Loving Mr.Nerd

By RuPamPam

30.7K 929 142

"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang... More

*Synopsis*
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
chapter 24 They're Back
Chapter 25 Missing krystal
Chapter 26 Knight In Shining Glasses
Chapter 27 The Bad Boy's Confession
Chapter 28 Jealous?
Chapter 29 The Real Leah?
Chapter 30 Can I be her?
Chapter 31 Im Tired
Chapter 32 Million Reasons
Chapter 33 Label?
Chapter 34 He won!
Chapter 35 Baby You're Perfect
Chapter 36 Representative
Chapter 37 Upcoming Foundation Day
Chapter 38 Foundation Day
Chapter 39 A fight with him
Chapter 40 Feels
Chapter 41 The Numerous
Chapter 42 Her Parents
Chapter 43 A Perfect Day
Chapter 44 Dirty Little Secret
Chapter 45 The Truth
Chapter 46 The past
Chapter 47 PROMise
Chapter 48 Downfall
Chapter 49 Changes
Chapter 50 Coming back
Chapter 51 Charity ball
Chapter 52 Kidnapped
Chapter 53 Unexpected Twist
Chapter 55 Chances
Chapter 56 Who's that girl?
Chapter 57 Island Hopping
Chapter 58 Festival
Chapter 59 Altruistic
Chapter 60 Piece by piece
Chapter 61 One LAST time
*Epilogue*
🎉
Synopsis from my New story

Chapter 54 Escape Plan

196 6 0
By RuPamPam

Chapter 54 Escape Plan

Krystal

Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang lalaki na 'yon na simula ng may tumawag sakanya kanina ay hindi ko na nakita pero kahit aninoman lang nito ay wala. Kanina pa ako naka simangot dahil sa pagkaboryo lalo na at lagkit na lagkit na ako sa sarili ko halos isang araw din akong hindi nakaligo, nakakainis.

Pumunta naman ako sa kwarto namin at nagbabaka sakaling may makitang pamalit para maka ligo ako, malaki ang kwarto na ito at napaka ganda pero dahil nga iritado ako ay hindi ko maappreciate ang nasa paligid ko at dali-daling binuksan ang walk-in closet, napangiti naman ako ng makakita ako ng mga damit na pambabae.

Mukang pinaghandaan nya talaga ang pagkidnap sakin.

Napakagat naman ako ng labi dahil sa naisip.

O baka naman madami lang talaga syang mga babae kaya naman may collection na sya ng mga damit ng mga ito?

Mabilis naman akong napa irip dahil sa na realize ko. Tinignan ko muna ang mga damit para ma check kung bago ba ito o nagamit na. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang mga price tag ng damit na nagsi-simbolo na bago ang mga ito.

Pumili lang ako ng isang cotton short at T-shirt pero napasimangot na naman ako ng makita na puro fitted ang T-shirt na meron dito kaya naman pumunta ako sa side ni Luciel at tumingin-tingin ng oversize shirt hanggang sa may makita akong shirt na light brown ang kulay kaya naman kinuha ko ito at pumasok na sa banyo. Nagulat naman ako ng makita na halos lahat ng product na ginagamit ko sa banyo ay meron din dito.

Hindi naman siguro ito isang coincidence?

Ini-stalk nya ba ako? Bakit sobrang dami nyang alam sa'kin?

Pagkatapos maligo ay chineck ko naman kung nandiyan na ba ang lalaki na 'yon pero mukang wala pa din at kahit ni isang tao ay wala akong makita na nandirito kaya naman naisip ko na pumunta sa office nito dahil sigurado ako na merong laptop o computer na pwede ko magamit para makausap sila Ice at malaman kung nasaan ako para makagawa ako ng plano para maka alis dito sa isla.

Nagpalinga-linga muna ako para makasigurado bago ko binuksan ang office nito na hindi na nakakagulat na sobrang ganda din ng interior. Napangiti naman ako nang hindi nga ako nagkamali na merong computer dito mabilis naman akong lumapit dito at umupo sa swivel chair at tinurn-on ang computer pero nahampas ko nalang ang noo ko ng makita ko na kailangan ng password ang computer nito bago mabuksan.

