His Reader (A KnightInBlack F...

By avshigeno

24.9K 2.3K 462

[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapeter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 Baliw
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36 (First Half)
Author's Note
Second Half
Chapter 37 Kiss
Chapter 38 Forbidden
Chapter 39 Doc
Chapter 40 It's Over
Chapter 41
Chapter 42 I'm Going
Chapter 43 Feelings
Chapter 44 Talk
Author's Note
Chapter 45 Leave
Chapter 46 Messed Up
Chapter 47 Video
Chapter 48 Isang Salita
Chapter 49 Tapos Na
Chapter 50 Picture
Chapter 51 BS
Chapter 52 Effort
Chapter 53 Pero
Author's Note
Chapter 54 Raze
Chapter 55 KnightInBlack
Chapter 56 Mistress
Chapter 57 Rest
Chapter 58 Blush
Chapter 59 Perfect
Chapter 60 Deal
Chapter 61
Author's Note
Epilogue

Chapter 29

302 30 4
By avshigeno

CHAPTER 29 Out Of My League

Rory's POV

Kasalukuyan kami ngayong lulan ng sasakyan ni Kib. Alas-otso na ng gabi ngunit hindi pa rin talaga sya nagpapigil kahit sinabihan ko na, na halos dalawang oras ang byahe patungo palang sa'min. Anong oras nalang sya makakauwi, hindi ba? Ang tigas ng ulo, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa gusto nyang mangyari.

"Uh. Ehem lang ano? Ang tahimik masyado." Ani Kiel mula sa backseat. Here we go again. Nawala na ng kaunti 'yong inis ko sakanya kanina kaya sana naman ay umayos sya ngayon.

"Bakit? Gusto mo bang magkwento?" Natatawang ani Kib.

"Pwede ba?" Excited na balik tanong ni Kiel.

"Sure, sure." Sagot ni Kib na kita ko sa peripheral vision ko na tatango-tango pa.

"Nasaan 'yong libro? 'Yon ang babasahin ko para exciting." Sabi ni Kiel.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kib sa pinsan ko.

"Yes, kaysa naman sa nakakabinging katahimikan 'di ba?" Ani Kiel.

"H'wag na 'yon." Ani Kib.

"Why not? Fan ka din naman 'di ba?" Pangungulit ni Kiel.

Bumaling ako sa bintana para libangin ang aking sarili. Hindi naman ako makakasali dyan. At ayoko na munang pakinggan ang pinag-uusapan nila. Nakakapagod ang araw na 'to! Parang gusto kong magpahinga at matulog nalang. Uhg! 'Ni hindi ko nga alam kung tanggap na ba ng isip ko na nandito sya. Mukhang hanggang ngayon ay naglo-loading pa rin ako. Langya! Pauwi na kami at lahat ngunit may gantong isipin pa rin ako.

"Oo, pero nabasa ko na 'yon,kayo din, 'di ba? Wala ng thrill kapag gano'n." Ani Kib.

Ayokong makinig ngunit wala akong magagawa. Nasa labas ang tingin ko ngunit nasa kanya pa rin ang atensyon ko. Nasa kanya ang atensyon ko pero ayaw tanggapin ng isip ko na nandito sya sa tabi ko. Malala na ako!

"Oo nabasa na namin... Pero hindi naman nakakawala ng thrill kahit paulit-ulit na. Alam mo 'yon? 'Yung tatlong beses ko na ngang inulit 'yon pero ganon pa rin ang dating sa'kin. Ganon pa rin ang reaksyon at nararamdaman ko. Walang pagbabago. Maganda at nakakakilig pa rin." Dire-diretsong ani Kiel.

"Chill Kiel, wala kang kaaway dito." Natatawang wika ni Ngay.

Paano nalang kaya kung kilala nya kung sino ang kausap nya ngayon?

"Kaynis eh! Kaynis! Dapat maganda kung maganda! Period!" Sagot ni Kiel.

"Wala naman akong sinabi na hindi maganda, ah?" Ani Kib.

"Just the 'wala nang thrill the second time around na basahin mo' lang, ganon?" Sagot ni Kiel.

"Kinda." Sagot no'ng isa.

Ano ba'ng ipinaglalaban ng isang 'to? Seriously? Pinipintasan ba nya ang gawa nya? Sinisiraan nya na ang libro nya.

"Hindi ka fan, kuya. Kulang ka sa pananalig." Madramang ani Kiel.

Humagalpak ng tawa si Kib na ikinabaling ko sakanya. D-mn! Nagpaliko-liko ang sasakyan! "Oh shit! Pfffttttt." Anito bago umayos ang pagpapatakbo. "So you're a big fan." Komento pa nito na nagpipigil ng pagtawa.

"Parang walang nangyari." Utas ko.

"Sorry... Bumilib lang talaga ako sa sinabi nya." Ani Kib na pasulyap-sulyap sa'kin.

"Kita ko nga. Lumalaki 'yong ulo mo, nanlalaki rin 'yong tainga mo pati na rin 'yang butas ng ilong mo." Tyaka ko sya binigyan ng isang hilaw na ngiti ng tignan nya ako.

"Kuha ko." Nakangising anito. "Stay humble Raze." Anito sa sarili.

"Mag-drive ka nalang." Turan ko tyaka ako bumaling sa harap.

"Famous na tanong ng bayan." Kiel cleared his throat. "Ako lang ba? Ako lang ba ang nahihiwagaan kapag kayong dalawa ang nag-uusap? Ako lang ba ang nawiwirduhan? Ako lang ba 'yong kahit alam ko na at ramdam ko na, na may something sainyo ay parang may iba pa rin? Ako lang ba?" Madramang ani Kiel sa likod.

"Magkwento ka nalang." Natatawang sabi ni Kib.

"Damot." Bulong ni Kiel. "Eh ano bang gusto mo? Nyo? Rory?" Tanong ni Kiel kaya napatingin ako sa salamin sa harap para tignan ang repleksyon nya do'n.

Mukhang kuting sya na nakatingin sa'kin. Kuting na umaasang papansinin ko sya ng maayos at sasagutin. What the hell?

"Bahala ka." Nasabi ko na lamang tyaka binalingan si Ngay na tahimik lang na nanonood sa'min.

"Sorry na." Ani Kiel sa mahinang boses kaya't muli nyang nakuha ang atensyon ko. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi sa tono ng paghingi nya ng tawad.

Bakit ang bilis kong makonsensya ngayon?

"Don't be too harsh, Rory." Anang katabi ko.

"Hindi ako galit." Tyaka ako umayos ng upo at tumingin ng diretso sa harap.

Nahihiya ako. Sh-t! Ngayon ko lang napagtanto na ang isip bata pala ng ginawa ko kanina. Unti-unti na syang pumapasok sa'kin!

"Nagtatampo ka." Ani Kib ng may pagkamangha ang boses.

"Don't me, Kib." Sagot ko sakanya.

"Pa-cute nito." Natatawang turan pa nya.

Magkasalubong ang mga kilay ko syang binalingan. "Tigil." Sabi ko.

"Alam mong hindi ko gagawin." Anito na pasulyap-sulyap sa'kin habang nagmamaneho. "Alam ko nang ikukwento mo, Kiel." Diretso na ang tingin nya ngayon sa daan habang ngingiti-ngiti. "Kwentohan mo ako kung anong mga pinagkaabalahan ni Rory dito magmula nang lumipat sila." Pagpapatuloy nito na nakapagpataas ng kilay ko.

"Shut up." Sabi ko.

"Simulan mo na, Kiel." Ani Kib.

"Uh. Um." Panimula ni Kiel na mukhang hindi alam kung anong sasabihin.

"Kib!" Tawag ko sa katabi ko.

"Kiel, magkwento ka na." Anito.

"Seriously?" Pagalit na sabi ko.

"Kiel an----"

"Stalker." Sabi ko tyaka bumaling sa harap at humalukipkip.

"Galit ka na nyan?" Ani Kib na natatawa pa.

Wow! Nakakatuwa!

"Rory. Rory. Rory. Rory." Anito. Magsalita ka mag-isa mo! Sh-t! Nagwawala nanaman ang nasa loob ko. Magpigil ka Rory! H'wag kang makakaramdam ng kilig! Please. Kalma puso, kalma.

Ang pabebe ko. Putik! Ano bang nangyayare sa'kin? Ang bilis mabago ng mood ko.

"Ganyan ka talaga magtampo, 'no?" Ani Kib na mukhang walang pakealam kung hindi ako sumasagot. "Hindi tayo uuwi ng ganyan ka." Dugtong pa nito.

"Gusto ko ng tahimik lang sa ngayon, pwede ba 'yun? Sorry." Wika ko.

Bumaling ako sa bintana at napakagat sa'king pang-ibabang labi. Sira nanaman ang mood ko. Ayokong makipag-usap sa ngayon. What the hell? Relax Rory, Relax. Sobra na 'yang inaakto mo. Ahg! F-ck my mood swings!

Ilang minutong katahimikan ang sumakop sa'min ng may biglang nag-play na kanta.

"It's her hair and her eyes today. That just simply take me away..."



"Good choice of music." Rinig kong komento ni Ngay gamit ang mababang boses.

"Yes." Segunda ni Kiel sa mahinang boses din.

"Salamat!" Ani Kib na pagkalakas-lakas pa. Wow! Ang galing.

"Baliw 'yong lalaki sa kanta." Ani Ngay.

"Oo, sa babae. Parang bawat kilos ni girl apektado si boy. So sweet!" Kinikilig na wika ni Kiel.



"And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver, but in a good way. All the times I have sat and stared. As she thoughtfully thumbs through her hair..."



"Playlist mo?" Tanong ni Kiel.

"Oo." Sagot ni Kib.

