His Reader (A KnightInBlack F...

By avshigeno

24.9K 2.3K 462

[COMPLETED] Knight in Black Fan Fiction A Wattpad Author and Reader Story UNEDITED First Half (Chapter's 1-36... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapeter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 Baliw
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36 (First Half)
Author's Note
Second Half
Chapter 37 Kiss
Chapter 38 Forbidden
Chapter 39 Doc
Chapter 40 It's Over
Chapter 41
Chapter 42 I'm Going
Chapter 43 Feelings
Chapter 44 Talk
Author's Note
Chapter 45 Leave
Chapter 46 Messed Up
Chapter 47 Video
Chapter 48 Isang Salita
Chapter 49 Tapos Na
Chapter 50 Picture
Chapter 51 BS
Chapter 52 Effort
Chapter 53 Pero
Author's Note
Chapter 54 Raze
Chapter 55 KnightInBlack
Chapter 56 Mistress
Chapter 57 Rest
Chapter 58 Blush
Chapter 59 Perfect
Chapter 60 Deal
Chapter 61
Author's Note
Epilogue

Chapter 11

442 50 5
By avshigeno

CHAPTER 11 Confirm

- Rory's -

May tatlong araw na simula nu'ng nangyare 'yung book signing at hanggang ngayon ay may sama pa rin ako ng loob sakanya.

Say what? Masama ang loob ko sakanya?

Oo. Pero hindi ko alam kung tama pa ba 'to. May karapatan ba akong makaramdam ng ganto? Siguro nga ay oo, dahil umasa ako sa mga inasta nya nu'ng mga nakaraang araw na nakasalamuha ko sya. Pero hindi naman talaga kami close hindi ba? Pinaasa ko ang sarili ko. Puro ako akala.

Napatawa ako ng mahina.

Magmula nun ay hindi muna ako nagbasa sa wattapad, hindi ko pa din binubuklat 'yung libro nya. Kahit mag-online sa kahit anong social media ay hindi ko pa ginawa. Madalang ko na lang din hawakan ang phone ko.

Baliw-baliwan ang tema ko.

Naging busy din naman ako sa pag-aayos ng pag-transfer ko at pagtulong kina mommy sa pag-aayos dito sa bahay. Kaya ngayong tapos na ang lahat ay wala nanaman akong pinagkakaabalahan.

Sa tuwing mababakante ako ay hindi ko maiwasan na 'yun ang isipin ko.

Bakit hindi sya namansin?

Ayan lagi ang tanong na nasa isip ko.

Oo, alam kong hindi pwede 'yung hinihingi kong pag-uusap namin dun dahil wala dapat nakakaalam ng identity nya. Pero kahit 'hi' lang naman sana diba? 'Yung ganon sa ginagawa nya sa iba. Tingin nga ay hindi nya ginawa sa'kin.

Naiinis ako dahil hindi nya ako pinansin o kahit tingin ay hindi nya man lang ako tinapunan. Nasaktan ako dahil umasa ako na kahit papaano ay mapapansin nya ako. Na ikinasama naman ng loob ko.

Kilala ko sya!

Hindi naman sa kilalang-kilala pero ilang beses ko na din syang nakasalamuha! Feeling close pa nga ang isang 'yon minsan.

Gulo diba? Paulit-ulit-ulit 'yan na tumatakbo sa utak ko.

Sa totoo lang ay sinakop na nya ang buong sistema ko. Kinain ng buo. Bawat sulok ay naandon sya. Nakakatuwa na nakakainis isipin. Mababaliw na yata ako dito ng tuluyan.

How to move on? Maygad! Kakaisimula pa nga lang, move on na agad, hindi ba?

May sinimulan naman ba? Asa!

Masyado akong nag-expect mula sa taong hindi ko naman talaga ganon katagal ng kilala.

Napabusangot ako ng hindi oras at napasabunot sa'king buhok ng wala sa sarili. Siguro ay kung may makakakita sakin ngayon ay aakalaing natuluyan na ako.

Maygad Rory! Ayaw mo nga syang kausap diba? Ganon 'yung ginawa mo sakanya. Tinalikuran mo nuong hapon!

That's it! Nakaka-stress!

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ate! Pahiram nu'ng libro." Salubong sa'kin ng bunso kong kapatid, si Mae.

"Pwede kang kumatok bago pumasok." Masungit na sabi ko dito habang magkasalubong ang mga kilay.

"Yes your Highness." Nakangising turan nito bago tatlong beses na katukin ang pinto. "Maaari ko na bang makuha 'yung libro?" Pagpapatuloy pa nya.

"Tss! Ano bang libro?" Walang ganang tanong ko sakanya.

"Hell University, diba complete mo na 'yun?" Wika nito habang papalapit sa kama.

Bago sumagot ay umayos ako ng upo at tinitigan sya. "Nasa wattpad 'yun, dun mo nalang basahin." Sagot ko dito.

"Mas gusto ko ng libro." Habang nagsasalita ay unti-unti syang umupo sa paanan ng kama ko.

"Wattpad nalang." Plain na sagot ko.

"Damot." Sabay pabagsak na paghiga nito.

"Kailangan mo pa?" Ako.

"'Yung libro nga." Sya.

"Lumabas ka na." Ako.

"Pahiram muna." Sya.

"Pagkatapos ko." Ako.

"Tapos mo 'yun ate, diba?" Sya.

"Hindi sa libro." Ako.

