CBS#2: Capturing Declan (COMP...

By ImperfectPiece

1.8M 29.4K 1.3K

Clingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what... More

Capturing Declan
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Author's note
SP 1
SP 2

Chapter 43

23.7K 378 42
By ImperfectPiece

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 43
Shocked.




Siguro naman, pagkatapos niyang maayos ang sarili niya, pwede niya nang ayusin din ang pagitan nila ni Declan?






"Gusto kong magpagupit." Ani ni Shivon.






Naninghawak naman si Sandy at sinuri ang kanyang mukha. "Sigurado ka? I'm sure Declan won't mind, lagi ka namang maganda sa paningi—"







Ngumiti siya ng maisip si Declan. Ngayon, naniniwala na siyang mahal siya ni Declan. Saka niya lamang napansin, ang mga galaw nito kapag nasa paligid niya ito. Kung paano ito maglambing, mangulit at magsungit. Namimiss niya na ito! Kumabog ang kanyang puso. Nananabik na siyang muling masilayan ang mukha nito, nakakatampo lang at hindi man lang siya nito nagawang kamustahin kahit sa text o tawag man lang. Pero de bale na, hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita 'non pero ngayong balak niya na itong harapin ulit, magugulat kaya ito?







Lalo na kapag nagtapat na din siya?





Hindi niya naman maipagkakaila. Nang kumabog ang puso niya, alam niya, nahulog na ang damdamin niya kay Declan. Sadyang takot pa nga lang siya ng mga panahong iyon na magtiwala, lalo pa't kilala niya si Declan. Purong babaero ang isang 'yon. Sa bagay, sinong gwapo ba ang hindi pinagkaguluhan ng mga babae? E 'yon pa? Akala mo ang itsura, hindi totoo sa sobrang gwapong taglay. Walang hustisya ang kakisigan ni Declan.





Humarap siya sa salamin at ngumiti. Naiimagine niya na kapag nagharap sila ni Pilato. "Sigurado ako." Gusto kong maging maganda para sa kanya. Sigurado niyang sagot kay Sandy.





Sinulit niya ang buong araw para magpaganda. Ngayon, hindi na lang si Sandy ang kasama niya, pero maging si Stacy na din. Masarap ulitin ang dati, 'yoong samasama silang tatlo pagkatapos ng klase o di kaya'y kapag walang pasok. Nagtawag din siya para magday-off sa coffee shop, pumayag naman ang may-ari. Ani nito, gawin na nga lang daw niyang tatlong araw, siya kasi ang pinakamasipag raw nitong empleyado na ikinasimangot naman nang malaman nina Glen. Speaking of Glen, tumigil na ito sa kakasuyo sa kanyang manligaw. Ani niya, may nakalaan na para sa puso niya.



Naging maikli na lamang ang kanyang buhok, nasa balikat niya na iyon at medyo kulot na. Pinakulayan niya iyon ng brown na may highlights na blond. Nagpanicure at pedicure din siya, at saka nagshopping para bumili ng damit. Bakabili siya ng isang maroon red dress, wala itong manggas at hanggang leeg ang neckline. Mahigpit ang bandang bewang nito dahilan para lalong mahubog ang hugis ng kanyang kawan. Pabukadkad naman ang palda nito, bumili rin siya ng pumps na kulay puti. Overall, she looked elegant. Tingin niya ay maganda na siya. Sana, magustuhan ni Declan ang bago niyang itsura. Well, dahil para ito sa kanya.




Nang umuwi na si Stacy. Nagpaalam na rin si Sandy na umuwi. Basta, ang gusto nito ay ibigay sa niya ang lahat ng detalye na mangyayari. Naggoodluck pa ito na ikinatawa niya. Nagtaxi siya papunta sa bahay unit ni Declan, pero pagdating niya doon ay sarado at mukhang walang tao. Doon niya naisipang magpunta sa bahay nito kung saan tinawag nitong tahanan. Biglang naalala niya ang sinabi nito kung bakit iyon nasabi ng binata. Lalo tuloy ay hindi na siya makapaghintay pang makita si Declan.






Nang makita niyang bukas ang gate at nandoon ang kotse ni Declan na nakaparada sa labas ng kalsada ay naiiling siyang bumaba ng taxi pagkatapos niyang magbayad. Ang lalaki talagang iyon, napakaburara. Hindi ba ito natatakot na manakawan? Kahit pa sabihin nitong mayaman siya ano.




Pumasok siya, kumakabog ng pabilis ng pabilis ang puso niya. Marami siyang iniisip. Ano kayang gagawin nito kapag nakita siya? Yayakapin? Hahalikan? Nanginginig ng mga kamay niyang isinarado ang gate ng nakapasok.





Huminga siya ng ilang beses, paulit-ulit na inaayos ang kanyang damit kung may gusot ba iyon at sinuklay suklay pa ang kanyang buhok na bago na ang estilo. Inihanda niya ang kanyang pinakamatamis na ngiti ng biglang magbukas ang pinto ng hindi niya inaasahan.





At doon. Mismo sa pinto.






Muling nabasag ang puso niya.






Naroon si Declan na hubad baro at nakapajama habang nakahawak ang dalawa nitong kamay sa mukha ng isang babaeng aakalain mo'y isang modelo. Napakisap mata siya sa nakikita. Nasa tagpong mapusok ang dalawa, naghahalikan ang mga ito na para bang hangol na hangol sa isa't-isa.





Muli niyang naramdaman ang sakit na nadama niya ng lumabas siya noon sa simbahan. Ngunit mas malala ito. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo at nakasentro ang lahat sa pagpitik ng puso niya. Pagpitik kasama ang kirot. Eto na naman siya, muling nasasaktan. Pakiramdam niya ay binubungkal ni Declan ang naghilom niya ng sugat.





"D—Declan?" Pabulong niyang sambit.






***

AN: 42 po yung inupdate ko kanina. Pasensiy na, nagkamali ako.

ImperfectPiece

Continue Reading

You'll Also Like

93K 2.4K 43
The youngest among the Stallix, Trek Stallix fall hard at the young age and when his first love broke up with him it makes him wanting her more. He'l...
85.8K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
88.7K 3.2K 56
R18| MATURE CONTENT After losing her husband, Isla Gabrielle Gomez thought she'd never love again. But when she meets Angelo Razonable, a charming yo...
240K 6.5K 27
Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera mai...