Loving Mr.Nerd

By RuPamPam

30.7K 929 142

"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang... More

*Synopsis*
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
chapter 24 They're Back
Chapter 25 Missing krystal
Chapter 26 Knight In Shining Glasses
Chapter 27 The Bad Boy's Confession
Chapter 28 Jealous?
Chapter 29 The Real Leah?
Chapter 30 Can I be her?
Chapter 31 Im Tired
Chapter 32 Million Reasons
Chapter 33 Label?
Chapter 34 He won!
Chapter 35 Baby You're Perfect
Chapter 36 Representative
Chapter 37 Upcoming Foundation Day
Chapter 38 Foundation Day
Chapter 39 A fight with him
Chapter 40 Feels
Chapter 41 The Numerous
Chapter 42 Her Parents
Chapter 43 A Perfect Day
Chapter 44 Dirty Little Secret
Chapter 45 The Truth
Chapter 46 The past
Chapter 47 PROMise
Chapter 48 Downfall
Chapter 49 Changes
Chapter 50 Coming back
Chapter 51 Charity ball
Chapter 53 Unexpected Twist
Chapter 54 Escape Plan
Chapter 55 Chances
Chapter 56 Who's that girl?
Chapter 57 Island Hopping
Chapter 58 Festival
Chapter 59 Altruistic
Chapter 60 Piece by piece
Chapter 61 One LAST time
*Epilogue*
🎉
Synopsis from my New story

Chapter 52 Kidnapped

221 5 0
By RuPamPam

Chapter 52 Kidnapped

Krystal

Teka? Bakit pakiramdam ko gumagalaw ang kama ko?

Unti unti ko na binuksan ang mata ko at bumungad saakin ang isang vintage style na kwarto na sure ako na hindi saakin.

Ano bang nangyare? Nasaan ako?

Umahon na ako galing sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa kama at saka inilagay ang kamay sa ulo para hilotin ito at isipin kung ano ba ang nangyare kagabi.

The event, The Auction, And the Old man...

Shet saan ako dinala ng matanda na yon?

Dali-dali naman akong tumayo pero pagtayo ko naramdaman ko na umalon.

F*ck nasa barko ba ako?
Para makumpirma ang iniisip ko sumilip ako sa bintana at bumungad saakin ang walang katapusan na dagat.

Bakit nya ako dinala dito?

Anong balak nya sakin?

Papatayin nya ba ako?

Naramdaman ko ang unti-unting panginginig ko dahil sa anxiety nagkakaroon ako ngayon ng nervous breakdown.

Hanggang sa marinig ko na merong yapak na papunta dito kaya naman dali-dali ko na kinuha ang isang vase na nasa malapit at saka nagtago sa likod ng pinto.

Nang mas lalong lumalakas ang yapak at naramdaman ko na tumigil na ito sa tapat ng pinto, mas lalo ko na isiniksik ang sarili ko para hindi ako makita nito at inihanda ang sarili sa paghampas sa taong nangahas na pumasok dito sa silid.
Nang makapasok na ito ng tuluyan, mabilis ko na ihinampas sa ulo nito ang vase na hawak ko dahilan para mabasag ito at bumagsak ang lalaki na pumasok sa kwarto ko.

Teka? Sino sya? Nasaan yung matanda?

Dahil nga padapa ang pagkakabagsak ng lalaki hindi ko Nakita ang muka nito.
Mabilis naman akong lumayo at tumakbo papunta sa deck para humanap ng tao na pwedeng tumulong sa akin ngunit nag hanap na ako sa buong yatch ay wala pa din akong nakita na kahit na anino man lang ng ibang tao. Mukang kami lang talaga ng lalaki na walang malay ang nandito sa yatch, kung ganun sya lang din ang pwede magbalik sakin?

Pagbalik ko sa silid agad akong naghanap ng pwedeng gamitin na tali, mahirap na baka magising yung lalaki. Kaya naman hinalughog ko ang bawat drawer at cabinet na meron dito sa silid hanggang sa may makita ako na isang packaging tape.

