Of The Shattered Compass

De ELRionCae

27.7K 1.6K 525

As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and w... Mais

Of The Shattered Compass
Chapter 1 : The Northerners
Chapter 2 : End of Summer
Chapter 3 : The Westerners
Chapter 4 : He Who Stole The Crown
Chapter 5 : Knowing Cali
Chapter 6 : The Southerners
Chapter 7 : Epic Grand Reunion
Chapter 8 : Endless Combat
Chapter 9 : OH YES WAY !
Chapter 10 : The Easterner
Chapter 11 : Healing Wounds
Chapter 12 : Cali's Home
Chapter 13 : Just Call Me "A"
Chapter 14 : First Attack
Chapter 15 : Waiting For You
Chapter 16 : Heart Beats
Chapter 17 : Mute
Chapter 18 : Wrong Side
Chapter 19 : Rules and Regulations
Chapter 20 : Rules and Regulations (2)
Chapter 21 : What We Used To Be
Chapter 22 : My Father, Ace Dennison Frazer
Chapter 23 : I'm Sorry
Chapter 24 : Bow Before Me
Chapter 25 : Beautiful in White
Chapter 26 : Permission
Chapter 27 : His Greatest Adversary
Chapter 28 : Courting Rivalry
Chapter 29 : Life Outside The Compass (1)
Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)
Chapter 31 : Back Story
Chapter 32 : Seeking Interuption
Chapter 33 : When Mute Talks
Chapter 34 : A Pirate's Work
Chapter 35 : Cali's Queen
Chapter 36 : Dethrone
Chapter 37 : I Love You, I think?
Chapter 38 : The Jealous Cali
Chapter 39 : Sudden Confession
Chapter 40 : Never Let Go
Chapter 41: Changes
Chapter 42: Nostalgia
Chapter 43: Mortello's Gang
Chapter 45: I Will Miss You
Chapter 46: This Night
Chapter 47: Happiness, Love and Rages
Chapter 48: Caught
Chapter 49: Plan
Chapter 50: I Can't
Chapter 51: Lies and Butterflies
Chapter 52: Cali's Tears
Chapter 53: Rules of a Broken Heart
Chapter 54: The End of Everything
Chapter 55: Where's Cali?
Chapter 56: Last Hug
Chapter 57: Gone for Good
Chapter 58: You're Mine
Chapter 59: The Final Game
Chapter 60: Again. At Last
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 44: Frazer's Way

343 16 7
De ELRionCae

Chapter 44

AVIAH RHEIKO SUMMER

Natapos na ang birthday party ni Tita Lirie, nagdaan narin ang weekend at ngayo'y nasa Kristoff na ulit kami. Simula ng unang linggong kasama at magiging pinuno ng kanluran si Kade, alam kong maninibago ako, bukod sa mag-iiba ang kalakaran dito sa dormitoryo, hindi ko narin maririnig ang palagiang pagdadabog ni Storm sa kwarto niya. Kahit na nasa itaas ako ng kwarto niya ay rinig na rinig ko kung paano niya kalampagin ang pintuan niya pabagsak.

Hindi narin siguro nakakapagtakang wala siyang kasama sa kwarto dahil sa ugali niya.

Ngayon ay si Kade na ang mamamalagi sa ilalim, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ilang hakbang lang ang pagitan naming dalawa at gayun naman ang layo ni Cali sa akin. Iniisip ko kung anong nararamdaman ngayon ni Cali, alam kong nag-iisip siya ng malalim ngayon dahil magkalapit kami ni Kade, pero sisiguruhin ko naman na wala siyang dapat na ipag-alala pa. Hindi ko na mahal si Kade, tanging pagiging magkaibigan nalang namin ang pinapahalagan ko sa ngayon na hindi ko alam kung pinpahalagahan niya rin ba.

"Ms. Rheiko?" may kumatok bigla sa pintuan kaya naman bigla akong napabalikwas at binuksan iyon.

