Chapter 28: EAT!
FLEX
Nakabuo na ako ng plano. Aakitin ko si halimaw at pagkatapos ay unti-unti ko siyang pababaliwin. Kapag baliw na siya sa akin ay pasusunurin ko siya sa lahat ng aking iuutos. After that, sasabihin ko sa kaniya na patayin niya ang sarili niya. Suicide ba. Ganyan dapat siya kaadik sa akin. Patay na siya kaya makakaalis na ako dito. Malaya na ako! Perfect plan!
Siyempre JOKE lang!
Imposible yan. Hindi naman siguro ganyan katanga ang halimaw. Basta-basta lang na mahuhulog sa nakakatawang plano ko? Ess. Ang aga para isipin ang ganyang katatawanan. Gigising na muna ako.
****
Napakasarap ng tulog ko sa napakomportableng kama na ito. Parang 5-Star Hotel ang kwarto na ito sa ganda. Haay!!!
Teka lang! Bakit ang kati ng kamay ko? Bakit parang may nangangagat? Aray!
Nakana!!!
Bakit ang daming langgam? Agad kong nakita ang tira-tirang manok sa gilid ng kama. Kaya pala ang daming langgam. Nilanggam yung manok. Nakatulog pala ako kagabi na hindi naliligpit ang pinagkainan ko. Bunga siguro ito ng sobrang pagod ko. Bumangon ako at iniligpit ang kalat. Binitbit ko ito at dinala sa labas.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakaamoy kaagad ako ng isang masarap na amoy. May nagluluto ata sa malapit. May narinig din akong naghahanda. May naghihiwa ng mga sahog. Sinundan ko ang ingay at amoy at dinala nito ako sa kusina.
"MAGANDANG UMAGA." Bati ng halimaw sa akin.
Siya pala ang nagluluto. Ang awkward ng paghihiwa niya ng sahog. Ang liit tignan ng kutsilyo sa malaki niyang kamay. Itinago ko ang aking kaba at lumapit sa kanya.
"Ano ang niluluto mo? Mukhang masarap kasi." Tanong ko habang kaharap na siya. Nasa kabilang parte ako ng lamesa.
Mga kahoy na panggatong ang gamit niya sa pagluluto. Hahanga pa ako sana sa kanya kung Solane ang gamit niya. Siya na talaga kapag ganon.
"ADOBONG TAO." Sagot niya.
Creepy! Yuck!
Akala ko pa naman masarap ang niluluto niya. Napakunot ako ng nuo dahil sa sinabi niya. Tinakpan ko na din ang ilong ko. Ayokong maamoy ang niluluto niya. Baka masuka lang ako. Parang maduduwal ata ako dahil tumatagos parin ang amoy ng niluluto niya. Napatingin ako kay halimaw nang makita ko siyang pinipigilan ang tawa niya. Baliw na ata to.
"Bakit ka tumatawa?" Mataray na tanong ko. Tinatakpan ko parin ilong ko.
Itinigil niya ang pagtawa niya at ipinagpatuloy ang pagluluto. Hindi ko makakayang tignan siya habang nagluluto siya ng tao kaya umalis na lang ako. Maghahanap na lang ako sa gubat ng makakain.
"SAGLIT!" Sigaw niya nang papaalis na ako.
Bumalik na sa pagiging masungit ang mukha niya nang lumingon ako. Hindi na siya ngumingiti kaya nagsimula na namang dumagundong ang puso ko.
"Bakit?" Pagtaas ko ng kilay.
"UMUPO KA DITO!" Turo niya sa upuan malapit sa lamesa.
Mahina si lola niyo kaya napilitan akong sumunod sa pinag-uutos niya. Umupo ako sa upuan and I wait for the worst to come. Luto na ata ang adobo niya. Inilagay niya ito sa banyado at inilapag sa lamesa. Pagkatapos noon ay naghain na din siya ng kanin. Napatitig na lang ako sa nasa harapan ko. Huwag mong sabihing...
"KAKAIN TAYO!" Sabi niya.
Mas mabuti na kunin na ako ni Lord kesa sa kumain. Kakain? Ng adobo? Adobong tao? Mahabag naman po kayo sa akin! Please!!!
"Ito ang kakainin ko?" Tanong ko sa kanya.
"OO! AYAW MO?!" Galit niyang sabi. Pinalabas niya ang matalim niyang ngipin.
"Sure ka?" Nandidiri kong tanong.
"KAKAININ MO 'YAN O KAKAININ KITA?" Nakakatakot niyang tanong.
