WANTED PROTECTOR

Par msj---

49.4K 1.8K 71

After demobilizing an illegal organization commanded by the city's famed drug king, Gian Villareal, as a bril... Plus

Paalala
Cast
INTRODUCTION
CHAPTER 1 The Bodyguard
CHAPTER 2 The Price
CHAPTER 3 The Emotion
CHAPTER 4 The Swan
CHAPTER 5 The Cap
CHAPTER 6 The Confession
CHAPTER 7 The Pressure
CHAPTER 8 The Recovery
CHAPTER 9 The Favor
CHAPTER 10 The Site
CHAPTER 11 The Invitation
CHAPTER 12 The Coldness
CHAPTER 13 The Leaving
CHAPTER 14 The Memories
CHAPTER 15 The Dream
CHAPTER 16 The Promise
CHAPTER 17 The Unintentional
CHAPTER 18 The Purpose
CHAPTER 19 The Defense
CHAPTER 20 The Protection
CHAPTER 21 The Trust
CHAPTER 22 The Dinner
CHAPTER 23 The Truth
CHAPTER 24 The Dilemma
CHAPTER 25 The Concede
CHAPTER 26 The Explanation
CHAPTER 27 The Gloominess
CHAPTER 28 The Information
CHAPTER 29 The Intention
CHAPTER 30 The Scandal
CHAPTER 31 The Mask
CHAPTER 32 The Disclosure
CHAPTER 33 The Secret
CHAPTER 34 The Limitation
CHAPTER 35 The Surprise
CHAPTER 36 The Advice
CHAPTER 37 The Reality
CHAPTER 38 The Revelation
CHAPTER 39 The Choice
CHAPTER 40 The Fight
CHAPTER 41 The Declaration
CHAPTER 42 The Visit
CHAPTER 43 The Fall
CHAPTER 44 The Evidence
CHAPTER 46 The Decision
CHAPTER 47 The Chance
CHAPTER 48 The Plan
CHAPTER 49 The Arrest
CHAPTER 50 The Resignation
CHAPTER 51 The Position
Chapter 52 The Traitor
Chapter 53 The Past
Chapter 54 The Release
Chapter 55 The Interrogation
Chapter 56 The Transport
Chapter 57 The Wanted
Chapter 58 The Condition
Chapter 59 The Power
Chapter 60 The Proof
Chapter 61 The Descendant
Chapter 62 The Resentment
Chapter 63 The Unwanted
Chapter 64 The Inheritance
Chapter 65 The Return
Chapter 66 The Organization
Chapter 67 The Changes
Chapter 68 The Billionaire
Chapter 69 The Conflict
Chapter 70 The Member
Chapter 71 The Name
Chapter 72 The Bigtimer
Chapter 73 The Business
Chapter 74 The Game
Chapter 75 The Beginning
Chapter 76 The Deception
Chapter 77 The Scheme
Chapter 78 The Home
Chapter 79 The Finger Print
Chapter 80 The Attack
Chapter 81 The Investor
Chapter 82 The Result
Chapter 83 The Unveiling
Chapter 84 The Spy
Chapter 85 The Investigation
Chapter 86 The Suspicion
Chapter 87 The Connection
Chapter 88 The Exchange
Chapter 89 The Veil
Chapter 90 The Punishment
Chapter 91 The Deal
Chapter 92 The Informant
Chapter 93 The Endeavor
Chapter 94 The Courtship
Chapter 95 The Lock down
Chapter 96 The Confirmation
Chapter 97 The Acceptance
Chapter 98 The Influence
Chapter 99 The Family
Chapter 100 The Day
Chapter 101 The Revenge
Chapter 102 The End
Chapter 103 The Best Friend
Chapter 104 The War
Chapter 105 The Finale
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 45 The Forgiveness

687 22 0
Par msj---

Kasalukuyang tinitingnan ni Gian ang mga dokumentong ibinigay sa kanya ni Vince bilang ebidensiya sa pag raid ng kuta na kinasasangkutan ni Congressman Delavega.

Hindi pa lang nila ito maaaring hulihin dahil walang matibay na patunay bilang katibayan na ito nga ang pasimuno, gano'n pa man mapagkakatiwalaan ang informant nila na siyang nagbigay ng impormasyon.

Alam nito ang mismong lugar ng kargamento.

Patuloy siya sa pagbabasa ng mga titulo ng lupa ng naturang kuta subalit isang hindi kilalang negosyante lamang ang may-ari nito.

Binuksan niya ang laptop at hinanap sa files ang pangalan ng may-ari ng lupa.

May karapatan pa rin siyang makialam sa misyon dahil hindi naman siya tuluyang inalis doon.

Tinutukan niya isa-isa ang mga nakikita sa data base ng PNP at hindi nagtagal nakita niya rin.

Tinawagan niya ang isa sa kasamahan habang nakatingin sa larawan ng target.

Saglit lang may sumagot na sa kabilang linya.

"Good morning sir!"

"Esiah, may ipapagawa ako, posibleng makakuha tayo ng impormasyong makakapag-ugnay kay Congressman Delavega tungkol dito."

"Ano po 'yon sir?"

"Manmanan mo ang nagngangalang Charles Velasco, ito ang sinasabing may-ari ng kuta ng mga kargamento, ipapadala ko sa' yo ang files. Kumpirmahin mo kung siya nga ang may-ari o kung may kaugnayan ba siya kay Congressman."

"Opo sir!"

"Salamat."

Agad niyang ibinigay ang mga domukentong kailangan ng kasamahan.

Sending files...

Nang matapos ay may iba pa siyang hinahanap na impormasyon tungkol sa kumpanya.

Kahit nakakulong na ang mga salarin ay hindi pa rin nila nalalaman kung sino ang tunay na may-ari ng kumpanya.

Kailangan niya ng ebidensiya.

Ilang sandali pa nagbabyahe na siya patungo sa lugar na pupuntahan.

Malaya siyang nakakakilos ngayon dahil umalis ang nobya mamimili raw ito ng pagkain nila kasama ang tauhan niya.

Pagdating sa stasyon ng pulis ay bumaba ng taxi ang binata.

Tinungo niya ang information area, may nakaunipormeng pulis doon na tila may binabasang papeles.

"Good morning, anong kaso?"

Saglit lang itong tumingin sa kanya at muling tumingin sa binabasa.

Umarko ang kilay ng binata. Mukhang hindi siya nito kilala.

Sa trabaho niya mas mabuti nga ang gano'n.

"Nandiyan ba si Chief Danilo Cordova?"

Muling umangat ang tingin nito at ngayon ay nakakunot na ang noo ng pulis sa pagtataka.

Alam niya kung bakit ito nagtataka, iyon ay dahil kilala niya ang hepe nito. Lahat ng impormasyong kailangan ay nasa internet lang at ito ang hinanap niya kanina.

"Anong kailangan mo?"

"Ako ang nagbigay sa inyo ng impormasyon sa mga anumalyang nangyari sa Mining Energy Development Corporation."

Ang mga ebidensiyang ibinigay niya kay Vince para kay don Jaime ang tinutukoy niya.

"Iyong kay don Jaime Lopez?"

"Tama, ako ang nagbigay ng ebidensiya kay don Jaime."

"Ikaw 'yong witness? Sandali ano ngang pangalan mo?"

"Hector Madrigal."

"Kailangan ko munang makita ang ID mo, protocol lang."

Dinukot niya sa bulsa sa likod ng pantalon ang pitaka at inilabas ang hinahanap nito.

"Heto ho," ibinigay niya ang kailangan nito na agad namang tinanggap.

Kinuha nito ang isang record book at isinulat ang pangalan niya.

Sa trabaho niya, kailangang laging nakahanda sa anumang kailangan kapag pinasok ang isang trabaho.

"Sales supervisor ka pala sa MEDC?"

"Oho."

"Kaya pala nakuha mo ang gano'ng impormasyon."

"Oho pwede ko na bang makausap, ang hepe?"

"Sige sir, samahan na kita."

Natuwa si Gian sa narinig.

Inihatid nga siya nito sa opisina ng taong kailangan niya.

Pumasok ito at nasa likuran siya.

"Chief," sumaludo ito sa amo na ikinatingin ng hepe sa gawi nila.

"Vasquez, anong kailangan mo?"

"Nandito ang witness na si Hector Madrigal."

"Witness?"

Tuluyan na itong pumasok at hindi na niya naririnig ang pinag-usapan ng mga ito.

Gano'n pa man alam niyang ipinaliliwanag ng naturang pulis sa amo kung sino siya.

Ilang sandali pa muling bumalik ang pulis.

"Pumasok ka na."

"Salamat."

Tinungo niya ang kinaroroonang mesa ng hepe at iniwan na sila ni Vasquez.

"Anong maipaglilingkod namin sa'yo sir?"

Matamang tiningnan ni Gian ang opisyal.

"Kailangan ko hong makakuha ng kopya ng mga ebidensiya at iba pang dokumento tungkol sa nangyaring skandalo sa MEDC sir, " deretsong tugon ng binata.

Napaupo ng tuwid ang hepe.

"Pasensiya na ho, kahit witness pa kayo ay confidential ang files namin."

Sa pagkakataong ito ay wala ng nagawa si Gian.

Inilabas niya ang isang bagay na makakapagpatunay ng totoong katauhan niya.

"Kailangan ko ho ng ebidensiya sir," sabay lapag ng tsapa at ID sa mesa nito.

Nanlaki ang mga mata ng opisyal.

"Agent Villareal?"

Tumango si Gian.

Muling tumikhim ang opisyal.

"Sandali at ipapahanap ko."

Gamit ang radyo ay may kinausap ito.

"Dalhin niyo rito lahat ng mga papeles na nakuha natin sa MEDC ngayon."

"Opo Chief!"

Pagkuwan ay muli siyang hinarap ng opisyal.

"Bakit mo kailangan ang mga 'yon?"

"Kailangang kong malaman kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng kumpanya ni don Jaime."

"Hindi ba madali namang malaman 'yan pumunta ka sa DTI."

Umupo ang binata sa upuang kaharap ng opisyal habang umiigting ang panga.

"Chief, hindi na ako pupunta rito kung makukuha ko sa mga ahensiya ang kailangan ko."

Natahimik ang hepe.

Ilang araw na rin niyang inaalam ang mga kailangan pero wala siyang nakuha.

"Hindi legal ang nangyari kaya walang ibang paraan kundi rito."

Naputol ang kanilang pag-uusap nang may kumatok.

"Pasok!"

Bumungad ang isang lalaking may dalang mga makakapal na folder.

"Sir, heto na po ang kailangan ninyo."

"Dalhin mo rito."

"Opo, " inilapag nito sa mesa ng hepe ang mga dala.

"Makakaalis ka na salamat," ani Chief Cordova.

Tumuon ang tingin ni Gian sa mga dokumento.

"Tingnan niyo ho sir, baka nandiyan ang kailangan ninyo," anang opisyal at iminuwestra ang nasa mesa.

"Salamat."

Nagsimula siyang bumuklat.

"Pwede rin ho kayong lumipat doon sa isa pang mesa sir, para maka pag concentrate kayo."

Tiningnan niya ang mesang itinuro nito.

"Salamat ho."

Dinala niya ang mga papeles sa kabilang mesa at tinulungan pa siya nito.

Ilang sandali pa, nagsimula ng maghanap si Gian.

Tahimik naman ang hepe at nakatutok sa binabasa nitong files.

Paminsan-minsan nahuhuli niyang nakatingin ito sa gawi niya.

Ilang sandali pa nakakita siya ng mga dokumentong makakatulong sa kanya subalit hindi pa rin ito ang direktang ebidensiya.

"Pwede bang makakuha ng kopya nito sir?"

"Sige ho sir."

Makalipas ang isang oras pabalik na ang binata sa kampo bitbit ang mga dokumentong kailangan.

Pagdating doon ay tinawagan niya ang isa pang kasamahan, ito ang pangalawa sa pinakamalapit sa kanya.

"Greg, pwede ka bang pumunta rito? May ipapagawa ako pero hindi tungkol sa misyon. Iba ito pwede ba?"

"Opo sir, papunta na ako diyan."

"Salamat."

Alam niyang walang misyon ang tauhan kaya napakiusapan niya.

Hindi na niya ipinaalam sa head nila ang tungkol dito dahil hindi naman masyadong delikado ang ipapagawa niya.

"Good morning sir!"

Nilingon ni Gian ang tauhan sa may pinto.
Sumaludo ito at tinugon niya.