Pwede na siguro 'to?

Nang makuha ko na ito ay agad akong pumunta sa likod ng lalaki at saka itinali ang kamay at paa nito gamit ang packaging tape na nakita ko.

Dahil sa makapal at may kahabaan nitong buhok ay hindi ko agad makita ang muka nito dahilan para itaas ko pa ang buhok nito na tumatabing sa muka nya.

Pakiramdam ko nanlamig ang buo ko na katawan at sasabog ang mga emosyon na tumatago dahil sa sobrang pamilyar na muka na tumambad sa harap ko.

"Luciel" Banggit ko sa pangalan nito na para bang bago lamang ito sa pandinig ko. Ilang taon na din ang lumipas noong huli ko na binanggit ang pangalan nito.

Bakit sya nandito?

Anong kailangan nya sakin?

Sya ba ang dahilan kung bakit ako naririto?

Tauhan ba sya nung matanda?

Napaka dami na tanong ang pumasok sa isip ko at ang lalaki na nasa harap ko lamang ang makakasagot ng mga ito. Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko na haplosin ang muka nito na malaki na din ang ipinagbago, wala na ang mukang babyface at hindi makabasag na pingan nyang itsura at napalitan na ng slim at mapanganiban na awra.

"What happened to you this past few years?" bulong ko sa sarili na merong lungkot na nadarama dahil sa nakikitang pagbabago, pero ng makita ko na naramdaman nito ang pag haplos ko ay mabilis akong lumayo at saka na isip ang kahangalan na ginawa ko.

Unti-unting nagbalik ang mga ala-ala ko kasama ito na puro kasiyahan lamang ang nadarama ko hanggang sa iniwan ako nito ng walang paalam, Kung gaano nya ako napasaya ay ganun din ang ibinigay nyang sakit sa akin...

Habang wala pa din itong malay ay magha-hanap muna ako ng makakain dahil kanina pa din nagre-reklamo ang tyan ko, kaya naman pumunta ako sa kusina na nakita ko kanina habang naghahanap ako ng ibang tao.

Pag dating doon meron akong nakita na mga pagkain na mukang bagong luto lamang dahil mainit pa ito at umuusok, Nilutoan nya ba ko? Kaya sya pumunta sa silid ko kanina? Unti-unti akong nakaramdam ng panibugho na agad ko din iwinasik sa utak ko.
Kasalanan nya din naman 'yon dahil kinidnap nya ako kaya natural lamang na isipin ko na may posibilidad na masama itong tao.

Pagkatapos kumain ay binalikan ko ito at meron din akong dala-dala na planggana at towel para punasan ang ulo nito na dumugo dahil sa pagkakahampas ko. Ini-upo ko ito sa sofa at saka dahan-dahan na pinupunas ang mga dugo na meron sa ulo nito...

Hanggang sa dumating ang hapon ay hindi pa rin ito nagigising kaya naman dahil sa inip na nadarama ay nagpasya na akong gisingin ito kumuha ako ng kaunting yelo at inilagay sa planggana at saka ibinuhos dito dahilan para unti-unting gumalaw ang nakapikit nitong mata hanggang sa makadilat ito at makita ko ulit ang mga mata nito na hindi maikakaila na bumihag sa puso ng batang ako.

"What happened?" Tanong nito na meron pang Australian accent na mas lalong nagpa-sexy sa boses nito habang tumutulo pa ang tubig sa muka nito papunta sa katawan nito at mabasa ang longsleeve nya na suot.

Dahilan para mapalunok ako ng sariling laway at tinanggal ang kahit ano mang hindi magandang iniisip sa lalaking nasa harap.

Nang akmang tatayo na ito galing sa pagkakaupo ay saka lamang nito na isip na nakatali ang kamay at paa nya at saka tumingin sa harap kung saan ako naka pwesto.

"Krystal" Gulat na sabi nito at nakita ko ang dumaan na lungkot sa mga mata nito.

