GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 24

1.5K 169 48
By haciandro


Chapter 24: YOU ARE MY SAVIOR

FLEX

Pagkatapos naming kumain ng burger ni Ewan ay nauna na akong  umuwi. Hindi na ako nagpahatid sa kanya dahil may trabaho pa siya. Hindi na rin ako bumalik ng classroom kahit na maaga pa. Nakakahiya nang humarap sa mga kaklase ko matapos ng nangyari.

"Napaaga ka yata ng uwi?" Tanong ni Mama pagkadating ko ng bahay.

Siguradong sermon ang makukuha ko kapag sinabi ko na nasuspend ako. Sesermunan niya ako na ang hirap magpaaral ng dalawang anak kapag single mom. Mga linyada niya kapag may mga hindi tama akong nagagawa sa school.

"Masama pakiramdam ko Ma. Akyat na ako sa kwarto ko." Sagot ko sabay akyat sa taas.

Binalibag ko ang bag ko sa kama at mabigat na humiga dito. Hays. Kamusta na kaya si Henry? Okay na kaya siya? Nainis ako kaya nagwala ako habang nakahiga. Niyugyog yugyog ko ang mga kamay at paa ko. Sa sobrang inis ko ay nakusot ko ang mukha ko.

"Aw!" Mahinang sigaw ko.

Ang sakit ng magkabilang mukha ko. Bunga pa ito ng dalawang malalakas na sampal ni Taissa. Ngayon lang ako nasampal sa buong buhay ko. Sa dating kaibigan ko pa na hindi ko iniexpect na gagawin iyon. Bagay lang ito sa makulit na tulad ko. Hays.

Kinuha ko ang cellphone at earphone ko sa bag at nagpatugtog na lang ng mga kanta ni Ed Sheeran. It is my way to relieve my stress. Music helps to calm down my freaking soul.

Naalala ko ang mga galit na mga mata ni Taissa. It's how she cares for Henry. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila ni Henry. They are awesomely perfect for each other. Ang bilis lang nga nila maging close.

"Ate Flex! Andito si kuya Cormac!" Napabalikwas ako ng may naghugot ng earphone sa tenga ko.

"Ano ba Steph! Ginulat mo ko!" Sigaw ko sa kapatid ko.

Napangiwi na lang siya ng kaniyang bibig. His two cute little eyes stare at my face. He seems to see me as a disaster. Ang gulo ng siguro ng mukha ko para sa kaniya.

"Kanina pa kami ni Mama nagsisigaw." Paliwanag niya.

Tinanggal ko ang kunot sa nuo ko at ngumiti.

"Bakit ba?" Mahinang tanong ko.

"Si Kuya Cormac nasa baba." Wika niya.

"Si Cormac?" Bakit nandito siya?

Hala!!! Oo nga pala. Tinext ko siya na dalhin at ihatid sa bahay ang naiwan kong Coolbox kanina sa room. Mabilis akong bumaba baka kasi mabanggit niya kay Mama ang suspension ko ngunit pagkababa ko ay kita sa ekspresyon ni Mama na nasabi na ni Cormac ang nangyari.

He mouths the word sorry and gives me a sympathetic smile. Wala siya dapat ihingi ng sorry tsaka malalaman din naman ito ni Mama. Inilingi ko kay Mama ang tingin ko. Sumilay sa mukha niya ang pagkadismaya sa akin.

"Tita uwi na po ako, Flex uwi n na ako?" Paalam niya. Ngumiti ako sa kanya.

Binigyan kami ni Cormac ng time para makapag-usap kaya umalis na muna siya. Palakad-lakad papunta pabalik si Mama. She is in the edge of her anger. Matapos ang mga ilang sandali ay huminto siya at tinitigan ako sa mata. Nahiya ako sa kanya kaya napayuko na lang ako.

"Anong ginagawa mo sa buhay mo Flex?" Galit na sabi niya.

"I'm sorry Ma." Aniya ko.

Nagkibit balikat siya habang suot parin ang kaniyang galit na awra. Hindi siya mapakali. Ramdam ko na malapit ng tumulo ang kanyang mga luha.

"Bakit nilalagay mo ang sarili mo sa ganyang mga sitwasyon? Una yaong kay Maricel tapos ngayon si Armie? Henry? Bakit anak? Bakit!?" Ang dami ng mga tanong niya.

