The Dragon Prince

Galing kay Queen_Phoenix28

144K 9.4K 398

Ang tanong, may nabubuhay pa bang Dragon sa mundo? Kung meron man, kailangan ko silang mahanap... Sa lalong... Higit pa

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129

Chapter 11

1.9K 125 1
Galing kay Queen_Phoenix28


Yves's POV

Nang imulat ko ang aking mata ay wala akong ibang makita kundi kadiliman. Tinignan ko ang buong paligid, wala talaga. Sobrang dilim ng kinaroroonan ko.. Tanging buong katawan ko lang ang nakikita ko. Parang nasa gitna ako ng malawak na kawalan..

Nabigla ako ng biglang nag-iba ang paligid. Parang nasa isang palasyo ako ngayon. Nasa harap ko ngayon ang isang napakagandang palasyo. Naagaw ng atensyon ko ng may marinig akong boses. Boses ng isang batang lalake. Nasa garden kasi ako ngayon.

Naglakad ako at hinanap kung saan nanggagaling ang boses na yun. Ng maaninag ko kung sino yun ay napatigil ako. Isang batang lalake na tumatakbo patungo sa palasyo.

Parang pamilyar ang batang yun. Parang pamilyar ang lugar na ito. Ang buong ito ay kilala ko. Naaalala ko na ngayon. Napatakip na lang ako sa bibig ko at nagsimula ng tumulo ang luha ko. Liningon ko ang palasyo at tinignan itong mabuti. "I'm home." tanging nasambit ko sa sarili ko. Kahit na umiiyak ako ay nagawa ko pang ngumiti dahil namiss ko ang lugar na ito.

Sinundan ko ang bata na tumatakbo papasok sa palasyo. Hindi ko siya hinahayaang mawala sa paningin ko.

Nakita kong pumasok siya sa isang kwarto. Patuloy ko lang siyang sinusundan. "Mom, Dad." masayang banggit niya at lumapit sa mag-asawa. Ipinakita ng batang lalake ang hawak niya. Isang bulaklak. Yumuko ang ina niya para magkapantay sila ng bata, "para sa'kin ba yan anak?" tanong ng babae. Tumango lang ang bata at ngumiti. Inilagay ng bata ang hawak niyang bulaklak sa tenga ng kanyang ina.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo patungo sa kanila at sinubukan kong yakapin sila. Pero wala. Hindi ko sila mahawakan. Sa tuwing sinusubukan kong hawakan sila ay tumatagos ang kamay ko sa katawan nila. Miss na miss ko na sila. Napaupo na lang ako dahil sa sobrang kalungkutan.

Tatayo na sana ako pero biglang dumilim ang paligid ko. "MOM!! DAD!!" sigaw ko pero wala. Nag echo lang ang sigaw ko hanggang sa maglaho ang ingay na dulot ng pagsigaw ko.

Naglakad lakad ako ng kaunti pero parang hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Makalipas ang ilang sandali ay biglang nagbago na naman ang paligid at parang nasa hallway ako. Liningon ko ang likod ko. Isang bata. At natitiyak ko na ako yun. Parang may tinitignan siya. Sumisilip siya sa pintuan ng isang kwarto.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Wait?. Parang alam ko ang scenariong ito. Sumilip ako sa pintuan, nakita ko ang mga magulang ko na parang may pinag-aawayan. Ito yung time na unang beses ko silang nakitang mag-away. At alam ko kung anong pinag-aawayan nila. At ito ang tungkol sa isang susi. Di ko alam kung ano bang klaseng susi yun o kung anong silbi ng susing yun at kung gaano yun kahalaga. Yun lang ang alam ko dahil hindi nila nabanggit ang tungkol sa susing yun.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbago na naman ang paligid. Nasa labas ako ng kaharian, nasa bayan ako at makikita ko ang mga tao na parang nagmamadali. Parang may kinatatakutan.

Sandali, kailangan kong pumunta sa palasyo. Agad akong lumipad gamit ang hangin para mas madaling makarating sa palasyo. Naglanding ako sa mismong harap ng palasyo at tumakbo papasok dito. May mga kawal din akong nakakasalubong na parang may pinaghahandaan. May nga nababangga din ako pero tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo dahil tumatagos lang sila sa katawan ko kapag linalagpasan ko sila.

Ito yung panahong may digmaang magaganap. Bukas pa sana ito mangyayari kaso mapapaaga sila sasalakay at ito yung hindi namin napaghandaan. Maraming mamamatay. Dadanak ang dugo.

