CBS#2: Capturing Declan (COMP...

By ImperfectPiece

1.8M 29.4K 1.3K

Clingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what... More

Capturing Declan
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Author's note
SP 1
SP 2

Chapter 50

26.2K 487 12
By ImperfectPiece

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 50
Work hard.






"Ilah! Pagbangon na! Gawas dire!" (Ilah! Bumangon ka na at lumabas ka dito!)


Kumalabog ang pinto ng kanyang kwarto. Kumakatok doon si Nanay Naida pero nagbibibingi bingihan siya. Inaantok pa siya at, hindi man lang ba siya makakakuha pa ng ilang oras na pahinga ngayong nasa sarili niya siyang bahay at kakauwi niya lang? Ngayon na lang ulit siya nakatulog ng ganito. Hindi man mahimbing pero...

"Ilah!"

Padaskol niyang inilihis ang kumot sa kanyang katawan at pagkatapos ay bumaba ng kama niya para buksan ang pinto.

Nang buksan niya iyon, "'Nay pwede bang—"

Nagaalalang mukha ni Nanay Naida ang sumalubong sa kanya kaya't natigilan siya. "Ang imong bisita, Ilah." (Ang bisita mo, Ilah.)


Saglit siyang natigilan. "Bisita?"

Nagmuwestra ang matanda. "Si Dodong kagabii. Katong murag kano! Gihilangtan! Perting taasa sa iyang temperatura! Dyos ko." (Yung lalaki kagabi. Yung mukhang amerikano! Nilalagnat siya! Napakataas ng kanyang temperatura! Dyos ko.)



"Nandito pa siya?" Bulong niya sa sarili. Napabuntong hininga siya ng maalala ang nangyari kagabi, hindi niya pa nakakausap ang ama pero alam niya, kakausapin rin siya nito.


Bigla ay hinila ni Nanay Naida ang kanyang palapulsuhan at dali dali siya nitong kinaladkad palabas ng kwarto. "Kinahanglan nimo siya nga adtuan, Ilah. Ikaw ang iyang gusto nga makita." (Kailangan mo siyang puntahan, Ilah. Ikaw ang gusto niyang makita.)


"Pero ayoko siyang makita, Nanay."


"Kung hindi, basi'g maunsa siya!" (Kung hindi, baka mapaano siya!) Tumigil ang matanda sa mabilis na paglalakad. "Gahi ug ulo. Dili siya magpahilabot kung hindi ikaw ang muhawid sa iyaha." (Matigas ang kanyang ulo. Ayaw niyang magpaasikaso kung hindi ikaw ang hahawak sa kanya.)


"Bakit ako? Dapat dinala niyo na lang siya sa hospital. Para makauwi na—"

"Puntahan mo muna ang lalaking 'yon, Ilah." Bigla ay umentrada ang boses ng kanyang ama. Humarap siya dito, nakatingin ito sa kanya ng may kahulugan. "Saka na tayo magusap."


Napabuntong hininga siya muli at tumango sa ama. Sinundan niya ang lakad ni Nanay Naida. Papunta ito sa isa sa mga guest rooms nila, mga kwartong minsan lang kung gamitin. Papasok na sana siya ng pigilan siya ni Nanay Naida.


"Asikasuhin mo ang batang iyan, Ilah. Kapag hindi pa bumaba ang lagnat niya, kailangan na natin siyang dalhin sa hospital." Paalala ng matanda. "At kung ano man ang problema ninyo ngayon ay kalimutan mo muna."



Tinapik tapik siya ng matanda sa balikat bago ito umalis ulit. Halos abutin na rin siya ng bente minutos na nakatayo doon ngunit hindi niya pa rin mabuksan buksan ang pinto. Kinakabahan siya. Pero wala siyang magagawa. Pinapalala lamang ni Declan ang pagitan nila. Bakit ba kasi ito nagpunta dito? Para makinig siya? Makinig saan? Sa mga kasinungalingang sasabihin nito? Tapos mabibitag na naman siya? Tapos masasaktan?


Paulit-ulit na lang.



Naimune na ang sarili niya sa ganoong cycle. Sa sobrang imune, halos maumay na siya. Nakakamanhid. Nakakatakot dahil pakiramdam niya ay hindi na siya ang siya. Binabago siya nito. Binabago sa mas malalang lagay. Siguro dapat kausapin niya na lang ito. Kumbinsihin na umuwi na.

Sa desisyong iyon, binuksan niya ang pinto. Pero walang nakahiga sa kamang naroon, lukot ang kumot at nakakalat ang mga unan ngunit walang nakahiga. Lalabas na sana siya para puntahan si Nanay Naida nang marinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Dahan dahan niyang inangat ang paa papunta doon at napatuwid siya ng tayo ng makita niya si Declan doon.


