAKA NA AKO DITO KAKAKANTA NG "YOU ARE THE REASON". SI KUYA NYO KASING PANGET ANG MAG-REREPRESENT NG DEPARTMENT NAMIN SA MR. GRADUATE SCHOOL SOCIETY. TALENT PORTION NA SA SATURDAY. WISH ME LUCK PO! 😘
PALANGGA TA KAMO!!! 😘
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT PO!
MUAPZ 😘😘😘

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

28.7K 873 25
"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a coll...
8.3K 508 29
In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng ma...
4.8K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...
41.7K 1.2K 63
Naging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala...