I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

277K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 1

16.1K 209 1
By Eccedentisiann

Flashback

10 years ago

---

Sumilay ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nakakasalubungan ko.

"Samantha!" lumingon ako sa taong tumawag sa akin at nakitang si Klea iyon na dali daling tumakbo papalapit sa akin.

"I missed you," aniya nang makalapit.

Halos dalawang buwan din kaming hindi nagkita dahil nagbakasyon ito sa Canada.

"I missed you more," ngiting sabi ko at sabay kaming naglakad papunta sa unang klase.

Ngayong araw ang umpisa ng aming klase and we are both in third year college. Pagkarating namin sa classroom ay agad naming nakita si Angel na bantay sarado ang mga upuan na nireserba para sa amin.

Klea and Angel are my bestfriend, my sister and my family.

"Angel!" sabay naming sabi ni Klea at agad umupo, bale ako ang nasa gitna nilang dalawa.

"I missed you guys! Parang isang taon tayong hindi nagkita," Angel said.

Lumawak ang ngiti ko at magsasalita sana ako nang sabay sabay kaming napalingon sa labas ng may nagsisitakbuhan na mga estudyante.

"Anong meron?" tumayo si Angel at sinundan ng tingin ang mga ito.

"GUYS! GUYS!"

Mula sa bintana ay sabay sabay kaming napatingin sa labas ng pinto, kilala ko ang lalaking ito, isa sa mga kaklase ko noong first year college.

Hingal na hingal siya habang inilibot ang tingin sa aming lahat. "Dito raw mag aaral si Mateo!" sigaw niya.

Mateo? Hindi ko alam pero agad akong kinabahan sa pangalan na iyon at kapangalan niya rin ang anak ni Tita Belle. Napatingin ako sa mga babae kung kaklase na nagsitilian.

"At ito pa! Kaklase rin natin siya!"

Mas lalong lumakas ang kanilang tilian. Napakunot noo ako.

"Totoo ba 'yan? Si Mateo dito mag aaral?" tanong ng isa.

"Oo nga! Papunta na nga raw siya rito."

Napanganga ako ng biglang nagsiayusan sila ng buhok at nagsilabasan ang kanilang make up.

Sino ba 'yang Mateo na 'yan?

"Klea sino si Mateo?" lumingon ako sa kan'ya at napansin kung nanlalaki ang mga mata nito at hindi makatingin sa akin.

"No freaking way Samantha, hindi mo kilala si Mateo?" si Angel ang sumagot.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko?"

Napaismid siya sa sarkastikong sagot ko.

"Mateo is a famous car racer."

"So?" dagdag ko.

"My gosh Samantha! Hindi ka man lang nagulat na  dito mag aaral si Mateo? Famous drag racer, guwapo, mayaman. All package kumbaga!" hindi magkaundagang sabi niya.

Umirap ako dahil hindi naman ako interesado.

"Klea 'wag mong sabihin na hindi mo kilala si Mateo?"

Napasulyap ako kay Klea. "I know about him," maiksing sagot niya at agad nag iwas ng tingin.

Gulat kaming napatingin sa labas ng lumakas ang sigawan.

"Andyan na ba si Mateo?" bulungan nila at sumilip pa sa bintana ang iba.

"Mateo!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng hiyawan nila. Nang iminulat ko na ang aking mga mata ay biglang nawala ang hiyawan at ako naman ag napatingin sa pintuan. Nakita ang lalaking pinagsisigawan nila.

Wearing a botton up black shirt and black pants that is perfectly fit on him. Napatingin ako sa kanang tenga niya at tila sumisigaw sa kinang ang piercing nito.

Biglang nagtama ang mata naming dalawa o sadyang nag aassume lang ako dahil katabi ko si Angel at Klea. Tama! hindi ako ang tinitigan niya.

Inilibot ko ang tingin ko at nakitang lahat sila ay nakatitig kay Mateo at pinipigilan ang kilig. Biglang akong napa-aray dahil sa hampas ni Angel at titig na titig rin sa lalaking ito.

"Gosh! Ang guwapo niya talaga!" mahinang bulong niya.

Napairap ako, lahat naman guwapo sa paningin niya.

"Go back to your classroom now!"

Muli akong bumaling sa pinto at nakita ang Prof namin na sinamaan ng tingin ang mga taong nasa labas ng bintana.

Umupo na ako ng maayos at ipinukos ang tingin sa harapan. Nagsialisan na ang mga estudyanteng nasa labas at umupo na rin ng maayos ang iba nang pumunta na sa harap ang prof namin.

"Good morning class," sabi ni Prof, sabay baling kay Mateo na hindi pa rin umaalis sa kaniyang kinatatayuan.

"You can find your seat Mateo."

Napakurap kurap ako nang mag iba ang boses ni Prof at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin na parang kinikilig din sila.

Nakapamulsang naghanap ng upuan si Mateo at muling magtama ang tingin naming dalawa nang dumaan siya sa gilid ko at naamoy ko kaagad ang pabango niya. Rinig ko ang impit na kilig nila ng umupo sa likod ko si Mateo.

Ipinukos ko na lamang ang tingin ko sa harapan at hindi na sila pinansin. Mabilis lumipas ang oras at natapos din ang unang araw ng klase na puro pagpapakilala lang naman ang ginawa namin.

Tumayo na ako habang inaayos ang nakaban kung buhok dahil nag loose ang ipit nito.

"Susun--" hindi ako napatapos sa aking sasabihin ng mapatingin sa likudan ko dahil sa biglaang pagtayo ni Mateo na lumikha nang malakas na ingay.

Muli kaming nagkatitigan at hindi ko alam pero galit ang titig nito sa akin. Anong problema ng lalaking 'yon at gano'n makakatitig sa akin. Umirap ako at ginuyod sila Klea at Angel na naghihintay sa akin sa labas ng pinto. Nabaling ang tingin ko kay Klea ng hindi ito natinag sa pagguyod ko.

"Klea," ani ko at tumingin sa tinitignan niya at nakitang nakatitig siya kay Mateo.

Don't tell me na may gusto si Klea sa lalaking iyon? I know her wala siyang pakialam sa ibang lalaki dahil may iba siyang gusto na nasa Canada, which is her bestfriend.

"Hindi pala ako makakasabay sa inyo sa pag uwi may gagawin pa kasi ako," aniya nang hindi makatingin sa amin.

"Anong gagawin mo? Samahan ka nalang namin."

Hinila ko si Angel dahil nakaharang ito sa pinto ng makita sa gilid ng mata ko na papalabas na si Mateo.

Kinagat ko ang labi ko ng tuluyan na itong nakadaan sa harap namin. Hindi ko mawari pero sa titig niya ay parang kilala niya ako. Napatitig ako sa likod niya at sa mga babaeng pasimpleng sumusunod sa kaniya.

"Anong gamit niyang pabango? Grabe sobrang bango, halatang pabangong mayaman," sinamaan ko nang tingin si Angel dahil sa muling paghampas niya sa akin.

"Opss sorry," peke siyang ngumiti at tumingin kay Klea.

"Ano pala ulit 'yong gagawin mo?"

"Mauna na kayong umuwi may gagawin pa kasi ako na inutos ni Mommy sa akin."

Tumango tango ako. "Gano'n ba, sige mauuna na kami. Mag iingat ka," ngiti ko at hinila na si Angel.

"Mag iingat din kayo," ngumiti siya pabalik kaya kumaway na kaming dalawa.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na dito mag aaral si Mateo," aniya habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Mukhang kilalang kilala mo siya ah."

"Of course. Hindi ko rin talaga siya kilala dati tapos sinama ako ng pinsan ko sa isang event na hindi ko alam na racing pala yung pupuntahan namin at doon ko siya nakilalala. Ang guwapo niya talaga," kilig niyang sabi.

"Ligawan mo kaya diyan ka naman magaling."

"Kung puwede lang kahit babae ako, ako na ang manliligaw sa kan'ya kaso baka rejected agad sa daming babaeng nagkakagusto sa kan'ya."

Natawa ako at napailing iling sa kan'ya at saktong nakita ko na si Manong Nald sa parking lot.

"Andyan na si Manong Nald, mauuna na rin ako," sabi ko at humarap sa kan'ya.

Tumango siya at kumaway na rin. Dumiretso na ako kay Manong Nald na pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you Manong, kanina pa bo kayo?"

"Hindi naman Samantha kakarating ko lang," sagot nila at umikot papuntang driver seat.

Pinaandar na ang sasakyan kaya napatingin na ako sa bintana tulad ng nakagawian.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagtaka dahil sa bagong nakaparadang sasakyan.

May bisita?

Dali dali akong bumaba at bumungad sa akin ang tawanan nila Mommy.

"Baka pauwi na rin 'yon," rinig kung sambit ni Mommy.

"Mommy," ani ko at gulat nang makita si Tita Belle sa tabi nila.

"Oh speaking!" tumayo si Mommy kaya agad akong tumakbo papasok at nagmano sa kanila bago kay Tita Belle na nag aabang ng yakap ko.

"Tita belle!" sigaw ko.

Dati ay sa skype lang kami nag uusap ngayon ay nasa harapan ko na sila. Si Tita Belle ay matalik na kaibigan ni Mommy.

"Surprise!" Tita Belle said at hinarap ako.

"Kailan po kayo dumating?"

"Kahapon lang Samantha. Ang laki laki mo na at napakaganda pa," napayuko ako dahil nahiya sa sinabi ni Tita.

"Sinabi mo pa," sunod naman ni Mommy at nagpaalam saglit dahil may kukunin daw sila sa kusina.

"May manliligaw na ba?"

Agad akong umiling iling. "Tita wala po."

"Tama 'yan at magpokus ka sa pag aaral mo," pangaral nila kaya tumango tango ako at naalalang hindi pa ako nakakapagbihis at medyo pawisan na rin ako.

"Tita bihis lang po ako saglit," sabi ko na tinanguhan nila.

Dali dali akong umakyat papuntang kuwarto at tinignan ang repleksyon sa salamin. Pawisan pa ang aking noo.

Napangiwi ako dahil ganito ako humarap sa kanila, pumasok na ako ng banyo at agad naligo.

Matapos ay nagsuot na lamang ako ng loose shirt at shorts.

Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito, Kinuha ko ito at nakitang si Angel ang nagtext. Bumaba na ako habang nasa cellphone ang tingin.

Angel:
Samantha hindi ako makakapasok bukas medyo hindi maayos kasi ang pakiramdam ko.

Agad akong nagtype ng reply sa kan'ya. Medyo maayos naman siya kanina ah. Napairap na lamang ako dahil alam ko na ang ganitong style niya, tinatamad na naman pumasok dahil unang araw palang naman ng klase.

Ako:
Okay.

Maikling reply ko at matapos kung i-send 'yon ay nanlaki ang mata ko nang makita si Mateo na nakaupo sa sofa.

Anong ginagawa niya rito?

"Ahh!" sigaw ko nang hindi ko nakita ang susunod na hagdan.

Naglikha ito ng malakas na kalabog, napapikit ako at ininda ang sakit sa aking balakang.

"Anong nangyari?" rinig kung sabi ni Mommy.

Dahan dahan kung iminulat ang aking mata at agad akong nahiya dahil silang tatlo ay nakatingin sa akin.

Pilit akong ngumiti at gustong lamunin nalang sa pinagbagsakan ko ngayon.

"Are you okay Samantha?" tinulungan nila akong tumayo.

"O..po."

Napatingin ako kay Mateo na nakamasid lang sa amin.

Anong ginagawa niya dito? Paanong nalaman niya ang bahay namin? Paano??

"Anak anong nangyari ba't nahulog si Samantha?" tanong ni Tita Belle habang nakatingin sa kan'ya.

Anak?

Laglag ang panga ko at napatitig pabalik balik kay Tita Belle at kay Mateo, ngayon ko lang napansin na magkahawig nga sila. Sinapo ko ang aking noo ba't hindi ko man lang iyon naisip. Akala ko ay parehas lamang sila ng pangalan, iyon pala ay siya iyon.

Sa tingin ko ay isang beses ko pa lang siya nakita noong bata pa kami na kung saan medyo malabo na sa akin kung ano ulit ang itsura niya. Makakalimutin kasi ako noong bata, nakalimutan ko na talaga ang pinaggagawa ko noon. Ewan ko ba pero mukhang namana ko kay Mommy ang pagkakalimutin.

At mula noon ay hindi ko na siya ulit nakita dahil nagmigrate na sila sa Canada. Sa tuwing navivideo call naman kami ni Tita ay hindi siya nagpapakita dahil nahihiya daw siya.

Talagang lang.

Muli akong napatingin sa kan'ya at nakatitig pa rin siya sa akin. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kahihiyan. Bigla din akong napaisip na wala man lang binaggit sa akin si Tita drag racer pala ang anak nila.

"Mateo.. I am talking to you, what happened to her?" ulit ni Tita Belle kaya bago pa man siya makasagot  ay agad ko ng inunahan.

"Hindi ko po napansin 'yong susunod na hagdan Tita kaya nahulog po ako," sagot ko kaya napabaling sila sa akin.

