Chapter 18
AVIAH RHEIKO SUMMER
Sports fest is over. Awarding of the champions will be held tomorrow so most of students are busy arranging the things used by the event. Kahit ang mga dorm leader ay busy sa pag-aayos at ako ay heto at nanonood lang habang nakasilong dahil tirik ngayon ang araw, kasama ko si Audie at Zeya. Zeya is my room mate, nasa itsura niya ang pagiging mabait pero nakakailang lang at hindi siya nagsasalita, puro tango at iling lang ang ginagawa niya.
"Ano ? Hindi ka pa ba pupunta doon ?" tanong ni Audie habang nakapamewang sa akin.
"Eh kase..nahihiya ako." naitago ko ang tubig at bimpo sa likod ko.
"Nahihiya ka pa ng lagay na yan ah ? Pumunta ka na kase, sayang naman yang effort mo sa pagbili ng tubig at pagdala ng towel na yan kung hindi mo ibibigay sa pawisang si Cali." pinangalandakan niya pa talaga. Nahiya tuloy ako lalo.
"Sige na ! Bilis na, puntahan mo na." tinulak niya ako pero hindi ako umalis aa kinatatayuan ko.
"Wag nalang kaya." nakakahiya ang gagawin ko, hindi ko rin alam bakit ko ba naisipan 'to pero ngayon ay hindi ko na maituloy.
"Aish ! Halika nga." siya na mismo ang tuluyang humila sa akin at pati si Zeya ay hinila niya.
Nang makarating kami malapit sa pwesto nila Cali ay mabilis niyang tinawag ang pansin ni Cali at nagawa niya naman yun ng ganun kabilis lang.
"Hey, Summer what are you doing here ?" nakangiting sabi ni Cali habang papalapit sa amin.
"Wow hah ? Si Summer lang talaga ang nakita mo no ?" nakahalukipkip na sabi ni Audie.
Tinignan naman siya ni Cali at nginitian. "Hi Audie." saka tumingin din kay Zeya. "..and hi.."
"Mute !" pasigaw na sabi ni Hymn at nakita kong papalapit siya samin.
Napatingin naman si Cali kay Hymn at napatingin ulit kay Zeya saka nagbigay ng kakaibang ngiti na parang siya lang ang nakaka-alam.
"Mute ? You mean.. Oh ! She's the one who devirginized your cheek." what the hell ! Ano bang pinagsasabi ni Cali.
Malakas na siniko ni Hymn si Cali. Napatingin naman kami ni Audie kay Zeya na ngayon ay nakatungo na ngunit halata sa mukha ang pamumula na batid kong dala ng pagkahiya.
"Sorry, sorry. Zeya right ? I'm Cali." magalang na inilahad ni Cali ang kamay niya at nakipagkamay naman si Zeya pero nanatiling nakayuko.
Napatingin naman ako kay Hymn at nakatingin siya ng maigi kay Zeya na kulang nalang ay kainin niya ng buo sa harapan namin. Anong meron sa dalawang to? Bago ko pa makalimutan ay mabilis na akong napatingin kay Cali, bahala na kung anong isipin niya, hindi naman siguro masama ang pagbibigay ng tubig at bimpo hindi ba.
"Cali, oh." abot ko sa kanya ng tubig at bimpo pero hindi ko siya tinignan ng diretso.
Ilang segundo ay hindi niya parin inaabot kaya naman napatingin ako sa kanya at nahuli ko na nakatingin lang siya sakin. May kakaibang ngiti sa labi at nag niningning ang mga mata na akala mo ay batang binibigyan ng isang magarang laruan.
"Dinala mo talaga para sakin ?" nakatawa niyang sabi at ngayon ay inabot na niya ang mga iyon.
Tumango ako. "Uhm. Bakit ? Uh, bawal ba ?" naiilang kong tanong.
"No no, ahh.. thank you, thank you Summer." bakit ba imbes na ako ang mautal ay siya ang nauutal ngayon ?
"Your welcome." sabi ko nalang.
"Okay ! Nilalanggam na kami dito, let's go girls may pupuntahan pa tayo hindi ba ?" singit naman ni Audie kaya napatingin ako sa kanya.
