Of The Shattered Compass

By ELRionCae

27.7K 1.6K 525

As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and w... More

Of The Shattered Compass
Chapter 1 : The Northerners
Chapter 2 : End of Summer
Chapter 3 : The Westerners
Chapter 4 : He Who Stole The Crown
Chapter 5 : Knowing Cali
Chapter 6 : The Southerners
Chapter 7 : Epic Grand Reunion
Chapter 8 : Endless Combat
Chapter 9 : OH YES WAY !
Chapter 10 : The Easterner
Chapter 11 : Healing Wounds
Chapter 12 : Cali's Home
Chapter 13 : Just Call Me "A"
Chapter 14 : First Attack
Chapter 15 : Waiting For You
Chapter 16 : Heart Beats
Chapter 17 : Mute
Chapter 18 : Wrong Side
Chapter 20 : Rules and Regulations (2)
Chapter 21 : What We Used To Be
Chapter 22 : My Father, Ace Dennison Frazer
Chapter 23 : I'm Sorry
Chapter 24 : Bow Before Me
Chapter 25 : Beautiful in White
Chapter 26 : Permission
Chapter 27 : His Greatest Adversary
Chapter 28 : Courting Rivalry
Chapter 29 : Life Outside The Compass (1)
Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)
Chapter 31 : Back Story
Chapter 32 : Seeking Interuption
Chapter 33 : When Mute Talks
Chapter 34 : A Pirate's Work
Chapter 35 : Cali's Queen
Chapter 36 : Dethrone
Chapter 37 : I Love You, I think?
Chapter 38 : The Jealous Cali
Chapter 39 : Sudden Confession
Chapter 40 : Never Let Go
Chapter 41: Changes
Chapter 42: Nostalgia
Chapter 43: Mortello's Gang
Chapter 44: Frazer's Way
Chapter 45: I Will Miss You
Chapter 46: This Night
Chapter 47: Happiness, Love and Rages
Chapter 48: Caught
Chapter 49: Plan
Chapter 50: I Can't
Chapter 51: Lies and Butterflies
Chapter 52: Cali's Tears
Chapter 53: Rules of a Broken Heart
Chapter 54: The End of Everything
Chapter 55: Where's Cali?
Chapter 56: Last Hug
Chapter 57: Gone for Good
Chapter 58: You're Mine
Chapter 59: The Final Game
Chapter 60: Again. At Last
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 19 : Rules and Regulations

428 26 4
By ELRionCae

Chapter 19

JETT ACKER

Bakit ba kase naisip ni Tito Rage na pagsama-samahin kami dito eh, hindi talaga maganda kakalabasan nito kahit na isang araw lang sa isang linggo tsk. Nakakabwisit kasama ang mga to' lalo na si Kade, kulang nalang ay kunin niya lahat ng kama at higaan niya yun lahat. Nagsolo talaga siya ng kama, habang kami dito nagsisiksikan ang kapal ng mukha. Hindi na kami nagdala ng gamit nila Cali dahil isang gabi lang naman kami matutulog pagkatapos ay sa susunod na webes ulit, dapat ay biyernes kaso uuwi narin naman noon kaya pinalitan ni Tito Rage tss gustong gusto niya talaga mangyari to no. Hindi pa sila magkasundo sa higaan pero nagtagal ay naayos na din, si Kade lang naman talaga ang problema eh tss.

Nang matapos magdesisiyon kung saan pwesto magsisitulog ay nagpwestuhan na kami para humiga. Maayos naman at walang nag-aaway away, mukhang pinasukan ng mga masasamang hangin sa katawan kaya't nagkaganun. Tinignan ko sila isa isa, si Kade ay nakahiga at nakapaling ang ulo sa direksyon kung saan di kami makikita, naka headset at alam kong nagtutulog-tulugan lang siya, sila Audrey at Rheiko naman ay nagkukwentuhan, si Storm ay nakaupo lang sa gilid habang nakasilip sa bintana, si Draco at Andreau ay magkatabing nagbabasa ng libro, tss magkasundo talaga sila. Si Cali, Yhno at Chance naman ay nagkukulitan, si Hymn ay nakahiga at nagcecellphone sa isang tabi, samantalang si Ash ay pinapa-ikot lang ng pinapa-ikot ang bola sa daliri niya. Ang saya saya talaga nila kasama para silang may mga sariling mundo nakakainis lang.