Tumambad ang isang babae, pamilyar, alam kong taga kanluran siya.

"Pinapatawag ka ng leader ng West Dorm," likas na matatapang ang mukha ng karamihan sa kanluran ngunit hindi ganoon ang itsura ng babaeng kaharap ko ngayon.

Kung titignan ay maihahalintulad siya sa mga taga silangan. Wala sa mukha ang pakikipag-away at may maayos na paraan ng pakikipag-usap.

"Bakit daw?" bigla akong napa-isip, bakit naman ako ipapatawag ni Kade ng ganito kaaga.

"Hindi ko alam, basta bumaba ka nalang naghihintay siya," tuluyan nang tumalikod ang babae at bumaba.

Kahit na hindi na siya presidente ay may mangilan ngilan pading sumusunod sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako nang malalim at inayos ang sarili bago tuluyang bumaba. Nasa taas palang ako nang hagdan ay nakita ko agad ang nakatalikod na pustura ni Kade, nakasandal siya at nakapamulsa.

"Kade," agad kong bati nang makababa.

"Summer, good morning," pormal na bati niya.

"Ah- good morning, bakit mo pala ako pinatawag?"

Umalis siya sa pagkakasandal at umayos ng tayo, hindi mawala wala sa kanya ang pustura ng isang presidente.

"Ah, wala gusto sana kita yayain mag-almusal, may sasabihin din ako sayo," bahagyang napataas ang kilay ko sa tinuran niya, anong bagay naman kaya ang sasabihin niya.

Matagal bago ako nakasagot.

"What? Hindi ka ba pwede? Magagalit ba si Cali?"

Napasinghap ako. "Hindi naman, okay lang. Sige, tara na," nauna na akong naglakad at sumunod siya.

Magkasunod kaming naglakad sa kahabaan ng pasilyo ng kanluran. May iilan na umiismid kay Kade, may mga naka-ngisi na hindi malaman kung natutuwa o nang-aasar sa ginawang paglipat ni Kade. Mayroon ding walang paki-alam at nakikisabay lang sa agos ng alituntunin ng paaralan.

"Summer!" hindi pa ako nakakababa ng hagdanan sa entrada ng kanluran nang marinig ang pagsigaw ni Cali.

Napatingin ako sa likuran at nakita kong nakahinto na si Kade habang nakatingin kay Cali.

"Summer, tara mag-almusal na tayo," walang pasintabi na hinawakan ni Cali ang kamay ko sa harap ng maraming tao.

At bakit ba hindi ko naisip na magkikita kami at siguradong magyayaya siya kumain.

Hinila ako ni Cali pero bahagya kong pinigilan na magpadala sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Summer? May problema ba?" nagtataka niyang tanong at biglang napatingin sa papalapit na si Kade mula sa likuran.

Awtomatikong nagbago ang mukha ni Cali habang pinagmamasdan ang dating kaibigan.

"Ah Cali, uhm, pwede bang sumabay sa atin si Kade mag-almusal?"

"What?" sabay na tanong nila.

"Naka-oo na kase ako kay Kade sabayan siya kumain ngayong almusal, kaya sabay sabay nalang tayo," kay Cali ako nagpaliwanag.

"Bakit pumapayag kang sabayan ng ibang lalaki sa pagkain nang hindi nagpapa-alam sa akin? Hindi ba ako ang boyfriend mo? Sa akin ka lang dapat sasabay."

Bakit kung minsan ay walang preno ang bibig niya. Nakita ko ang bahagyang pagtagis ng bagang ni Kade sa narinig.

"May pag-uusapan kase kami, kaya nga sabay sabay na tayo kumain di ba? Para naman marinig mo ang pag-uusapan namin," paliwanag ko.

Tinignan ni Cali si Kade. "Okay, sige."

