His Reader (A KnightInBlack F...

By avshigeno

24.9K 2.3K 462

[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapeter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 Baliw
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36 (First Half)
Author's Note
Second Half
Chapter 37 Kiss
Chapter 38 Forbidden
Chapter 39 Doc
Chapter 40 It's Over
Chapter 41
Chapter 42 I'm Going
Chapter 43 Feelings
Chapter 44 Talk
Author's Note
Chapter 45 Leave
Chapter 46 Messed Up
Chapter 47 Video
Chapter 48 Isang Salita
Chapter 49 Tapos Na
Chapter 50 Picture
Chapter 51 BS
Chapter 52 Effort
Chapter 53 Pero
Author's Note
Chapter 54 Raze
Chapter 55 KnightInBlack
Chapter 56 Mistress
Chapter 57 Rest
Chapter 58 Blush
Chapter 59 Perfect
Chapter 60 Deal
Chapter 61
Author's Note
Epilogue

Chapter 28

307 33 7
By avshigeno

CHAPTER 28 PDA

Rory's POV

"Isang tanong, isang sagot Rory. May something ba sainyong dalawa?" Tanong ni Ngay ng tuluyang maiwan kaming dalawa.

"Real talk. Wala talaga." Nagkibit balikat na sagot ko tyaka nagtingin tingin sa mga dress. "Maroon and Black 'di ba?" Pagbabago ko ng topic.

She heaved a sigh. "Oo. Conservative ang guest mo, kaya dapat may sleeves."

"Makikita ba nya?" Tanong ko.

"Malay mo 'di ba?" Anito na pinantayan na ako sa pagpili.

"Nah." Sagot ko nalang.

Inabot kami ng halos isang oras sa pagpili, balik, sukat ng paulit-ulit. Hanggang sa makakuha kami ng isang simpleng sleeveless black dress na may gold na belt. Plain na plain pero elegante kung titignan.

"Tara na sa NBS!" Excited na wika ni Kiel ng makalabas kami ng boutique.

"Let's go!" Segunda ni Ngay.

Bakit ba kahit ito ay nalimutan ko? D-mn! Bibili kami ng libro ng author na kasama namin ngayon! Napapikit ako ng mariin. Ahg! What to do? Sasakit ang ulo ko dito sa lakad na 'to!

"Guys." Mahinang tawag ko na ikinalingon naman nila sa'kin. "Dito nalang ako sa bench." Sabay turo ko do'n sa 'di kalayuamg upuan. "Maghihintay nalang ako. Sandali lang naman kayo 'di ba?" Dugtong ko pa.

"Rory, hindi ka namin pwedeng iwan. Kapag may nangyari sa'yo kami ang lagot kay tito." Ani Ngay.

"Nasa loob pa rin naman tayo ng Mall, walang mangyayari. H'wag OA." Sabi ko habang pilit iniiwasan ang mga nanliliit na mata ni Kib.

"Ako nalang ang sasama sakanya." Biglaang suhestyon nito.

"Bawal din, tara na nga!" May pinaledad na wika ni Kiel.

"Sa susunod nalang kaya kayo bumili?" Halos mapangusong sabi ko habang mabagal na naglalakad. Sh-t lang! Pumayag na kayo! Ang dami nyo ng kasalanan sa'kin!

"Nandito na rin naman tayo kaya gora na." Sagot ni Ngay kaya nag-diretso na kami sa paglakad.

D-mn! I have to do something! Hindi pwede ito! Bakit ba kase nahihiya ako kahit na wala naman dapat ikahiya, hindi ba? Bibili lang naman kami ng libro. Libro nitong kasama namin!

"Buti sana kung ipinahiram mo na sa'min 'yong libro mo." Sabi pa ni Kiel.

"Oo na!" Wala. No choice! Ahg!

"Ang damot kase! Para makikibasa lang!" Komento pa ni Kiel. Ang ingay talaga ng baklitang ito!

"Ano bang libro 'yon?" Tanong ni Kib! Ayan na! Ayan na!

"Hell University." Halos sabay pang sagot no'ng dalawa.

"Seriously?" Tanong ni Kib. Napapikit na lamang ako dahil sa tono ng pananalita nya! Mukhang namamangha pa ang loko!

"Oo. Ang bilis nga ng kamay eh, ang bilis nailayo sa'min no'ng libro. At ang bilis bilis nai-lock sa drawer nya." Mistulang bata na nagsusumbong na ani Kiel.

