GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 22

1.5K 173 23
By haciandro


Chapter 22: WHAT A RIDE

TAISSA

Hindi ko pinansin si Henry hanggang matapos ang klase. Hindi nga niya intensiyon na saktan si Flex pero lumalabas na naman ang pagkamayabang niya. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya kanina. Pwede niya namang tanggihan si Flex sa magandang paraan. At sana pinaalis niya muna ang tao bago pinamigay ang ice-candies niya. Walang hiya talaga.

Eto namang si Flex ayaw tumigil sa pagpapatunay na si Armie daw itong si Henry. Napakaobvious na nga na hindi siya. Sana tumigil na siya dahil siya lang naman ang nasasaktan sa pinaggagawa niya. Ang kulit niya talaga. Hopya tuloy siya.

Naiinis na talaga ako sa kanilang dalawa! Sarap pag-untugin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Shaina habang naglalakad kami. Kanina pa kasi ako walang imik.

Pauwi na kami. Kaming dalawa lang ang naglakad dahil nauna na sina Joan at Emery. Mas malapit lang ang bahay naming dalawa kesa sa kanila. Pwedeng lakarin. Sumabay na din ako sa kaniya dahil hindi ko pa alam kung saan siya nakatira. Para malaman ko na din. Kakakilala ko palang kasi sa kanya noong enrollment lang.

"Kainis lang si Henry." Tugon ko sa tanong niya.

"Pagpasensyahan mo na ang tao. Unaware lang siya sa nagagawa niya." Aniya.

Unaware? Mayabang lang talaga.

"Sana tama ka Sha. Sana mabait siya." Komento ko.

May narinig kaming paparating na motor. Bumusina ito kaya lumingon kami. Pagkalingon ko ay alam ko agad kung sino ang nagmomotor. NakaDucati. Si Mr. Yabang. Si Henry.

"Hey?" Sabi niya matapos tanggalin ang helmet niya.

"Anong hey? Hey? Ha?" Masungit kong tanong. Parang hayop kami lang makaHey.

Napansin ko na lang na napatakip ng bunganga si Shaina. Nakuha pa niyang tumawa talaga. May nakakatawa? Sinimangutan ko lang siya.

"Anong nangyari?" Tanong niya habang nakapalapad ang kaniyang mga kamay.

"Umuwi ka na." Utos ko. Pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

"I will tell Maam Melania that you're not a good guide!" Sigaw ni Henry habang bumubuntot sa amin.

Tinakot pa niya ako? Ako pa talaga ha.

"Sabihin mo para palitan na ako!" Sigaw ko ng hindi lumilingon.

Mabuti ngang magsumbong siya. Para hindi na niya ako mapirwisyo. Okay naman ako nang wala siya.

"I'm not in my right mind now! Ibabangga ko itong motor kapag hindi mo ako pinansin!" Banta niya.

Loko-loko! Ang sama ng ugali! So ako ang may kasalanan kapag namatay siya? Sa akin pa ang konsensya. Problema neto? Suicidal lang?

"Lakas mong mangblackmail ah! Bahala ka diyan sa buhay mo!" Galit kong sigaw.

Napansin kong hindi mapakali si Shaina. Mukang may sasabihin siya.

"Pansinin mo na siya Tais para okay na." Suhestiyon niya. Sumilay sa mukha niya ang pag-aalala.

"Naniwala ka naman na ibabangga niya yan?" Tanong ko sa kanya.

"Pansinin mo na. Wala namang mawawala." Aniya. Nerbyosa naman itong si Shaina.

"Hayaan mo siya. Hindi niya kaya magpakamatay." Sabi ko.

Saktong may nadinig kaming lumagapak. Napatingkayad naman kami dahil sa gulat. Nilingon namin si Henry at nakita naming natumba ang motor niya. Mukhang hindi naman siya nasaktan sa pagkakatumba niya. Gumagawa lang talaga siya ng eksena para pansinin ko.

"Okay." Buntong hininga ko.

Nilapitan naming dalawa si Henry. Napangiti naman kaagad ito nang makitang papalapit na kami sa kanya. Kung di dahil kay Shaina hindi ko talaga siya papansinin ngayon. Masyado siyang loko-loko.

"Samahan mo ko." Utos niya.

Walang pakiusap o please man lang. Tulog ba siya nong nagbigay ang Diyos ng pagkamagalang?

"Bakit?" Tanong ko.

Pinatayo niya ang motor niya na kanina pa nakatumba. Tinignan niya ako sa mata nang may sinsero.

"I know that I was a jerk kanina. Gusto ko lang makausap ka. To have some advice." Mukhang totoo naman itong sinasabi niya.

