I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

276K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 7

9.2K 155 2
By Eccedentisiann

Kumurap kurap ako dahil nakasakay ulit ako sa sasakyan ni Mateo. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa likod ng school.

'Erase!' umakto pa ako na parang may binubura sa hangin.

"What are you doing?" napatigil ako at ibinaba ang kamay.

Tumikhim ako dahil ayaw ko ng maalala pa iyon.

"Tulad ng tanong ko kanina paano mo nalaman na andoon ako?" pang iiba ko ng usapan.

"Tita told me," maikli niyang sagot.

Si Mommy? Nakakahiya! Bakit naman ako papasunduin ni Mommy kung pwede naman ako magtaxi. Hindi na ako muling nagsalita pa at nanahimik nalang.

Biglang sumagi sa isip ko ang Jacob na 'yon na tila galit na galit kay Mateo sa tuwing magkikita silang dalawa. Magkaano ano ba sila? At bakit gano'n silang dalawa na makaasta na akala mo pasan ang mundo dahil sa galit.

Napatigil ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang saglit na paglingon ni Mateo bago binalik sa daan ang tingin.

"Mommy," sagot ko sa tawag.

"Kasama mo ba si Mateo?"

"Opo," mahina kung sambit at lumingon sa labas ng bintana.

"Nakakahiya na pasunduin kita sa kan'ya, sinabi ko naman na kahit huwag na at baka may gawin pa siya kaso nagpumilit na ihatid ka nalang pauwi."

Gulat akong napalingon kay Mateo at agad nag iwas ng tingin ng tumingin din siya sa akin pabalik.

Sinasabi ko na nga ba, kilala ko si Mommy nahihiya 'yon na mag utos ng iba. Anong naman ang rason kung bakit siya pupunta ng bahay?

At ano ulit nagpumilit siya na sunduin ako? Wow! Biglang nalang talaga nag iba ang ihip ng hangin. Kakaiba na talaga ang kilos niya mukhang may ibang balak.

"Anak? Andyan ka pa ba?"

Napakurap kurap ako at muling inilagay ang cellphone sa aking tenga.

"O..opo. Sige po Mommy, ibaba ko na po ito," nasabi ko na lamang.

"Oh siya sige. Mag iingat kayong dalawa at nagluluto ako para dito na rin siya kumain ng tanghalian."

"What? Momm--" hindi ako napatapos ng binaba ni Mommy ang tawag.

Hindi pwede!

Ayaw ko siyang makasabay kumain dahil ayaw maalis sa isipan ko ang nangyari sa school. At gusto ko rin na kalimutan iyon at ayaw kung mag usap kaming dalawa sa dahil doon.

"Ibaba mo nalang ako diyan sa gilid," sabi ko ng makitang malapit na kami sa bahay.

"I heard it. Doon ako kakain sa bahay niyo," nanlaki ang mata ko.

"Ang lakas naman ng panrinig mo at narinig mo pa 'yong usapan namin ni Mommy! Mayaman ka naman sa labas ka na kumain."

"I'm hungry, Samantha."

"Walang lasa ang luto ni Mommy," rason ko, "Kaya dito ka nalang at wag ka ng tumuloy." nang makitang nasa tapat na kami ng bahay.

Hindi niya ako pinansin at lumabas na siya. Lumabas na rin ako at kinuha niya lahat ng plastic at dinala ito.

"Ako na," sabi ko at kinukuha ang dala niya.

Iniwas niya lang ito at dumiretso na sa loob.

"Mateo!" inis na sabi ko at pumasok na rin.

"Pasensya na sa abala Mateo salamat sa pagsundo sa kan'ya," rinig kung sabi ni Mommy ng makapasok ako.

"Dito ka nalang kumain at nagluto ako para sa inyo ni Samantha," umikot ang tingin ko ng tumingin sa akin si Mateo.

"Mamaya nalang po ako kakain Mommy busog pa po ako," diretso ang lakad paakyat.

Kumain siya mag isa niya.

Nilock ko ang pinto at binaba ang zipper ng damit ko sa harapan at humiga na sa kama. Pero agad napabangon at kinuha ang laptop sa ibabaw ng side table.

Napakagat ako ng labi at pinipigilan ang kamay ko na buksan ang facebook account ko dahil sa pagkakuryoso kay Mateo, kung gaano nga ba siya kasikat at kung ano ano pa.

Ano bang paki ko sa lalaking 'yon. Magkaibigan ba kami? Hindi naman diba?

