GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 17

2.1K 218 32
By haciandro


Chapter 17: HOW?

FLEX

Gusto ko ng kausapin kanina si Taissa ngunit parang hindi pa ito ang tamang oras. Masaya ako na marami na siyang bagong mga kaibigan. Mukhang mababait naman ang mga bago niyang kaibigan. Makabubuti iyon para maging masaya naman siya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin kay Maam Melania ay dumiretso ako sa canteen. Doon kasi ang tagpuan namin ng mga bago kong mga kaibigan. Binubuo ito nina Cormac Lagani na mahilig magbasa ng libro, Cresjie Florogo, Regine Jaravilla, Erika Agasi, Hanne Jiongco at Carlo Retonio na singers at dancers ng set b. Si Cormac at ako lang ang magkaklase sa grupo.

Kinawayan ako ni Cresjie nang makita niya ako. Naroon silang anim sa may kaliwang bahagi ng canteen. Tapos na silang kumain dahil wala ng natira sa mga plato nila.

"Dito ka umupo sa tabi ko." Sabi ni Cresjie. Hinatak ko ang upuan at umupo sa tabi niya.

"Kinuwento ni Cormac sa amin na pinaiwan ka daw ng teacher nyo? Bakit?" Tanong ni Regine. Naikwento na agad ni Cormac.

"Wala lang iyon. May sinabi lang si Maam." Aniya ko. Hindi ko na kailangang idetalye pa sa kanila ang pinag-usapan namin. Naiba na ang usapan pagkatapos non. They know that I don't want to push the topic further.

"Nga pala may sasabihin ako." Sampot ni Erika sa usapan. Kilig na kilig ito.

"Ano iyon Er?" Inilapit ni Hanne ang tenga niya kay Erika.

"May bagong School Nurse daw dito sa campus. At ang gwapo daw!" Kinikilig na sabi ni Regine.

Ito na naman sila. Walang araw na magkakasama kami na hindi sila magkikwento tungkol sa mga crush nila. Ang hindi nila alam yung bagong nurse ay kapitbahay lang namin.

"Huli ka na girl!" Pagmamayabang ni Hanne.

"Bakit huli?" Tanong ni Regine.

"Nastalk ko na kasi si gwapong nurse sa Facebook." Pagmamalaki ni Hanne.

"Ang bilis mo ah!" Komento ni Erika. Tahimik lang ang dalawang boys namin - si Carlo at Cormac. Sila Carlo ay boyfriend ni Hanne at si Cormac naman ay kay Cresjie.

"Ang gara kaso nang pangalan niya." Kutya ni Hanne.

"Ewan Kusayo ang name niya." Pagpapatuloy niya.

Bigla namang sumutsot si Regine at may tinuro sa likod gamit ang bibig niya. Sabay kaming lahat na lumingon sa direksyon na tinuturo niya. Nasa counter pala ng canteen si Ewan. Kasalukuyan ay nagbabayad ito sa bibili niyang pagkain.

Namula ang ilong ko nang biglang tumingin sa direksyon namin si Ewan. Bigla siyang ngumiti at kumaway sa akin. Kakaway pa sana ako nang kumaway sina Regine at Hanne. Kilig na kilig silang dalawa. Tumalikod na lang ako ng tingin at ibinaba ang papataas kong kamay.

"Kumaway siya satin?!" Patili na si Regine sa kilig. Umapir siya kay Hanne. Naloka na ang dalawa/

"Parang di naman siya sa inyo kumaway." Seryosong sabi ni Carlo.

"Babe ha? Nagseselos ka na naman! Ayan ka na naman." Pagpapaalala ni Hanne. Nako mag-aaway na naman sila mamaya. Aso't pusa ang dalawang ito eh.

"Ang hilig mo kasi sa gwapo!" Inis na tugon ni Carlo. Kumukunot na ang nuo nito.

"Parang crush lang naman. Ikaw parin ang love ko!" Niyakap yakap ni Hanne si Carlo at kiniliti. Napilitan na lang tuloy siyang ngumiti.

Ang sweet nila! Sana magkaroon din ako ng ganito. Natigilan ang lahat sa pagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang meron. Lumingon ako sa likod ko para malaman kung ano ang ikinagulat nila. Nakatayo na pala sa likod ko si Ewan.

"Hello Flex!" Bati niya nang makalingon na ako. Natulala ang mga barkada ko. May sumilay na mga tanong sa mga mukha nina Regine at Hanne.

"Hi." Ang simpleng sagot ko.

"May sasakyan ka ba mamaya? Pwede kang sumabay mamaya sa akin." Ewan offers. Hindi ko mapigilang maflattered kaya napangiti ako.