Hinila na niya ako at hindi man lang binigyan ng senyas si Kade na sumunod. Ngunit mukhang nakuha na ni Kade dahil sumunod siya sa amin, mukhang importante ang sasabihin niya dahil magagawa niya talagang sumabay sa amin sa almusal.

--

Nang makapasok sa cafeteria ay agad naming nabungaran sila Hymn, Jett, Draco, Yhno, Shaun at Chance na kumakain sa iisang lamesa habang nasa kabilang lamesa di kalayuan sila Ash at Storm.

"Cal," taas kamay ni Jett at sumenyas na doon kami maupo.

Hinila naman ako doon ni Cali at pinaunang umupo. Napansin ko na may isa pang bakanteng upuan sa gitna ni Draco at Jett, bigla namang dumating si Andreau at doon umupo. Nahuli lang pala siya ng pagkuha ng pagkain.

Nagulat pa at nagkatinginan si Andreau at Kade, napatigil rin ng bahagya ang ilan nang makita ang bisita sa grupo.

"Sasabay ka kumain sa amin?" si Chance ang nagtanong.

"Hindi ko ginusto 'to," ang sagot na ibinigay ni Kade at dumiretso ng counter para kumuha ng pagkain.

May mangilan ngilang nagbulungan at tinitigan ang puwesto namin. Marahil ay nagtataka dahil mukhang may nangyaring kakaiba sa paligid.

"Nagkaroon na yata ng peligro, anong nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo?" hindi parin makapaniwalang tanong ni Chance.

"Chance, akin na lang yung mansanas mo," bigla namang sumingit ng ganyan si Yhno kaya natigil si Chance.

"Ayoko nga, bumili ka ng sayo."

"Bakit binili mo ba yan?" tanong naman ni Yhno.

"Hindi, kinuha ko sa bag mo," ang lakas pa talaga ng loob niya sabihin yun. Kinuha niya lang pala sa taong nanghihingi sa kanya.

"What do you want for breakfast Summer?" napatingin naman ako kay Cali dahil sa tanong niya.

"Ah, ako nalang, sabay na ko kumuha sayo."

"Ako na kukuha, ano nga gusto mo?"

"Ako na nga lang."

"Ako na nga kase."

"Ako nalang kaya 'no? aabutin kayo ng hapunan diyan kakatanungan, bakit kase hindi ka nalang kumuha Cali, kahit ano namang kainin niyo itatae niyo rin yan."

"Jesus Christ Hymn, you're so disgusting," bulyaw ni Draco at masamang tinignan si Hymn.

"What? May masama ba sa sinabi ko?" natural na tanong pa nito.

"We're eating, stop being nasty."

Napailing nalang si Cali at hindi na muling nagtanong. Dumiretso na siya ng counter tulad ng ginawa ni Kade.

--

"So, ano nga ang sasabihin mo Kade?"

Kahit na tapos na kumain sila Chance at Yhno ay hindi parin umalis ang mga ito at patuloy na kinukulit si Kade sa dapat nitong sabihin. Samantala sila Hymn at iba ay nauna na at kami nalang ang natira.

"I told you it's private."

"Eh bakit ka pa sumabay sa amin kumain? Gusto mo lang makisali sa lamesa, ganun?"

"Shut your mouth, talking while eating is not healthy," ngayon ko nalang ulit narinig ang salita niyang iyon.

"Hindi na naman ako kumakain eh."

"I am."

"Edi wag mo ko sagutin."

"You're disturbing the hell out of me."

"E--"

"Stop the bullshit Chance, pumasok ka na nga sa klase mo," nainis na si Cali at sinaway ang nakababatang kapatid.

"Gusto ko maririnig ang usapan niyo."

"Wala kaming pag-uusapan, umalis na kayo ni Yhno bago pa mag-init ang ulo ko at paliparin ko kayong dalawa palabas."

"Aish!"

Padabog na lumayas si Chance at sumunod lang si Yhno. Kahit papaano pala ay nasunod parin si Chance sa Kuya niya.

"So Kade, ano bang sasabihin mo kay Summer? Papasok pa kase siya sa klase baka mahuli na siya," diretsahang tanong ni Cali nang makalayo ang kapatid.

"You and your brother share the same annoying attitude didn't you? I told you it's private, but since you're Rheiko's boyfriend and it seems like you're not leaving her. I'll spill it out."

Dire-diretso siyang nagsalita at idiniin pa ang salitang boyfriend habang nakatingin sa akin.

"Bilisan mo."

Napangisi si Kade sa hindi makapaniwalang paraan. "Rheiko, we'll go out this saturday night, save the date," direkta niya sa akin.

"And where did you get the assurance that I'll give you the permission to go out with Rheiko?" maangas na tanong ni Cali kaya't nabaling ang tingin ni Kade sa kanya.

"I don't need your permission, it's not you I'm asking, it's Rheiko."

Napatiklop ng kamao si Cali kaya naman mabilis akong pumagitna. "Ah, saan ba tayo pupunta Kade? Mahalaga ba yan?"

"Remember the last we went out? Na hindi nakarating ang kikitain natin? Sa sabado siya dadating at kailangan kita para sunduin siya."

"At sino ang susunduin niyo?"

"That's none of your f*cking business."

Dumiretso na ng tayo si Kade at iniwan kami. Dumilim ang mukha ni Cali at tinangka pang habulin si Kade pero pinigilan ko siya. Pilit ko siyang pinakalma bago kami tuluyang lumabas ng cafeteria.

--

"Cali? Kanina mo pa ako hindi kinakausap, ano bang problema mo?"

"Nothing."

"Sige, kung ayaw mo ako pasamahin kay Kade hindi naman ko sasama."

"No Summer, it's okay. Sumama ka kay Kade, just make sure na sasamahan mo lang siya."

"Eh, kung gusto mo sumama ka nalang din."

"No, okay lang Summer."

Mula umaga ay nawalan na ng gana si Cali at iilang salita nalang ang inilalabas ng bibig niya. Alam kong hindi siya galit pero alam ko ring may tampo siya, kaya naman wala na akong ginawa kundi suyuin siya mula kanina pa.

Ngini-ngitian niya lang ako at hinahawakan sa kamay pero ramdam kong iniisip niya ang pagyaya ni Kade sa akin.

Panandaliang nawala ang lungkot niya nang tumunog ang cellphone niya lalo na nang mapagtanto kung sino ang tumawag.

Isang video call galing kay Tito Nalu ang natanggap niya.

"Dad?" may halong pagtatakang bungad ni Cali sa video. "..bakit napatawag ka?"

"Cali.. nasaan ba ang mga labahan mo?"

"What?"

Pati ako ay nagulat sa tanong ni Tito Nalu kaya naman napasilip ako sa screen dahilan para makita niya ako.

"Hi Summer!" kumaway kaway pa si Tito Nalu na parang bata.

"Hello po," napatawa naman si Cali at tinignan ako bago muling tinignan si Tito Nalu.

"Bakit mo hinahanap ang labahan ko Dad? Pati ba naman damit ko balak mo na ibenta ngayon?"

"Hindi ko ibebenta ang damit mo 'no, aish! Nasaan ba kase dito? Ituro mo," bahagyang lumayo sa camera si Tito Nalu at nagulat nalang ako nang makita ang kabuuan niya.

Nakasuot siya ng uniporme ng isang maid, nakabota pa sa paa, may suot na gloves at may underwear pa sa ulo.

"Nasaan ba kase dito? Eto, labahan mo ba ito?" kumuha ng kung ano mula sa isang lagayan si Tito Nalu at iwinagayway sa camera. Napalaki nalang ang mata ko nang malaman kung ano iyon.

"Dad naman, ang bastos, nakaka-asar!" iniwas ni Cali ang camera dahil iwinawagayway ni Tito Nalu ang isang underwear. Nahihiyang tinignan ako ni Cali at binalingan ng simangot ang tatay niya.