Nakatukod and dalawa nitong kamay sa lababo, hubad baro at tanging pantalon lamang na nakalaylay na sa bewang nito ang suot. Nakatitig ito sa sariling repleksyon sa salamn. Naglakbay ang mga mata niya sa katawan nito, at nang dumapo iyon sa tiyan ay nanuyot ang kanyang lalamunan. Mukhang kahit sa anong lagay, hindi nababawasan ang kakisigan ni Declan.


"Baby?"



Kaagad siyang nagangat ng tingin sa mukha ni Declan. Magulo ang buhok nito, pinagpapawisan at namumutla. Sa itsura nito, mukhang hindi naman ganoon kalala ang lagnat nito. Napaatras siya ng makitang humakbang ito papalapit sa kanya.


"Diyan ka lang." Pigil niya.


Kaagad na tumigil si Declan. Bumakas ang sakit sa mga mata nito.

"Why?" Iling lamang ang kanyang sinagot. Muling humakbang si Declan kaya't napaatras siya. "Von—"

"Declan!" Umalalay siya kaagad ng makita niyang mukhang mawawalan ito ng balanse, napayakap siya sa torso nitong hubad. Nanlaki ang kanyang mata ng madama niya ang nagliliyab nitong balat sa init. "Inaapoy ka ng lagnat! Tara na—"


Natuod siya ng ibalik ni Declan ang yakap. Nang mas mahigpit. "Hindi na kailangan." Isiniksik si Declan ang mukha sa kanyang leegan. "Ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang."


Hindi niya alam ang sasabihin. Nagaalala siya dito, at sa gayon din, ay gusto niya itong ipagtabuyan. Nahahati siya. Ano ba ang dapat niyang gawin?

"Tara na, Declan. Masyado nang mataas ang lagnat mo. Pupunta na tayo ng—"

Ikinulong ni Declan ang kanyang mukha sa mga palad nito. Ipinaglapit nito ang kanilang mukha na halos hinihinga niya na rin ang hinihinga ni Declan. "I miss being this close to you, baby. I miss you so much." Malamlam ang mga mata ni Declan na nakatitig sa kanya, malambing ang boses na parang sinusuyo siya.


Unti-unti. Nararamdaman niyang unti-unti na muling nababasag ang mga harang niya. Bigla ay nabuhay ang takot sa kanya. Hindi iyon maaari. Kaya't lumayo siya kay Declan at inalis ang lahat ng emosyong makikita sa kanyang itsura.


"Bumalik ka na, Declan. Hindi ka dapat nandito."


"Pupunta ako kung saan ko gustong pumunta, and that is beside you. You just have to listen to me, Von. Give me a chance and I'll prove to you that—"

"That what?"

"That... That I really love you." Declan whispered.

Gusto niya itong saktan. Kung mahal talaga siya nito, bakit kay bilis siya nitong nakalimutan? Bakit kay bilis siya nitong pinalitan? Bakit siya? Kahit anong layo niya dito, ito lang ang laman ng puso't isip niya? Bakit siya, hindi ganoon? Kung mahal talaga siya nito, bakit ganoon?


"Hindi mo ako mahal, Declan. Iniisip mo lang ang bagay na iyan dahil hindi ka pa tapos sa akin—"


"Wala akong kailangan sayo—"


"Kung ganoon bakit ka pa nandito?" Mabilis niya ring putol.


Lumapit sa kanya si Declan. Malapit na malapit. "Nandito ako para patunayan sayo na totoo ang sinasabi ko. Totoong mahal kita." Mas lalo pa itong lumapit na mas lalong ikinakabog ng kanyang dibdib. "At kung ano man ang kailangan kong gawin para mahalin at pagkatiwalaan mo ako ulit, gagawin ko."


Lumapat ang malambot nitong labi sa kanya.


Hinalikan siya ni Declan na para bang tubig ang kanyang mga labi at uhaw na uhaw ito. Madiin at sabik na sabik. Halos mawalan na siya ng hininga ng pakawalan nito nag mga labi niya.



Ngumisi ito. "Lets get it on, baby."





***

AN: Aba! Ang bebe Declan natin kahit may sakit umaarangkada oh! Hahaha. By the way, hello sa mga patuloy pa rin na nagbabasa nito. Maraming maraming salamat.

ImperfectPiece

Continue Reading

You'll Also Like

560K 12.6K 27
"She was raped and blackmailed to marry her rapist." ****** "Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses...
24.1K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
121K 1.8K 62
What will happen if two completely stranger married people trapped together in a total stranger island and be forced to rely on each other in order t...
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...