"I like you talaga! Anyway, Ngay! Anong oras na?" Ani Kiel.

"Mag-ten... Malapit na rin tay----" Hindi naipagpatuloy ni Ngay ang sagot nya dahil sa pagsabay ni Kib.

"And she purses her lips, bats her eyes as she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say..." Pagkanta ni Kib kasabay do'n sa music.

Kumalabog ang dibdib ko. Sh-t! Napaayos ako ng pwesto at diretsong tumingin sa harap. 'Yong boses. 'Yong boses nya! Pigil hininga akong nakikinig habang nakatanga sa daan. Ang ganda ng boses!

"'Coz I love her with all that I am... And my voice shakes along with my hands. 'Coz she’s all that I see and she’s all that I need. And I'm out of my league once again..." pagpapatuloy nya pa sa pagkanta.

"Relate lang talaga ako sa kanta." Natatawang ani Kib matapos ang huling linyang sinabi nya.

Mahihinang irit ang narinig ko sa likod bago nagsalita si Kiel. "Ang ganda ng boses mo! But please... H'wag ka mang-inggit!" Anito na may halong kilig ang tono.



"It's a masterful melody. When she calls out my name to me.
As the world spins around her.
She laughs, rolls her eyes..."



"Kuhang-kuha. Out of my league." Wika ni Kib na kita ko sa peripheral vision kong diretso lang nakatingin sa daan.

"Hindi na crush 'yan." Komento ni Kiel.

"And I feel like I'm falling but it's no surprise..." Muling pagsabay ni Kib sa kanta.



"'Coz I love her with all that I am...
And my voice shakes along with my hands... 'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea. But I'd rather be here than on land..."



"Ayokong magtanong, pero feeling close na din naman ako, 'di ba? Lubos-lubusin ko na, gusto ko lang makasigurado kung tama ba ako kung sino a----" Naputol ang pagsasalita ni Ngay ng muling kumanta si Kib.

"Yes she's all that I see and she's all that I need... And I'm out of my league once again..." Natatawang kanta nito. "Ang galing, hindi ba? Nasagot ng kanta 'yong tanong mo." Dugtong nya.

Sa sinabi nya ay kumalabog ang dibdib ko. Kakaibang pakiramdam nanaman. Ayokong umasa. No. No. No. Ayoko. Pero bakit gano'n? Sa pag-uusap nila sarili ko ang iniisip ko. No. Hindi ito maganda.



"It's her hair and her eyes today .
That just simply take me away.
And the feeling that i'm falling further in love. Makes me shiver but in a good way..."



"Ano ba ang ginawa mo sa'kin, Rory?" Ani Kib na halos ikahilo ko. "You..."

Bumaling na ako sa direksyon nya para sana magsalita ngunit ng makita kong seryoso syang nakatingin sa'kin ay para akong nawala sa sarili. Nagwawala nanaman ang nasa loob ko.

"We're here." Matapos nya sabihin iyon ay ngumiti sya sa'kin.

Mabilis akong napatingin sa labas dahil sa sinabi nya. Napasinghap ako ng makita na nasa harap na pala kami ng bahay namin. Paano nangyare 'to? Paanong hindi ko man lang napansin na nandito na kami?



"All the times I have sat and stared. As she thoughtfully thumbs through her hair
and she purses her lips, bats her eyes as she plays, with me sitting there slack-jawed and nothing to say..."


"Bakit parang ang bilis?" Ani Kiel.

"Gano'n talaga. Kapag enjoy ka mabilis na lumilipas ang oras." Sagot ni Ngay.

'Kapag enjoy kaa mabilis na lumilipas ang oras.'

'Kapag enjoy ka mabilis na lumilipas ang oras.'

'Kapag enjoy ka mabilis na lumilipas ang oras.'

D-mn! Bakit kailangan mo pang sabihin ang mga 'yon, Ngay?



"'Coz I love her with all that I am
and my voice shakes along with my hands. 'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea. But I'd rather be here than on land."



"Paano? Una na kami?" Tanong ni Kiel mula sa likod.

"Hintayin ka nalang namin ni Kiel sa labas, Ry." Segunda ni Ngay. "Salamat ng marami Raze, it's really nice to meet you. Salamat ulit!" Dugtong pa nya.

"No problem, until next time!" Natatawang sagot ni Kib.

"The until next time tho! Hihintayin ko 'yan. Salamat!" Ani Kiel bago sila tuluyang lumabas.



"Yes she's all that I see and she's all that I need
and I'm out of my league once again."



Kaming dalawa nalang ngayon.

"Hindi ka pa ba papasok sainyo?" Tanong nya.

"Why are you here?"






Itutuloy...








A/N: Sorry sa matagal na UD. Babawi ako.

PLEASE LEAVE A COMMENT. VOTE! SALAMAT!





Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
102K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
5.3M 43.5K 32
What happens when the broken-hearted hurts the heart breaker? Is it still love when you put revenge in the equation? Lawrence has always been the hea...
15K 834 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...