Hindi na ako nakasagot at humagulgol na lang. Miski ako hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin. Kung bakit nagagawa ko ang mga bagay na ito. Bakit sobra akong naaapektuhan sa mga kaibigan ko na wala na.

"Sumagot ka!" Galit na sigaw ni Mama. Isang patak ang tumulo galing sa kanang mata niya.

Sa nasilayan ko ay lalo pang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Labis akong nasasaktan na nakikitang umiiyak ang aking ina. Makita ko na masaktan ang lahat huwag lang si Mama. Ang sakit sa puso.

"H-hindi ko rin alam Ma." Pagtangos ko.

May anino akong nakita sa may bandang hagdan. Kanina pa pala nakikinig si Stephen sa amin. Bakas rin sa namumula niyang mga mata ang pagtangis. Pati ang kaisa-isa kong kapatid ay nasasaktan ko na din. Ako dapat ang nagproprotekta sa kanila sa mga taong mapanakit. Ang lumalabas ngayon ay ako pa itong nagiging sanhi upang masaktan silang dalawa ni Mama.

Ang sama mo Flex!

"Anak maawa ka naman! Lagi kong sinasabi sa iyo na lumayo ka sa panganib!" Humagulgol na si Mama.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sa una ay inaalis pa niya ang yakap ko. Hindi naglaon ay hinayaan niya na lang ako. Sabay kaming umiiyak habang magkayakap.

"Hindi ako isang mabuting ina. Hindi ko pala kayang mapalaki kayp na wala si Papa niyo. Bakit pa kasi ang aga siyang kinuha ng langit?" Pagsisisi ni Mama.

This hurts so bad. I did not hear my mother saying that she's not a good mother. She is a good mother. Ako lang itong hindi mabuting anak. Sa totoo lang mahirap maging isang single parent. Nakikita ko iyon araw araw kay Mama.

"Huwag mo sisihin sarili mo Ma." Sambit ko sabay halik sa pisngi niya.

"Kaya natin to." Pagpapatuloy ko.

Nilingon ko si Stephen na nasa hagdan. Sinenyasan ko siya na lumapit sa amin. Pagkalapit niya ay pinayakap ko siya kay Mama at niyakap ko silang dalawa. Tumagal ng ilang minuto ang yakapan namin ng magsalita si Mama.

"Ilang araw ang suspension mo?" Tanong niya.

"Tatlong araw po." Sagot ko.

"Paano na ang scholarship mo?" Aniya.

Kaya ganito na lang ang galit at lungkot ni Mama nang malaman na nasuspend ako. Pwede kasi itong maging paraan para mawala ang scholarship ko kay Mayor. Ito rin kasi ang nagpapabaon sa akin araw-araw. Bawas gastusin din.

"Babawi na lang ako Ma pagkabalik ko sa school." Nginitian ko siya.

"Siguraduhin mo lang ate. Iiyak na naman si Mama kapag bumaba grades mo." Sabi ng cute na boses ni Stephen.

Ganito ang kahalagahan ng isang pamilya. Matapos masaktan ang isa, matapos mag-away at matapos na gumawa ng kasalanan ay handang magpatawag at magdamayan. Salamat at may Mama at kapatid ako na handang damayan ako sa lahat. Regret all but not your family. It is the strongest bond that God gave us. We should treasure it.

****

Day 1 starts now!

Para makabawi kay Mama ay dapat magpakasipag at magpakabait ako sa loob ng tatlong araw. Dahil thursday na ngayon ay napag-isipan ko na labhan lahat ng maruruming damit ni Stephen. Sinama ko na din ang kay Mama pagkatapos na maubos kong malabhan ito. Nagplantsa na rin kaagad ako ng uniform ng kapatid ko, pinakintab ang sapatos niya at inihanda ang mga dadalhin niya. Super ate lang ang datingan ko.

Mga bandang 11 AM, bago magtanghalian ay nagluto naman ako ng tortang talong. Paborito kasi ito ni Stephen at tsaka healthy pa. Todo serve ako sa kanila habang kumakain. Ako na rin ang naghatid sa kanya sa school. Inangkas ko na lang siya sa motor ko. Syempre nakahelmet kami para siguradong safe.

Pagkarating ko galing school ni Stephen ay niligpit ko na kaagad at hinugasan mga pinagkainan namin. Mag-aalauna na nang makapagpahinga ako at nakapanood ng TV.