Mga pawang nakapantulog na kami at pagtulog nalang talaga ang gagawin namin dahil hindi ko na aasahan na mag-uusap usap kami dito ng isahan. Aish ! Bakit ba kase humantong sa ganito ang lahat ? Hindi ko rin alam, basta isang araw nalang pag gising ko hindi na kami magkakasundo, kami nalang nila Draco, Hymn at Cali ang magkakasama. Nagkaroon din dati ng iringan si Cali at si Kade sa pagiging top 1, doon nagsimula ang lahat biglang lumabas ang masamang aura ni Kade ng kauna unahang makuha sa kanya ang titulo. Nagtransfer kami nila Cali ng school dahil wala lang, masyado lang kaming naiinis sa iringan na nagaganap at doon nainis sa amin sila Storm, Ash at Andreau. Umalis kami ng walang paalam at bumalik rin ng walang paalam kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa kami lahat nagkakausap ng maayos at hindi ko na inaasahan na mangyayari pa yun.

Imbes na isipin ko ang mga kalokohan nila ay matutulog nalang ako, biyernes na naman bukas kaya masaya na dahil last day na. Pahiga na sana ako ng bigla naman kaming makarinig ng kalabog mula sa labas kaya napatigil ang lahat sa kani kanilang ginagawa at dahil saktong nakasilip na si Storm sa bintana ay siya na mismo ang tumayo para mas masilip ito.

"What's that ?" nagmamadaling lumakad si Cali at tumabi kay Storm.

"Don't know, baka kung ano lang." sabi ni Storm at bumalik ulit sa pagkaka-upo.

Tumalikod na ulit si Cali pero bigla na namang may kumalabog, mas malakas hindi katulad ng nauna at ngayon pati kami ay napalapit na sa pwesto niya.

"Ano ba kase yun ?" si Draco na ang nagtanong at sumilip narin sa bintana.

"I'll check it." sabi ni Cali at pinihit ang pinto pero bago pa niya tuluyang mabuksan ay may nagsalita sa likuran namin.

"Rules and Regulations no. 12, going outside the dorm in the middle of night is strictly prohibited." kahit hindi namin nakita ay alam naming si Kade yun.

Napahinto naman si Cali at napatingin sa kanya. Naka-upo na si Kade sa kama at nakatanggal na ang headset sa tainga habang nakatingin ng masama kay Cali.

"Rules and Regulations no. 13, If student caught up roving in the middle of night, she/he must face equitable punishment given by the disciplinary officers." sagot naman ni Cali.

"So you want to face the equitable punishment ?" mayabang na tanong ni Kade.

"Not until I get caught up." sagot naman ni Cali.

"I can point you out to the disciplinary officers just to caught you up." sagot naman ni Kade.

"Yan ay kung matuturo mo ako." mapang-asar naman na sabi ni Cali.

Ugh. Mukhang ngayon palang magsisimula ang sinasabi kong away.

"..But, you can join if you want." pambawi naman ni Cali.

"And what would make you think that I'm going to do that ?" nakasalubong na kilay na sabi ni Kade.

"Rules and Regulations no. 15, If something bad accident happens in the act and under the school president's jurisdiction with or without his consent, the school president himself must face the equal punishment that have been made." si Storm na ang nagsalita niyan kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.

At ngayon ko lang nalaman, kabisado nila ang mga rules ang regulation samantalang ako ay isa lang ata ang kabisado doon, ang rule number 1, wearing the proper uniform inside the school premises, tss. Sabagay, mga dorm leader sila kaya dapat lang na kabisado nila ang rules and regulations tss.

"Kabisado nila ?" taka ring tanong ni Yhno.

"Yeah." matipid na sagot ni Hymn.

"Pero nagtataka talaga ako." sabad naman ni Chance sa gilid namin.

"Ano na naman yun ?" tanong ni Draco ?

"Ano yung rules and regulations number 14 ? Nalaktawan kase nila." bwisit na Chance, akala ko kung ano na ang itatanong.

"Rules and Regulations no. 14, Only disciplinary officers have the rights to give the appropriate castigation in every defendants, or elseway any formidable offense done by offender must be factually recieve the innumerable punishment given by the office president, Mr. Rage Kristoff Zegers himself." si Andreau ang sumagot niyan kaya naman sa kanya kami napatingin.

Kailangan ba talaga nila kabisaduhin lahat yun ? Geez ! Nakakabaliw pala makasama ang lahat ng leader.

Matapos magsabihan ng mga pesteng rules and regulations ay hindi na naman nagsalita si Kade at sinimangutan nalang si Cali saka humiga, kung ganoon wala pala talaga siyang karapatan magbigay ng parusa kaya gumagawa nalang siya ng kalokohan para maparusahan ang iba, bwisit na lalaki. Natigil nalang ang usapan namin ng may kumalabog ulit galing sa labas kaya mas pina-igting ang pagtataka ng lahat.

"Summer, stay here okay ? I'll be back." paalam pa ni Cali kay Rheiko at tumango lang si Rheiko. "..Chance, wag kang lalabas, dito ka lang." sabi niya sa kapatid niya.