"Bakit kase ayaw mong magpahiram?" Nagpipigil ng tawang tanong ni Kib.

"Oh? 'Di ipapahiram ko na!" Walang ganang sabi ko habang patingin-tingin na lamang sa ibang direksyon.

Bakit ba kailanan pa nyang itanong 'yon? Hindi pa ba obvious? I'm sure, kapag ipinahiram ko sakanila 'yong Part 1 susunod na 'yong part 2. Ang inaalala ko lang naman talaga ay 'yong sulat nya sa libro! Sh-t!

Tumawa sya bago nagsalita. "May Hell University Part 1 and 2 sa sasakyan, pwede nyong kuhain nalang. Ibibigay ko sainyo may sign na rin 'yon." Anito na ikinalingon naming tatlo sakanya. Napahinto pa nga kami sa paglalakad. Ilang hakbang na lamang ay makakapasok na kami sa NBS.

"Totoo ba 'yan?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Kiel.

"Yep!" Nakangiting sagot ni Kib.

"Sheez! You're so mabait! Lugi ka kay Rory!" Ani Kiel na halos magningning ang mga mata na nakatingin lang kay Kib.

"You think so?" Natatawang tanong naman ni Kib. Masayang-masaya sa sinasabi ng impokrita kong pinsan! Nanggigigil ako!

"75/25. 75 sa'yo, 25 kay Rory. Bigyan ng hustisya ang kagandahan!" Tatawa-tawa ring ani Kiel matapos ay inirapan pa ako.

What the f-ck? Wala ba ako sa gilid nila?

"Dapat na ba akong  maghanap ng iba?" Ngingiti-ngiting ani Kib habang pasulyap-sulyap sa'kin.

"Pinsan ko pa rin naman 'yan. Pagtiisan mo nalang, may dating naman na mabait 'yan eh. Paminsan. Mas madalas kase na ano..-----"

"Shut up!" Hindi na nakapagpigil na pagputol ko kay Kiel. Nakakainis! Kanina pa sya eh! Akala mo naman nakakatuwa pa. Ahg! Peste! Talagang nanggigigil ako! "Bwisit!" Tyaka ko padabog na kinuha kay Kib 'yong paper bag na naglalaman no'ng binili ko kanina. Oo, nasa kanya! Putik! Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sakanila.

Inis na inis na inis ako ngayon! H'wag lang silang magkakamali na sumunod! Peste! Gusto kong magmura ng magmura! D-mn it! Hindi ako makapaniwala na sosobra si Kiel! At sinamahan pa ni Kib! Walangya! Edi sila na! Sabihin na nila kung anong gusto nilang sabihin! Pakealam ko pa?! Bwisit sila!

Kinuha ko 'yong phone ko mula sa pagkakabulsa ko sa likod ng pants ko.

"Ry." Tawag ng isang boses sa gilid ko.

"Uy!" Muling pagkuha sa pansin ko no'ng boses.

"Sorry. Ry naman eh. Uy!" Dugtong pa nito tyaka ako hinawakan sa braso.

"Don't touch me Kiel." Pigil ang inis na sabi ko habang inaayos ang pagkakahawak ko ng phone ko. "Lumayo ka sa'kin please." Dugtong ko.

Hinanap ko ang number ni kuya tyaka iyon dinial at itinapat sa'king tainga.

"Uy! Ano 'yan?" Mukhang maamong tuta na tanong ni Kiel.

"Shut up! Lumayo ka sa'kin." Pilit pinapahinahon ang boses na sabi ko.

Natapos ang napakatagal na pag-ring ng walang sumasagot. Ano ba naman yan?!

"Ry, sorry na." Pangungulit nito habang unuulit ko ang pag-dial.

Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad at pakikinig sa pag-ring ng phone.

"Hello?" Sagot sa kabilang linya.

"Hey Kuya, 'you busy?" Tanong ko. Akmang kukuhain ni Kiel 'yong phone ko kaya umiwas ako at hinarap sya. "Don't you dare Kiel." Gamit ang seryosong boses na banta ko.

Bumusangot ito. "Sorry na." Aniya ng walang boses.

"May problema ba?" Ani kuya sa kabilang linya.