"Upo ka, salamat sa pagpunta. "

"Opo sir." Umupo ito sa sofa at umupo rin siya paharap dito.

"May ipapagawa ako pero hindi ito kasali sa misyon, tungkol ito sa kumpanya ni don Jaime."

"Hindi ba tapos na 'yon?"

Umiiling ang binata.

"Hindi pa, wala pang nakakaalam kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng MEDC."

"Anong gagawin sir?"

Tumayo siya at kinuha sa mesa ang isang folder at ibinigay dito na agad nitong tinanggap.

Binuklat nito at binasa ang laman.

"Rodney Chang?"

"Hanapin mo ang nagngangalang Rodney Chang. Isa 'yan sa investor nina Calvin Go kaya siguradong alam niya kung sino ang bagong may-ari ng kumpanya ni don Jaime."

"Opo sir! Bigyan niyo lang ako ng dalawang araw ibibigay ko ang kailangan mo."

"Salamat, salamat din sa pagtulong kahit hindi ito kasama sa trabaho."

"Trabaho pa rin ito sir dahil manghuhuli tayo ng kriminal kahit pa hindi ito misyon."

Tumango ang binata at nagpasalamat siya dahil nauunawaan siya ng kasama.

"Maraming salamat Esiah."

"Basta kayo sir Gian, walang problema, paano aalis na ako?"

"Salamat," tinapik niya sa balikat ang kasama bago ito tuluyang umalis.

Maaari naman sana niyang ipaubaya na lang sa pulis ang pagtuklas sa bagong may-ari kaya lang matagal ang proseso sa imbistigasyon at ang pinakamabilis na paraan ay magmanman.
Nakakulong ang mga salarin at kasalukuyang ini - interogate pero gaano pa katagal 'yon?

Maghahanap pa ang mga ito ng abogado at hahaba ang proseso.

Ang pinakamabisa?

Ang plano niya.





---
Kasalukuyang nakaupo si Ellah sa tabi ng nobyo habang kumakain ito ng prutas.

Isa ito sa nakakatulong sa paggaling ni Gian.

Kahit pagod sa pamamalengke ay natutuwa siyang siya mismo ang mamimili para kainin ng mahal niya.

Natatakam siya habang nakikitang kumakain ang kasintahan kaya kumain siya.

Kunti-kunti ang subo ni Gian samantalang lamon ang ginawa niya.

Nakakagutom pala ang mag grocery.

"Ako ba ang may sakit dito o ikaw?"

"Ha?" umangat ang tingin niya sa kasintahan habang ngumunguya ng binalatang orange.

"Mas malakas ka pang kumain sa akin ah?" natatawang turan ni Gian.

Para naman siyang natauhan.

"Sorry, ikaw kasi pa keme kung kumain."

"Ako pa may kasalanan?"

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang cellphone ni Gian.

Sinagot nito ang tawag at lumabas.








---

"Pare anong balita?"

"Pare, mukhang may kinalaman nga si Congressman Delavega, may mga pulis na nagpunta sa bahay nila pero out of town daw ito."

"Malakas ang kutob kong meron nga siyang kinalaman kaya pinaaalam ko kay Esiah ang may-ari ng lupa ng lugar."

"Mabuti, ang sabi kasi ni Chief halughugin ang bahay ng mga ito."

"Tama 'yan."

"Pero pare, bakit sinasabi ni Chief na parang may kaugnayan si don Jaime? Totoo ba 'yon? "

"Hindi, kahit wala akong patunay alam kong wala siyang kinalaman."

"Mabuti! Kasi gulo na naman 'yan pag nagkataon, magkakaproblema na naman kayo ng apo niya."

"Hindi mangyayari 'yon," matigas niyang tugon.

Pagkuwan ay muli siyang pumasok at umupo sa tabi ng nobya.

"Sino 'yon?" tanong ni Ellah.

"Si Vince."

"Ano raw?"

"Ah, tungkol sa trabaho niya."

Tumaas ang kilay ng dalaga.

"Trabaho niya pero nagrereport sa' yo?"

"Oo, kailangan 'yon."

"Gano'n ba?"

Hindi siya sumagot at kumain na lang.

Hindi pwedeng malaman ni Ellah ang pinag-usapan nila ni Vince dahil bukod sa confidential ' yon ay tungkol din sa lolo nito.

Ayaw na niyang bigyan ng suliranin ang mahal na kasintahan.






---
Kinabukasan.

Nagkakape si Gian nang tumunog ang cellphone niya.

"Greg anong update?"

"Sir, may kumpanyang fishing vessel si Rodney Chang pero gagamitin ang mga barge nito para sa pag transport ng carbon."

"Iyong tungkol sa bagong may-ari may alam ba siya?"

"Hindi ako sigurado sir pero may iniuugnay dito na nagngangalang John
Cervantes. Iyon daw ang bagong may-ari ng MEDC."

Kumabog ang dibdib ng binata.

"John Cervantes?"

"Yes sir, may negosyo itong Construction company."

Hinarap niya ang laptop at hinanap ang record nito.

"Anong pangalan?"

"J Construction Services po."

Mabilis niyang tinipa ang pangalan ng naturang kumpanya.

Saglit lang lumabas ang pangalan ng naturang kumpanya.

Hinanap niya ang pangalan ng bagong may-ari.

"Walang John Cervantes sa record, sigurado ka bang John Cervantes nga?"

"Opo sir."

Huminga ng malalim si Gian bago tinapos ang usapan.

"Magpatuloy ka lang sa pagmanman kay Rodney Chang."

"Opo sir!"

Pagkuwan ay hinanap niya ang nagngangalang John Cervantes sa buong data base ng DTI.

Napakaraming lumabas subalit inisa-isa niya 'yon.

Hanggang sa matapos ay walang John Cervantes na nagmamay-ari ng MEDC.

Buong araw ay walang ibang ginawa si Gian kundi ang maghanap.

Hapon nang muling tumawag si Greg.

"Sir, nakakuha ako ng impormasyon sa kung sino ang bagong may-ari!"

Lumiwanag ang mukha ng binata.

"Sino?" nasasabik niyang tanong.

"Mamaya ko na po sasabihin sir pagdating ko diyan."

"Sige, dalhin mo rito ang files."

Pagkatapos ng usapan ay muling tumunog ang cellphone ni Gian.

Ang chief nila ang tumatawag.

"Good afternoon sir!"

"Yes Gian, magaling ka na ba? Makakabalik ka na ba sa trabaho?"

"Malapit na po sir."

"Patawad kung wala akong nagawa sa nangyari, hindi rin kita madadalaw pa at nasa ibang probinsya ako."

"Ayos lang po sir."

"Mag-iingat ka ha?"

"Opo sir."

"Kaya nga pala ako tumawag para malaman mong may warrant of arrest na si Congressman Delavega."

Tila nakahinga ng maluwag ang binata.

Mapapatunayan na niyang walang kaugnayan si don Jaime sa Congressman na 'yon.

Ilang sandali pa dumating si Greg.

" Sir!" sumaludo ito na tinugon niya.

" Greg, upo ka. "

Umupo ito at tumabi siya.

" Heto na po ang files sir, at hindi lang ako makapaniwala sa nalaman. Walang John Cervantes na may-ari ng MEDC dahil iba ang tunay nitong pangalan."


"Anong ibig mong sabihin?"

Ibinigay nito ang isang folder na agad niyang binasa.

Hindi nagtagal ay tumiim ang tingin niya sa nag-iisang pangalang nakasulat doon sa Certificate of Ownership.

"Totoo ba ito?"

"Opo sir."

Tiniklop niya ang folder.

"Maraming salamat Greg, napakalaking tulong nito."

"Walang anuman po sir, ginagawa ko lang ang tungkulin ko."

Tumango ang binata.

Ngayon may hawak na siyang matibay na ebidensiya laban sa bagong  may-ari ng kumpanya ay mapapanatag na si don Jaime.

Pagkaalis ni Greg ay tinawagan niya si Vince.

"Pare anong balita?"

"Pwede mo ng pakawalan si don Jaime pare, alam ko na kung sino ang nasa likod nito."

"Talaga? Sino?"

Huminga ng malalim ang binata.

"Sa ngayon wala munang dapat makaalam kapag nahuli na at napatunayan."

"Gano'n ba? O sige pare sasabihin ko kay don Jaime."

"Salamat pare."

Pagkatapos ng usapan ay saka pa lang nakahinga ng maluwag ang binata.










---
Nakayukyok si Gian sa harapan ng  computer nang abutan ni Ellah.

Galing siya sa loob ng kwarto at nagising lang nang marinig na may kausap ang nobyo.

Gigisingin niya sana nang tumunog ang cellphone ni Gian.

Nakita niyang si Vince ang tumatawag.

Gigisingin niya sana ang nobyo nang makitang gising na ito.

"Vince pare anong update?"

Iniloud speak nito kaya narinig niya.

"Pare, pupunta diyan si don Jaime!"

Nanlaki ang mga matang nagkatinginan silang dalawa!

Ngayon niya napatunayang totoo ang sinabi ng nobyo.

"Anong gagawin ko?" tarantang tanong niya sa kasintahan.

"Dito ka lang sa tabi ko. "

"Pare, handa ka na bang makausap ang taong muntik nang pumatay sa'yo?"

Huminga ng malalim ang binata. "Pare, ako ang nag-utos na pwede na siyang umalis sa bahay nila dahil nakakulong na ang mga kalaban niya."

"Oo, alam ko, pare good luck sa 'yo. "

"Salamat pare. "

Umalis na si Vince.

Huminga ng malalim ang dalaga.
Hindi niya maiintindihan ang nararamdaman. Ngayon bigla siyang nahiya.

Matinding hiya!

Wala siya sa tabi ng lolo niya sa panahong bumagsak ito.

Wala siya sa panahong nasa kabiguan ito. Wala siya sa panahong siya lang ang tangi nitong makakapitan.

Wala siya sa panahong siya lang ang tangi nitong kakampi. Wala siya sa panahon kung kailan siya ang dapat tumulong dito.
At higit sa lahat wala siya sa tabi nito kung kailan nawalan ng kapangyarihan ang isang don Jaime!

Hindi rin niya basta matatawagan lang ang lolo niya dahil sa takot at hiya.

Ngayon paano niya haharapin ang lolo niya?

"Tama na rin ang limang araw na pagkakakulong ng lolo mo sa bahay niyo."

"Kulong?"

"Para sa kaligtasan niya. "

Ilang sandali pa may kumatok.

Nagkatinginan sila ng binata.

"Magtatago ako!" tarantang wika niya at naghanap ng mapagtataguan.

"Hindi pwede 'yan, ako lang pahaharapin mo sa lolo mo?"

Muling naulit ang katok.

Binuksan ni Gian ang pinto.

Lumitaw ang kanang kamay ni don Jaime.

"Sir, gusto raw kayong makausap ni don Jaime pwede ho ba?"

"Sige ho. "

"Sir, humihingi ho ako ng paumanhin sa nagawa ko napag-utusan lang, patawad po, patawarin niyo ho ako sir Gian. "

Yumuko si Alex.

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo Alex, kahit sino gano'n din ang gagawin, sinunod mo lang ang utos ng iyong amo. "

"Salamat po sa pang-unawa sir. Ms. Ellah magandang hapon sa inyo, " wika ni Alex bago lumabas.

Hindi siya sumagot sa tindi ng kaba.

Sabay pa silang bumuntong hininga ng binata.

Papatindi ang nararamdaman niya. Para na nga siyang maiihi sa sobrang kaba.

Nararamdaman nila ang napakataas na tension para sa pakikipagharap nila sa don.

Ngayon parang gusto na niyang mag back out!
Wala siyang mukhang ihaharap sa lolo niya!

"G-Gian, sa kwarto muna ako. "

" Bakit?"

"Basta, parang hindi ko pa kayang makita si lolo. "

" Don't tell me galit ka pa rin? " bahagyang tumaas ang boses ng binata.

"Hindi, infact nahihiya ako. "

" Ako, natatakot, infact takot na takot."

Siya naman ang nagtaka.
"Bakit? "

Bumuga ng hangin si Gian.
" Paano kung hindi niya pa rin ako matanggap?"

"That's impossible! " bulalas niya.

Sa dami ng nagawa ng binata para sa, kanila ay imposibleng hindi nito matatanggap ang isang Gian!

" The fact that nothings change on my part that would be... possible. "

"What do you mean? " tinitigan niya ang nobyo.

" I am still a killer, a criminal walang naidulot na pagbabago ang ginawa kong kabutihan.
Hindi ko na kayang baguhin ang tingin sa akin ng lolo mo. Paano kung 'yon pa rin ang dahilan ng hindi niya pagtanggap sa akin? "

Mariin siyang umiling. Hindi niya yata matatanggap na mabibigo pa rin silang makuha ang bendisyon ng agwelo.

"No, hindi ka na dapat nag-iisip ng ganyan, kilala ko si lolo. Marunong siyang umunawa, manalig ka lang tatanggapin niya tayo. "

"Sana, umaasa akong tatanggapin ako ng isang don Jaime. "

Hinawakan niya ang isang kamay ng binata at naramdaman niya ang sobra nitong panlalamig.

Hinigpitan niya ang paghawak para iparating dito na hindi ito dapat matakot. Gumanti din si Gian at mahigpit siyang hinawakan.

Kailangan nito ng matinding pampatibay ng loob para humarap sa isang don Jaime Lopez.

Ilang sandali pa, may kumatok.
Nagkatinginan sila ng binata at sabay bumuga ng hangin.

Nanlalaki ang mga mata niya.

'Hindi ako nakaalis dahil sa pangit na ito!'

Mabilis niyang iwinaksi ang kamay na hinawakan ng binata at nagmamadaling pumasok ng banyo.

"Hoy! Iiwan mo ba ako? "

" Naiihi ako! " sagot naman niya.

Totoo ngang naiihi siya pero mas totoong nagtatago siya pero nakabukas ng kaunti ang pintuan para masilip niya ang mga ito.

"P-pasok, " nauutal na wika ni Gian.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan.

Lumitaw ang isang matandang lalaking naka sumbrero at may tungkod na hawak.

Nag-init ang sulok ng mga mata ng dalaga pagkakita sa nag-iisang kadugo.

"D-Don Jaime, napadalaw kayo? "

"Gusto kong makita ka Gian. "

Tumayo ng tuwid ang binata.

Ibinaling ng don ang tingin sa paligid.

" Nasaan si Ellah?"

Hindi sumagot ang nobyo.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

'Magpapakita na ba ako?'

Nakakahiya!
Pero mas nakakahiya kung makikinig lang siya!

Lumabas ang dalaga nang nakayuko.

"M-magandang gabi po lolo. "

Nagliwanag ang anyo ng matanda.

"Ellah hija, bumalik ka na, na mimiss ka na ng lolo! "

Napatingin siya rito, wala na ang mabalasik nitong mukha bagkus ang nakikita niya ay isang matandang lolo na naghahanap ng nawawalang apo.

"O-opo lolo, babalik po ako. "

Pumiyok ang tinig ng dalaga tanda ng matinding pagpigil ng pag-iyak.

"Lalabas lang ho ako " tiningnan siya ng binata bago umalis.

" P-patawad po lolo, hindi ko alam na mangyayari ang ganito. Patawad po, " umiiyak na niyang turan.
Mabigat ang pakiramdam niya dahil kinakain siya ng kunsensiya.

"Hija, kalimutan na natin ang mga nangyari, ang mahalaga babalik ka na. Miss na miss na kita apo ko, " ani don Jaime saka niyakap ng mahigpit ang nag-iisang apo.

" Salamat po lolo, " niyakap din niya ito ng mahigpit.

Nagpapasalamat siya ng husto dahil tinanggap siya muli ng kanyang lolo.

Matapos ng ginawa niya parang hindi kapani-paniwalang matanggap siya ng gano'n lang.
Gano'n siguro talaga kung ngayon lang nagkakawalay sa isat-isa.

Napakasaya niya ngayon dahil buo na uli ang pamilya nila kahit sabihin pang silang dalawa lang ng lolo niya.

Ilang sandali pa kumalas sila sa isat-isa.

"Gusto ko sanang makausap si Gian, " pahayag ng don.

"Sige po, papupuntahin ko siya rito. "

Gusto sana niyang sabihing tanggapin na nito ang nobyo pero hindi niya magawa.
Wala siyang lakas ng loob makiusap ngayon. Ang hiniling nitong kausapin ang nobyo ay sapat na para sa kanya.
Sana nga lang ay matanggap na sila, parang hindi na niya kakayanin kung hindi.