"Gano'n ba naku sa susunod mag iingat ka," ngumiti ako at napairap kay Mateo na hindi pa rin tinatanggal ang tingin.

"So, let's eat baka lumamig na 'yong pagkain," inalalayan ako ni Mommy papuntang lamesa.

Bale katabi ko si Mateo at magkatabi din sila Mommy sa harapan. Halos hindi ako makakain ng maayos. Siguro pag nalaman ito ni Angel baka magulat nalang ako na nasa labas na siya agad ng bahay.

Binasag ni Tita ang kanina pang katahimikan habang kumakain nang may inabot sila sa akin na paperbag.

"For you Samantha," tinuro ko ang aking sarili, hindi ko naman birthday ah.

"Ano po ito Tita?" hiya kung inabot ang paperbag.

"Open it."

"Tsk!" mahinang sambit ni Mateo, hindi ko na lamang siya pinansin at binuksan ang paperbag.

Napanganga ako ng makita ang gustong gusto kung bag na prada.

"A simple gift for you Samatha, wala kasi akong anak na babae alam mo na," tumawa si Tita at napailing naman si Mommy habang nakangiti.

"Thank you Tita," tumayo ako at yinakap siya.

Muli kung inirapan si Mateo dahil sa sama nang tingin nito sa akin. Tusukin ko kaya mata mo kanina pa ah! Guwapo nga mukhang pangit naman ng ugali. Pasalamat ka dahil anak ka ni Tita!

"Oh by the way, anak magkaklase ba kayo ni Mateo?" tanong ni Mommy pagkaupo ko.

Dahan dahan akong tumango kay Mommy at itinabi ang paperbag.

"Then that's good. Mateo are you still joining in drag racing?" nagtatakang tanong Mommy.

Napatingin si Mateo kay Tita bago sumagot kay Mommy.

"Yes tita," maikling sagot ni Mateo.

Napatigil sa pagsubo si Tita at gulat na napatingin kay Mateo. "What? Akala ko ba tumigil ka na?! Papatayin mo ba ako sa pag aalala Mateo? 'Di ba sinabi ko na sa'yo na tumigil ka na diyan!"

Napatigil rin ako sa pagsubo at napatingin kay Tita na tila galit ito dahil sa sagot niya.

"Mom don't worry about me. I'm fine okay," kaninang masungit na boses ay biglang nanlambot.

Kita ko ang paghawak sa noo ni Tita at kinalma ang sarili. Napatingin din ako kay Mateo na biglang umiwas ng tingin. Mukhang ayaw pag usapan ang pagsali niya.

"Sa susunod na linggo ay aalis na ako at baka pag alis ko ay sumali ka na naman," napatingin sa akin si Tita bago ulit nagsalita. "Samantha can I have a favor?"

Napatingin ako kay Mommy na tinanguhan lamang ako.

"Yes po Tita?"

"Puwede mo bang tignan si Mateo para sa akin?"

"What? Mom!" nanlamig ako dahil sa seryosong  boses niya. "I am not child anymore okay?"

Napalunok ako dahil bumalik ulit ang pagkasungit niya.

"Pero anak hindi ko naman sinabi na oras oras ay babantayan ka niya sasabihin niya lang sa akin pag sumali ka ulit sa racing. Mateo napag usapan na natin ito," sumeryoso ang boses nila at nagkatitigan lamang kami ni Mommy.

 Biglang pumasok sa isip ko ang dahilan ng pagkawala ni Tito dahil sa racing ay namatay siya, sa pagkakatanda ko ay may sinalihan silang tournament at biglang sumabog ang sasakyan nila habang nasa racing. Sa tingin ko ay ito ang dahilan kung bakit ayaw pasilihin ni Tita si Mateo at baka maulit ang trahedyang ito.

"Samantha," mahinang sabi ni Tita kaya napatingin ako kay Mateo na nakataas ang kilay habang nakatingin din pala sa akin.

"Say no!" pasimple niyang sabi at ramdam ko ang pag sipa niya sa aking paa.

"Okay po Tita."

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 455 42
Love Series #1 This story is all about how an ex-convict guy accidentally fell in love with an unexpected heiress, not knowing that she's the daught...
26.6K 1K 43
Minsan ka na rin ba pinapili kung saan mo gusto mapunta? Sa Past o sa Future? Si Sevaiana ay hindi naniniwala sa hula pero isang araw........ ang hul...
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...