GROWLING HEARTS

Από haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... Περισσότερα

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 11

2.6K 216 28
Από haciandro


Chapter 11: I SAID RUN!

TAISSA

Monitor ng Computer ang kaharap ko ngayon. Gusto ko sana talagang sumama sa kanila. Eh wala eh. Bantay computer at bantay bata na lang talaga ang peg ko.

Kaninang hapon pa ko nagbabantay dito sa computer. Wala pa naman akong nakitang nakakatakot. So far. Recorded naman ang lahat kaya kung may mamissed ako ay pwede pa itong i-replay. Pagkatapos akong tawagan ni Jessa kanina ay nagstart na kaagad akong magbantay.

Makikita ngayon sa monitor na tulog na sila except kay Armie na nasa labas. Anong nangyari? Wala bang dalang tent si Flex? Kawawa naman si Armie. Lalamukin sya sigurado sa labas. Mayamang hindi maarte pala sya.

Bali outside footage lang ang makikita ko ngayon sa screen. Nakaoff yata ang individual cameras nila. Kita din sa gilid ng screen ang naka-minimize na Mapa na kung saan makikita ang magkakatabing 5 red dots. Ito yung locations nila isa-isa. Naging posible ito dahil sa Trackers na binigay sa kanila ni Armie. Nagtataka kayo siguro kung bakit 5 red dots lang. 5 lang kasi nabasa at nasira daw kanina ang kay Jessa. Sana hindi mawala si Jessa sa loob ng gubat. Pagnagkataon kasi ay mahihirapang maghanap sa kanya.

Nakaiglip ako ng saglit dahil sa sobrang pagod. Buong araw ba namang maglinis ng bahay, maglaba at magluto. Nanay, tatay at dakilang ate ang role ko.

Pagkagising ko ay tumingin kaagad ako sa Monitor. Umuulan na ng malakas at wala na si Armie sa labas. Kita sa footage na may dalawang anino ng tao sa loob ng tent. Pinapasok na siya ni Flex sa tent. Mabuti naman.

Ngingiti na sana ako dahil sa pagkakilig sa kanilang dalawa ngunit nang maibaling ko ang tingin ko sa puno kung saan nakalagay ang ilaw ay tinubuan ako ng nerbyos at dali-dali akong nagdial at tinawagan si Flex.

May nakatayong halimaw sa may tabi ng puno.



FLEX

Ring... Ring... Ring...

Isinantabi ko na lang ang mangyayari sana sa amin ni Armie. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nagriring. Panira ng moment naman.

"Hello? Bakit Tai.." Pinutol ni Taissa ang sasabihin ko. Ninenerbyos ang tono ng pagsasalita nya.

"May halimaw sa labas!" Ang nasabi nya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Kaagad kong sinabi kay Armie ang sinabi ni Taissa kaya kinuha ni Armie ang stun-gun habang hawak ko naman ang shotgun. Dahan-dahan kaming lumabas sa tent. Hindi na namin pinansin ang malakas na ulan. Nakaraincoat kami.

Nasa labas na rin sina Ezra, Dave, Jessa at Nema. Takot ang masisilayan sa dalawang babae.  Mas malamig ngayon kaysa kaninang maaga pa, dulot ito ng malakas na ulan.

"Nasan ito?" Mahinang tanong ko na nakatuon ang bibig sa mouthpiece. Kinakausap ko si Taissa.

"Hindi ko na makita Flex." Sagot ni Taissa sa kabilang linya. Maririnig namin sya over the earpiece na binigay kanina ni Armie.

These mouthpiece and earpiece are the things that we can use to communicate with Taissa. Hindi ito mababasa dahil nakaraincoat naman kaming lahat ngayon. All of us have cameras and trackers except kay Jessa na nabasa yung kanya kanina sa spring.

Lahat kami ay alisto ngayon kahit ramdam namin ang sobrang takot. Something is moving. Alam namin yun. Parang iniikutan lang kami ng halimaw. It is ready to attack us.

"Dave! Sa likod mo!" Sigaw ni Taissa. Kaya tumalikod si Dave at pinaputok ang stun-gun nya. Ang bilis ng halimaw gumalaw. Hindi nya ito natamaan.