"Kinda. Uh. May ginagawa ka ba, ku-------" Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko ng may biglang umagaw ng phone ko mula sa likod. "Wha------" Hindi ko na muling naituloy ang sasabihin ko ng makita kong hawak na ni Kib 'yong phone. Napsinghap na lamang ako ng ihinagis nya iyon patungo kay Kiel. Parang slow motion ang nangyari. Nanlalaki ang mga matang sinundan ko 'yon ng tingin hanggang sa masalo ni Kiel. Walang pagdadalawang isip na lalapitan ko na sana si Kiel ng may humawak sa baywang ko at hinigit ako padikit sakanya.

Kumalabog ang dibdib ko ng may maramdamang kamay sa tummy ko. Isa pang kamay na nasa braso ko. At ang katawan nya sa likod ko. "Sssshhh. Tahimik, darling." Bulong nito na nakapagbadoble pa sa kabang nararamdaman ko.

I gulped.

Paano nya nasasabi 'yon kung sa paghawak pa lamang nya sa'kin ay mistulang napaparalisa na ako? Kahit ang pagbuka ng bibig sa tingin ko ay hindi ko kakayanin. Halos kapusin pa ako ng paghinga sa ginagawa nya. Parang nanigas na ang buo kong katawan dahil sa ayos namin. Sh-t! Anong klaseng epekto ito?

Paano nya nagagawa ito sa harap ng maraming tao?

"Good, stay still." Anito malapit sa tainga ko. "Kiel." Tawag nito sa pinsan kong nanlalaki ang mga mata na nakitingin lamang sa'min. "Pinatayan mo ba?" Tanong nya.

"H-hindi." Nakangiwing sagot ni Kiel.

"Talk. Ipagpaalam mo." Ani Kib na sinagot lang ng pagtango ni Kiel tyaka sya tumalikod sa'min at nagsimulang maglakad papalayo sa'min.

D-mn! 'Yong hininga nya. Nakikiliti ako! Sh-t lang Rory! Umayos ka!

"Raze, baka pwede mo ng bitiwan si Rory? Ang dami ng nakatingin eh. PDA na kayo." Bulong ni Ngay sa gilid ni Kib.

Thanks Ngay! Thank you! Mabuti at naisip mo 'yan! Dahil kung hindi ay palagay ko'y ano mang oras ay bibigay na ako.

He chuckled. "Gusto mo na ba?" Bulong nito sa'kin.

Gusto kong magprotesta ngunit walang gustong lumabas na salita sa bibig ko! What the f-ck?! Anong pinapalabas nito? H'wag na h'wag nya lang idadahilan ang pagiging KnightInBlack nya para umakto sya ng ganto!

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para itulak sya ngunit wala! Hindi epektibo! Walang pagbabago sa pwesto namin. Gano'n ba sya kalakas? Gano'n ba talaga ako kahina?

O baka naman gano'n ba kalakas ang epekto nya sa'yo Rory?

"Baka kapag binitiwan ko 'to bigla nalang bumagsak, Ngay." Natatawang ani Kib.

"Raze! May kumukuha na ng pictures." Ani Ngay na nakapagpalaki ng mga mata ko.

"Sh-t!" Mahinang mura ko. "Kib! Bitiwan mo ako!" Pigil ang paghingang bulong ko dito.

"Kaya mo na?" Paninigurado nito.

"I... can handle." Sagot ko na halos hindi na makahinga.

"D-mn it Darling. I'm turned on." Namamaos ang boses na anito bago lumuwag ang pagkakahawak nya sa'kin.

"What the hell?!" Mahinang sabi ko bago tuluyang kumawala at mabilis na lumapit kay Ngay para kumapit dito.


BAKIT NANGHIHINA AKO?

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ngay.

"Yeah." Mahinang sagot ko. "Comfort room lang ako." Dugtong ko sabay talikod. Hindi ko na hinintay ang sagot nya at nagsimulang maglakad ng nakayuko. D-mn! Mabuti na lamang at nakakaya ko pang humakbang.

"Rory tumingin k---"

Hindi ko na narinig ang kasunod ng sinasabi ni Ngay ng may nakabangga ako na dahilan ng halos pagkaka-out of balance ko.

"Rory, dahan dahan naman!" Sabi ni Ngay na nakaalalay sa'kin.

"Sorry." Sabay na wika namin no'ng lalaking nasa harap ko.

"'You okay, Rory?" Tanong na tuluyang nakapagpatunghay sa'kin.

