GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 18

2K 201 38
By haciandro


Chapter 18: THE TRANSFEREE

TAISSA

Nagsialisan na ang mga kaklase namin habang kami nina Joan,Shaina at Emery ay nandito pa sa classroom. Kasalukuyang nagwawalis at namumulot kami ng mga basura at kalat ng buong section. Pinakiusapan kasi kami ni Maam Aquino, ang aming adviser, na kami daw muna ang maglinis ng classroom dahil wala pa namang daily cleaners. Dahil mababait kaming mga mamamayang kabataan ng Pilipinas ay pumayag naman kami na tulungan si Maam.

"Thank you talaga sa inyo ha?" Pagpapasalamat ni Maam Aquino.

"Okay lang Maam. Magaang gawain lang naman ito." Tugon ni Shaina.

"Hayaan niyo at may plus points kayo sa unang quiz." Masiglang sabi ni Maam na nagpagalak sa aming mga puso.

"Kahit wala na ngang plus Maam." Komento ni Joan. Naputol ang pagkagalak namin.

Ang bait talaga ni Joan para hindi tanggapin ang plus points. Nainis si Shaina kaya siniko niya ito sa bewang. Sinimangutan siya ni Joan dahil napalakas yata ang siko niya. Napaaray pa nga ito.

"Bakit mo ko siniko?" Pasigaw niyang tanong. Halatang naiinis na ito.

"Wala naman. Ayon walisin mo pa iyon, may kalat pa oh." Pag-iiba ni Shaina sa usapan. Nataranta siya sa naging reaksyon ni Joan.

Natawa na lang si Maam sa nakita niya. Kinindatan niya ako, ibig-sabihin alam niya ang nangyari. Ibig-sabihin din nito ay tutuparin niya talaga ang pagbibigay ng plus points.

Nagpatuloy kami sa paglilinis at tagaktak na rin ang mga pawis namin. Patapos na rin kami sa paglilinis ng maalala ko na may transfer student pala kami sa school year na ito. Parang hindi naman pumasok iyon kanina. Tinanong ko na lang si Maam tungkol dito.

"Maam diba may bago kaming kaklase?" Tanong ko habang inilalagay ang walis sa may lagayan nito.

"Oo meron. Bakit mo natanong?" Tugon niya.

"Kasi hindi yata siya pumasok kanina." Patanong na sabi ko.

"May inayos pa siyang forms kanina kaya di siya nakapasok." Pagpapaliwanag ni Maam habang itinutuwid ang mga libro sa shelves.

"Anong pangalan niya Maam?" Pakikisali ni Emery sa usapan.

"Kapatid siya ni..." Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bumulagta ang nagsisigaw naming kaklase na si Jonah.

"Maam si Flex po!" Hinihingal niyang sabi.

Sabi niya ay may nakaaway daw si Flex. Mukhang ang trasferee daw ang nakaaway nito. Agad naman kaming tumungo sa dako ng eksena.

Dahil sa pag-aalala ko kay Flex ay nauna akong makarating sa dako kung saan sila nag-aaway. Nadatnan kong pilit na niyayakap ni Flex ang isang lalake. Agad namang tinanggal ng lalake ang pagkakayakap ni Flex at aksidente niya itong naitulak.

Si Flex ay agad namang inalalayan  ng kanyang kaibigang babae. Lumapit ang kaklase kong si Cormac sa lalake. Mukhang galit na ito sa lalake. Hindi ko makita ang mukha ng lalake dahil bahagyang nakatabon ang buhok nito sa mukha niya.

"Pare hindi tama ang ginawa mo kay Flex." Galit na pagsasalita ni Cormac.

Pilit pa rin na pinapatahan ng kaibigan niya ang umiiyak na si Flex. Ano ang nangyayari? Hindi ko magets.

"Eh hindi ko nga siya kilala! Ang kulit niya naman kasi!" Pasigaw at galit na sabi ng lalake.

Naandito na si Maam Aquino, doon na ko lumapit kina Flex. May gasgas siya sa siko.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi ko maalis na mag-alala sa kanya. Kahit hindi na kami laging magkasama ay tinuturing ko pa rin siya bilang kaibigan.

"Hindi magkakaganyan si Flex kong hindi ka niya kilala. Nagmamaang-maangan ka lang!" Grabe na ang tensyon sa pananalita ni Cormac.

