The Dragon Prince

Par Queen_Phoenix28

144K 9.4K 398

Ang tanong, may nabubuhay pa bang Dragon sa mundo? Kung meron man, kailangan ko silang mahanap... Sa lalong... Plus

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129

Chapter 3

2.4K 147 3
Par Queen_Phoenix28

Yves's POV

Seryoso talaga siya? Nakatayo ako sa harapan ni Ian na ngayon ay kinakabahan.

"ano bang kapangyarihang taglay mo?"

"ahh. ehh. p-plant m-manipulation.. b-bakit? ." kinakabahang sagot niya.

Napangiti ako. "wala. natanong ko lang.. Kung may mangyaring di maganda, fight him. Don't push hard on yourself.. ok? Alam kong malakas ka.. " Tumango lang siya. At dumistansiya sa akin at inihanda ang kanyang sarili.

Naghubad ng shirt si sir. What the?. Shit. He's hot. Muscular body with 8 pack abs.. Ano bang iniisip niya?

Nawala siya sa kinatatayuan niya. Alam kong aatake siya pero hindi ko alam kung saan at kailan. Nabigla ako ng maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko. Gumawa agad ako ng shield sa likuran ko gamit ang ugat ng mga puno. Para siyang wall.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na siya sa harapan ko ng may nakakalokong ngiti. Itinaas ko ang aking kamay na shoulder level lang ito ng sinipa niya ko. God. He's too strong.

Magcocounter attack na sana ako ng umikot siya at tinadyakan niya ako sa bandang tiyan ko.. Sa lakas ng impact, tumilapon ako at naglanding sa wall na ginawa ko sa likuran ko. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Pinunasan ko ito.

-----------
Ian's POV

Ano bang gagawin ko? Kailangan kong tulungan si Yves. Pero, Natatakot ako. Bahala na nga. Itinapat ko ang kamay ko kay mr. Smith. Nagkaroon ng magic circle sa kinatatayuan niya at pinuluputan siya ng mga vines. Tiningnan ko si Yves at tinanguan ko siya.

Umayos siya ng tayo at ipinikit ang kanyang mata.

----------
Yves's POV

Nang iminulat ko ang aking mata ay nakahawak na ako ng Leaf Sword. I made a quick attack on him. Naiwasan niya ang mga iba pero mayroon namang tumama.

Iwinasiwas ko ang espadang hawak ko sa kanya pero yumuko lang siya at nag flip para sipain ako sa tagiliran pero tumalon ako patalikod para iwasan yun. At saka bigla akong tumalon papalapit sa kanya at sinipa  siya. Sinalag niya iyon gamit ang kanyang kamay.

Patuloy lang iyon sa halos isang oras na pakikipaglaban sa lalakeng to. Pagod na ko. Hindi gaanong apektado si Ian dahil paminsan minsan lang siya kung umatake.

"your good..  for the second time, you prove to me that your strong. halata sa mga suntok at sipa mo. And you know what, tatlong beses lang yata kita natamaan." sabi ni sir ng mejo makapagpahinga na siya. Halata sa kanya ang pagod at may konting cuts siya sa katawan niya.

Buong araw ang ginugol nila sa pagprapraktis. Hindi na kami nakisali dun ni Ian. Nakaupo lang kami sa isang sanga ng puno malapit sa kanila. Tanaw na tanaw namin sila mula dito.

"hey. pwede mo ba akong turuan ng mga tecniques pang offense at defense.." si Ian.

"balak ko talaga yun."

"talaga? yesss!!" tuwang tuwa siya at yinakap ako. Na-out of balance kami at  parehong bumagsak sa lupa.

"arrraayyyy" si Ian. habang himas himas ang pwet kahit nakahiga pa rin kami sa lupa.

"ayan kasi. hindi nag-iisip." suway ko sa kanya. Hinimas himas ko ang ulo ko. Aray.

Bumangon ako at ganun din siya. Nagkatinginan kami at malakas na tumawa. Para kaming mga baliw.

"ehhh, excuse me. Tinatawag na tayo ni sir." sabat ng isang girl.

"susunod na kami." si Ian. Tumayo ako at tinulungan siyang tumayo.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na may chance tayong makipagsabayan sa mga ibang class kung magpupursige kayong magtrain. That's it for today. Magpahinga kayo ng mabuti. Itutuloy natin bukas ang praktis niyo. Maliwanag?" si sir na hubad hubad pa rin. Wala ba siyang balak isuot ang hawak niyang polo?.. Itinaas niya ang kanyang kamay at nagkaroon ng malaking magic circle sa kinatatayuan namin.

Sa isang iglap nasa gym na kami ulit. Hindi na gaanong marami ang estudyante dito.

"uyyy. punta muna tayo sa cafeteria. Nagugutom na kasi ako." si Ian.

"owkey. pero? wala akong pera."

"gagang 'to. hindi ka nakinig nung orientation natin no?"

Tinignan ko siya. "hah?"

