Of The Shattered Compass

By ELRionCae

27.7K 1.6K 525

As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and w... More

Of The Shattered Compass
Chapter 1 : The Northerners
Chapter 2 : End of Summer
Chapter 3 : The Westerners
Chapter 4 : He Who Stole The Crown
Chapter 5 : Knowing Cali
Chapter 6 : The Southerners
Chapter 7 : Epic Grand Reunion
Chapter 8 : Endless Combat
Chapter 9 : OH YES WAY !
Chapter 10 : The Easterner
Chapter 11 : Healing Wounds
Chapter 12 : Cali's Home
Chapter 13 : Just Call Me "A"
Chapter 14 : First Attack
Chapter 15 : Waiting For You
Chapter 16 : Heart Beats
Chapter 17 : Mute
Chapter 18 : Wrong Side
Chapter 19 : Rules and Regulations
Chapter 20 : Rules and Regulations (2)
Chapter 21 : What We Used To Be
Chapter 22 : My Father, Ace Dennison Frazer
Chapter 23 : I'm Sorry
Chapter 24 : Bow Before Me
Chapter 25 : Beautiful in White
Chapter 26 : Permission
Chapter 27 : His Greatest Adversary
Chapter 28 : Courting Rivalry
Chapter 29 : Life Outside The Compass (1)
Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)
Chapter 31 : Back Story
Chapter 32 : Seeking Interuption
Chapter 33 : When Mute Talks
Chapter 34 : A Pirate's Work
Chapter 35 : Cali's Queen
Chapter 36 : Dethrone
Chapter 37 : I Love You, I think?
Chapter 39 : Sudden Confession
Chapter 40 : Never Let Go
Chapter 41: Changes
Chapter 42: Nostalgia
Chapter 43: Mortello's Gang
Chapter 44: Frazer's Way
Chapter 45: I Will Miss You
Chapter 46: This Night
Chapter 47: Happiness, Love and Rages
Chapter 48: Caught
Chapter 49: Plan
Chapter 50: I Can't
Chapter 51: Lies and Butterflies
Chapter 52: Cali's Tears
Chapter 53: Rules of a Broken Heart
Chapter 54: The End of Everything
Chapter 55: Where's Cali?
Chapter 56: Last Hug
Chapter 57: Gone for Good
Chapter 58: You're Mine
Chapter 59: The Final Game
Chapter 60: Again. At Last
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 38 : The Jealous Cali

340 22 5
By ELRionCae

      Chapter 38 : The Jealous Cali

AVIAH RHEIKO SUMMER

Maaga akong nagising para maghanda, nag-bake rin ako ng cake para naman may madala ako kila Cali, nakakahiya kung pupunta lang ako para maki-kain. Kahit na ganun ang ginagawa ni Cali madalas dito ay nakakahiya parin kung ganun din ang gagawin ko.

Inihanda ko na ang mga dadalhin, magpapahatid nalang ako sa driver pero napansin kong wala siya pati na ang isang sasakyan na gagamitin ko sana, kaya naman mabilis kong hinanap si Aling Tinay para magtanong.

"Aling Tinay nasaan po ang isang sasakyan?"

"Gising ka na pala, pinagawa ang sasakyan kanina lang umalis bakit? May pupuntahan ka ba?"

"Opo, pupunta po sana ako kila Cali, wala rin palang magda-drive, 'di bale mag co-commute nalang po ako."

"Kumain ka na muna bago umalis."

"Hindi na po, doon nalang ako kila Cali."

"Sige, mag-ingat ka ha."

"Opo, salamat po."

Nakakapagtaka naman, hindi naman madalas ginagamit ang sasakyan na yun, pero bakit nasira? Wala na akong nagawa kundi mag-commute, hindi naman ako pwedeng magdrive dahil wala pa akong lisensya. Mabuti nalang din at malapit lang halos ang bahay nila Cali sa amin kaya mabilis lang ang byahe papunta sa kanila.

Pagdating ko ay mabilis akong pinapasok ng guard nila, hanggang ngayon ay nalulula ako sa laki ng bahay nila Cali. Talagang mayaman nga sila pero hindi nila ipinagyayabang iyon.

🎵On this day
I promise forever
On this day
I surrendered my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day🎵

Naabutan kong nasa sala si Cali, hawak ang cellphone at kumakanta, naka-headset siya, nakatalikod sa pwesto ko kaya naman nalaman ko na may ka-video call siya, ilang hakbang ang layo at nakita ko na babae ang kausap niya.