Napapikit ako dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinearch ang pangalan niya. Bumungad sa akin ang napakaraming pictures niya habang nakasakay at nakasandal sa iba't ibang sasakyan niya.

Ilang sasakyan ang meron siya?

Sobrang sikat niya talaga at ako lang ata ang walang paki sa kasikatan niya.

Ang daming dummy accounts at fan page niya, buti nalang ay nakita ko din ang totoong facebook account niya kakabrowse ko.

Napanguso ako dahil wala akong makita ni isang post niya.

Hindi ba siya mahilig magfacebook? Tanging profile picture lamang ang meron siya kung saan nakasandal ito sa dingding at diretso ang tingin sa camera. Magkasulubong pa ang makapal na kilay nito.

Facebook niya ba talaga ito?

Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakakatitig sa picture niya.

Umiling iling ako at agad binack ito ng biglang may isang post sa isang dummy accounts niya na pumukaw sa atensyon ko.

Isa itong picture kung saan halatang halata na si Jacob at Mateo ang nasa post na ito kahit may pagkabata ito sa picture.

Magkaibigan sila dati?

Pinagmasdan kung mabuti ang picture na ito kung saan parehas silang nakasakay sa sasakyan.Sinunod kung tinignan ang comments at totoo nga ang hinala ko, magkaibigan sila dati pero bakit nung nagkita sila kanina ay parang silang magka away kung mag usap?

Napatigil ang pagbabasa ko dahil sa isang comments  na kung saan pumukaw ng atensyon ko.

'Miss na miss ko na kayong dalawa sana ay magkaayos na kayo. Nakakamiss na panoorin kayo sa racing. Sa babaeng kaibigan niyo sana makarma siya! Ang sakit pinaasa si Jacob tapos si Mateo pala ang gusto. Go to hell! dahil sa'yo hindi na sumasali sa racing si Jacob.'

Basa ko sa mahabang comment na iyon. Napakunot noo ako, anong ibig sabihin nito?Nasira ang pagkakaibigan nila Mateo at Jacob dahil sa isang babae?

Nagbabasa basa pa ako ng ibang comments at puro babaeng iyon ang tinutukoy nila kung bakit nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa, walang may alam kung sino ba ang babaeng iyon at hanggang ngayon ay walang nakakaalam.

Kung ang babaeng iyon ay may gusto kay Mateo, gano'n ba rin si Mateo sa kan'ya? Naging sila ba?Imposibleng hindi mahuhulog si Mateo sa kan'ya, si Jacob nga nagkagusto sa kan'ya siya pa kaya?

Pumikit ako ng mariin dahil sa kung ano anong naiisip ko. Sinarado ko na ang laptop at binalik ito sa side table.

Napawahak ako sa aking dibdib ng maramdamang malakas ang tibok ng puso ko. Ano bang paki ko sa kaniya?! Ginulo ko ang aking buhok at pati ako ay para bang naistress sa babaeng iyon.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito paniguradong si Mommy ito.

"Mamaya na po ako kakain Mommy," sigaw ko.

Pero ulit na kumatok si Mommy, hindi ba ako narinig ni Mommy? Samantalang dati na kahit mahina ang boses ko ay naririnig niya ako. Binuksan ko na ang pinto at gulat ng makita si Mateo.

"Anong ginagawa mo rito?" inis na sabi ko.

Tinaasan niya ako nang kilay at tinignan pababa at agad nag iwas ng tingin at napamura, napakunot noo ako at sinundan ang tingin niya. Agad nanlaki ang mata ko ng makita na lantad ang dibdib ko.

Walang sabi sabing isinarado ang pinto at muling napatingin sa dibdib ko. Litaw ang itim kung bra, sinapo ko ang aking noo dahil ngayon ko lang naalala na binaba ko ang zipper ng damit ko kanina.

Oh gosh! Nakita niyang gano'n ang itsura ko kanina?! Muli kung ginulo ang aking buhok pero agad napatigil ng marinig ko ang boses niya.

"Don't worry, I didn't see anything."

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 132 36
La Isla Prinsesa Series #2 Started Date: May 27, 2022 Ended Date: -
17.2K 675 65
Magkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalip...
584K 9.5K 56
Wattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so...
3.1K 289 38
Naranasan mo na bang, yung feeling na may nakatingin sayo. Ako. Ngayon lang. At ang nakakagulat. Ang ganda niya. Isa siyang gwapong maganda. Sino lan...