Habang nanunuod ng TV ay sunod sunod na nagbeep ang cellphone ko. Tinadtad ako ng text at chat nina Cresjie, Regine, Hanne at Erika.

Uy bat wala ka kanina?

Hala nasuspend ka daw?

Okay ka na ba?

Ilang araw suspension mo?

Grabe, sikat iyong nanyari sa inyo kahapon.

Balita ko nakalabas na daw si Henry sa Ospital.

Mabuti naman. Great news for me. Nabawasan na din ang guilt ko sa nangyari. Sana dumating ang time na mapatawad nila ako ni Taissa.

Niseen at di ko nalang nireplyan silang apat. Sobra akong napagod sa araw na ito kaya hindi ko na magawang magtype pa. Nakakabored ang pinapanood ko kaya nilipat ko nalang ito sa News Channel.

"...muntikan na akong mapahamak, mabuti na lang tinulungan ako ng Red Lady." Sagot ng babae sa nag-iinterview sa kanya. Sa kabilang Hacienda lang ito nangyari.

Babaeng muntikan nang dukutin iniligtas ni Red Lady!

Basa ko sa nakalagay sa TV. Red Lady? Parang pamilyar ito.

"Maaari mo bang idescribe ang hitsura ng nagligtas sayo?" Tanong ng Reporter.

"Madilim kasi iyon kaya hindi ko masyado nakita. Basta ang naalala ko nakahood siyang pula tsaka sobrang pula din yong labi niya." Tugon ng babae.

Pulang labi? Oo nga! Naaalala ko na. Ito rin iyong babaeng nagligtas sa akin sa Ospital. Noong muntikan na akong atakihin ni Eric. Sino siya? Bakit nililigtas niya ang mga nasa panganib?

Biglang bumukas ang pinto ng bahay. Pumasok si Mama dala-dala ang coolbox. Galing siya sa pagdideliver ng ice-candies sa mga suki niya. Agad kong nilipat ang TV sa EatBulaga. Baka mag-alala naman siya sa balita.

"Kamusta Ma?" Tanong ko.

"Okay lang nak." Hinihingal niyang sabi.

Kita sa mukha niya na pagod na pagod na siya. Ang dami kaya ng suki niya.

"Natapos mo lahat deliveran?" Tanong ko.

"Hindi nga. Napadami kasi ng order si Aling Luing." Aniya.

"Hindi kayo nakapagdeliver sa last street?" Tanong ko.

"Hindi nga eh. Pwede bang ikaw na ang magdeliver mamaya? Kailangan na kasi nila yong ice-candies para bukas." Wika niya.

Hindi pa ako nakapunta sa last street pero kakayanin ko. Para kay Mama.

"Sige Ma." Ngiti ko.

****

Bago ako magdeliver sa last street ay gumawa muna ako ng ice-candies. Wala na kasing stocks sa freezer na para bukas. By 3:30PM ay natapos na din ako. Salamat at mga 300 pieces ang nagawa ko sa loob ng dalawang oras. Sakit na ng kamay ko.

"Flex umalis ka na at baka gabihin ka." Sigaw ni Mama na nasa banyo.

Nagbihis na ako at inihanda ang dadalhin kong mga ice-candies.
Nagpantalon ako para mas kumportable. Dadalhin ko ang motor ko sa pagdedeliver. May lagayan kasi ito ng coolbox sa may bandang likod nito kaya mas okay.

Last street ang pinakamalayo at dulong street ng Hacienda Señeres. Kaya nga tinawag na last street. Malapit na ito sa boundary ng Hacienda Carlota. Mga isang oras din ang byahe kung momotorin ito. Dito mo rin madadaanan ang mga lubak-lubak na daan. Hindi pa kasi nasesemento ang daan dito.

Binigyan ako ni Mama ng sketch at address ng bahay na pagdedeliveran ko. Hindi ko kasi alam kung saan ito dahil unang beses pa lang ako makakapunta dito. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nagtanong-tanong ako sa mga taong nadadaanan ko.

Before 5PM ay nadeliver ko na rin ito. Agad naman akong umuwi para hindi na ako gabihin pa. Napamangha ako sa sunset na nakita ko habang nagdadrive. Makikita din dito ng mas magandang view ang Mount Usok. Haaay. Ang sarap sa mata ng tanawin.