Pumasok ako sa kwarto ng mga magulang ko. Nakita ko sila sa may balkonahe, kasama ang bata na karga ng reyna. Na parang natatakot sa maaaring mangyari. Lumapit ako sa kanila. Gusto ko silang iligtas pero alam kong wala akong magagawa. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay manood. Manood sa pwedeng mangyari. Kung paano at ano ang mga nangyari sa digmaang tumapos sa angkan ko.

"Hindi ito maari.." sabi ng hari na parang nagulat. Kita rin sa mga taong nandito ang gulat sa kanilang mga mukha. Tumingala ako at nakita ko ang araw na unti-unti itong nagiging kulay itim. Napangiti na lang ako ng mapait. Kung alam lang sana namin noon na ganito kaaga ang digmaang ito at ganito kaaga darating ang Black Sun. Eh di sana, nakatakas pa kami. Eh di sana, buhay pa ang mga magulang ko. Eh di sana, nandito pa ang angkan namin. Napahagulgol na lang ako sa nakikita ko.

Black Sun? Ito ang kinatatakutan ng lahi namin. Dahil ito ang dahilan kung bakit mahina kami. Nawawala ang lagpas kalahati sa kapangyarihan namin kapag lumalabas ito. Kaya siguro sinamantala ng kalaban namin ang panahong mahina kami para ipabagsak kami. At nagtagumpay nga sila.

"Anong gagawin natin asawa ko?" sabi ng reyna sa kanyang asawa. Natatakot siya sa pwedeng mangyari.

Yinakap ng hari ang kanyang mag-ina. "Kahit anong mangyari, mahal na mahal ko kayo. Palagi niyong tatandaan yan." ngumiti siya at hinalikan niya ang asawa niya sa noo.

"mahal na mahal ka din namin ng anak mo." maluha luhang sambit ng reyna.

Kita mula dito ang mga dragon na nasa baba. Sa harap mismo ng palasyo namin. Medyo madami din ang bilang nila pero hindi yun sapat para patumbahin ang mga kalaban.

"Hindi natin hahayaang mawasak nila ang kaharian natin." malakas na sigaw ng hari. "Hindi tayo magpapatalo! LABAN!" dagdag niya. Sabay bunot ng espada niya at itinaas ito. Nakatayo lang ako dito sa likod nila. Napahagulgol na lang ako ng simula ng umatake ang mga kalaban mula sa itaas.

"Grant us protection and power." sabi ng reyna at itinaas niya ang kanyang palad. May lumabas na napakalaking magic circle dito. "Arms! Armor! Enchant!" malakas niyang sigaw. Ito yung unang beses na nakita kong ginamit niya ang kanyang kapangyarihan.

Isa-isang nabuo ang mga magic circle sa mga kinatatayuan ng mga kalahi namin. Alam kong support magic ang ginawa ng ina ko. Pero dahil sa rami ng angkan namin ay maraming maji ang nagamit niya sa ginawa niyang yun. Napaluhod ang reyna habang karga niya ang bata.

"Mom?" tawag ng batang lalake sa kanyang ina. "ok lang ako anak, wag kang mag-alala." sagot ng kanyang ina at pilit itong ngumiti.

"Venice. Ikaw na ang bahala sa aming anak. Dalhin mo siya sa ligtas na lugar. Dun sa lugar na walang nakakakilala sa kanya." sabi ng hari sa isang Royal Guard. Habang inaalalayan ang kanyang asawa na tumayo. Nakatayo na ngayon ang kanilang anak at tinignan niya ang kanyang ama na parang naguguluhan. "Magiging maayos din ang lahat, pangako." sabi ng ama sa kanyang anak. Hinawakan niya ang ulo nito tsaka ngumiti.

Yinakap ng reyna ang kanyang anak. Nagcast siya ng spell, may lumitaw na magic circle sa kinatatayuan nila at iyon ay nung ipasa ng kanyang ina ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak.

"Sige na Venice. Wala ng oras. Umalis na kayo." utos ng reyna. Yumuko ang nasabing Royal Guard tsaka nilisan ang lugar kasama ang mahal na prinsipe at ng kanyang anak na lalake.



Marami ng nasawi sa digmaang ito. Nanghihina na ang mga kalahi namin. Hindi na nila kayang lumaban pa. 


"Kailangan kong gawin ito." Sabi ng reyna.


------------
hayst..
kamusta na readers??
pasensya na ngayon lang ulit nakapag-update.
😁😁😁

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...