Tumingin ako kay Shaina upang hingan siya ng opinyon. Ngiti ang naging opinyon niya sa akin. Alam niyang dapat kong samahan si Henry. Kung ito ang magpapabago sa kanya ay magiging mabuti ito sa lahat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa isang café doon malapit sa may plaza. Sa Funbines Café." Tugon niya.

"Sasama kaming dalawa ni Shaina." Seryosong pahayag ko.

"Sure! Kasya naman kayo dito." Buong galak na sabi at turo sa motor niya.

"Hindi na siguro ako sasama sa inyo Tais." Ani Shaina.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yan na kasi ang bahay ko." Turo niya sa kulay blue na bahay. Magkapitbahay pala sila ni Maricel.

"Diyan?" Turo ko din.

"Oo Tais." Aniya.

"Kapitbahay niyo pala ang mga Siosan." Wika ko.

Tumango nalang siya.

"Bukas na tayo mag-usap tungkol diyan. Baka gabihin kayo." Suhestiyon niya.

Umakyat at umangkas ako sa motor. Mabuti na lang na slacks na ang pang-ibabang uniform naming mga female grade 12 students. Hindi mahirap kung umangkas. Tsaka parang ang komportable umupo sa ganitong motor.

"Henry ingatan mo yang kaibigan ko ah? Dapat buo yan pag-uwi niya." Babala ni Shaina.

Sumang-ayon naman si Henry. Sumenyas siya sa akin na humawak daw ako sa bewang niya. Nag-aalagan pa sana ako kaso baka malaglag naman ako kapag hindi ako humawak sa kanya. Pinaandar niya na ang mmotor. Kumaway si Shaina at nagtungo na sa bahay nila habang kami ay papalayo na.

Habang nakaangkas ako ay nalalanghap ko ang mabangong amoy ni Henry. Hindi masakit sa ilong ang amoy niya. Sakto lang ang lakas nang perfume na gamit niya. Hindi masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya kaya feeling ko safe ako.

Sa di na kalayuan ay naaninag ko na kaagad ang nakatawang logo ng Funbines Café. Kulay dilaw ang logo nito kaya kita sa malayo. Ang Café daw na ito ay sikat na pinupuntahan ng mga anak mayaman.

May nakahanda nang lamesa para sa amin. Ang ganda ng lugar na ito. May mga abstract painting na nasa dingding. Ang sarap tumambay sa ganitong kainan. Kung hindi lang ito si Henry ay iisipin kong date na ito. Kaso si Henry eh. Wala akong magagawa. Pwede pa sanang tawagin na friendly date ngunit di naman kami friends.

"What's your order? Here's the menu." Inabot niya ito sa akin.

Ang daming nakasulat sa menu. Nanlaki ang mga mata ko nung tignan ko ang presyo ng mga pagkain. Diez ko ang mahal!

"Kung ano ang iyo ganon na din ang akin." Aniya ko.

"Okay." Tugon niya.

Marami pang mga tao na nakatambay sa plaza. Maraming estudyante na nasa high school at college. May mga nagdedate pa nga at nakaupo sa madilim na bahagi ng plaza. Hindi ko magets bakit kailangan na sa madilim pa. Hayaan na nga lang sila.

Pagkatapos ng mga ilang minuto ay dumating na din ang orders namin. Sabi ni Henry ay Nachos, White Spaghetti, Burger submarine at Bake Macaroni daw ang mga ito. May Lemon Punch pa na inumin na kulay green na nilagyan ng pinong pipino. Ang dami ng inorder niya. Hindi na ako maghahapunan sa bahay mamaya. Siguradong solve na bituka ko dito.

"Ang tungkol pala kanina." Aniya habang kumakain ng Nachos.

Heto na, babalik na naman kami sa topic.

"Anong tungkol don?" Tanong ko.

Alam ko naman kung tungkol saan. Gusto ko lang na sa kanya manggaling.

"It's not my intention to hurt Flex. Swear." Tinaas niya ang kanyang kanang kamay. Heto na naman ang pag-iingles niya.

"Kahit na hindi mo intensyon ay nasaktan mo pa rin siya." Mahinang giit ko.

Biglang sumilay sa mukha niya ang pagkadismaya. Baka nga talaga hindi niya sinasadya.

"So ano ang plano natin?" Pagbasag ko sa katahimikan niya.

Napaisip naman siya sa sinabi ko. Kinakalkula niya ang mga bagay na dapat at gusto niyang gawin. Sana maganda ang patutunguhan nito.

"Gusto ko na maging okay na kami ni Flex." Nasabi niya rin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Mabuti at gusto niya rin na maging okay na sila. Ako nga sinisimulan ko na rin na maibalik ang pagkakaibigan namin ni Flex. Parang tulad lang nang dati.

"Hindi nga kayo okay dahil sa ginawa mo kanina. Sana pinamigay mo ang ice-candy noong wala na siya o di kaya ay tinanggihan mo ito sa mabuting di paraan. Parang napahiya kaya yong tao kanina." Pahayag ko.