Nanlumo naman ako at napasandal na lang sa inu-upuan ko.

Think Krystal, Think...

Paano ko malalaman ang password nito?

Wait, What if iisa lang ang password ng phone nya at computer nya?

Well, ganun kasi ako. Pero kung totoo yon siguro ay madali ko lang 'yon malalaman kung di-dikit ako kay Luciel.

Napatango-tango naman ako sa sarili ko at saka tumayo na at akmang lalakad na ako palabas ng biglang nakaramdam ako ng hilo kaya naman napahawak ako sa ulo ko hanggang sa nanlambot ang katawan ko sabay ng pandi-dilim ng paningin ko...

"Krystal!" Nadinig ko pa na sigaw ni Luciel bago ako mawalan ng malay.

................

Nagising ako na may naamoy na mabango na pagkain habang komportable na naka upo si Luciel sa tabi ko at naka titig lang sa'kin.

"Mabuti naman at gising ka na, Ito kumain ka na" Sabi nito at ibinigay sakin ang maliit na tray na may laman na pagkain bago iniwas ang tingin sa'kin.

Tinitigan ko naman muna ito at akma ko ng kukunin ng biglang inilayo ito ni Luciel sa'kin. "Gusto mo pa atang pakainin kita, pero dahil mapilit ka. Sige na, Oh" Sabi nito at saka itinapat sa mga labi ko ang kutsara na may lamang kanin at sinigang. "Teka, wala akong sinasabi na pakainin mo ak—" pero hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla nalang nitong ipinasok ang kutsara na may pagkain sa loob ng bunganga ko.

"Ano nga pala ang ginagawa mo sa office ko kanina?" Napalunok naman ako ng sarili ko na laway dahil sa kaba na biglang bumalot sa Sistema ko.

"N-naglibot-libot lang ako kaya—" hindi ko na naman natapos ang sagot ko ng bigla nya akong subuan ng pagkain.

"Bakit ba hindi ka kumain kanina?" Tanong pa ulit nito habang nakatingin sa akin ng masama at itinapat na naman sa'kin ang pagkain.

"Wala kang pakialam kung kailan ako kakain, akin na ya—" Pero katulad kanina ay hindi ako nito pinatapos.

Dahilan para mainis na ako at nararamdaman ko na umiinit na ang muka ko dahil sa pagpipigil ng galit.

"Ikaw lang ang kilala ko na kinidnap na nga ang lakas pa ng loob sumagot-sagot sa kidnapper" Puna nito sakin. Alam ko na gusto nya na naman akong pagsalitain para mapakain nya na naman ako pero dahil sa inis ay hindi na ako umimik at hindi na lang ito pinansin.

Malamang namang hindi ako sumagot, eh tinatanong nya ako, hindi naman ako kasing rude nya.

Mukang nahalata nya na naman na alam ko na ang ginagawa nya kaya naman napabuntong hininga nalang sya.

"I love you" Out of nowhere naman na sabi nito dahilan para manlaki ang mata ko.

"W-what—" Pero mabilis naman nya na ipinasok ang kutsara sa bibig ko.

"Gotcha" Sabi nito at napangiti habang naka tingin sa akin pero mabilis din itong umiwas ng tingin at bumalik sa pagiging walang emosyon na muka.

Bigla namang pumasok ang mga ala-ala na hindi ko akalain na maalala ko pa, Bawat ngiti nya at tawa na ang dahilan ay ako at ang pagkanta nya para lang masayaw ako, ang pagtuturo nya ng bawat subject para lang maging mataas ang grado ko, lahat ginawa nya para mapasaya ako at hindi ko sya bitawan, pero bakit sya ang umalis? Siguro, dahil puro sya lang ang nagpapasaya sa aming dalawa? Kahit minsan ba napasaya ko sya ng totoo dati?

"Kumain ka pa may kukunin lang ako saglit" sabi nito at ibinigay na sa akin ang tray na may pagkain at saka umalis.

Katulad ko ba, naalala nya din ba lahat ng saya at lungkot na pinagsamahan namin o ako lang? Pinaglalaruan nya ba ko?

Nang matapos ako kumain ay ininom ko ang gamot na iniwan nya sa may table.

Napatingin naman ako sa pinto na bumukas at pumasok sya na may itina-tago sa likod nya.

"Ano 'yang tinatago mo sa likod mo?" Kunot noo ko na tanong dito.

flowers?

Knife?

Hindi naman ito nagpahula pa at inilabas ang isang maliit na itim na pusa dahilan para mapatayo ako at mapatayo galing sa pagkakahiga.

"Coolitz!" Tuwang-tuwa ko na sigaw at saka kinuha ang pusa na hawak nya at walang kamalay-malay na napayakap pa pala ako sakanya. Bigla ko namang na realize ang ginawa ko kaya naman napabitaw ako agad na tinulak sya ng kunti, ramdam ko ang pagiinit ng muka ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko pero mukang wala lang naman sa kanya ang ginawa ko na pinagpasalamat ko ng kahit papaano dahil hindi kami parehas ng nararamdaman.

"Thank yo—'

"No need to thank me, Kinidnap ko lang din yang pusa mo para makuha ko agad ang gusto ko" Sabi nito at saka umalis na.

Dumaan na ang ilang araw pero mukang parehas kaming nagiiwasan dahil siguro sa pangyayari noong nakaraan o masyado lang syang naging busy? Pero kahit na ganun magkasabay pa din naman kaming nag di-dinner at salitan kami sa pagluluto pero pagkatapos 'non ay aalis na lang sya at hindi pumupunta sa kwarto namin, I mean wala naman akong pakialam kung saan sya matulog ang sakin lang naman ay sya yung nagsabi na sa amin 'yon na kwarto pero sya pa ang hindi natutulog 'don.

Sa ilang araw din na pagtira ko dito sa mansyon nya ay halos puro paglilinis lang ang ginawa ko at ngayon naman ay sinasampay ko ang mga damit, Buti nalang talaga at High-tech ang lahat ng gamit nya kaya hindi ako masyado nahihirapan.

Ako lang ata ang kinidnap na naglilinis at pinaglalaba ang kumidnap sa'kanya.

"Hey" Nagulat ako ng bigla nalang may sumulpot sa likod ko dahilan para mapatalon ako sa gulat at mapahawak sa dibdib.

"Papatayin mo ba ako sa sakit sa puso?!" Naiinis ko na sabi dito habang tinitignan ito ng masama.

"Hindi" Malamig at maikling sabi lang nito sa'kin. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko dito ng maramdaman ko na kumalma na ang puso ko habang nakakunot ang noo na naka tingin dito, umiwas naman agad ito ng tingin bago sumagot. "Pupunta ako sa talon na meron dito sa isla mamayang hapon, baka gusto mo sumama?" Sabi nito dahilan para tumaas ang isa ko na kilay, anong nakain nya at niyayaya nya ako?

"Bakit naman ako sasama sayo?" Pagtataray ko dito kahit na nakaka-temp ang offer nya. Muka namang hindi sya natuwa sa sinabi ko kaya tinignan na naman nya ako ng masama "Sa ayaw o sa gusto mo, sasama ka sakin kaya maghanda ka na ng mga dadalhin mo." Sabi lang nito bago na naman umalis sa harap ko. Pansin ko lang, nakakagawian nya na laging mag walk out kapag nag uusap kami, kairita...

Katulad ng sinabi nya nag ayos na ako at kumuha na din ng damit na pamalit. Nagsuot din ako ng two-piece na bikini bago ko isuot ang short at T-shirt. Dumaan din muna ako sa kusina para kumuha ng pagkain na pwede naming dalhin.

"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong nito sa'kin nang makita nya na ako na papalapit sa pwesto nya. Naka puti lang ito na T-shirt at short na itim na pinaresan ng itim na tsinelas pero kahit na ganun lang ka-simple ang dating nya ay bagay na bagay pa din ito sakanya.

"Done checking me out?" Sabi nito sakin na hindi ko nalang pinansin at patuloy pa din na naglalakad.
"Saan ba tayo sasakay?" Tanong ko dito ng mapansin ko na walang nag aabang na sasakyan sa tapat ng Front Door. "Maglalakad lang tayo" Sabi nito at dire-diretso sa paglakad at nauna na sa'kin .

