GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 13

2.4K 232 38
By haciandro


Chapter 13: THE AWAKENING

FLEX

Ang kamatayan ay hindi malaking kawalan sa buhay ng tao. Ang malaking kawalan ay yong bagay na nawawala o namamatay sa loob natin habang tayo ay nabubuhay. Dahil habang natututunan nating mabuhay ay natututunan din natin kung paano mamatay.

"Mama!!! Gising na si Ate!!!" Ang pamilyar na boses ng kapatid kong si Stephen ang unang narinig ko.

Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga kaibigan ko nang dahil sa akin. Nang dahil sa ideya na hanapin si Maricel. Ngayon, hindi nalang si Maricel ang nawawala. Ang mas masakit ay hindi ko na silang makikitang buhay at nakangiti. Dahil sa ala-alang ito ay nagpanic ako.

"Nasan sila Jessa! Nasan si Armie!!!" Pagsisigaw ko habang tumutulo ang aking mga luha.

"Ma?!!!" Pagsisigaw din ni Stephen na nag-aalala na rin sa akin. Agad namang dumating si Mama at niyakap ako.

"Anak? Flex? Huminahon ka Anak, nandito lang kami." Pagpapatahan ni Mama sa akin.

Huminahon ako sa yakap ni Mama. Nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa sa labang ito. Na nandito si Mama at Stephen para damayan ako. Nang makapaghinahon na ako ay doon ko na tinanong si Mama sa mga nangyari habang tulog ako.

"Nasan na ang mga kaibigan ko Ma?" Alam ko na ang ibang maririnig kong sagot ay hindi maganda kaya hinanda ko na ang puso ko.

"Wala na si Nema, David at Ezra anak." Simpleng sagot ni Mama. Masisilayan sa mukha nya na pinapagaan nya ang loob ko.

Silang tatlo lang? Paano ang iba?

"Si Jessa?!" Excited kong tanong.

"Buhay sya per..." Naputol ang sasabihin niya.

"Buhay sya? Salamat naman! Nasan sya?" Napahinto siya dahil sa sunod-sunod kong mga tanong ngunit nagpatuloy din sya.

"Nandito sya sa Hospital." Aniya.

"Tara puntahan natin sya!" Buong galak kong sabi habang inaayos ang IV na nakatusok sa pulso ko.

"Hindi pwede Flex, magpahinga ka muna." Nakangiting sabi nya habang hinahawakan ang kamay ko.

"Bakit?" Alam kong may hindi sila sinasabi sa akin. Makikita ko sa emosyon ng mga mukha nila.

"Maraming nagbabantay sa kanya doon kaya hindi ka makakapasok." Pagpapaliwanag ni Mama.

May kakaiba sa mga pananalita ni Mama. They are hiding something from me. Kailangan kong malaman kung ano iyon. Sinuri ko ang paligid ng hospital room kung nasan ako ngayon. Kumuha ako ng bwelo at tinanggal ang dextrose sa pulsuhan ko.

Aray!!!

Ang sakit nang pagkakatanggal ko nito. Pagkatapos ay tumakbo ako ng mabilis palabas sa kwarto. Nabangga ko pa nga ang isang nurse. Narinig ko na lang na nagsisigaw si Mama sa loob ng kwarto. Siguradong nabigla sila ni Stephen sa pangyayari.

"Flex!!! Anak!!! Huwag!!!" Sigaw ni Mama.

Agad naman silang nakabuntot sa akin na tumatakbo. Binabasa ko ang mga signage na nakalagay sa bawat kwarto, umaasa na maiituro nito ang kinalalagyan ni Jessa. Habang tumatakbo ay tinitignan ko ang mga mukha ng makakasalubong ko. Baka may kilala ako dito.

Tumungo ako sa information desk at nagtanong sa babaeng nakabantay. Tinanong ko kung may Jessa na nakaadmit sa hospital na ito. Sinabi naman agad niya kung anong room ni Jessa ngunit parang nagsisi kaagad ito na sinabi nya ito sa akin. Bawal bang sabihin ito?

"Miss saglit!! Baw..." Hindi ko na narinig pa kung ano ang sasabihin nya dahil umalis na ako kaagad.

"Anak!!!" Rinig ko ang boses ni Mama na mukhang malapit na. Maaabutan na nila ako kaya binilisan ko pa.

Agad ko naman nakita ang isang kwarto na may maraming mga Pulis at Doktor na nakabantay sa labas. Tumungo ako don ngunit nang malapit na ako sa kanila ay may humawak at pumigil sa akin.

"Miss hanggang dito ka nalang." Sabi ng isang lalaking nakasalamin. Sa porma nya ay mukhang Nurse sya ng hospital na ito. Kusayo ang nakalagay sa nameplate nya. Apelyido nya ito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Restricted ang area na ito." Tugon nya. Sinusubukan nyang maging mahinahon ang boses nya.

"Bakit restricted? Ano ba ang nandyan?" Tanong ko ulit. Kinakabahan ako kung sino ang nasa loob nito. Sa pagkakataong ito ay naabutan na ako nina Mama.

"Pasensya na, wala pa sya sa tamang kalagayan." Sabi ni Mama sa nurse.

"Ma? Anong wala?" Galit na galit na ako sa pagkakataong ito. Gusto ko lang naman makita ang kaibigan ko. Bakit ayaw pa nila ito payagan?

"Sorry Sir." She apologizes again sabay hatak sa akin palayo sa nurse. Binalikwas ko sya ngunit nanatili pa rin ang pagkahawak nya.

"Hindi Ma! Bakit ka nag-sosorry eh kaibigan ko naman ang nandiyan." Sigaw ko. I am sure that Jessa is definitely inside that room kaya nasabi ko iyon. Bakit nila ako pinipigilan kung wala naman pala sya dyan?

Tinanggal ko ang pagkahawak ni Mama sa akin at tinulak ko sa dibdib si Nurse Kusayo. Agad akong pumunta sa room ni Jessa ngunit sa labas pa lang ay hinarang na ako ng mga nakabantay.

"She's infected!" Sigaw ni Nurse Kusayo kaya nilingon ko sya at lumapit sa kanya.

"Anong sinabi mo?!" Masungit at pasigaw kong sabi.

"Nakagat sya ng halimaw kaya nainfect sya! Yan ang dahilan kung bakit hindi ka pwedeng pumasok dyan!" Sigaw nya, na nakakuha ng mga atensyon ng mga nasa paligid.

"Bawiin mo yan?!" Tinulak ko sya ulit sa dibdib. Tinampal tampal ko pa siya ngunit agad naman akong pinigilan ni Mama.

"Tama na Anak." Humahagulgol na sa pagkakataong ito.

Napaupo na lang ako sa sahig at umiyak ng napakalagas. Bakit nangyayari ito sa akin? Sa amin? Patay na ang mga kaibigan ko at si Jessa naman ay infected pa.

Si Taissa?

Nasan siya?

Dapat andito sya para damayan ako. Para sabay naming talunin ang pagsubok na ito. Ngunit wala sya.

Iniyak ko ng iniyak ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko. Wala akong pakialam sa mga tao dito sa ospital na kanina pa nanunuod sa eksenang ginagawa ko.

Wala akong pakialam!

Gusto kong ibuhos ang lahat ng ito sa pag-iyak.

~~~~

More things I learned in the next days. Nalaman kong mahigit tatlong araw pala akong walang malay at sa loob ng tatlong araw ay marami nang nangyari sa Hacienda Señeres.

Ang Hacienda ay naging laman ng mga balita sa tv at diyaryo. May nag-interview na nga sa akin at kay Taissa. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakapag-usap. May problema na yata sa pagkakaibigan namin.

Laman na din sa social medias ang videos and pictures ng halimaw. Eventhough it's not very clear kasi gabi ay may itsura na ang salarin sa mga patayan sa lugar namin. Si Taissa ang nagbigay ng footage sa mga police.

Dalawang araw na rin ang lumipas ng ilibing ang mga kaibigan ko. Katawan na lang ni Armie ang hindi nakikita. A worst news after you wake up from a long sleep. No miracle will happen about Armie. Nakita ko kung paano tumilapon at mahulog ang katawan nya sa malalim na bahagi ng kuweba. Siguradong patay na sya but there's a strong hope in my heart that he is alive. Sana.

Binalikan namin ang bahagi ng gubat kung saan ako narescue upang ituro ang kuweba. Ang malala pa ay hindi ko na matandaan kung saan banda ang kuweba ng halimaw. Walang pag-asa na makuha ang bangkay ni Nina at Armie at iba pang mga nawawala. Araw-araw ay ibat-ibang scientists, doctors, police officers and reporters from all over the world ang nandidito sa Hacienda Señeres. We all have common goal.

To know where the monster is.

~~~~

Ngayong araw ay ang burial ceremony nina Armie, Nina at iba pang nawawala kahit na wala ang mga bangkay nila. Sa isip st puso ng mga pamilya nila ay mas mabuting may mga puntod sila. It is their way to accept the death of their loveones.

After ng libing ay nagpaiwan muna ako sa puntod ng mga kaibigan ko. Magkakatabi lang ang mga puntod ng mga biktima. Hindi ko pa lubos na mapaniwalaan na wala na ang mga kaibigan ko.

"Ang lungkot isipin no?" Sabi ng pamilyar na boses. Si Taissa.

Mugto pa ang mga mata nya dahil sa pag-iyak. Alam kong ganyan din ang itsura ko. Malungkot ako ngunit napawi ito dahil sa wakas ay makakausap ko na sya.

"At masakit sa puso." Dugtong ko sa sinabi nya at niyakap namin ang isat-isa.

Hinigpitan namin ang yakap dahil miss na miss talaga namin ang isat-isa. Habang yumayakap ay tumutulo ang mga luha ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga mapigilang umiyak. Ang lungkot lang talaga.

"Bakit hindi ka bumisita?" Tanong ko matapos ang yakapan.

Sumilay sa kanya ang malungkot na ngiti at nagsimulang magsalita.

"Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Patay na ang mga kaibigan natin at malalaman ko pa na nasa hospital kayong dalawa ni Jessa. Sobra na ang nararamdaman ko. Magkahalong lungkot at pagsisisi. Parang gusto ko nang bumigay dahil sa dami ng nangyayari." Umiiyak nyang sabi.

"Magkasama tayo dito, alam mo yan." I assure her of our friendship. I'll make sure that we will get through these.

"Hinihiling ko nga na maging okay na si Jessa kasi baka hindi ko na alam ang gagawin kung pati sya mawawala." Aniya habang pinupunasan ang luha nya.