"Bakit ikaw lalabas ako hindi pwede ?"

"Sasagot ka pa talaga ? Wag ka sabing lumabas, pati ikaw Yhno, subukan niyong lumabas malilintikan kayo saking dalawa. Dito lang kayo." sabi ni Cali sa dalawa. Feeling kuya talaga siya kahit kay Yhno.

Lumabas si Cali, at dahil hindi namin siya hahayaan mag-isa, sumama kami sa kanya, ako, si Draco, si Hymn pati si Storm at Ash ay nakakapagtakang sumama sa amin. Nasa gitnang bahagi ang dorm na tinutuluyan namin at katangi tangi at nag-iisang dorm ito kung saan may gubat sa likuran nito at talagang hindi mo tatangkaing lumabas pa sa ganitong oras. Suot ang aming mga pang-tulog at tanging tsinelas lang ang suot ay lumabas kaming dorm ng hindi gumagawa ng ingay. Hindi namin alam kung saan nanggaling ang tunog kanina kaya minabuti namin na pakinggan ulit at narinig namin yun sa bandang gubat na bahagi sa likod ng dorm.

"Kailangan ba talaga natin pumunta diyan ?" tanong ni Draco habang napapalunok pa at nakatingin sa madilim na bahagi ng lugar.

"Bumalik ka na dun sa dorm kung gusto mo." sagot naman ni Hymn.

Hindi na nagsalita si Draco at sinundan nalang kami. Dahan dahan ang ginawa naming paglapit, iniiwasan na maapakan ang mga nalaglag na tuyong dahon o maliliit na sanga ng puno dahil gumagawa ito ng ingay, kahit na madilim ay pinipilit naming hanapin kung saan nang-gagaling ang ingay na naririnig namin kanina, hanggang sa makarating kami sa isang bahagi ng gubat na may malawak na espasyo, mula sa aming kinatatayuan ay nakita namin ang tatlong lalaki at tila may binubugbog at pinagtutulungan na isang lalaki sa gitna nila. Mabilis kaming hinila ni Cali para makapagtago sa malaking puno.

Gayon rin ang ginawa ni Storm kay Ash at sa kabilang puno naman sila nakapwesto, samantalang si Hymn ay umakyat sa puno at doon nanonood.

"Nasaan na ? Ilabas mo na kung ayaw mong patayin ka namin ngayon din !" sabi ng isang lalaki at tindyakan ang lalaking pinagtutulungan nila sa gitna.

Dumaing sa sakit ang lalaki. "Ugh !.. Wala sa akin, wala talaga sa akin yun!" pilit na nagsalita ang lalaki habang pinoprotektahan ang sarili sa ginagawang pagsipa sa kanya.

"Wala sayo o ginamit mo na ?!" inis naman na sabi ng isa at tinadyakan rin siya.

"Wala nga sa akin ! Kinuha yun sa akin. Paki-usap, tama na.." nahihirapang sabi ng lalaki.

"Wala naman pala daw sa kanya edi patayin na natin siya." suhestiyon naman ng isa.

"Kung wala sayo, nasaan at sino ang may hawak ?" tanong ng isa.

Hindi nagsalita ang estudyante at tila nag iisip pa. Sa inis ay binuhat ng isa sa kanila ang lalaking nasa gitna at pilit itinaas, saka lang namin nakita ang mukha ng binubugbog nila, yung lalaki kanina sa cafeteria.. Yung lalaking hinampas ni Storm ng coke in can sa mukha, oo siya nga, isang taga north, pero bakit siya binubugbog ng mga to ? At ano yung sinasabi nila na kinuha niya ? Katulad namin ay ngayon ko lang napansin na nakapantulog narin pala siya, mukhang sapilitan lang siyang kinuha sa dorm nila.

Nagulat nalang kami ng bumunot ng baril ang lalaki at itinutok sa sintido ng lalaki. Kitang kita ang takot sa mukha ng estudyante, kahit na hindi namin siya ka-edad at mukhang kasing edad niya ang mga kumuha sa kanya at kasing katawan ay hindi niya nagawang lumaban, kahit naman sino sa amin ay hindi magagawang lumaban dahil may mga baril sila. Kaya siguro dapat ay umalis na kami dito bago pa kami madamay.

"Cali, umalis na tayo rito, delikado tayo." sabi ko kay Cali at nilingon niya ako.

Marahan siyang tumango. "Yeah ! Baka pati tayo mapatay dito."

"Hindi ko pa natatapos basahin yung libro ng Harry Potter, hindi pa ako dapat mamatay." bwisit na Draco to' puro libro lang inisip, hindi man lang inisip na nabubuhay siya para sa iba pang dahilan.