"Teka! Paano itong mga dala ko na pagkain?" Tanong ko at saka itinaas ang basket ko na dala na merong laman na pagkain. "Dalhin mo" Ayon lang ang sinabi nya habang patuloy pa din sa paglalakad. Napa ungol naman ako dahil sa inis at gigil sa lalaki na nasa unahan ko. "Napaka-ungentleman" Bulong ko kahit na alam ko na narinig nya.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko dito dahil nangangalay na ang paa ko dahil kanina pa kami naglalakad at kanina pa ako kinakagat ng lamok. Narinig ko naman ito na bumuntong hininga bago bumalik sa pwesto ko dahil nga nauuna sya, May kinuha naman sya sa bulsa nya na Mosquito repellent spray at ini-spray sa katawan ko bago tumalikod at nag squat sa harap ko.

"Sakay" Sabi nito at tinapik ang balikat nya na para bang gusto nya na sumakay ako doon. Napakurap-kurap naman muna ako dahil nagda-dalawang isip ako kung sasakay ba ako sa balikat nya o hindi.

Hindi naman ito ang first time na may gagawa sakin nito dahil ginagawa din naman naming dalawa ni Alexander ito kapag hindi ko makita ang stage kapag nanonood kami ng concert sa America pero bakit parang nakakailang kapag si Luciel na ang nag aaya?

"Bilisan mo" Medyo may pagkairita na sa tono ng pananalita nito kaya naman umakto ako na padabog na sumakay sa mga balikat nya bago humalukipkip pero napahawak naman ako agad sa ulo nya ng bigla itong tumayo at dahil nga ang tangkad nya ay sobrang taas na ng pwesto ko at kitang-kita ko na ang talon mula sa pwesto namin.

Hinawakan nya naman ang mga binti ko na nasa bandang dibdib nya para umalalay at saka naglakad na para bang wala lang sakanya ang bigat na meron ako. Habang hawak ko pa din sa kabilang kamay ko ang basket.

"Ang layo pa" Ungot ko habang naka tingin pa din sa talon na pupuntahan namin luminga-linga pa ako sa paligid dahil sobrang nakakahanga talaga ang paligid namin sobrang daming bamboo trees at naglalakihan na puno "Kumapit ka" Biglang sabi ni Luciel sa'kin.

"Anong? --- Sh*t" Magtatanong pa sana ako kung anong ibig sabihin nya ng biglang tumakbo ito dahilan para mapamura saka mapahawak ako ng mahigpit sa kanya at halos maiyak-iyak na dahil sa possibilidad na mahulog ako.

"Andito na tayo" Sabi ni Luciel noong naramdaman ko na tumigil sya, narinig ko na din ang lagaslas ng tubig na galing sa talon kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko.

"Wow" Sabi ko dahil sa magandang waterfall na nasilayan ko sa harap ko. Unti-unti ng lumuhod si Luciel bago ako dahan-dahang umalis galing sa pagkakasakay sa balikat nya. Nilapag ko naman muna ang basket at kukunin ang tela na dala ko para meron kaming maupuan na dalawa pero pagbukas ay nagulat ako ng biglang lumabas ang ulo ni Coolitz galing sa basket.

Teka, nilagay ko ba sya dito kanina?

Inilabas ko naman ito agad sa basket at saka iniharap kay Luciel na busy pa din sa pagtingin-tingin sa paligid. "Ikaw ba ang naglagay sakanya sa basket?" Tanong ko pero iling lang ang sagot nya.

"Heto, hawakan mo muna si Coolitz habang inaayos ko ang pagkain" Utos ko dito at saka basta nalang ibinigay ang pusa ko sakanya na hindi man lang hinintay ang sagot nya. Tumalikod naman ako agad at saka iniayos ang pagkain na dala ko.

Pagkatapos ko ayosin ang ang mga pagkain na dala ko ay humarap na ako kay Luciel na wala na ngayon sa pwesto nya kanina.
Nasaan na 'yon?