"O-okay lang ako." Hilaw ang ngiting sagot ko ng makilala kung sino ang kaharap namin ngayon. "Sorry ulit." Dugtong ko pa.

Ramdam ko na may tumabi sa gilid ko. "Kilala mo?" Tanong nito.

"Hello po. I'm Argie." Pagpapakilala ng nasa harap ko na mukhang narinig ang tanong ni Kib. "Kayo po 'yong kuya ni Rory?" Malawak ang ngiting tanong pa ni Argie.

"No." Sabay lahad ng kamay ni Kib. "Tatay nya ako." Napabaling ako kay Kib na ngayon ay nakatingin pala sa'kin.

"Hoy!" Sabay siko ko dito na mistulang nagbibigay ng pagbabanta.

Tinitigan lamang ako nito ng seryoso na mukhang hindi nakuha ang gusto kong iparating. "Okay." Sabi nito sa'kin bago bumaling kay Argie. "I'm Hoy." Nagkibit balikat na anito.

"Kib!" Muli ay tawag ko sakanya na hindi pa nag-iiwas ng tingin mula sa pagkakatitig sa mukha nya.

Lumunok ito tyaka tumingin sa'kin. "Sige, Kib nalang." Simpleng wika nito na seryoso akong tinititigan. Kita sa peripheral vision ko ang pagbaba ng kamay nya sa gilid.

'Yong titig nya! Kinakapos nanaman ako ng paghinga! Masyado syang malapit sa'kin! Ngunit bakit ganon? Hindi ko kayang mag-iwas ng tingin sa ngayon. Bumunting hininga ako. Kailangan Rory!

Labag man sa loob ay binalingan ko si Argie. "Gie, sorry. Una na kami, kita nalang tayo sa school." Sabi ko.

"You. Call. Him. Argie." Parang batang wika ng katabi ko.

"Really Kib?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Really!" Mabilis na sagot nya na halos ngumuso pa.

"Para kang bata!" Komento ko dito ngunit nakakuha lamang ako ng isang matinding pag-irap bago ako muling humarap kay Argie. "Sorry ulit, Argie." Parang robot na sabi ko.

"No, okay lang." Natatawang sagot ng huli. "Seloso yata boyfriend mo eh. I'm Argie pre, classmate ni Rory." Sabay lahad nito ng kamay kay Kib.

"Hindi ko---"

"I'm Raze." Pagputol sa'kin ni Kib.

"Wala sa nabanggit." Komento ni Argie.

"Nando'n." Pamisteryosong sagot ni Kib.

Tumango-tango si Argie.

Nagpaalam rin naman na si Argie matapos iyon tyaka dumating si Kiel.

"Pinapauwi na tayo... Nagalit yata 'yong kuya mo dahil may kasama daw tayong lalaki na hindi naman nila alam." Ani Kiel sa'kin.

Hindi ko sya pinansin at walang pasabi na kinuha ko 'yong phone ko sakanya.

Inis pa rin ako.

Hinarap ko si Kib na mukhang may malalim pa na iniisip dahil nagulat pa ito ng magsalita ako. "Ibibigay mo ba sakanila 'yong libro?"

"O-oo." Sagot nya na tinanguan ko lang tyaka ko hinarap si Ngay.

"Kayong dalawa nalang ang kumuha sa sasakyan ni Raze. Hihintayin ko nalang kayo sa sakayan." Turan ko na hindi binibigyan ng tingin si Kiel.

"I'll drive you home." Presenta ni Kib na mukhang nagisimg na mula sa pag-iisip.

"Late na." Sabi ko.

"No, okay lang." Sagot nito.

"Malayo pa ang uuwian mo." Pagkontra ko.

"Nah. Sa Y.E.S. Hotel lang ako tutuloy." Pangungulit nito.

Nagsalubong ang kilay ko sa sagot nya. Ano ba talagang ginagawa nya dito?

"Ra---"

"Bukas ka na magtanong... Gagabihin pa kayo nyan eh. Tara na." Pagputol nya sa'kin.



Itutuloy...



------
VOTE. COMMENT! SALAMAT. :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 134 13
Ang tubig ay karaniwang ginagamit natin sa pang araw-araw ngunit paano kung ito ay maging isang daan para makaranas ka ng nakakatakot na pangyayari. ...
111K 1.6K 101
Wattpad lines random. Don't forget to vote! Thankyouβ™₯
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
167K 3.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...