"Magiging Okay si Jessa. Makakaya natin to. Makakalampas tayo." At niyakap ko syang muli.

~~~~

Magkasama kaming naglakad pauwi ni Taissa. Maaga pa naman kaya hindi pa delikado. Habang naglalakad kami ay may mga dumaang ambulansya at police cars. Bakit ang dami nila?

Nakasalubong din namin ang kaklase naming si Jonah na tila nagmamadali at takot na takot. Pinatigil namin sya at tinanong.

"Jonah anong nangyayari?" Tanong ni Taissa.

"Yung kaibigan nyo! Hinawaan ang mga Doktor na nagbabantay sa kanya!" Hinihingal nyang paliwanag.

"Anong hinawaan?!" Ako naman ang nagtanong.

"Si Jessa hinawaan ang limang doktor at nurse! Airborne daw ang sakit nya! Mauna na ko at baka mahawaan pa ko dito!" Sabay karipas nya ng takbo.

Labis na pangamba ang naramdaman ko sa mga narinig ko. Sana joke na lang ang lahat ng mga ito. Sana okay lang si Jessa.

Kapag totoo ito ay siguradong ititerminate nila si Jessa. Termination ay katumbas ng kamatayan. Panginoon iligtas nyo po ang kaibigan ko.

Matulin kami ni Taissa na lumakad papuntang hospital. Nagkakagulong mga tao ang tumambad sa amin. Takot ang makikita sa mga mukha ng mga tao. Ang mga pasyente ay dali-daling pinalalabas ng mga pamilya nila. Takot silang mahawa ng sakit na na kay Jessa.

Biglang may inilabas ang mga doktor na nakagawa ng malakas na ingay. Nagpumiglas na nagsitakbuhan ang mga tao sa labas ng hospital. Nabangga pa ako ng nagmamadaling ale at natumba. Nahilo ako sa pangyayari kaya hindi ko namalayang wala na pala sa tabi ko si Taissa.

Sumunod ko syang nakita na nasa malapit sa mga doktor at hinahatak nya ang katawan na inilalabas nila. Positibong katawan ito ni Jessa.

Sa pwesto ko ay makikitang pilit na itinutulak ng mga pulis si Taissa papalayo sa kanila ngunit ayaw siyang paawat. Agad naman akong nakipaglaban at nakipagbuno sa rumaragasang mga tao. Kailangan kong makapunta sa kanya. Mali itong ginagawa niya. Siguradong ikapapahamak nya ito.

Makailang beses din akong mabunggo at matumba bago makarating kay Taissa. Nang makalapit ako ay nagulat ako sa sumunod na nangyari. Dahil sa kulit ni Taissa ay sinampal sya ng sobrang lakas ng pulis. Wala syang karapan para saktan ang kaibigan ko!

Napatalsik si Taissa sa impact ng pagkakasampal sa kanya. Mabuti at nasalo siya ng isang nurse. Si nurse Kusayo. Ang nurse na inaway ko nong nakaraan.

Habang hawak ni nurse Kusayo si Taissa ay agad naman akong pumunta sa pulis na nanampal sa kanya at tinuhod sa bayag. Napahawak sya dito, habang nakahawak sya ay sinuntok ko naman sya sa mukha at pinagkakalmot.

Inawat kaagad ako ni nurse Kusayo bago ko pa mapuruhan ang pulis o ako ang mapuruhan. Napaaray ako dahil sa sakit ng kamay ko dahil sa pagkakasuntok.

Habang nag-aaway pala kami ng pulis ay hindi namin namalayan na wala na ang katawan ni Jessa na dala kanina ng mga doktor. Naisakay at paalis na pala ang sasakyan na magdadala sa kanya kaya wala ng paraan para mahabol pa namin sya. Wala ng paraan para maligtas namin sya.

Pumunta ako kay Taissa at sinuro sya. May dugo sa labi nya bunga ng pagkakasampal sa kanya. Umiiyak ito habang hawak-hawak ang pingi nya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya akmang hahawak sa pingi nya.

Tinapi nya ang kamay ko at nagsalita.

"Lumayo ka!" Sigaw nya sakin. Makikita ang lungkot at galit sa kanyang mga mata habang sinisigawan nya ako.

Tumulong muli ang mga luha ko. Naglupasay na lang ako sa sahig. Nakatingin lang sa amin ni Taissa si nurse Kusayo. Hindi nya na kami pinakialaman. Ang lungkot lungkot ng buhay. Wala na ang lahat ng mga kaibigan ko. Pati si Taissa ay unti-unti ng nawawala sa akin.

Dahil sa titig nya sa akin ay isang bagay ang pumasok sa isip ko.

Sinisisi nya na ako.

~~~~

This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

Continue Reading

You'll Also Like

660K 16.1K 74
Si Mahalia ay isang babaeng lumaki sa tagong Probinsiya ng Isabela, protektado ito at inaalagaan ng kaniyang tatay ngunit paano kung sa isang trahedy...
4.8K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...
29.3K 1K 23
Naging magkaibigan sina ni Jashael at Radius hanggang sa natuklasan niya ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon...
41.7K 1.2K 63
Naging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala...