I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

276K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 6

10.2K 153 1
By Eccedentisiann

Hawak hawak ni Mateo ang siko ko at pilit na pinapaalis doon. Hindi niya pinansin si Jacob sa sinabi niya basta ay bigla niya nalang ako kinalakadkad paalis.

"Bitawan mo nga ako. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kasama!" sambit ko.

"You're so hard headed!" pagtitimpi niya at pinara ang taxi na saktong may binaba rin.

Pilit kung tinatanggal ang kamay niya pero mas lalo lamang ito humihigpit.

I'm sorry Tita, napakatigas talaga ng ulo niya.

"Ano ba nasasaktan ako!"

Nang pilit niya akong pinapasok sa loob ng sasakyan, doon lamang niya ako binitawan at agarang sinarado ang pinto.

"Take her home," binuksan niya ang pinto sa front seat at may inabot na bayad kay Manong at may ibinulong pa ito.

"Mateo!" sigaw ko ng sinarado niya na ang pinto at sinenyasan si Manong na paandarin na ang sasakyan.

"Manong itigil niyo po itong sasakyan."

"Pasensya na Ma'am pero kailangan niyo raw umuwi," napasapo ako sa aking noo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sasabihin ko ba ito kay Tita o hindi? Napapikit ako sa inis dahil sa dami ng nangyari sa araw na ito.

Tinuro ko na lamang ang daan pauwi at sinandal ang ulo sa bintana.

"Salamat po Manong," pagod kung sabi ng makarating sa bahay.

Agad akong humiga sa aking kama at kalaunan ay agad ding dinalaw ng antok. Nagising na lamang ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

"I'm sorry anak, nagising ba kita?"

Halos pikit pa ang mata ko ng tumingin kay Mommy na binubuksan lahat ng bintana.

Anong oras na ba?

"Hindi naman po," ani ko sa maliit na boses.

"Mukhang puyat ka, nanood ka ba kagabi?"

Doon lamang ako tuluyang napamulat at naalalang muli ang nangyari kagabi. Umiling na lamang ako at tumayo na.

"Kumain na tayo anak."

"Opo, ligo lang po ako."

Para naman gumising ang diwa ko, hindi ko alam kung anong oras na ako nakauwi kagabi. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at kitang kita dito ang malaking eyebags. Napahinga ako ng malalim at bumaba na dahil sa gutom.

Umupo na ako at sumandok ng kanin.

"Siya nga pala may dumating na package sa'yo galing kay Tita Belle mo," nanlaki ang mata ko.

Package?

Agara akong pumunta ng sala at doon ko nga nakita ang package.

Iyong bag!

"Kumain ka muna anak, mamaya na 'yan," rinig kung sabi ni Mommy.

"Saglit lang po," sigaw ko at dali daling umakyat sa taas dala ang package.

Kinuha ko ang gunting upang buksan ang kahon at tumambad sa akin ang hermes na bag. Impit akong napasigaw dahil binigay talaga ito ni Tita. Binuksan ko ang loob nito at nakita ang maliit na papel dito.

Hi samantha, Hope you like it.

-Tita Belle

Agad kung itinext si Tita at nagpasalamat sa bigay niya at kinagat ang  ibabang labi at binura ang susunod na text sakanila, napagdesisyunan ko nalang na 'wag munang sabihin kay Tita na sumali si Mateo sa racing para hindi siya mag alala.

This time na kapag nalaman ko ulit na sumali siya sa racing ay gagawin ko ang lahat para mapatigil siya.

Inilagay ko ang bag sa tabi ng mga collections ko pang iba at muling bumaba. Ngiti ngiti ako ng umupo sa mesa na dahilan ng pagtanong ni Mommy.

"Ano ulit 'yang binigay sa'yo ng Tita Belle mo?"

"Bag po."

"Again? Ang dami mo ng bag diyan, Samantha"

"Mommy, alam mo naman na mahilig ako sa mga magcollections ng bags."

"Ikaw talagang bata ka!" ani na lamang ni Mommy at napailing iling.

Natawa na lamang ako at nang matapos kumain ay tinulungan ko si Mommy na maglinis ng buong bahay. Wala rin si Manong Nald ngayon dahil day off nila. Wala rin kaming kasambahay dahil mas gusto ni Mommy na siya ang maglinis at magluto para sa akin.

"Ano yan my?" tanong ko at ngumuso sa sinusulat nila sa papel.

"Grocery ubos na kasi yung laman ng ref natin."

"Ako nalang po my wala naman po akong gagawin," sabi ko at lumapit sa kanila upang tignan ang nakasulat doon.

"Ako nalang anak, gumawa ka nalang ng mga assignments mo."

"Tapos na po, ako nalang my."

"Sigurado ka anak?" tumango tango ako.

"Oh siya sige," Inabot na sa akin ni Mommy ang listahan at binigay sa akin ang pera pang grocery.

Nagtaxi nalang ako sa kalapit na mall at buti nalang ay kukunti lamang ang tao. Inuna kung kunin ay ang mga gulay at karne at sinunod ang mga ibang condiments.