Tumakbo ng mabilis si Dave at Ezra sa direksyon ng halimaw. Sumunod naman kami ni Armie habang sina Jessa at Nema ay nagpaiwan lang. Nashock ata sila sa nakita nila kaya hindi na sila nakagalaw pa.

Kanya kanya kaming tutok ng flashlights sa every direction ng gubat. Nandito na ulit ang halimaw. Siguradong pinagmamasdan nya lang kami. Nasa isang sulok lang sya na hindi namin nakikita. Madilim at umuulan kaya mas mahirap itong makita.

Bigla itong lumabas galing sa itaas ng puno. Sabay naming lahat itong pinaputukan ngunit hindi ito natamaan. Tumigil kaagad ang lahat sa pagpapaputok. Nawala na naman ito. Ang bilis nya! Nito!

Anong klaseng nilalang ito?

Bakit ang lakas nito?

Nakita ata ni ang Dave halimaw kaya nagpaputok na naman sya. Sunod-sunod ang pagpapaputok nya ng stun-gun. Wala naman syang natatamaan. Malapit na kay Ezra ang direksiyon ng pinapuputukan niya.

"Dave tama na!!!" Sigaw ni Armie ngunit huli na. Imbes na ang halimaw ang matamaan ay si Ezra ang natamaan nya.

Agad naman na tumilapon si Ezra papalayo. Siguradong tulog sya sa tama nya. Hindi naman nakakamatay ang tama nito. Makukuryente ka lang at mahihimatay. Masakit parin.

Natulala na lang si Dave sa nangyari. Tumakbo kami ni Armie sa pinagtilapunan ni Ezra. Sa malayo pa lang ay kita na namin ang ilaw ng flashlight nya. Nang sandaling malapit na kami sa kanya ay biglang may humila sa kanya. Napasigaw na lang ako ng malakas.

"Flex? Flex? Tara na!" Sigaw ni Armie. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hinahabol ko ang hininga ko. Dahil yata ito sa lamig at takot. Naghahalo na ang nararamdaman ko. Patuloy akong pinapakalma ni Armie. Breathe in, breathe out. Wala na si Ezra.

"Flex? Hello Flex?" Tanong ni Taissa sa kabilang linya. May pangamba sa boses nya.

"B..ba..bakit?" Tugon ko.

"Balikan nyo sina Jessa at Nema, nandun na ang halimaw!"



NEMA

Naiwan kaming dalawa ni Jessa dito malapit sa may tents. Ang tagal nilang bumalik. Matagal nga ba? O parang humahaba lang ang oras dahil sa nadarama naming takot?

"Andito na sila!" Sambit ni Jessa na sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

Sa wakas ay bumalik na rin sila. Makikita ang ilaw ng flashlight na paparating kaya sinalubong namin sila.

"T... t... a.... o..." Choppy ang linya ni Taissa.

"Hindi klaro Taissa." Aniya ko sa kanya habang tinatapik ang earpiece ko. May gustong sabihin si Taissa. Malapit na kami sa ilaw.

"T A K B O ! ! !" Ang pagsisigaw ni Taissa sa kabilang linya. Kasabay non ang malakas na tili ni Jessa.

Tumayo ang mga balahibo ko sa sumunod na nakita ko. Hawak ng halimaw ang duguang katawan ni Ezra. Parang laruan nya lang kung hawakan ito. Ni parang wala itong bigat sa kanya. Patay na ba siya? Hindi ito totoo.

Tinutok ko ang shotgun sa ulo ng halimaw. Nakatitig sa akin ang nanlilisik nyang mga mata. Pinaputok ko ito ngunit bigla nyang pinangharang ang katawan ni Ezra. Nanghina ang mga tuhod ko. Siguradong patay na si Ezra dahil durog na ang ulo nito sa tama ng shotgun.

Itinapon ng halimaw ang katawan ni Ezra at dahan dahang lumakad papalapit sa amin. Maririnig ang mahinang hugyaw ng halimaw. Parang ang tunog ng galit na aso.

Dahan dahan akong lumapit kay Jessa habang nakatutok pa rin ang hawak kong shotgun sa halimaw. Nang malapit na ko sa kanya ay bigla ko syang hinila ng buong lakas.

"Takbo Jess!!!" Sigaw ko sa kanya. Tumakbo naman sya sa hudyat ko habang ako ay nagpaulan naman ng putok sa halimaw. Nakakabingi ang tunog nito at ng tunog ng buhos ng ulan.

Umikot ang halimaw. Iniiwasan nya ang mga putok. Naghahanda ito. Bigla syang lumapit sa akin at sinakmal ako sa braso. Nanlabo ang mata ko sa sakit ng kagat nya. Ngunit hindi ako nagpadaig sa kanya. Itinutok ko ang shotgun at ipinutok sa bandang dibdib nya. Napabitiw sya sa pagkagat kasabay ng pagkalmot sa leeg ko. Napaungol sya ng malakas kasabay ng pag-ungol ko. Parehas na kaming sugatan.

Sinundan ko si Jessa kahit sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Kung gaano kalakas ang ulan ay ganoon din kalakas ang pagtulo ng dugo galing sa mga sugat ko.

"Nem andito ako." Pagtawag ni Jessa sa akin. Pumunta ako sa dako kung nasaan sya.

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Grabe ang pagtangos ni Jessa habang hinahawakan ako. Kita nya kung gaano na ako kagrabe.

"Nem wag kang bibigay ha?" Umiiyak nyang sabi.

Grrowwwllll!!!

Nandito na ulit ang halimaw. Ngunit unti unti na yatang nawawala ang wisyo ko. Umiikot na ang paningin ko.

Lagot na.


JESSA

Nakita ko na ang pinakamalalang dapat makita. Ang patay na katawan ni Ezra at ang naghihingalong si Nema. Nakaakbay sa kanang braso ko si Nema na pilit kong pinalalakad at sa kanang kamay naman ay hawak ko ang shotgun.

Palinga-linga ako habang kami ay tumatakbo. Hindi ko makita ang halimaw ngunit naririnig ko ang huni nito. Madulas ang daan dahil umuulan kaya mas mahirap ang pagtakbo namin.

Naririnig ko ang agos ng tubig. Malapit na yata kami sa Usok Falls. Alam kong sinusundan pa rin kami ng halimaw. Wala ng pag-asang masundan kami nina Armie. Wala akong tracker habang ang kay Nema naman ay nasira sa enkwentro nya kanina sa halimaw.

May naisip akong magandang paraan para makatakas sa halimaw.

Growwwwllllll!!!! Awwwoohh!!!

Nandito na sya! Dali dali kami na pumunta sa spring. Kalahating gising lang si Nema kaya ang hirap ng sitwasyon. Rinig ko na ang malakas na yabag ng halimaw.

Malapit na kami sa spring.

Nang time na tatalon na kami ay biglang hinablot ako ng halimaw sabay kagat sa braso ko. Mabilis ko ring itinutok sa kanya ang shotgun at pinaputok. Natamaan ito sa may bandang tyan. Napainda ang halimaw sa sakit at natanggal ang pagkakakagat nito sakin.

Kaagad akong sumunod na tumalon sa tubig kung saan nauna ng tumalon si Nema. Nagising na sya sa sobrang lamig. Agad kaming lumangoy patungo sa likod ng tubig ng Falls.

Hindi biro ang sobrang lamig ng tubig. Parang tinutusok ka lang ng libu-libong karayom sa sobrang lamig. Umuusok at nangangatal na rin ang mga bunganga namin.

Grrrrrr!!!!

Nandito pa rin ang halimaw. Makikita ko mula sa pinagtataguan namin na hinahanap at sinisinghot nya kung nasaan kami. Nag-aalala ako para kay Nema. Siguradong hindi sya makakatagal sa ganitong sitwasyon.

"Hhh.hin...d..di ko  na. kaya Jes." Nangangatal na sabi ni Nema.

"H..wwag kang bibitiw Nem." Tugon ko. Wala na kong mailuluha sa sobrang lamig.

~~~~

This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
28.7K 873 25
"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a coll...
641 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?
Project LOKI ② Από akosiibarra

Μυστήριο / Τρόμου/ Θρίλερ

6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...