GROWLING HEARTS

By haciandro

171K 14.6K 4.3K

This is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one th... More

READERS' REVIEW
GROWLING HEARTS
Work of Fiction
PROLOGUE
1ST PART
~~*~~
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's Break
2ND PART
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
29. BATHING
30. NAME
31. CORNERED
32. WOUNDED
33. BYE
Author's Break: YOU are my Achievements
3RD PART
34. COURTSHIP
35. VISITOR
36. DATE
37. SMILE
38. ANNOUNCEMENT
39. LIGHTS
40. PREPARATION
41. MONSTER PARTY (p.1)
42. MONSTER PARTY (p.2)
43. MONSTER PARTY (p.3)
44. MONSTER PARTY (p.4)
45. MONSTER PARTY (p.5)
46. MONSTER PARTY (p.6)
47. DAWN
48. INTRUDER
49. CHAINS
50. MARICEL
Author's Break: CHOOSE YOUR LOVETEAM
4TH PART
51. KNIGHT
52. ESCAPEES
53. SLAP
54. REDEEM
55. BETRAYAL
56. BAIT
57. KISS
58. HIM
59. REFRESH
60. DISGUISE
Author's Break: FINALE
LAST PART
61. OUTBREAK
62. MEETING
63. SICK
64. AGENDA
65. TRUTH
66. CHRISTIAN
67. MAMA
68. TOUCH
69. BRAVE
70. GAME
71. GROWL
What's on your mind?
72. WAR
73. FIRE
LAST CHAPTER
EPILOGUE
FINAL NOTE
Book 2 Announcement!!!

CHAPTER 3

3.7K 303 158
By haciandro


Chapter 3: WHEN NIGHT COMES

MARICEL

Gumawa kami ng bonfire pagkasapit ng gabi. Kahit papano ay napawi ang lamig namin dahil dito. Hindi biro ang lamig dito sa gubat at masyadong madilim ang paligid, kagagawan ito ng fog na bumalot sa paligid.

Nag-ihaw din kami ng marshmallows at hotdogs. Syempre ito 'yong karaniwang ginagawa kung nagcacamping. Hindi pa rin lumalabas sa tent niya si Aireen. Bad mood pa rin yata siya o di kaya'y tulog na.

"Mabuti at may bonfire tayo." sani ni Gio habang nakatingin sakin. Alam kong mang-aasar naman ito. "Baka kasi di natin makita si Maricel sa dilim kung wala nito." tumawa ito ng malakas ngunit sinimangutan ko lang siya. Binato naman siya ni Eric ng sanga ng kahoy sabay kiss sa ulo ko. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Ang swerte ko.

Maitim nga ko pero maganda naman. Kung hindi ako maganda, eh hindi sana ako nananalo sa mga beauty contest na sinasalihan ko. Miss Hacienda Señeres kaya ako. Di sa pagmamayabang.

Nag-iba ang awra ng gabi nang magsalita si Lawrence. "Alam nyo ba ang kwento-kwento sa gubat na ito?" tanong niya sa aming lahat habang nakayakap si Nina sa kaniya.

Kinabahan naman kaagad ako dahil alam ko na patungo ito sa kwentong kababalaghan. Yumakap na lang din ako ng mahigpit kay Eric.

"Anong kwento?" tanong ni Eric. Interesado ang lahat sa kwento pati ang lokong 'to.

May ugali talaga tayo na kahit nakakatakot ay sige lang. Nag-eenjoy tayong makinig kahit nerbyos lang naman ang maidudulot nito sa atin.

"May nagbabantay daw na halimaw sa gubat na ito." sabi niya habang nanlalaki ang mata. I wish he's not making this up.

Tumayo naman kaagad ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko ay biglang lumamig ata bigla ang hangin. Gusto ko na siyang patigilin sa kwento niya. Nahihiya lang ako kasi nakafocus ang lahat sa pakikinig sa kaniya kaya nakinig na lang din ako.

"Ang dahilan kung bakit matataas at mayayabong ang mga puno at halaman dito sa gubat ay dahil sa kaniya. Pinapatay niya gamit ang kaniyang matutulis na kuko ang sino mang puputol ng mga puno dito. Baka nga siya ang salarin sa pagpatay at pagkawala ng mga tao sa Hacienda Señeres." pagpapatuloy nya. Alam kong gawa-gawa niya lang 'to pero may punto ang kwento niya.

Sana ay gawa-gawa niya lang talaga ang mga ito dahil kung totoo ito ay siguradong lagot kaming lahat. I think this is enough. Tama na ang katatakutang ito. Naglakas loob na akong magsalita.

"Tama na Law, matulog na tayo." pagpuputol ko ng kwento niya.

"Oo nga babe, para maaga pa tayong magising at makapagswimming sa Usok falls bukas." pagsang-ayon ni Nina na halatang takot na din.

Sumang-ayon ang lahat sa suhestyon ko. Minabuti namin na patayin ang bonfire habang natutulog kami kaya binuhusan ito ni Eric ng tubic. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa aming tents. Tabi-tabi kaming magboboyfriend na matulog.

"Totoo kaya ang kwento ni Lawrence?" tanong ko kay Eric habang nakayakap sa kaniya.

Nakapaloob kaming dalawa sa kumot. Yakap ng isa't-isa at kumot ay ang pinakamabising pangtanggal ng lamig namin.

"Siguradong pananakot lang iyon ni Lawrence. Huwag mo nang isipin iyon kasi nandito naman ako lagi para protektahan ka." assurance niya. Napangiti na lang ako dahil naniniwala akon sa kaniya.

Nakaramdam ako ng kaligtasan sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako basta't kasama ko siya. Salamat at may ganito akong klase na boyfriend.

"Tulog na tayo hon?" anyaya ko kasabay ng paghigpit ng yakap ko sa kaniya.

"Goodnight honey." sabi ni Eric.

Yes, It's been a good night. Maganda ang gabi dahil katabi ko ang pinakamamahal ko.

"Goodnight hon." reply ko sabay halik niya sa'kin sa labi.

And I fall asleep with his kiss.

****

GIO

Mahimbing na ang tulog ni Aireen ng tumawag si Erika - ang babaeng may gusto sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang zipper ng tent at lumabas para kausapin siya sa cellphone.

Lumayo ako ng konti sa tents kasi baka magising ang mga kasama ko. Tsaka ko sinagot ang tawag.

"Hello sexy, napatawag ka?" tanong ko sa kaniya.

Si Erika ang kaninang umaga ko pang katext. Ang hot kasi niya kung magtext. Nakuha niya ang atensyon ko dahil parang nanlalamig na ako kay Aireen. Masyado kasing maldita tong si Aireen. Mabunganga na, sadista pa.

Alam kong hindi ito isang mabuting gawain. Hindi mabuting lokohin ang taong nagmamahal sayo. Pero si Aireen naman ang dahilan kung bakit nagagawa ko ito. Kaya kayong mga babae, tratuhin niyo ng mabuti ang mga boyfriend niyo. Dahil kapag kami nagloko, siguradong iiyak talaga kayo.

"Gusto kong marinig ang masarap mong boses pogi." pang-aakit nyang sabi. Ang ganda talaga ng boses niya.

Professional na talaga tong si Erika kung mang-akit. Siguradong lahat ng makakarinig ng boses niya ay maiinlove dito.

"Masarap ba talaga?" tanong ko sa kaniya. Hinintay ko ang malambing niyang sagot.

"Oo, sobrang sarap, sobrang sarap mong patayin." lumingon ako sa likod ko dahil hindi galing kay Erika ang boses kundi kay Aireen. Galit na galit na ito.

Nasundan pala ako ni Aireen? Lagot na! Dapat ihanda ko na ang sarili ko sa susunod na mangyayari sa akin. Patay ako nito.

Ibinaba ko ang cellphone kahit naririnig ko pang nagsasalita si Erika. Nakaramdam ako ng takot dahil sa galit na sumilay sa mukha ni Aireen. May mas nagpatakot pa sa akin dahil may naaaninag akong isang nilalang na papalapit sa likod niya.

Nasa pitong talampakan ito. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa dilim. Ang nanlilisik at pulang-pula niyang mga mata ang mas nagpatindi pa ng takot ko. Kamatayan ang nararamdaman ko sa titig nito.

"Ano takot ka na?" sigaw ni Aireen na galit na galit pa rin ang mukha.

Mas malapit na ang halimaw sa kaniya. Nasa likod na niya ito mismo. Napaurong na lang ako.

"Aireen." pabulong kong sabi.

"Ano!" tugon niya.

"Sa likod mo!" sigaw ko sa kaniya.

Lumingon naman siya at bigla siyang kinalmot ng halimaw. Nahati ang katawan niya sa dalawa. Ang bilis ng pangyayari. Iyon na ang naging hudyat ko para tumakbo na ako ng mabilis.

Sobrang bilis na ng takbo ko. Nang malayo-layo na ako ay lumingon ako upang malaman kung sumusunod pa sa akin ang halimaw. Malas ko lang at napatid ako sa ugat ng puno at nadapa. Una ulo ang pagkadapa ko kaya pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko.

Pagkaangat ko ng ulo ko para tumayo ay nasa harapan ko na pala ang halimaw na tatapos sa buhay ko. Nakatitig direkta sa akin ang pulang-pulang mga mata nito.

Huli na lahat para sa akin.

****

This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

Continue Reading

You'll Also Like

641 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?
1.8M 1.7K 2
When a simple college student, Selene Reese met the white, tall, and handsome Hunter Ybrahim, she knows her life will never be the same again. Convin...
315 118 7
Dayday Menaia was already at the licit age, the decenniums of 80's. She was comely inside and out that's why everyday their house were always be plen...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!