"Bakit ba naka-ganyan ka huh? Ano bang problema mo?" nakakatawa lang mainis si Cali at nakalimutan niya yata na tatay niya ang kaharap niya.

"Hindi kasi ako naka-uwi ng maaga kagabi galing kila Bullet kaya pinaglaba ako ng Mommy mo, sabihin mo na kasi nasaan ang labahan mo nang matapos na ako."

Naningkit ang mata ni Cali, hindi ko alam kung natuwa o nainis sa narinig.

"Kung ano mang trip niyo ni Mommy, 'wag niyo na idamay yung damit ko, kay Chance nalang ang labhan mo. Aish!"

"Hindi nga pwede, dapat nga daw lahat labhan ko."

"Nasaan ba si Mommy?"

"Wala, umalis sila ni Lili, kaya nga dapat matapos ko ito at susunod ako sa kanila. Paniguradong kumakain na sila ngayon."

"Ewan ko sayo Dad, basta 'wag mo galawin ang damit ko okay? Ibababa ko na 'to."

"Cali-"

"Bye!"

Hindi na nakasalita si Tito Nalu dahil pinatay na ni Cali ang video. Napailing nalang siya at napatawa ng mahina.

"Crazy father," ngayon ay totoo na ang tawa niya.

"Tatay mo lang pala ang katapat para mawala ang inis mo."

Napalingon siya sa akin. Nginitian ako at hinawakan ang kanang pisngi ko. "I'm sorry Summer, sorry kung hindi mo ako nakausap ng maayos buong maghapon. I'm just being jealous. Ayoko lang isipin na may iba kang makakasamang lalaki bukod sakin, that things annoy the crap out of me."

"Kaya nga sabi ko hindi na ako sasama 'di ba? Or samahan mo ako."

Umiling siya. "No, I just realized one thing. Bakit ko kayo sasamahan kung pwede ko naman kayong sundan?"

"What do you mean by that?"

"It's Nalu's way Summer," ngiti niya pero hindi ko naintindihan.

"Okay, whatever."

"But promise me, sasamahan mo lang si Kade at wala ng iba."

"I promise."

"Okay, I love you," muli, nabigla na naman ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa kanya.

"Wala bang sagot?"

"I love you too," ngiti kong sagot.

"Can I get a kiss?"

"Uhm, Cali may gagawin pa pala ako. Mauna na ako sayo."

"Summer!"

Tumayo ako at binitbit ang mga gamit ko at sinimulang humakbang palayo sa kanya.

"Bye Cali!"

"Summer!"

Lumakad na ako ng ilang hakbang at plano ng kumawala sa kanya nang bigla namang humahangos na dumating si Chance. Napahinto ako dahil kakaiba ang takbong ginagawa niya, dire-diretso siyang pumunta kay Cali, na parang ito lang ang taong nakikita niya.

"Kuya," hingal na hingal na huminto si Chance sa harap ni Cali.

"Anong nangyari sayo?"

"Kuya," hinawakan ni Chance sa magkabilang balikat si Cali. "..umuwi tayo."

"Huh? Bakit tayo uuwi?"

"Kuya si Lili at si Mommy," mula sa pag-ngiti ay nagbago ang mukha ni Cali, sumalubong ang kilay.

"Anong nangyari sa kanila? Anong nangyari kay Mommy at Lili?"

"Naaksidente sila Mommy at Lili, nasa ospital sila ngayon. Puntahan natin sila Kuya, umalis na tayo."

Mabilis pa sa limang segundo, nawala ang magkapatid sa paningin ko.

Continue lendo

Você também vai gostar

9.9K 417 24
I love him but he's with someone else and that someone looks like me If you could see that I'm the one who understands you Been here all along so why...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
18.1K 838 37
Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her a...
62.8K 987 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023