Papunta na sana ako ng counter ng maalala kung naubusan nga pala ako ng sanitary napkin. Itinabi ko ang cart at kumuha ng tatlong balot nito at tissue narin ng napatingin ako sa lalaki na katabi ko at parang inis na inis na sa kaniyang kausap sa cellphone.

"What kind of sanitary?" humina ang boses nito pero umabot pa sa pandinig ko.

Hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya dahil naka cap siya at napatingin din ako sa ibang mamimili na napapatingin sa kaniya.

Syempre akalain mo na lalaki tapos nasa section ng napkins?

"With wings? What's that? Fvck!"

Kaagad kung tinakpan ang aking bibig para pigilan tumawa at napagpasyahan kung lapitan siya at kinuha ang isang balot ng sanitary napkin na may wings at inabot sa kan'ya.

Para siguro ito sa girlfriend niya.

"Here, pansin ko lang na nahihirapan kang pumili."

Sa pag angat ko ng tingin ay doon ko lamang nakita ang mukha niya.

"Ikaw!?" wala sa sarili kung sabi.

Yung lalaking muntik ng makabangga sa akin ay andito sa harap ko ngayon. Kahit nacap siya ay kitang kita ang pagkunot noo niya. Mukhang iniisip kung sino ako.

Kagabi lang 'yon pero di ako mamukhaan.

"Ako lang naman ang babaeng muntik mo ng mabangga kagabi!" galit kung sabi at tinapon sa kaniya ang napkin.

Napamura siya ng sinipa ko din ang tuhod niya. Lintek lang ang walang ganti.

Agad kung ginuyod ang cart paalis doon at pumunta na sa counter. Habang nakapila ay may bigla nalang nagtapon ng napkin sa cart ko at ng tinignan ko iyon ay walanghiyang Jacob na 'yon.

Kinuha ko ito at binalik sa kaniya. "Pumila ka sa likod!"

"I'm gonna pay for it," aniya at nilapag muli ito sa cart ko kasama ang isang libo.

"Hintayin kita sa labas."

At iniwan akong nakatanga rito.

Sinundan siya ng tingin ng ibang nakapila rin sa counter.

Anong akala niya close kami? Para gano'n ang asta niya sa akin. Matapos niya akong muntik banggain tapos ganito ang gagawin niya!

Kinuha ko ang pera niya at inuna kung pinaplastic ang sa kaniya bago sa akin.

"Thank you Ma'am," ngumiti sa akin ang babae saka inabot ang sukli.

Tinulak ko na ang cart papalabas at agad ko rin nakita ang lalaking 'yon na nakasandal sa gilid. Napairap ako ng makita muli ang mga babae na pasimple siyang kinukuhanan ng picture.

Paano ba naman sa simpleng pagsandal nito ay para siyang modelo.

"Ang guwapo niya. Artista ba siya?" rinig kung sabi ng babaeng dumaan sa harap ko.

Lumapit na ako sa kan'ya.

"Oh!" Inabot ko ang plastic at ang pera niya.

Nagtaka siyang nakatingin sa akin ng makita ang pera niyang buo pa ang bigay ko.

"Ako na ang nagbayad," masungit kung sabi at iniwan na siya.

Habang nagpapara ng taxi ay may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko. Napakunot noo ako at pinagmasdan ang sasakyang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng kaba. Aatras sana ako patalikod nang laglag ang panga ko ng bumaba ang binata nito at nakita ko ang lalaking dahilan kung bakit minalas ang araw ko kahapon.

Si Mateo.. Paano niya nalaman na nandito ako?

"Get in."

"At bakit ako sasakay? Saka pano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko.

"Pwedeng pumasok ka muna?"

Bakit ang sungit ng lalaking 'to. Inaano ko siya?

Bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan ng may humarang dito.

"Take this," gulat akong napatingin sa lalaking nakahawak ngayon sa pinto para pigilan ako sa pagpasok at nakitang si Jacob ito.

Napatingin ako doon at nakita muli ang pera niya. "I don't want other people pay for it. "

"Bayad na, kaya itago mo na 'yan," sabi ko.

"Samantha," sabay kaming napabaling kay Mateo ng lumabas siya.

"Oh right! I see. Picking up your girlfriend?" kita kung muli ang pagkasulubong ng kilay ni Mateo habang nakatitig kay Jacob.

"Hindi niya ako girlfriend!" inis na sabi ko.

"Really? That's new!" sarkastikong sambit pa nito.

Ano bang meron sa kanilang dalawa at ganito umasta ang lalaking ito.

Lumapit si Mateo sa akin at kinuha ang pinamili ko at ipinasok sa loob.

Matapos ay humarap ito kay Jacob. "I don't want to waste my time talking to you, so you may now leave us," he said darkly.

Napalunok ako at dahil sa naramdamang tensyon pagitan sakanilang dalawa.

Binuksan ni Mateo ang pinto sa front seat at tinitigan ako para sabihing pumasok na. Agad din akong sumunod dahil sa nakakatakot niyang tingin.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
4.6K 422 33
Shaniah Kaye Javier, a girl who achieved her dream to be a doctor and at the same time continue her grandfather's legacy of being a military officer...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...