Lumakad lakad ako palapit sa talon at nakita ko nga si Luciel na naka upo at naka sandal sa puno gamit ang dalawang kamay nya na para bang ginawa nya itong unan at nakapikit na mukang nagpapahinga galing sa nakakapagod na pagtakbo nya kanina habang naka sakay ako sa balikat nya.

Napangiti naman ako ng makita ko na nakahiga naman sa medyo may kahabaan at kakapalan na buhok nya Si Coolitz na mukang sinadya nyang ilagay 'don.

Cute...

Sayang wala akong camera...

Napakagat labi naman ako ng marealize ko ang sinabing papuri ng utak ko sa kidnapper ko. Lumapit na ako ng tuloyan sa mga ito at saka tinapik ang pisnge nito para gumising. Nang makita ko na gumalaw na ang mga mata nya ay mabilis akong lumayo at tumayo ng tuwid sa harap nya. "Kumain muna tayo" Aya ko at saka nauna ng bumalik sa pwesto kung saan ko hinanda ang Picnic namin.

Habang kumakain kami ay tahimik lang kami parehas at mukang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Pwede bang kuhanan mo ako?" Sabi ko dito at saka itinuro ang Cellphone nya na naka lapag lang malapit sa kanya kinuha nya naman agad ang cellphone nya at saka umakto na ready na syang kuhanan ako. 

Hinubad ko naman muna ang suot ko na T-shirt at saka short hanggang ang maiwan na lang ay ang Two-piece bikini na suot ko. Nakita ko naman na natanggal ang pagkaka tingin nya sa cellphone nya at dumapo ang tingin sa katawan ko, napangiti naman ako ng patago dahil mukang gumagana ang plano ko. Ngumiti-ngiti naman ako habang nag po-pose sa kung saan-saan habang muka naman syang wala sa sarili dahil kinukuhanan nya lang ako pero hindi man lang naka tingin sa cellphone na hawak nya.

"Pwedeng patingin ng kuha mo?" Sabi ko dito at saka lumapit at ngumiti dito, muka namang wala sa sarili na ibinigay nya ang cellphone nya sa'kin.

"Anong password?" Parang wala lang na tanong ko dito muka namang natauhan sya sa tanong ko at saka kumunot ulit ang noob ago kinuha ang cellphone nya mula sa'kin. Nakita ko naman na itinipa nya ang password nya sayang lang at dalawang unang numero lang ang nakita ko. Pinakita nya naman ang mga picture ko na kuha nya pero wala doon ang atensyon ko kundi sa mga numero na nakita ko.

09?

Hindi kaya...

"Ayyy!" napasigaw ako ng bigla nalang akong binuhat ni Luciel at saka inihagis sa tubig dahilan para mabasa ako, narinig ko naman ang malakas nya na tawa nang maka ahon na ako. Kahit na natigilan ako sandali dahil ngayon ko lang sya nakita ulit na tumawa, hindi naman sya kalayuan sa pwesto ko at naka tayo sya sa may kalakihan na bato kaya mabilis ko na hinigit ang kamay nya dahilan para mabasa din sya at makasama ko sa paliligo.
Ako naman ang natawa ng makita ko ang itsura nya na hindi maipinta dahil hindi man lang nya nahubad ang puti nya na damit at nakatabon din ang buhok nya sa muka nya na sobra talaga ang pagkakasimangot.

Nagulat naman ako ng bigla nya akong talsikan ng tubig gamit ang kamay nya at nakalunok pa ako ng tubig dahil nga tumatawa pa ako ng gawin nya 'yon. Tumawa ulit sya at saka tumakbo paalis kaya naman mabilis din akong tumayo para habulin sya...  

Habang naririnig ko ang tawanan naming dalawa hindi na naman maiwasan ng utak ko na maisip ang mga nangyari dati noong sobrang saya din naming dalawa...

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 137K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
2.1M 41.3K 22
Always the princess but never his queen. Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
4.1M 111K 37
TLAD'S COMPANION BOOK: Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Baron Medel sa kanyang matalik na kaibigan, nagdesisyon siyang magpakalayo-layo upang m...