His Reader (A KnightInBlack F...

By avshigeno

24.9K 2.3K 462

[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapeter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 Baliw
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36 (First Half)
Author's Note
Second Half
Chapter 37 Kiss
Chapter 38 Forbidden
Chapter 39 Doc
Chapter 40 It's Over
Chapter 41
Chapter 42 I'm Going
Chapter 43 Feelings
Chapter 44 Talk
Author's Note
Chapter 45 Leave
Chapter 46 Messed Up
Chapter 47 Video
Chapter 48 Isang Salita
Chapter 49 Tapos Na
Chapter 50 Picture
Chapter 51 BS
Chapter 52 Effort
Chapter 53 Pero
Author's Note
Chapter 54 Raze
Chapter 55 KnightInBlack
Chapter 56 Mistress
Chapter 57 Rest
Chapter 58 Blush
Chapter 59 Perfect
Chapter 60 Deal
Chapter 61
Author's Note
Epilogue

Chapter 19

413 42 13
By avshigeno

CHAPTER 19 KnightInBlack 2

- Rory's POV -

"I will count." Anang isang nakakatakot na boses na ikinatigil ni Reyah na nawala na lamang sa screen.

Maya-maya ay may narinig akong halakhak na may kasamang pagsigaw. "Ate ah? Pahirapa----Kuya!" Kita sa screen na ibinato sakanya ni KIB 'yung isang throw pillow na siguro ay dahilan ng pagtigil nya.

"OUT!" Ani KIB habang may isa pang throw pillow na iniikot-ikot sa kaliwang kamay.

"KUYA MAGDAMIT KA NGA! AKALA MO NAMAN MAAAKIT MO SI ATE SA PAYAT MONG KATAWAN? HMMP!" Nakasigaw na sabi ni Reyah.

Maya-maya pa ay naiiling na umayos ito ng upo at bumalimg sa screen.

"Enjoy ba ang palabas?" Anito ng may halong pagkairita.

"Medyo?" Patanong na sagot ko tyaka naiilang na nginisihan sya.

"Magbibihis lang ako. H'wag mong papatayin. Hindi ko na gusto 'yong ideya na mamaya nalang ako tatawag." Nakangising tumayo ito at nagsimulang maglakad. Inalis nito ang tingin sa'kin at diretsong tumingin sa harap.

"Seriously?" Tumaas ang isang kilay na tanong ko.

Binalingan ako nito sandali matapos ay ibinalik ulit sa harap ang tingin. "I'm serious." Sagot nya.

May isa nanamang pakiramdam ang nagpapakilala sa'kin. 'Yung pagsagot nya ng hindi ako tinitingnan ay may hatid nanamang ibang pakiramdam na pumapasok nanaman sa loob ko. Gusto ko ay nakatingin lang sya sa'kin! Uhg!

D-mn!

"Bihis muna ako ah?" Narinig kong sabi nya matapos ay mabilis na nawala sa screen. Hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Eh kung patayan ko kaya? Halos mapangisi ako sa na isip. Hindi pala magandang idea. Nagsisimula nanaman akong mag-inarte. Aish!

Ibinaba ko ang cellphone tyaka tumingala na lamang sa kisame.

Iba ka. Ibang-iba. Sa iilang salita napapaasa mo ako. Sa kaonting galaw iba ang ibinibigay mo. Makita ka lang nahihirapan na akong himinga. Sa ilang segundo lang ay nababago mo ang timpla ko. Kakaiba ka. Wait, what?! Iniisip ko ba talaga ito? Uhg! Tama na ang pag-iisip Rory. Please. Hindi pa nangyayare ay may nangyare na sa utak mo, wala pang sinasabi ay alam mo na ang pinupunto. Sa bawat pag-iisip ng sobra ay may ibang naidudulot. Nakakasama ang sobrang pag-iisip tandaan mo, Rory.

Napabuntong hininga ako tyaka bumaling sa wall clock, 09:56 pm. Magdadalawang oras na pala kaming magkausap? Ganon na katagal? May hindi pa ba sya nasasabi? O may nasabi na ba sya? Parang wala naman kase kaming maayos na napag-usapan.

Nag-uusap kami? What the heck Rory?! Halos mapaikot ang mata ko sa sariling iniisip. At ngayon mo pa talaga naitanong 'yan? Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Paano kaya kung nakita ko 'yung isinulat nya sa book ko? Paano kaya kung hindi ako nag-inarte no'ng book signing? Paano kaya kung nabasa ko 'yung letter nya no'ng araw na 'yon? Ano kayang nangyare? Siguro nga ay nandito pa rin ako. Pero may iba.

May iba pa nga kayang nangyare sana no'ng araw 'yun? Ano? Pakiramdam ko ay may hindi pa sya nasasabi. Nage-effort para saan? Hindi naman siguro ganon lang iyon, hindi ba? Ito nanaman ako. Isip pa. Tanong pa.

Nakaka-frustrate! Dapat ay masagot lahat ito!

Tapos kapatid nya si Reyah, 'yung isa sa mga nakilala namin nina Mia sa book signing. Uhg!

I heaved a sigh.

Suko na ako. I will ask him later.

"Okay na." Isang boses ang tumawag sa atensyon ko. "Okay ka pa? I mean--ummm, inaantok ka na? Ahg! Whatever! Ano? You'll sleep na?" Magulong pagtatanong nito.

"No? Ang gulo mo!" Pagpuna ko.

"Sino kaya ang may kasalanan." Mahinang sagot niya na ngingisi ngisi pa.

"Say what?" Nagugulohang tanong ko. D-mn! Narinig ko ba ng mabuti 'yon?

"Magkasalubong kilay mo?" Tanong nito na hindi pinansin ang nauna kong tanong.

Hinawakan ko ang magkabilang kilay ko gamit ang isang kamay tyaka iyon aktong inayos. "Okay na?" Pilit ang ngiting tanong ko.

"Problema?" Anito.

"Secret." Mabilis na sagot ko.

"Bakit hindi ka pumunta?" Balik tanong nya na medyo ikinabigla ko.

Hindo ko inaasahan 'yon.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Hindi ko nga nabasa."  Simpleng sagot ko.

Mabilis na nagbago ang awra nya, nawala ang ngisi at medyo nagsulubong ang mga makakapal na kilay. "Seryoso ba 'yon? Paano'ng mangyayare 'yon? Hindi ba sa first page ko naman isinulat? 'Yon ang sinadya mo sa book signing kaya napaka imposibleng hindi mo iyon titigna----" natigilan ito sandali tyaka ako pinakatitigan. "Seryoso? Ganon ka kainis sa'kin?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito na napalunok pa.

Dapat pa ba akong sumagot? Hindi pa ba obvious?

"Hinintay kita. Matapos kong makausap sina Mia pumunta kaagad ako sa Starbucks, hoping na pupunta ka." Nag-isang linya ang mga labi nya. "I'm sorry." Dugtong nito.

"Sorry." Walang ibang lumabas sa bibig ko kung hindi ang mga katagang iyon. Bigla akong na-guilty. Iyon ang nagiging resulta ng padalos-dalos at sobrang pag-iisip.

I'm the one who should say sorry, hindi sya. Ang arte ko kase.

Minsan talaga naiinis na rin ako sa sarili ko. Sa mga bigla-biglaang 'yan!

"Kasalanan ko rin." Aniya. "May pakiber pa kase akong nalalaman." Dugtong pa nito ng seryoso.

"Pakiber?" Nangingiwing tanong ko. Seriously? Hindi ko inaasahang may gano'ng salita ang manggagaling sakanya!

"W--what?! Kiber?" Umirap ito sa kawalan na mukhang may ibang iniisip tyaka ako muling binalingan.

"What the hell? Kiber? Pffttttt." Natatawang sabi ko.

"May nakakatawa ba? Uhg! Hindi naman nakakabakla 'yon ah? Naririnig ko nga kala Nash 'yon." Anito.

"Owmaygad! Ano pa?" Nakangising tanong ko.

"'Yong bulok na style ang tinutukoy ko sa kiber, baka hindi mo alam." Nagkibit balikat ito.

Ang cute nya sh-t! Ang inosente!

"Dapat pala niyaya nalang kita ng harapan. Tatanggihan mo ba ako kung sakali?" Dugtong nito na ikinatigil ko.

Kumalabog ang dibdib ko sa dalawang linya pa lamang na 'yon. Ito 'yong sinasabi ko. Ilang segundo lang, kayang-kaya nyang baguhin ang nararamdaman ko. Hindi ako makahanap ng sagot sa tanong nya. Oo at hindi lang naman 'di ba?

Napangiti ito bago muling nagsalita. "Ganon ka talaga mainis?" Namamanghang tanong nya pa pero may iba sa mga mata at boses. "Hindi kita kinonsensya ah? Nagsabi lang ako." Pahabol pa nito.

"Hindi ko alam kung papayag ako kung ganon ang ginawa mo." Mas sweet 'yong letter para sa'kin. At mas gusto ko 'yon. At hindi bulok ang 'kiber' na na 'yon para sa'kin. "Bakit nakokonsensya yata ako?" Ngumisi na wika ko na nakapagpanguso naman sakanya. Pakiramdam ko ay kailangan kong bumawi.

Bakit parang ang gulo ko kausap?

Why so cute Kib? Ano pa ang wala sa'yo?

D-mn!


"Ang moody mo." Komento ko, na dahilan ng unti-unting pagkurba ng sulok ng kanyang labi.

"Ikaw rin, alam mo 'yon?" Balik nya sa'kin. "Kanina ka pa pabago-bago ng mood. From-----"

"Ikaw rin, alam mo 'yon?" Pagputol ko sakanya. "Kanina ka pa pabago-bago ng mo----." Balik na komento ko rin.

"I like you." Pagputol nya sa'kin.

Naiwang nakabukas ang bibig ko ng ilang sandali bago ko 'yon naitikom.

"Tatatak na ba ako sa'yo dahil sa sinabi ko? Papayag ka na ba kung yayayain ulit kita?" Binigyan nya ako ng isang tipid na ngiti. "Sinabi ko 'yon dahil gusto ko ikaw rin." Lumunok sya bago nagpatuloy. "Gusto ko ikaw rin maging magulo ang mga gabi mo kagaya ng ginawa mo sa'kin." Ngumuso ito para pigilan ang tuluyang pagngiti tyaka nag-iwas ng tingin. "I think of you before I sleep. And I can say, 'yon na talaga ang habit ko." Napangiti sya habang nakatingin sa kung saan. "I am thinking about you right now." Napatawa ito tyaka sya bumaling sa'kin. "Na-curious ka rin ba sa'kin?" Anito.

"H-Ha?" Nagugulohang tanong ko na pilit pang iniintindi ang mga sinabi nya.

'Yung puso ko nalang ang may reaksyon ngayon. Sobrang lakas ng kabog na halos lumabas ito. Pakiramdam ko ay kaonting galaw ko lang ay mahihilo na ako at maisuauaka 'yon. Para akong tanga. Tumitibok pa ang puso ko pero hindi na nagpa-function ng maayos ang utak ko.

"Curious ka sa'kin." Wika nito na wala ng halong pagtatanong.

Bakit kapag gusto ko ng maayos na usapan ay laging may babago?

Hingang malalim Rory. Please. Kalma. Sa ginawang 'yon ay pinipilit kong isantabi ang mga kabaliwan nyang sinabi.

"I--I'm curious, yes. Sino ka ba talaga Knight In Black? Writer ka at sikat pero walang naka-kakilala. N----Normal lang na ma-curious ako sa'yo sa gantong sitwasyon." Pigil hiningang pagpapaliwanag ko ng may mahinang boses.

"Ngayon na kilala mo na ako, anong masasabi mo?" Malaki ang ngising tanong nya. "Naabot ko ba ang expections mo? Or what? Better? Ano?" Parang batang tanong pa nito.

Paano nya ako natatanong ng diretso ng ganyan? Sa mga sinabi nya ay nag-uumapaw na ang uneasiness na nararamdaman ko. Hindi ba sya nakakaramdam? Pinipilit ko nalang makasagot!

"A ty-pical bachelor--uhhmm. Is it a bachelor or what?" Sagot ko sa tanong nya.

"Are you asking if I'm single?" Hindi makapaniwalang tanong nito na mas ikinalaki ng pagngisi nya.

"What?! No!" Puno ng pagkailang na wika ko. "Ang layo na ng nararating!" Komento ko pa. D-mn! Hanggang ngayon hindi nagtitino ang puso mo.

Hindi ba pwedeng sagutin nalang nya iyon? Ng walang ibang kasamang komento. Napalunok ako. Papalakas ng papalakas ang pagkabog sa dibdib ko. Kailangan ko na ng hangin.

"Yeah. Masyado akong na-curious sa'yo." Anito.

Hindi nya sinagot.

"Ano ba ang curious para sa'yo?" Hindi mapigilang tanong ko.

"It is something unusual." Aniya

"Unusual? Ibig sabihin ba hindi normal? Abnormal you mean." Wika ko.

"No. No. It's not like that." Aniya ng may kasamang pag-iling.

"Ganon 'yon." Sabi ko.

"In my case, no." Wika nya.

Tinaasan ko sya ng kilay. D-mn! I want to know!

"Pinapahirapan mo ba ako?" Tanong nya.

"Nagtatanong lang ako, nagugulohan ako sa mga sinasabi mo." Sagot ko.

"Na-curious ako sa'yo, nagustohan kita, anong magulo do'n?" Simpleng sagot nya. "You are different in a way that attrac-------"

Pinatay 'yong cellphone at ibinato sa gilid. Nakakabobo! Kulang nalang ay mapapikit ako at himinga ng malalim. 'Yong pakiramdam ko ngayon naiiba-iba at iba pa!









Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 138 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
25K 5.6K 82
The land that's really sunny, Above all others is the black beach. Beautiful, broad, black beach. Down, down, down into the darkness of the black bea...
7.7K 328 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
730K 20.4K 12
She's Aisha Elissabeth Alcantara, a girl who seemed unbreakable, broke. Ang babaeng noo'y palangiti, punong puno nang pagdadalamhati. Ang babaeng ang...