"sinabi lang naman na libre ang pagkain dito. Kumain tayo hanggat gusto natin. Libre lahat dito sa loob ng academy."  napa - ahhh na lang ako.

Nagsimula na siyang maglakad. Sumunod lang ako sa kanya.

Pagpasok namin sa cafeteria. Napatigil si Ian at bahagyang yumuko na parang kinakabahan siya. Nakatingin silang lahat sa direksyon namin. Hinawakan ko ang braso niya at hinila patungong counter.  Nang makaorder kami ay naghanap kami ng mauupuan. Sakto may bakante sa isang gilid.

Inilapag ko ang pagkain namin at umupo. Umupo siya sa harapan ko. "They are still looking at us." sabi niya.

"Pabayaan mo sila. Huwag na huwag mong ipapakita sa kanila na mahina ka." pilit siyang ngumiti at nagsimula ng kumain.

"ang ipinagtataka ko lang, bakit pala tayo magkapareho ng majika?" si Ian. Majika daw ang tawag nila sa kapangyarihang taglay ng bawat isa dito sa academy.

"hah? akala ko ba plant manipulator ka?"

"nature manipulation ang totoong majika ko. confused ako kasi kanina dun sa training natin at dala na rin siguro ng kaba at takot kaya yun ang nasabi ko." natatawang sabi niya.

"hindi ko rin alam. Nagulat nga ako kanina nung sinabi mo kung anong kapangyarihan mo." pagsisinungaling ko.

"pati nga rin ako. Dahil sub-type ng Earth element ang kapangyarihan natin. At rare lang na dalawa ang may hawak nito. First time na mangyayari ito sa history natin."

Tama siya. Sub-type ng Earth element ang kapangyarihan niya. Nature Manipulation ang sa kanya at ako? Eto tinatago ang totoong pagkatao ko. Baka magkagulo kung malalaman nila kung ano ang pagkatao ko. At sub-type ng Earth element ang napili kong gamiting majika. Hindi madali na sabihin na lang sa kanila na ako ang Elemental user. Yes. Ako nga.

Kaya kong kontrolin ang apat na elemento. Ang hangin, tubig, lupa at apoy. At may isa pa akong namana mula sa aking mga magulang. Ang pagiging Sky Dragon ko.

"uyyy. nagdadaydream ka yata." natatawang sabi ni Ian.. Yinugyog niya ako. Nasa tabi ko na pala siya. "Kanina pa ako daldal ng daldal dito. Hindi ka pala nakikinig." Bumalik na siya sa dati niyang pwesto.

"ano na ba yun? ano bang sinasabi mo kanina hah?"

"hindi. wag na. wala yun. hindi naman yun importante. tara na nga. pagod ako ok? gusto ko ng matulog." Tumayo na siya. Owkey. Di wag. Tumayo na rin ako.

Habang naglalakad kami ay kinukulit ko pa rin siya kung ano yung sinasabi niya kanina. Pero, ayaw niya talagang sabihin. Bahala siya. Hahahaha.

Napatigil siya at kinurot niya ako sa tagiliran ko. "aray! bakit ba?!" iritang tanong ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.  Sinenyasan ako na tumingin sa harap namin.

Tumingin ako sa harapan namin. Si Frost lang naman pala. Nakasandal siya sa wall dito sa hallway. Parang old na palasyo kasi ang structure o ang pagkakagawa ng academy pero modern ang mga facilities dito.

Nagsimula na akong maglakad. At alam kong nakasunod lang si Ian sa akin. Pero bago pa kami makalampas kay Frost ay humarang na ito sa daraanan namin.

"hi." nakangiting sabi niya.

sinamaan ko siya ng tingin.

"hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil sa pagtulong ko sa'yo kahapon?" alam kong iniinsulto niya lang ako. "Frost nga pala." sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.

Liningon ko si Ian pero umiwas lang siya ng tingin. Hinawakan ko ang braso niya at hinila. Ng nasa tabi ko na siya ay hinawakan ko ang wrist niya at liningon si Frost.

"Ian." tipid kong sagot. At iniabot ang kamay ni Ian sa kamay niya at nakipagsahake hands gamit ang kamay nito. At ngumiti ako ng nakakaloko. Asarin nga kita.

"ahhh. h-hi." kinakabahang sabi ni Ian. At nilingon ako. Ano bang ginagawa mo? yan ang ibig sabihin ng titig niya.

Tumawa ako. "ayaw mo na yatang bitawan tong kaibigan ko."

Nagkatinginan sila at sabay na tinignan ang kanilang mga kamay na magkahawak pa rin at sabay na binitawan ang isa't isa at nag-iwas ng tingin.

"tara na nga." sabi ko. Hinila ko si Ian at hindi na ito umangal. Tuluyan na namin siyang nilagpasan. Nilingon ko siya at tinignan. Hindi ko akalain na nakatingin siya sa akin.  Magkikita tayo mamaya. Hintayin mo ako. Tumango siya bilang sagot.

-------------
Author's note:

Kayo na pong bahalang gumawa at magdikta kung sino ang magiging character ng kwento ko.

Salamat.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...