"Uhm, dito na kami." paalam ko kay Cali at Hymn. Tumango lang si Hymn at si Cali ay nanatiling nakatawa.
"Let's eat lunch later okay ?" pahabol niyang sabi.
"Sama mo na din si Zeya." rinig ko namang sabi ni Hymn kaya napatigil ako pati na sila Audie.
"What ? Sasabay ka ba samin ?" tanong ni Cali.
"Oo, bakit ? Sabay naman tayo talaga ng break time ah. Tss, sige maya nalang." at nagtatakbo na ulit ito pabalik sa pwesto nila.
Napatawa nalang si Cali sinenyasan kami na babalik na rin siya sa pwesto kaya naman nagsimula na ulit kaming maglakad.
"Wow ! Grabe talaga sila, kayo lang ang nakikita nila no ? So ako hindi nila niyaya. Mga bwisit talaga !" inis na sabi ni Audie.
"Don't worry, sasabay ka samin kumain mamaya okay ? Wag ka ng magalit diyan."
"Sasabay talaga ako no ! Makita niyang Cali at Hymn na yan." para talaga siyang bata.
Sa paglalakad naman namin ay hindi sinasadya na makita namin si Kade, kasama si Prescilla. Saglit akong napahinto pero naibalik ko agad sa wisyo ang sarili. Hindi katulad ng dati ay lubos akong nasasaktan, ngayon ay parang inis na ang nararamdaman ko lalo na kapag naalala ko ang mga ginawa niya. Ang pagpapamigay niya, ang pamamahiya at pandaraya. Sa tingin ko nga ay nakaka-move on narin ako papaano sa kanya at medyo nasasanay na ako na wala siya o hindi siya nakikita sa paligid ko. Sana nga ay tuluyan na itong mawala.
--
Kasalukuyang hinihintay namin sila Cali dahil sila ang umorder sa counter. Si Draco, Chance at Jett ang kasama namin ngayon. Masayang nagkukwentuhan si Chance at Jett samantalang si Draco ay nakatuon lamang ang atensyon sa libro, sa ganitong istilo ay may pagkakapareha sila ni Andreau na ngayon ay nasa tabi niya rin. Oo, nandito si Andreau at hindi ko alam kung paano dahil pagdating namin nandirito na siya at kasama nila Jett. Nakakailang ngayon dahil katulad ng dati at nakasanayan, marami ang napapatingin sa pwesto namin. Nagtataka marahil kung bakit kami magkakasama.
Sakto namang biglaan ang pagdating ng isang grupo ng kalalakihan, base sa itim na kurbata mga taga hilaga sila. Mga nakataas ang noong naglalakad sa gitna na animo'y mga hari ng daan, binabangga kung sino man ang mga nakaharang. Sa paglalakad nila ay napasulyap sila sa pwesto namin at biglang napatigil. Bakas sa mukha ang pang-iinis habang lumalapit sa pwesto namin. Iisa ang tinitignan nila, si Zeya.
"Hello newbie !" sabi agad ng isa ng makalapit sa pwesto namin at hinawakan sa ulo si Zeya. "..ikaw yung bumangga kay president nung nakaraan hindi ba ? Kita mo nga naman, taga kanluran ka pala." mapang-asar na sabi nito.
Awtomatikong napatigil sila Draco, Jett at Chance sa kani kanilang mg ginagawa. Masusing pinagmasdan ang lalaki at hinihintay nila na gumawa ng unang hakbang para sa bakbakan.
"Pinapahanap ka ng presidente ! Sumama ka samin." bigla niyang hinawakan si Zeya at hinigit pataas dahil sa gulat at hindi naabisuhan ay nawalan ng balanse si Zeya at pumaigtad sa lapag.
Marami ang nagtawanan, marami din ang hindi pumansin at parang wala lang. Lahat kami ay napatayo at bakas sa mga mukha ang pagka-gulat
"What the f*ck are you doing Northy ?" bulyaw ni Jett sa lalaki at mabilis na itinayo si Zeya saka itinago sa likod niya.
"Ibigay mo siya sakin, pinapahanap siya ni Kade." at ano namang balak ni Kade kay Zeya ? Wala na ba talaga siyang puso at pati si Zeya ay pagbubuntunan niya.