Parang bundok si don Jaime. Napakatayog at napakahirap akyatin at si Gian ay parang dagat napakalawak at napakahirap languyin.

At siya ang nasa gitna.

Ang tanong...aakyat ba siya o lalangoy?








---

Napalingon si Gian sa lumabas.

Nakangiting kasintahan ang bumungad sa kanya.

"Gian, kakausapin ka raw ni lolo! Ayusin mo ha? Mag opo ka ng mag opo para matanggap tayo."

Natawa ng bahagya ang binata.

"Opo," sagot niya.

"Ikaw talaga, ayusin mo ha?" Pahabol pa nito bago siya iniwan.

Humugot ng malalim na paghinga ang binata.

Ilang minuto na siyang nasa labas. Kanina pa sinabi ng nobya na kakausapin daw siya pero parang nabura ang tapang niya.

Bakit parang nabaligtad yata? Hindi ba dapat si don Jaime ang matakot? Kanya si Ellah, pwede niyang ipagyabang sa don na wala itong magagawa kahit tumutol pa.

Ngayon bakit umurong yata ang dila niya pati mga paa?

Naduduwag siya sa kadahilanang baka mabibigo  at hindi makuha ang pagpayag ng don sa kanilang dalawa ni Ellah.

Kung may mas masasaktan man iyon ay walang iba kundi ang apo nito.

Sa sobrang daming masakit na naranasan ng kasintahan hindi niya kayang masasaktan na naman ito.

Bumuga siya ng hangin at tumingin ng mariin sa pintuan.

It's now or never!

Pinihit niya ang seradura ng pinto kaya nag-angat ng tingin si don Jaime na nakaupo sa sofa.

Nagsalubong ang tingin nila ng don.

Abot-abot ang kanyang kaba.

Damn!

Pinagpapawisan siya kahit malamig ang aircon.

Pumasok siya at umupo sa sofang kaharap ng don.

"G-gusto niyo raw ho akong makausap don Jaime?"

"Kumusta ka na? "

" M-medyo ayos na ho, " nakayuko niyang turan.

Parang hindi niya kayang salubungin ng deretso ang tingin ng don.

Katahimikan.

Nakayuko rin si don Jaime.

Nakakailang ang sitwasyon, kung pwede lang sanang deretsuhin na ito ng tanong para matapos na, kaya lang parang naumid ang dila niya.

Sanay siyang makipag-usap ng lalaki sa lalaki.

Pero ngayon naduduwag siya.

Nakakabakla!

'Tang ina!'

Parang hindi siya makahinga kahit maluwag naman ang sala.

Pinagpapawisan na nga siya ng husto sumasabay pa ang matinding kaba sa dibdib niya!

Tumikhim ang don, kaya naalerto siya.

"Gusto kong magpasalamat sa ginawang mong tulong."

Napalunok si Gian at nakahinga ng kaunti.

"Hindi ko alam na ang taong itinuturing kong banta ang siyang tutulong sa akin."

Hindi umimik ang binata.
Hindi siya makapaniwalang magpapasalamat ito.

Napakurap siya nang tumayo ang don.

'Mabuti naman at aalis na!'

Makakahinga na sana siya nang maluwag ngunit naudlot ito at
kumunot ang noo niya nang lumapit ang don at unti-unting yumuko binitiwan nito ang tungkod.

" A-ano hong ginagawa ninyo don Jaime?" Bagama't kinakabahan ay nagawa niya itong tanungin.

Subalit hindi sumagot ang don bagkus ay dahan-dahang itinukod ang isang tuhod sa sahig hanggang sa naging dalawa.

Saka lang niya nakuha ang ginawa nito.

LUMUHOD SI DON JAIME!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

36.1K 1.3K 71
Once a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus namin. Halos lahat na yata ng babae sa pa...
2K 60 16
Tungkol ito sa isang babae na hindi mayaman at siya ay nag-aaral sa isang skwelahan kung saan ang mayayaman lang ang nakakapag-aral May makikilala si...
41.1K 877 21
Polt Westwood and Hope Heltom Gilbert's Story: "Don't underestimate my Love for you.. because you'll never know.. You'll die because you fell hard."...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...