"Wow, naalala mo pa pala ako?" Sabi ko dito na merong sarcastic na tono dahilan para mapayuko ang ulo nito at hindi sumagot.

"Bakit ako nandito? Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ako kinidnap? Kailangan mo na naman ba ng pera? Hindi pa ba sapat ang nakuha mo na pera kay daddy noon?----"

Sunod-sunod ko na tanong dito na kalmado pa din pero maanghang na mga salita ang lumalabas sa bibig ko at sinisigurado ko na masasaktan ito sa mga sinasabi ko na katotohanan pero hindi pa ko tapos magsalita ay sumagot na agad ito dahilan para manlaki ang mata ko.

"I want you back" sabi nito dahilan para mapatigalgal ako ,naka tingin na ito sakin, wala na ang lungkot sa muka nito at napalitan na ng matatalim na tingin at may determinado na tono na para bang sinasabi na wala akong magagawa at mangyayari ang gusto nito at para bang napaka dali ng sinabi nya. kung dati ay nabubulol pa sya sa harap ko at namumula ngayon ay hindi man lang ito natinag sa sinabi nya.

"You're nine years late already Luciel, I-I'm married" Pag sisinungaling ko dito pero mukang naka rinig lamang ito ng isang joke dahil tumawa lamang ito.

"Pero wala akong nakikitang kahit na anong singsing sa kamay mo" Sabi nito at ngumuso na para bang itnuro ang kamay ko na walang singsing. Umakto naman ako na nagulat at balak na sanang pagbintangan ito na baka kinuha nya ang singsing pero bago pa ako magsalita ay inunahan na ako nito.

"Wag ka na magsinungaling dahil pinaimbestigahan na kita at hindi ako pumapayag na merong lalaki na napapalapit sayo kaya sigurado ako na kahit boyfriend ngayon ay wala ka" Sabi nito at saka ngumiti na para bang nangaasar sakin, dahilan para irapan ko ito at tignan ng masama.

"M-may mahal na ako kaya hindi ko matatanggap yang sinasabi mo, Marami ng nagbago simula noong iniwan mo ako. Hindi ka naman siguro nag e-expect na mahal pa din kita hanggang ngayon pagkatapos ng ilang taon na wala ka sa buhay ko, right? So, Please, just take me home and move on matagal na kitang pinatawad kung 'yon ang dahilan mo" Mahabang litanya ko dito.

"Ano naman kung nag e-expect ako na mahal mo pa ako? At wala akong pakialam kung pinatawad mo man ako dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama, Mamahalin mo ako ulit Krystal, hindi na kita hahayaan na mawala pa ulit sakin" Sabi nito at nagulat ako na bigla nya na lang pinakita sakin ang mga kamay nya na hindi na naka tali at may hawak na isang maliit na kutsilyo at saka isinunod nyang tanggalin ang tape sa paa nya.

Lumapit ito sa akin dahilan para mapahakbang ako pa-atras pero hinawak nito ang batok ko at mabilis na inangkin ang labi ko dahilan para manlaki ang mata ko at akmang itutulak na sya ng mapansin ko na naka posas na pala ang kaliwa ko na kamay sa kanan na kamay nya.

Teka saan nya nakuha ang posas?

"Kapag sinabi ko na hindi ka na makakawala sa akin, hindi ka na talaga makakaalis sa tabi ko" Sabi nito at saka itinaas ang mga kamay namin na naka posas at saka ngumiti na para bang nangaasar.

Kung paano sya biglang nawala na hindi ko inaasahan ay biglaan din syang bumalik sa buhay ko na hindi ko na din inaasahan na mangyayari pa pala...

Continue Reading

You'll Also Like

782K 17.7K 77
"Just let us have the baby, sed..." Pagmamakaawa ko. "Ayokong may kahati sa atensyon mo." He seriously said. "Nababaliw kana." Hindi makapaniwalang...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
1.7M 33.3K 39
"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We have dissimilar worlds." - Jasmine Salaza...