Bumuwelo ang lalake at handa ng sapakin si Cormac. Pinagitnaan ko silang dalawa para tumigil na sila. Ang tamang ko naman. Wala naman sigurong lalake ang mananapak ng babae?

"Tama na!" Natigilan sila sa sigaw ko.

Hinawi ng lalake ang bangs niya at bumungad ang kanyang mukha. Hindi pa ako makapaniwala sa nakita ko. Joke ba ito?

"Armie?" Pabulong na sabi ko.

"Pati ikaw? Sabing hindi ako si Armie. Ako si Henry!" Nayayamot niyang paliwanag.

"Tama na yan!" Sigaw ni Maam Aquino.

Paanong naging Henry ang pangalan ni Armie? Joke ba to?

"Si Henry ay hindi si Armie. He is Henry Loreto, Armie's twin brother." Marahang paliwanag ni Maam.

May kambal si Armie? Bakit hindi ito alam ng lahat? Saan siya nanggaling? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Kamukha niya talaga si Armie. Syempre kambal nga diba.

"Okay na Horny?" Tanong ni Henry.

Horny?

Napanganga ako don ah. Hala! Siya ang lalakeng nakaDucati kanina. Pinalabas niya ang mapang-asar niyang ngiti. Nakakainis ito! Nakakahiya din!

"So okay na to? Henry makakauwi kana." Sabi ni Maam.

"At kayong lahat umuwi na!" Pagpapatuloy niya. 

Nagsialisan na ang mga estudyante. Bago umalis ay may sinabi muna sa akin si Henry.

"See you around Horny." Tumawa ito ng malakas. Hindi ko alam kung pang-aasar ba ito o babala.

Sumakay siya sa nakaparadang itim na Ducati at nagpaharurot ka agad ng takbo. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Kumpirmado! Siya nga ang nakasabay ko kaninang umaga.

Haist!!!

"Dalhin natin si Flex kay Nurse Kusayo. Palinisan natin ang galos niya." Rinig kong sabi ni Maam kina Cormac habang nakatalikod ako sa kanila.

Umalis sila kasama si Maam kaya ako na lang ang naiwan. Pagkatalikod ko ay mga matang nakatulala ang tumambad sa akin. Mata nina Shaina, Emery at Joan. Puno ng katanungan, kutya at kilig ang mga ito. Kaya pala iniwan ako nila dahil may tatlong asungot pala ang nasa likod ko.

Dapat ko ng ihanda ang mga kasagutan ko dahil siguradong babaha ng katanungan.

Ang mga mukha nila oh.

~~~~**~~~~

"So siya yung sinabihan mo nang horny?" Tanong ni Shaina habang naglalakad naglalakad kami.

Ginusto nilang maglakad para mapag-usapan namin ang tungkol kay Henry. Mga tsismosa talaga. Nako!

"Oo siya nga! Huhu!" Naiinis kong sabi.

"Ayan naiinis ka dahil ang tanga tanga mo! Horny ka pa diyan ha? Ayan kaklase pa natin ang sinabihan mo!" Sermon ni Joan na sobrang talino. Hindi rin naman alam kung ano sa english ang busina. Nagmamagaling.

"Nako Joan baka pag ikaw ang nandoon hindi lang horny ang naging usapan. Baka nahubaran ka na. Ang landi mo rin kaya." Pagtatanggol ni Shaina sa akin.

"Mabait si Armie at sigurado din akong mabait si Henry." Opinyon ni Emery na parang walang katuturan.

Paano naging mabait yon? Tinulak nga si Flex. May attitude problem yong Henry na yon. Ang yabang pa.

"Huwag mo nang problemahin iyon. Nandito naman kami lagi para tulungan ka." Best opinion ni Shaina. Buti pa siya. Si Emery at Joan sarap sabunutan.

Dapat handa na ako sa mangyayari.

Dapat tanggalin ang hiya.

At kapalan ang mukha.

Henry ka lang!

Taissa ako!!

💪🏻

~~~~**~~~~
You can help me Androidz!!!

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

Continue Reading

You'll Also Like

401K 13.1K 125
(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pag...
28.7K 873 25
"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a coll...
827 55 11
In someone's life, you'll always be the antagonist. So why not be the protagonist of your own story instead of wanting to be the main character of th...
33.3K 1.3K 20
For early notice, this is a VAMPIRE story. Sa mga kapwa ko adik sa mga vampire diyan, basahin niyo na po :) I'm sure makakarelate kayo dito. A/N: Bag...