"Sabihin niyo sa presidente niyo, kunin niya dito mag-isa niya. Wala ba siyang mga paa at kamay at talagang iuutos niya pa sa inyo ?" mapagmataas na sabi ni Jett habang masamang tinititigan ang mga lalaki.
"Hoy ikaw lalaking makulay ang buhok ! Kapag sinabi kong ibigay mo sakin yang babaeng yan, ibigay mo sakin kung ayaw mong malintikan." sabi ulit ng taga hilaga.
Mas matangkad ang lalaki, mas matipuno ang katawan at mukhang sanay sa labanan. Sa itsura niya ay mukhang nagtagal na siya talaga ng ilang taon dito sa Kristoff, mukhang hindi namin siya kasing edad at pang kolehiyo na ang datingan.
"Hindi niyo makukuha ang babaeng to." pumalibot naman sa magkabilang gilid si Chance, Andreau at Draco para harangan si Zeya at nakakahanga ang ginawa nila.
Sumama ang mukha ng lalaki at umamba ng suntok pero natigil ito ng may humawak sa braso niya. Lahat kami ay napatingin sa gumawa noon.
Si Storm.
Hawak hawak niya gamit ang kaliwang kamay ang braso ng lalaki habang ang kanan ay ginagamit niya panghawak ng coke in can at kasalukuyang nainom siya.
Nang lingunin siya ng lalaki ay itinigil niya ang pag-inom at nakipagtitigan dito. Pumiglas ang lalaki at hinarap siya.
"Ohh !" manghang pahayag ng lalaki at tinapunan ulit kami ng tingin, tila ngayon lang napansin ang malaking pagkakaiba.
"..The south, the west, the north and the east. Are you planning to change history here huh ?" nang aasar niyang tanong.
"No one's planning of changing here mongrel, so shut up !." sambit ni Storm kaya napabalik sa kanya ang atensyon ng lalaki.
"Storm Lopez, west dorm leader. It seems like, someone woke up on the wrong side of the dick today."
"I said shut up !" walang karea-reaksyong sabi ni Storm.
"Shut up your ass, asshole !" mayabang na sabi ng lalaki.
Ngumisi si Storm. "Well I guess, you messed up with the wrong side of the dick today."
Sobrang bilis ng pangyayari. Bigla nalang hinampas ni Storm sa mukha ng lalaki ang coke in can at nayupi ito sa lakas ng pagkahampas. Marami lalo ang napatingin, si Zeya ay nanlalaki ang mata samantalang sila Draco ay nakatingin lang sa lalaki na ngayon ay duguan ang ilong at namimilipit sa sakit nito.
"Now shut up !" mariing sabi ni Storm saka nagsimula ulit maglakad.
"Hey Storm !" pahabol na tawag ni Jett kaya napatigil si Storm ngunit hindi lumingon.
"Cool move dude ! Let's party at the dorm later." masayang sabi ni Jett at iwinagayway lang ni Storm ang kamay sa ere bilang tanda ng pagkaway at naglakad ng nakapamulsa.
Ang mga lalaki naman ay nagtakbuhan na palabas dala dala ang kasama nilang duguan. That was really a cool move made by Storm. Bigla namang nagdatingan sila Cali at nagtataka kung bakit kami nakatayo, hindi ko sila masisisi kung bakit hindi nila alam ang nagyari dahil nasa dulo kami at malawak ang cafeteria para matanaw nila ng ganun ganun lang iyon. Nagsimulang kumain ang lahat ng sama sama at saka ko lang ulit napagtanto ang sinabi ni Jett kay Storm.
"Jett, ano yung yung sinasabi mong party mamaya sa dorm ? Hindi ba hindi naman kayo magkasama sa dorm ?" taka kong tanong kaya napatigil sila.
"You already forgot ?" tanong naman ni Cali habang hawak hawak pa ang piraso ng manok na kinakain niya.
"Forget what ?" ano ba yung nakalimutan ko ?
Nagbigay ng nakakalokong tingin si Cali saka tumawa.
"Mamaya na tayo lilipat sa center dorm, magsasama sama na tayo at matutulog sa iisang bubong."