Loving Mr.Nerd

By RuPamPam

30.7K 929 142

"Alam mo ba na napaka dami kong rason para hindi ka mahalin" sabi ko dito dahilan para matanggal na naman ang... More

*Synopsis*
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
chapter 24 They're Back
Chapter 25 Missing krystal
Chapter 26 Knight In Shining Glasses
Chapter 27 The Bad Boy's Confession
Chapter 28 Jealous?
Chapter 29 The Real Leah?
Chapter 30 Can I be her?
Chapter 31 Im Tired
Chapter 32 Million Reasons
Chapter 33 Label?
Chapter 34 He won!
Chapter 35 Baby You're Perfect
Chapter 37 Upcoming Foundation Day
Chapter 38 Foundation Day
Chapter 39 A fight with him
Chapter 40 Feels
Chapter 41 The Numerous
Chapter 42 Her Parents
Chapter 43 A Perfect Day
Chapter 44 Dirty Little Secret
Chapter 45 The Truth
Chapter 46 The past
Chapter 47 PROMise
Chapter 48 Downfall
Chapter 49 Changes
Chapter 50 Coming back
Chapter 51 Charity ball
Chapter 52 Kidnapped
Chapter 53 Unexpected Twist
Chapter 54 Escape Plan
Chapter 55 Chances
Chapter 56 Who's that girl?
Chapter 57 Island Hopping
Chapter 58 Festival
Chapter 59 Altruistic
Chapter 60 Piece by piece
Chapter 61 One LAST time
*Epilogue*
🎉
Synopsis from my New story

Chapter 36 Representative

336 8 1
By RuPamPam


Krystal POV

Nandito na naman kami sa school at katulad ng dati naging busy na naman si Nerd lalo na at malapit na ang celebration ng Foundation Day.

At ngayon nga nag tatalo ang mga kaklase ko kung anong booth ang gusto nila. While me? Nandito ako sa likod katabi si Ice na naka kunot na naman ang noo. Napapansin ko lang noong nakaraan pa sya nagkakaganyan.

"Hey" tawag pansin ko dito pero mukang masyadong malalim ang iniisip nito para pansinin ako. Kaya naman sinipa ko ang paa nito dahilan para mukuha ko din sa wakas ang atensyon nya.

"What?" Iritadong tanong nito saakin.

"What's wrong? Noong nakaraan ko pa nakikita na muka kang problemado" Sabi ko dito. Tinignan muna ako nito ng mataimtim bago sumagot.

"I found her"

"What?" Nagtataka ko na tanong sakanya.

Yon nga lang natigil ang pag uusap namin ng biglang naghiyawan ang mga kaklase ko. Okay, anong nangyayari? Bakit sila nakatingin saakin?

"Krystal, do you agree?" Tanong saakin ni Eliz.

"About what?"

"To be our representative in Ms. Foundation Day—" pero nang marinig ko palang na maging representative oh No no no

"Heck No!" Mabilis na pag ayaw ko.

"Opps. sorry, Nasulat ko na kasi ang pangalan mo hehehe" sabi ni Andy with her fake laugh. Dahilan para samaan ko sya ng tingin.

"Don't worry kung gusto mo si Luciel ang gagawin naming partner mo—"

"Nope,I think Luciel can't make it. Masyado syang busy bilang SSG president ngayon. So, I think we need to spare him" Sabi naman ni Rain dahilan para mapaisip ang mga kaklase ko.

Epal talaga nito kahit kailan.

"What about Reygun?" Suggestion pa ulit nito dahilan para mas lalong mapakunot ang noo ko.

"Mas lalong hindi!" Mas mabilis pa sa segundo ang pag ayaw ko.

Pero mukang wala silang pakialam.

"Do you agree, Reygun?" Tanong ni Rain dahilan para mapatingin kami kay Jerry na nakataas pa ang paa.

Please say No...

"Okay" pakiramdam ko merong imaginary na salamin sa utak ko na bigla nalang nabasag.

Narinig ko pa ang pasimpleng tawa ni Ice na parang may naiisip na hindi maganda.

"Wala ka ng magagawa Krystal, So lahat ay ayos na. Our Booth will be a wedding booth. While Krystal and Reygun will be our representative in Mr. And Ms. Foundation Day" sabi ng isang kaklase ko dahilan para mapaupo nalang ako.

What a lucky day...

Maya-maya din pinatawag na agad kami ni Reygun para sa Mr. & Ms. Foundation Day.

Marami pang sinabi yung bakla na head tungkol sa kung anong susuotin, kung kailan ang practice at kailan ito gaganapin. Kahit na ayoko wala akong choice kundi makinig. Pag ka dismissed nito saamin umalis na agad ako sa upuan kung saan katabi ko si Jerry na himalang ang tahimik ngayon.

Pero wala akong pakialam sakanya, naninibago lang ako, at magkaiba yon.

Dahil nga malapit na ang Foundation Day, Half day lang ang pasok namin ngayong week na 'to.

Para daw mahanda na ang booth agad pero syempre dahil alam ko na kaya na nila 'yon gusto ko nalang umuwi.

May balak pa sana akong puntahan si Nerd 'yon nga lang nawala talaga ako sa mood ngayong araw kaya minessage ko nalang sya na uuwi na agad ako.

Hindi naman ako nakatanggap ng reply kaya naman umalis na agad ako...

Pagdating sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga.

Ano kayang ginagawa ni Nerd ngayon?

Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinignan kung nag reply s'ya. But sad to say hindi man lang sya nag reply kahit tuldok man lang. Padabog ko na binalik ang cellphone ko at saka nagbihis.

Itutulog ko nalang 'to...

LUCIEL POV

Nang matapos ko na lahat ng kailangan taposin ngayong araw dumiretso na ako sa Room namin para makita si Krystal yon nga lang...

"Kakaalis lang nya" sabi sa akin ni Eliz.

Nalaman ko din na magiging representative sya ng Section namin. Para saakin wala namang problema yon dahil alam ko na kaya nya. Ang problema ay ang ka-partner nya na si Otso,walo,eight. Wala akong tiwala sakanya.

Puntahan ko kaya sya sa bahay nya?

Tama,pu-puntahan ko nalang sya!

Mabilis akong naglakad paalis ng school at sumakay sa jeep. Sa susunod ko nalang babalikan ang bike ko. Wala namang magbabalak kumuha 'non doon.

"Luciel?" Nakita ko ang gulat sa muka nito nang bigla akong tumabi dito.

"Hi" sabi ko nalang kay Rain. Napaka awkward nito ngayon lalo na at nangako ako kay Krystal na lalayuan ko si Rain. Pero heto ako ngayon at katabi sya.

Alam ko na meron paring nararamdaman saakin si Rain kaya naman hanggang kaya ko na lumayo sakanya gagawin ko, dahil ayoko i-entertain ang feelings nya at ayoko na umasa pa sya saakin. Bilang kaibigan ayoko na dagdagan pa ang sakit na binigay ko sakanya.

"Saan ka pupunta?" Pag o-open nya ng topic.

"Kay Krystal" sabi ko dahilan para maging awkward na naman ang atmosphere sa aming dalawa.

Nang makita ko na nasa tapat na kami ng gate ng subdivision nila Krystal sumigaw na ako ng para at mabilis na umalis. Pero bago umalis ang jeep lumingon muna ako kay Rain at kumaway dito.

Hihintayin ko muna na makalimutan nya ang nararamdaman nya saakin then maybe we can be friends again.

Kunting lakad lang at narating ko na din ang bahay—este mansion na bahay nila Krystal.

Ang yaman talaga ng baby ko...

Nag doorbell na ako pero walang sumasagot.

Akala ko ba naka uwi na sya?

Nag doorbell na ulit ako pero wala pa din.
Mag do-doorbell na naman sana ako ng biglang bumukas ang gate at bumungad saakin ang napaka gandang babae na mukang bagong gising at naka busangot pa.

Naku lagot ako...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito saakin na naka simangot pa din. Mukang hindi talaga maganda ang gising nya.

"Ahhmm binibisita ka?" Patanong ko na sagot sakanya na mas lalong kinakunot ng noo nya.

Wrong word...

"Wow buti naalala mo pa ako, hindi ka nga nag re-reply sa mga message ko tapos pupunta ka dito na parang—bat ka naka ngiti ng ganyan?"

napangiti nalang ako dahil sa inasal nya bat ganun muka syang bata.

Ang cute nya putek...

"I miss you" Yon lang ang sinabi ko pero nakita ko ang pamumula sa pisnge nya at natahimik sya.

Bigla nyang nilakihan ang bukas ng gate.

"Get in" sabi nito saakin at bigla nalang tumalikod at saka pumasok sa bahay.

Hindi ko mapigilang sumulay ang ngiting tagumpay sa mga labi ko dahil sa inasal nya.

Pag pasok sa loob ng mansion nila wala akong nakitang tao sa sala kaya alam ko na nasa kwarto si Krystal. Umakyat ako sa pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Krystal.

Dahil nga pumupunta ako dito minsan dahil sa pag tu-tutor ko kila Ice kahit papaano alam ko na ang pasikot-sikot dito kaya hindi na ako maliligaw.

Nang makita ko na ang Pink na pinto ni Krystal kumatok ako dito para lang malaman na iniwan pala itong naka bukas. Sumilip muna ako at nakita ko si Krystal na busy mangalikot sa laptop nya.

Ang ganda ng kwarto nya...

Yon nga lang dahil lalaki ako, bawal ako pumasok. Well para saamin kasi it's a sign of respect for the girl ang her parents na wag pumasok sa kwarto nito habang walang pagpayag.

"Krystal" tawag ko dito.

"What?" Tanong nito pero hindi pa din nya inaalis ang tingin sa laptop.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko ulit dito pero hindi pa din ako pumapasok sa loob ng kwarto nya.

"Why don't you just see it for yourself? Pwede ka namang pumasok" nang sinabi nito na pwede akong pumasok ginawa ko agad ito. Nakakangalay kaya tumayo.

Nakita ko na busy pala ito sa panonood ng kdrama. Ngayon ko lang napansin na ang ikli pala ng suot nya na shorts at naka sando lang sya.

kaya naman umiwas agad ako ng tingin. Kinuha ko ang kumot na malapit saakin at tinakloban ko sya maliban sa ulo nya.

Hindi naman sya nag reklamo at pinagpatuloy lang ang panonood.

Nanonood lang kaming dalawa ng bigla nyang inabot saakin ang suklay.

"Ahh bakit?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Suklayan mo ako" sabi nito kaya naman tinanggal ko ang suklay.

Dahan-dahan lang ang pagsuklay ko sa buhok nya at langya ang lambot! Sarap hawakan.

Dahil hindi ko na rin naman naiintindihan ang pinapanood nya itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag bra-braid sa buhok nya.

Hindi ako bakla pero maalam ako mag ipit ng buhok dahil sa kapatid ko na si alex.

"Magaling ka pala mag braid" sabi ni Krystal habang tinitignan ang buhok nya na inipitan ko.

"Marunong lang pero hindi magaling"

"Sus pa-humble ka pa" sabi nito at ngumiti. Nakaka satisfy tignan ng ngiti nya langya naman oh. Napapaisip tuloy ako kung paano sya nag kagusto saakin.

"Girlfriend na ba talaga kita?" Out of nowhere ko na tanong sakanya.

"Oo kaya umayos ka na dyan at iabot mo saakin yang clover na nasa tabi mo" sabi nito dahilan para ngumiti ako ng malawak.

Langya ang swerte ko ata.

"Ito na ang clover prinsesa ko" sabi ko at ngiting-ngiti na ibinigay sakanya ang paborito naming clover.

Napailing nalang sya pero nakikita ko na pinipigilan nyang sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

Kung ganito ba naman ang kapalit sa mga nakakapagod na gawain araw-araw,ayos lang...

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 15.1K 7
Dennis saw how Rurik secretly adore Rossette which made her challenged to steal the man. The fate must be on her side as Rossette chose her family an...
EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.9M 179K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
10.6M 570K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
15.8M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...