Nang papalabas na ako sa last street, sa may bandang wala ng gaanong mga bahay, ay may nakahandusay na lalake sa gitna ng daan. Agad akong bumaba sa motor at pinuntahan siya.

Inusisa ko ang kalagayan niya. Nasa edad kwarenta pataas na ito. Lasing ba ang lalakeng ito? Imposibleng na-hit and run ito dahil wala akong makitang sugat o galos man lang sa kahit saang parte ng katawan niya. Wala ring dugo na tumatagas. Napansin ko na nakasarado ang mga palad nito kaya naisip kong buksan ito. Sandaling bubuksan ko na sana ito ay biglang bumangon ang lalake at sinakal ako. Agad din niyang inilapat sa ilong ko ang hawak ng kamay niya. Nahilo ako bigla ng masinghot ko ang matinding amoy.

Umiikot na ang buong paligid ko.

****

Nagising ako dahil sa mga kamay na humihila sa akin. Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Iniligid ko ang paningin ko. Madilim na ang paligid. Gabi na. Nataranta ako kaya bumalikwas ako at akmang tatayo sana kaso agad naman akong hinawakan ng mahigpit ng humihila sa akin - ang lalakeng dumukot sa akin. Nanlaban ako kahit nahihilo pa ako. Matinding sakit ang naramdaman ko sa bandang tiyan ko nang tumama ang kamao niya dito.

"Ahhh!" Inda ko.

Kahit hinang-hina na ako ay ramdam ko na unti-unting tinatanggal ng lalake ang damit ko. Hinalik-halikan niya ako sa bandang leeg kaya pilit kong inilalayo ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko rin ang mga kamay niya na marahas na hinahatak pababa ang pantalon ko. Tumulo ang luha ko dahil sa nararanasan ko ngayon. Sana panaginip lang ito.

Sunod niyang binaba ang panty ko kasabay noon ang tunog ng bumukas na zipper ng pantalon ng lalake. He will going to push himself inside me. He will rape me!

I lose hope. No one will going to save me. Ang lalakeng ito ay magtatagumpay sa pagyurak sa pagkababae ko. Mabuti pang patayin patayin nalang niya ako.

My fear increases when I hear a terrible growl. A growl of a monster.

GRRRRR

Katulad ito ng hugyaw ng halimaw sa Mount Usok. Sigurado ako na ito iyon. Natigilan ang rapist sa ginagawa niya. Kumuha ako ng bwelo at tinuhod ang pagkalalake niya. Napahiga siya sa sobrang sakit.

Tumakbo ako sa palagay ko na ay mabilis. Nahihilo pa talaga ako dahil sa naamoy ko kanina. Natigilan ako ng may narinig akong malakas na bumagsak na parang nanggaling sa langit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang halimaw sa may di kalayuan. Ang lakas na ng dagundong ng puso ko.

Bigla niyang hinablot ang lalaki. Hindi pa nagawa nitong maisuot ang kanyang salawal. Inilagay ng halimaw ang matutulis niyang kamay sa gitnang bahagi ng lalake at walang konsenyang hinatak ang ari nito. Matapos noon ay hinagis niya ng napakalakas ang lalake. Hindi ko na nakita kung saan ito bumagsak.

Tumalikod ako sa halimaw at nagsimulang lumayo sa kanya. Pilit kong binibilisan ngunit kinukontra ako ng hilo ko. The next thing I know is the monster is right in front of me.

His eyes are mixtures of different kinds of colors. Kakaiba ito sa pulang-pula niyang mata nang huli ko siyang nakita sa kuweba. May kakaiba din sa kulay ng katawan niya. Mas bright ang kulay.

Huminga ako ng napakalalim. Ang sakit ng puso ko. Mukhang aatakihin yata ako dahil sa nasa harapan ko ngayon.

Doon na ako bumigay. Hindi ko na kinaya ang hilo na nararamdaman ko.

Muntikan na akong marape.

Ngunit hindi ito nangyari.

Because...

The Monster saved me.

****

Inaantok na talaga ako. Yohoo,. Hihi. So sana magustuhan ninyo ang chapter na ito. 😘

Continue Reading

You'll Also Like

315 118 7
Dayday Menaia was already at the licit age, the decenniums of 80's. She was comely inside and out that's why everyday their house were always be plen...
28.7K 873 25
"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a coll...
41.7K 1.2K 63
Naging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala...
8.3K 508 29
In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng ma...