Kinakantahan niya ang isang babae.

May kaunting kurot sa puso ko na namuo kahit na hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Kung kaibigan ba o ano. Hindi ko na napansin ang ganda ng boses niya dahil kung ano ano agad ang pumasok sa isip ko.

"Tapos na ha, I love you,"

Muntik ko ng mabitawan ang dala ko nang marinig ko ang sinabi niya.
I love you? Akala ko ay sa akin niya lang sinabi yun, may ibang babae pa pala.

"Andiyan ka na pala Rheiko? Wow, para sa akin ba yan?" hindi na ako nakapalag nang kunin ni Chance ang cake na dala ko.

Dahilan para mapunta ang atensyon sa akin ni Cali, mabilis niyang itinuon ang atensyon sa cellphone at nag-paalam sa kausap.

"I'll call you later, take care okay? bye," ibinaba na niya ang tawag at pumunta sa akin.

"Summer, hindi ka nagsabi na papunta ka na pala," sana nga hindi nalang ako pumunta.

"Ah, akala ko kase busy ka pa sa pag-aayos," busy rin sa ibang bagay.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, nailang ako bigla.

"Tapos na ako magluto, ano? Kain na tayo?" tss, parang wala lang talaga, hindi niya ba alam na narinig ko ang usapan nila?

"Ah, biglang sumama ang pakiramdam ko Cali, uwi nalang muna ako," tumalikod ako sa kanya, dala ang inis na nararamdaman.

"Huh? Wait, Summer, aalis ka na agad? 'Di ba may usapan tayo?" hinila niya ako sa marahan na paraan pero mabilis akong bumitaw.

"Oo nga, pero, mukha kaseng busy ka kaya uwi na muna ako, baka maka-istorbo ako eh."

Tumalikod na muli ako at naglakad pero imbes na pag-pigil ang ginawa niya ay narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.

"Nagseselos ka ba sa kausap ko?" napatigil ako bigla sa sinabi niya at nilingon siya.

"Hindi ah, bakit naman ako magseselos? Porque sinabihan mo siya ng I love you?"

"Wait, wala akong sinabi na nagseselos ka dahil sa I love you, sa'yo mismo nang-galing yan, so nagseselos ka nga?"

Ugh, shit. Nakakahiya.

"Aish," tumalikod ako at napapikit. Bakit ko ba kase nasabi yun?

"That was Lili, siya yung kausap ko," napadilat ako sa narinig at marahang napatingin sa kanya.

"Huh?"

"Si Lili ang kausap ko sabi ko, umalis kase sila nila Daddy, okay na?" naglalaro ang mapang-asar na ngiti sa labi niya, na para bang nahuli niya ako sa bagay na ikatutuwa niya.

Hindi ako nakasagot, bigla ko ring iniwas ang tingin ko. Nahuli niya ako, nahuli niya akong nagseselos ng aktuhan.

"Okay na ba? Hindi ka na ba nagseselos?" Ugh, talagang diniin niya talaga ang salitang selos.

"Hindi naman ako nag-seselos 'no."

"Eh bakit aalis ka agad?"

"Wala, kase ano-"

"Aminin mo na kase, okay lang naman atleast alam kong nagseselos ka."

"Hindi nga sabi."

"Hindi talaga kayo namimili ng lugar para maglandian eh 'no? Nakita niyong kumakain ako sa harap niyo, nakakaumay kaya," Chance, really has the talent of cutting romance excitement.

"Oo nga eh, pero sa cake hindi ka nauumay 'no? Nakalahati mo na yan, magtira ka naman," inagaw ni Cali ang cake kay Chance.

Nagsimula na silang magrambulan dahil sa cake. Nagpasalamat na din ako dahil kahit papaano ay nawala ang atensyon ni Cali sa pagseselos na ginawa ko. Nakakahiya talaga, pati bata ay napagselosan ko, ang epic ng unang pagseselos, tsk.

--

Isang masayang araw na naman ang natapos na kasama ko si Cali, mabuti nalang at inihatid niya ako sa bahay at hindi na ako nagcommute pabalik. Malalim na ang gabi, napag-pasyahan ko na magpahinga, nakasuot na ako nang pantulog at hihiga na lang nang bigla namang may tumawag sa telepono. Tulog na sila Aling Tinay at tanging ako nalang ang gising kaya wala akong nagawa kundi sagutin ito mula sa intercom. Napakunot ang noo ko nang makita ang numero sa maliit na screen, numero iyon ng bahay nila Kade.

"Hello?"