Sasagutin ko sana siya ng "Kainin mo nalang ako" kaso baka gawin niyang totoo. Kailangan pa ako nila Mama. Tumititig ang nanglilisik niyang mga mata habang ako ay nakatingin sa pagkain. Galit na ata siya dahil nag-aalangan ako na kainin ang niluto niya.
"KAIN!" Palo niya sa lamesa na ikinagulat ko.
Sa gulat ko ay isinubo ko nalang ang pagkain. Maluha-luha ako habang pilit na nilulunok ang pagkain. Hindi ko lubos-isipin na makakakain ako ng tao! Humanda ka sa akin halimaw ka! Kapag nagkaroon ako ng pagkakaon ay papatayin talaga kita! You forced me to eat human flesh! Eww!
"MASARAP?!" Tanong niya. Nakangiti na siya ngayon.
"Oo ang sarap!" Nakangiwi kong sabi. Deep inside nasusuka na talaga ako.
"TALAGA?" Tanong niya.
"Oo nga! Specialty mo ba ito?" Pilit kong sabi. Dapat sakyan ko lang ang trip niya. Tumango siya sa tanong ko.
Tumawa siya ng napakalakas. Halimaw nga talaga siya. Natutuwa pa siya sa pinaggagawa niya. Nahalata ko na hindi siya kumukuha kahit kaunti sa ulam na niluto niya.
"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko habang ngumunguya. Iniisip ko nalang na baboy itong kinakain ko. Lasang baboy naman kasi siya.
"NILUTO KO IYAN PARA LANG SA IYO." Wika niya. How sweet! Kinikilig ako! Joke! Gusto kitang patayin!
"Ang baet mo naman." Ngiting-pilit kong wika.
Nangangalahati na ang ulam ngunit hindi pa rin siya kumakain. He is true to his word na ako lang talaga mag-isa kakain nito. Hindi ako magpapatalo sa iyo. Papakita ko sa iyo halimaw na hindi ako tutuklip dahil lang sa pagpapakain mo ng tao sa akin. Humanda kanang makita kung paano ito mauubos sa harap mo.
"Ubos na!" Proud kong sabi ng maubos ko ang adobong tao.
Kinuha ni halimaw ang banyado at inusisa kong ubos na nga talaga. Napadighay ako habang ginagawa niya ito. Pagkatapos niya ay iniabot niya sa akin ang banyado.
"Bakit? Ubos na to ah?" Pagyayamot ko. Tinuro ng isang mata niya ang hawak niya.
"HINDI PA SINGHOT." Sabi niya.
Balak niya talagang pahirapan ako habang naririto ako sa marupok na mansion niya. Kinuha ko ang banyado at sininghot ang natitirang sauce nito. Dinilaan ko nalang ito para sigurado. Tumawa na naman si halimaw. Parang si Santa Clause siya kung tumawa. HO HO HO. Ganyan! At in fairness ha, cute ang halimaw na to. Parang siyang stuff toy na gumagalaw at nagsasalita. Pinagmasdan ko muna siya habang nasa mukha ko ang banyado.
Tumigil siya sa kakatawa nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya. Ibinaba ko ang banyado at ipinakita na ubos na ubos na ang adobong tao.
"Okay na?" Pagmamataas-kilay ko.
"CONGRATULATIONS!" Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin.
I shake his hand but I don't know why he's congratulating me.
"What for?" Ani ko.
"DAHIL HALIMAW KA NA DIN! PAREHAS NA TAYONG KUMAKAIN NG TAO!" Sabay tawa niya ng "HO HO HO".
Kahit kumain ako ng tao ay tao parin ako. Hindi naman ako kakain kung hindi ang buhay ko ang nakasalalay. He just forced me to eat it. That's why I'm still human.
"NAKAGANTI KANA DIN SA WAKAS!" Anong ibig niyang sabihin?
One person pops up in my mind ng sinabi niya ito. Hindi maaari!
"Huwag mong sabihin na?..." Alam na niya kung ano ang kasunod ng tanong ko.
"TAMA KA! YUNG KINAIN MO AY YUNG TAONG MUNTIKAN NG MANG-RAPE SAYO." Sabi niya. Parang nanliit ako sa sinabi niya.
That Bastard! Nakakadiri!
Eww!!!
I ate the Rapist!
****
GUSTO NIYO DIN KUMAIN?
IYAN NA MUNA ANG UPDATES KO. SA WEEKENDS NA NAMAN HA? 😘
Mag-ingay tayo sa GC Readers!
Palangga ta kamo!!! 😘