Mukhang natauhan naman siya na may mali nga siya. Napaisip kasi siya at natigilan sa pagkain.

"Ano ang gagawin ko?" Dugtong sa tanong niya.

Isa lang naman ang bagay na dapat gawin niya. Bumili o tanggapin niya ang ice-candy ni Flex. Ganoon kasimple. Gawa niya iyon kaya magiging masaya iyon kapag na-appreciate mo ang paninda niya.

"Bumili ka ng ice-candy. Yon lang at magiging okay na kayo." Tugon ko.

"Yon lang?" Tanong niya.

"Yon lang." Ngiti ko.

"So hindi ka na galit?" Tanong pa niya. Papunta na pala ang topic sa akin.

"Nainis lang ako kanina. Hindi ako galit." Eksplinasyon ko.

"Hindi daw galit pero di namamansin." Pang-iinis na naman niya.

"Teka lang baka dahil lang sa akin kaya makikipagbati ka kay Flex?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"What? You're so assuming." Mayabang na sabi niya.

"Isa pa yan! Bawasan mo pagkamayabang mo!" Mahinang bulyaw ko.

"It comes with my handsomeness." Ang yabang talaga.

Handsama baka kamo? Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na papakin ang Nachos. Mabuti pa ito at mabait sa dila yong lasa. Kita mo? May feelings din iyong pagkain kaya i-appreciate niyo dapat ito. Dapat ubusin.

"You're so cute." Mahinang wika niya.

Nabulunan ako sa sinabi niya. Agad niya namang inabot sa akin ang lemon punch kaya nagtanggal ang nasa lalamunan ko. Kyut daw ako? Hala. Unti-unti na yata ito nagkakaproblema sa mata. Nagsimula na kasi niyang mapansin ang mukha ko.

Pero kinilig ako don ah. Sa cute lang.

Napangiti na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

****

"Pasado alas-siyete na ah?" Bulyaw ni Tatay sa akin pagkapasok ko ng bahay.

Napahinto na lang ako at nanahimik. Diez ko po. Nakalimutan ko palang itext sila ni Nanay na sa labas ako kakain.

"Sa labas po ako naghapunan." Sambit ko ng di nagtagal.

"Ano ka ba Taissa ha? Alam mo namang delikado ang panahon ngayon!" Sermon ni Tatay.

Simula noong nangyari sa mga kaibigan ko ay naging strikto na sila sa akin. Dapat bago mag alas siyete ay nasa bahay na ako. Nagkataon pa ngayon na bali-balita ang mga nawawalang babae sa kabilang Hacienda. Hindi ko rin sila masisisi na ganito sila. Kahit wala ng kaso ng mga nawawala at namamatay sa lugar namin ay hindi pa rin mawawaglit sa isip ng mga tao na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang halimaw. Nariyan pa rin siya sa paligid at pagala-gala.

"Sorry po." Mahinang sabi ko.

"Sino iyong naghatid sayo? Nagmotor ka pa ng walang helmet." Pang-uusisa niya.

Ang mga tatay talaga masyadong protektibo.

"Si Henry Loreto po." Sagot ko.

"Mag-ingat ka anak sa kanya. Hindi mo pa siya kilalang maigi tsaka huwag ka nang aangkas sa motor niya. O sige magpahinga ka na." Mahinang pagpapaala niya. Mabuti at hindi na humaba pa ang sermon niya.

Dumiretso kaagad ako ng kwarto. Nagbihis na lang kaagad ako ng pantulog. Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakapagod.

Makapagpahinga na nga.

****

Hello Androidz!!!!
May nagcelebrate pala ng birthday kahapon!!! Mahina ako sa petsa kaya di kita nagreet. Sorry talaga. Mention na lang kita dito. Huwag na magtampo. Walang notif FB mo 😘😘

Happy happy birthday Leng my Friend!!! Alam kong tumatawa ka sa mga lugar at bagay sa story kong ito. Pamilyar no??

Happy happy birthday to you androidz!!!
Haciendera ka na!!!
Iloveyou and thankyou!!!
Stay cute at nice Leng!!!
Muah 💋
Baka kagaya ka rin ni Taissa na kikiligin sa cute. Hihi 🎁😍🎉😘
thaLLiah_

Greet natin siya Androidz!!!

Continue Reading

You'll Also Like

641 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?
33.3K 1.3K 20
For early notice, this is a VAMPIRE story. Sa mga kapwa ko adik sa mga vampire diyan, basahin niyo na po :) I'm sure makakarelate kayo dito. A/N: Bag...
827 55 11
In someone's life, you'll always be the antagonist. So why not be the protagonist of your own story instead of wanting to be the main character of th...
4.8K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...