"Hello po? Si Ma'am Rheiko po ba ito?" nagtaka ako sa narinig, mukhang boses iyon ng kasambahay nila.

"Ako nga po."

"Ma'am, pasensya na po sa pang-iistorbo pero wala na po kaming malapitan, pinatawagan po kayo ni Ma'am Audie, nagwawala po kase si Sir Kade, wala pong makapigil sa kanya, wala rin po sa bahay sila Sir Rage, baka po pwedeng matulungan niyo kami."

"Ano ba Kuya! Tumigil ka na nga pwede?"

I overheard the rant of Audie over the phone. Her hoarse voice is a sign that she's squelching Kade in a preceeding hours. I heard a loud bang of a door, glass are crashing and some of house decoration (I think) drop from a height.

"Sige po, pupunta na po ako," nag-alala ako bigla, hindi dahil nagwawala lang si Kade kundi baka pati si Audie ay masaktan niya sa ginagawa niya.

"Naku, maraming salamat po talaga, ingat po kayo Ma'am Rheiko."

Ibinaba ko na ang telepono, kinuha ko lang ang mahaba kong coat at sinuot pang-ibabaw sa manipis kong pang-tulog.

Nang makarating ako sa bahay nila Kade ay nadatnan ko ang magulo nilang bahay. Maraming basag na bagay sa sala, habang si Audie ay nakaupo sa sulok hawak ang sintido niya. Marahil ay nagsawa na kakasaway sa kapatid niya.

Matagal na akong hindi nakapunta rito at ngayon ay ito pa ang dadatnan ko.

"Rheiko, god Rheiko buti naman at dumating ka, please patigilin mo si Kuya, nasa kwarto naman siya ngayon at nagwawala," hindi na ako binigyan ni Audie ng pagkakataon magsalita, hinila niya ako pataas diretso sa kwarto ni Kade.

Kinuha niya ang susi sa bulsa, binuksan niya ang kwarto at pinapasok ako sa loob. Muli niyang sinara ang pinto, para akong ipinain sa leon sa gitna ng kagubatan.

Mas magulong kwarto ang tumambad sa harapan ko, nagkalat ang mga gamit at kung ano ano pa.

"Anong ginagawa mo dito?" napapitlag ako nang marinig ang boses, si Kade, nakaupo pala sa gilid ng kama.

"Ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" lakas ng loob kong sabi.

Narinig ko ang mahinang pag-ngisi niya, tumayo siya at dumiretso ng harap sa akin. Kitang kita parin ang galit at poot sa mga mata niya. Tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa, magulo ang buhok at namamaga ng bahagya ang mata dahil narin siguro sa galit na nadarama.

"Itigil mo na ito Kade, sa tingin mo ba ay may mapapala ka kung magwawala ka ng ganito? Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo, tanggapin mo na, tanggapin mo na na natalo ka sa laban mo," diniinan ko ang bawat salita, walang pakialam kung magalit man siya.

"NO !" nilagabog niya ang pader sa kaliwang bahagi ko, napapikit ako dahil sa nagawa nitong ingay. "I will take back the top spot, I will take back the higher position and I will take back what's mine," ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya.

Dumilat ako at tinitigan siya. "Bakit ba hindi mo kayang tanggapin? Bakit ba hindi mo nalang hayaan ang lahat Kade? Hindi mo madadala sa hukay lahat ng hinahangad mo, makuntento ka kung anong meron ka."

Natigilan siya saglit pero mabilis na nabawi ang reaksyon. "Kapag sinabi kong hindi, hindi. Nagsisimula palang ang lahat Rheiko, humanda sila sa maaring mangyari."

"Ano ba Kade? Tumigil ka na! Hindi naman nila intensiyon ang makipag kompetensiya sa'yo, nandiyan naman sila para tulungan ka, nandiyan naman sila Cali par-"

"Cali, Cali puro nalang Cali!" natigil ako sa pagsasalita nang bigla muli siyang bumulyaw sa harap ko. "Kagit kailan ay hindi na mababalik ang dati Rheiko at lalong humanda si Cali, malapit ng dumating ang masamang panaginip niya," hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero may paniniguro sa boses niya, bigla akong kinabahan.

"Bahala ka sa kung anong gustong gawin mo, kung hindi kita kayang pigilan please lang, huwag mong idamay ang mga tao dito."

Tumalikod na ako at nagtangka ng umalis pero naramdaman ko bigla ang kamay niyang pumigil sa braso ko. Napalingon ako sa kamay niya pagkuwan ay tinignan siya. Mula sa pagiging galit ay biglang lumungkot ang mata niya, nangungusap.