"Sure." Heto na naman naman ang one-word-answer ko. Nakamamatay na ang mga tingin nina Regine.

"So see you later." Sabi ni Ewan at umalis na siya.

Biglang umingay ang canteen ng makaalis siya. Ang dami nilang tanong at dada tungkol kay Ewan.

"Ang gwapo nga!" Sigaw ni Cresjie.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Regine.

"Paano kayo nagkakilala?" Pagtataka ni Hanne.

"Ang init ng katawan ko! Ang hot niya." Komento ni Erika na namumula na.

"Wait lang!" Sigaw ko at tumigil silang lahat.

"Sige ikuwento mo na." Mahinhing sabi ni Erika.

So I told them everything. From the hospital (where we first met) to what happened earlier. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"So magkapitbahay kayo?" Tanong ni Regine.

"Yes." I say with a smile.

"Ang swerte mo Flex!" Sigaw ni Hanne sabay palo sa lamesa.

"Pakilala mo kami ha?" Pagmamakaawa ni Cresjie.

"Okay, okay." I smile. That's when the bell started to ring.

Time na.

Ang gwapo lang ni Ewan.

Andaming may crush.

~~~~**~~~~

Natapos ang buong klase namin sa araw na ito ng mabuti. I met new Teachers and classmates. Okay naman kasi walang strikto sa mga teacher namin. O baka mabait lang sila kasi first day.

Palabas na ako ng school kasama si Cresjie at Cormac. May mga estudyante nagtitipon at nag-uusap sa kada dinadaanan namin.There's something happening in the school ground.

Nakatingin ang mga estudyanteng nag-uusap sa isang grupo ng kalalakihan. Parang mga siga ang mga lalaking ito. Lima ang bilang ko sa mga lalaki at mukhang ang nakatalikod na nakaponytail ang leader nila.

Curious ako kung bakit pinag-uusapan sila kaya dumaan ako malapit sa kanila. Inantay kong tumalikod ang nakaponytail. There is something in him that I want to know.

Sa wakas ay lumingon na din ang lalaki. Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko nang makita ko ang mukha niya. Magkahalo itong pagtataka at pasasalamat.

Nagulat sina Cresjie nang bigla ko siyang niyakap. Napaiyak na lang ako sa sobrang tuwa dahil okay siya. Dahil buhay siya.

"Excuse me Miss! Do I know you?" Sigaw ni Armie matapos niya akong hawiin. Ang lakas pa ng pagkakahawi niya.

"Ako to! Si Flex?" Pagpapakilala ko. May kakaiba sa kanya. Bakit hindi niya ako kilala?

"Wala akong Flex na kilala!" Sabi niya sabay talikod sa akin.

That's the worst thing someone could say to me.Tumulo na lang ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Hindi niya na ako kilala? Pano nangyari yon? Nabagok ba ang ulo niya ng mahulog siya sa butas ng kuweba kaya nagkaamnesia siya? Hindi ito tama. Nagbibiro lang itong si Armie.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Ako to si Flex. Ako to si Flex." Paulit-ulit kong sabi habang nakayakap sa kanya.

Unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakayakap. Nang matanggal niya na ito ay itinulak niya ako ng napakalakas. Napaupo ako sa lupa sa pagkakatulak niya.

"Hindi kita kilala." Mahina niyang sabi. Nakonsensya ata siya sa pagkakatumba ko.

Tinulungan akong tumayo ni Cresjie at Cormac. Kita ko sa mga mukha nila na galit sila sa ginawa ni Armie sa akin.

"Pare hindi tama ang ginawa mo kay Flex." Galit na pahayag ni Cormac.

Hindi ko pa rin mapigilang umiyak kaya hinihimas ako ni Cresjie at pinapatahan.

"Eh hindi ko nga siya kilala! Ang kulit niya naman kasi!" Pasigaw na tugon ni Armie.

Paano?

Paanong di niya ako kilala?

Anong nangyayari sayo Armie?

Ako to!

Si Flex.

~~~~**~~~~

May gumugulo ba sa isipan niyo Androidz?

May mga bagay na hindi maintindihan?

Comment lang po kayo dito!!!

Salamuch!!!

Pavote ⭐️ na din 😘

Continue Reading

You'll Also Like

6K 1K 81
Matapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang kalimutan na ang lahat kasabay ng pamumuh...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
641 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?
1.1K 216 32
||TSOU|| Noong araw, mayroong isang babaeng nagngangalang Divina Ricaforte. Ang kanyang buhay ay naging mahikal pagtapos niyang matanggap ang isang l...