"Hindi ba natin siya tutulungan ?" tanong ni Hymn mula sa taas.

"Gusto mo na bang mamatay ?" tanong naman ni Draco.

"Kawawa naman siya, pero sabagay mas kawawa sila Mommy at Daddy kapag nakita ang bangkay ko." sagot naman ni Hymn.

Sinenyasan na nila Cali sila Ash at Storm na aalis na pati narin si Hymn na kasalukuyang nasa taas ng puno. Dahan dahan na naming inihakbang ang mga paa namin ng marinig namin ang pagkasa ng baril, hindi na namin gumawang lumingon pa.

"Hanggang sa muli." sabi pa ng isa at alam kong nasa akto na siya ng pagbaril.

Hindi na naman magawa pang tulungan siya, unang una ay wala kaming panlaban, pangalawa ay wala kaming panlaban, pangatlo ay wala kaming panlaban. Yun lang lang talaga dahil kahit anong laban ang gawin namin ay mamatay kaming lahat. Rules and Regulations no. 2, save yourself before others. Sarili kong rules yan. Sorry nalang Northy, wala kaming magagawa para sayo.

"Teka ! Teka ! Wag niyo kong patayin, alam ko kung nasaan ang hinahanap niyo, sasabihin ko na." sabi ng lalaki, hindi na namin tuluyang pinansin at itinuloy ang dahan dahan na paglakad.

"..kay Chance, na kay Chance ang hinahanap niyo."

Biglang huminto si Cali sa narinig, gayun din kami. Napalingon bigla si Cali sa kinaroroonan ng lalaki.

"Sinong Chance ?"

"Estudyante rin siya ng Kristoff, Chance Frazer, nasa kanya ang hinahanap niyo. Pwede ko siyang dalhin sa inyo."

Nanlaki ang mga mata namin sa narinig at lalong lalo na si Cali, nadala kami ng usapan kaya naman hindi namin napansin na wala na pala sa pag-iingat ang pag-galaw namin dahilan para malaman nila ang presensya namin.

Hinila ko si Cali at Draco sa kabilang puno, si Hymn ay umakyat na ulit samantalang si Storm at Ash nasa kabilang puno rin at nagtatago. Tumingin sa amin si Storm, nakipagsenyasan sa tingin. Dahan dahan siyang kumuha ng kahoy na malapit sa kanya, ganoon din si Ash. Wala kaming naririnig kaya naman minabuti kong sumilip pero nagulat ako ng biglang may lumipad na kutsilyo papunta sa akin mabuti at naka-ilag agad ako. Tumusok ang kutsilyo sa kaharap naming puno, nagkatinginan kami lalo at sumenyas sa pagtakbo.

"Ready guys ?" tanong ni Cali.

Tumango kaming lahat.

"RUNNN !" sigaw niya at ginawa na namin.

Walang tingin tingin, walang lingon lingon, lahat kami ay tumatakbo. Tumakbo kami ng tumakbo hindi alintana ang mga kutsilyong nagliliparan, hanggang makarating kami sa dorm. Pare-parehas kaming humahangos paloob sa dorm at nagmamadaling naglock ng pinto. Gulat na gulat sila Rheiko sa nakita nila at napabangon pa si Andreau mula sa pagkakahiga. Pawang mga pawisan kami hinihingal, para kaming hinabol ni kamatayan ngayon ngayon lang.

"Anong nangyari sa inyo ?" tanong ni Rheiko at nilapitan kami.

"Si Chance ? Nasaan si Chance ?" nagmamadaling tanong ni Cali ng makabangon at hinanap sa paligid.

Nilibot namin ang paligid pero wala kaming Chance na nakita.

"Nasaan si Chance ?" nag-aalalang tanong ni Cali pero sa mahinahon na tono.

"Lumabas siya." sagot ni Andreau.

"F*ck !" bulalas ni Cali at bwisit na napasuntok sa sahig saka tumayo.

Nang muli kong libutin ang paligid ay saka ko nalang din napagtanto na hindi lang pala si Chance ang nawawala sa amin ngayon.

"Hey guys.." mahina kong tawag sa kanila at napatingin naman sila sa akin na may bahid ng hindi maipaliwanag na reaksyon ang mukha.

"Nasaan si Draco ?"

Continue Reading

You'll Also Like

50.7K 540 97
this is all about exo's lyrics if you want KOREAN, ENGLISH, CHINESE version. i have them :) [CLOSE] Date Started: October 15, 2016 Date Finished:...
AX4 (Book 1 & 2) By Gigi

Science Fiction

108K 3.4K 52
Be careful criminals.
62K 963 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
6.5K 521 22
#BTS Fan Fiction Seven stories. Seven heartbreaks and pain. Seven healing. [ COMPLETED ]