"Wag kang umalis, 'wag mo muna akong iwan Rheiko," nasa boses niya ang pangungulila at may kung anong sakit ang tumama sa puso ko.

Ayaw ko na makita siyang nahihirapan pero kung pati sarili niya ay papahirapan niya ay wala na akong magagawa roon.

"Don't leave me, you're the only one I've got, so please, stay just for a while," wala akong nagawa kundi pagbigyan siya.

Wala na siyang malalapitan, tinalikuran na siya ng buong mundo, tinalikuran ng mga taong tanging nagmamahal sa kanya. Tama siya, ako nalang ang natira para masamahan siya.

Hindi mawawala ang pag-aalala na mayroon ako para kay Kade pero habang tinitignan ko siya, hindi ko na kayang itanggi pa, mas mahal ko na si Cali kesa sa kanya.

Sinamahan ko siya, niligpit ang mga kalat na gawa niya, hinintay na makatulog siya at makapahinga ang diwa niya.

--

Nagulat nalang ako nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa bintana. Napabalikwas ako ng bangon, nakahiga ako sa kama, kama ni Kade at ngayon ay katabi ko siyang natutulog.

Damn it.

Nakatulog na pala ako kagabi nang hindi ko namalayan. Mabilis akong kumilos, nag-ayos ng kaunti ng sarili pero mabilis ring bumangon si Kade sa tabi ko.

"Kumain ka muna bago ka umalis," salita niya.

"Hindi na, aalis na ako baka hinahanap na rin ako sa bahay."

"Tinawagan ko sila kagabi na nandito ka, you don't need to worry."

Ang akala ko ay ako ang nagbantay sa kanya, siya pala ang nagbantay sa akin.

"Salamat, pero aalis na talaga ako."

"Hahatid nalang kita."

Hindi na ako nagsalita dahil mas nauna pa siyang lumabas. Hindi ko na nakita si Audie, malamang ay tulog pa siya, napuyat rin siya kagabi sa ginawa ng Kuya niya. Paglabas ko ay malinis na ang sala, wala na ang gulong idinulot ni Kade.

Dumiretso na kami sa labas pero nagulat ako ng madatnan ko si Cali sa labas ng bahay nila, naka-abang habang nakasandal sa kotse. Mabilis kong nayakap ang sarili ko nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa, suot parin ang pangtulog ko, baka kunga anong isipin ni Cali, wala naman akong ginawang masama, kundi ang matulog lang sa tabi ni Kade.

"Ah Cali-"

"Get in," mabilis niyang sabi at binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Wala ako-"

"Summer, get in."

Ngayon ko lang nakitang seryoso si Cali, kaya naman wala na akong nagawa kundi sumakay sa sasakyan niya. Hindi na ako nakapag-paalam kay Kade o kahit tignan man lang siya.

Hindi narin nagtagal at sumakay na si Cali sa sasakyan. Tahimik siyang nagmaneho kaya naman kinuha ko ang pagkakataon para magpaliwanag.

"Ahm, Cali, wala kaming ginawang masama ni Ka-"

"I know, tinawagan ako ni Audie, sinabi niya sa akin na pinapunta ka niya sa kanila para patigilin si Kade."

"Bakit ka niya tinawagan?"

"Bilin ko kay Audie na tawagan ako lagi at ipaalam sa akin kung ano man ang nangyayari sa inyo ni Kade."

Ginawa niya pa talagang spy si Audie. "Sorry, hindi ko naman sinasadya na makatulog doon."

"It's okay, as long na wala kang ginawang masama, pero sana huli na ito Summer," hindi ko maintindihan, hindi pa kami ni Cali pero umaakto siya na parang kami na.

"Huh?"

"Sana ay huli na, sana ay hindi na maulit, nagseselos ako Summer, ayoko ng may kaagaw, alam kong may pinagsamahan kayo ng matagal ni Kade pero hindi ako papayag na humarang 'yun sa relasyon na gusto kong buuin, dahil kung mangyari man, makakapanakit ako, tandaan mo yan."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
312K 9.7K 43
Sa isang Cosplay event sa Greenbelt, isang babae ang inabutan ng isang sanggol na may kasamang isang bag ng salapi ng isang maliit na taong naka-cost...
50.7K 540 97
this is all about exo's lyrics if you want KOREAN, ENGLISH, CHINESE version. i have them :) [CLOSE] Date Started: October 15, 2016 Date Finished:...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...