"Ganon din naman 'yun." Pangungulit pa nito sa'kin.

"Ganon din naman pala diba? Bakit kailangan pa 'yung libro?" I asked.

"Ate!" Nakanguso ng pagtawag nito na nakapagpangisi sa'kin sandali.

"What?" Wika ko.

"Yung book!" Consistent na sabi ni Mae.

"Wala ako sa mood baby sis, kung gusto mo talagang mahiram 'yun, matuto kang maghintay. Now, go." Turan ko gamit ang isang malambing na boase.

"PMS?" Anito.

"Out Mae!" Wika ko na nagpipigil ng inis.

"Why so sungit?" Tanong pa nito.

Tinignan ko lang sya ng masama ngunit parang walang epekto. Nakuha pa nitong umayos ng pagkakahiga at pumikit. Naiiling na tumayo ako at umupo sa study table ko na malapit sa kama.

"Ate?" Muling tawag nya.

"Ano?" Sagot ko ng hindi sya nililingon.

"Pahiram ng phone." Anito.

"Nasaan ba 'yung sayo?" Tanong ko habang inaabot sakanya 'yung cellphone.

Nagkibit-balikat lamang ito at maya-maya pa ay busyng-busy na du'on at hindi na ako pinansin. Umayos ako ng upo at kinuha sa drawer ng study table ko 'yung dalwang libro.

Hell University.

Tinitigan ko lang iyon ng may nakakunot na noo. Matapos ang ilang minuto ay ibinaba ko ang libro sa ibabaw ng table at ang sumunod naman na kinuha ay 'yung bookmarks. Tatlong bookmark, isa 'yung nasa part 1, tapos sa part 2 at 'yung ibinigay du'on sa book signing.

"Ate? Hindi ba si Knight In Black ito?" Tanong ni Mae habang inihaharap sa'kin 'yung phone.

"Oo." Sagot ko.

"Puro blurred naman eh. Wala kang future sa photography." Komento nito habang nakatuon ang atensyon sa screen ng phone at umaayos ng upo paharap sa'kin.

Just what the hell?! Eh sa nanginginig 'yong kamay ko noong kinukuhaan ko sya ng pictures eh.

"Tigilan mo nga 'yang gallery ko." May bahid ng pagkainis na turan ko.

"Bakit ang sungit mo ngayon?" Anito.

"Bakit kase dito ka nanggugulo ngayon?" Balik tanong ko sakanya.

"Busy sila sa ibaba eh." Sagot nya, matapos ay natahimik ng ilang minuto pa bago muling magsalita. "Ate, may mga PM sa'yo sina ate Mia, Facebook."

"'Wag 'yung account ko ang pakealaman mo." Nakakunot-noong pagsuway ko dito ngunit hindi naman ako kumilos.

"Flood notifs mo, may mga new FR ka din." Pagpapatuloy nito na parang walang narinig.

"Whatever." Nauubos ang pasensyang wika ko.

Suko na ako sa kakulitan nitong isa na 'to. Napa-face palm na lamang ako sa naisip.

"Bakit hindi mo i-accept si Raze WP? Natabunan na 'yung request nya ah? In-ignore mo?" Nagtatakang tumingin sya sa direksyon ko.

Saglit akong napatingin sakanya matapos ay napaisip. Maaari kayang sya 'yun? No. Hindi siguro. Nagkibit balikat ako bago sya sinagot.

"Poser lang 'yan." Naiiling na wika ko.

"Poser? Poser na may 150K plus Facebook followers?" Nakataas ang kilay na wika nito na nakapagpasalubong ng mga kilay ko.

"Say what?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Check it yourself ate." Sabay abot sa'kin ng phone ko na kaagad ko namang kinuha at nanliliit ang mga matang ininspeksyon ang account na tinutukoy nitong kapatid ko. "You see?" Anito.

"Wait." Iniisa-isa ko ang mga post nya ng biglang nag-load 'yung page, may bagong post.

"FYI. May Chapter 15 na ang TOB. lol Ps. Lol ulit." Basa ng kapatid ko na ngayon ay nasa tabi ko na. "Look! dalwang minuto hundreds na ang like and ang dami ng comment. Confirm na!" Anito at mabilis ang kamay na clinick ang confirm button.

"Ano ba?!" Inis na naibulalas ko at inis na tinignan sya.

Nakakainis na ah!

"Hehehe. Sorry, na-excite lang ate." Sabay silip ulit nito sa screen. "Online pa sya! Ate i-PM mo!" Nanlalaki ang mga matang suhestyon nito.

"No!" Mabilis kong pagtanggi dito at inilayo ang phone sakanya.

"Why not?" Inusenteng tanong nito.

"Ayoko nga." May pinalidad na sagot ko ng biglang makarinig kami ng Messenger tone.



Itutuloy...


-----

VOTE! VOTE! VOTE! lol hahaha. Please mag-iwan ng comment! Salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 243 62
LIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya n...
62.5K 1.4K 19
Highest Rank, #25 in NewAdult (10-26-2018) How to tame a player? By GreatPretender04 How to tame a player? Are you heartbroken because of a playboy...
684 455 14
Kairo is a very handsome student and Intelligent in college, while Abegail is one of the most popular girls in campus and also a tennis player and in...
6.4K 49 33
How will two fate collides to make the hearts beat as one? Beware and be aware as the notorious playboy, Von Khenry Montejar meets a bad-ass who will...