Of The Shattered Compass

By ELRionCae

27.7K 1.6K 525

As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and w... More

Of The Shattered Compass
Chapter 1 : The Northerners
Chapter 2 : End of Summer
Chapter 3 : The Westerners
Chapter 4 : He Who Stole The Crown
Chapter 5 : Knowing Cali
Chapter 6 : The Southerners
Chapter 8 : Endless Combat
Chapter 9 : OH YES WAY !
Chapter 10 : The Easterner
Chapter 11 : Healing Wounds
Chapter 12 : Cali's Home
Chapter 13 : Just Call Me "A"
Chapter 14 : First Attack
Chapter 15 : Waiting For You
Chapter 16 : Heart Beats
Chapter 17 : Mute
Chapter 18 : Wrong Side
Chapter 19 : Rules and Regulations
Chapter 20 : Rules and Regulations (2)
Chapter 21 : What We Used To Be
Chapter 22 : My Father, Ace Dennison Frazer
Chapter 23 : I'm Sorry
Chapter 24 : Bow Before Me
Chapter 25 : Beautiful in White
Chapter 26 : Permission
Chapter 27 : His Greatest Adversary
Chapter 28 : Courting Rivalry
Chapter 29 : Life Outside The Compass (1)
Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)
Chapter 31 : Back Story
Chapter 32 : Seeking Interuption
Chapter 33 : When Mute Talks
Chapter 34 : A Pirate's Work
Chapter 35 : Cali's Queen
Chapter 36 : Dethrone
Chapter 37 : I Love You, I think?
Chapter 38 : The Jealous Cali
Chapter 39 : Sudden Confession
Chapter 40 : Never Let Go
Chapter 41: Changes
Chapter 42: Nostalgia
Chapter 43: Mortello's Gang
Chapter 44: Frazer's Way
Chapter 45: I Will Miss You
Chapter 46: This Night
Chapter 47: Happiness, Love and Rages
Chapter 48: Caught
Chapter 49: Plan
Chapter 50: I Can't
Chapter 51: Lies and Butterflies
Chapter 52: Cali's Tears
Chapter 53: Rules of a Broken Heart
Chapter 54: The End of Everything
Chapter 55: Where's Cali?
Chapter 56: Last Hug
Chapter 57: Gone for Good
Chapter 58: You're Mine
Chapter 59: The Final Game
Chapter 60: Again. At Last
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 7 : Epic Grand Reunion

529 38 14
By ELRionCae

Chapter 7

Dedicated to : aguywhoreads 😁 pasensya ngayon lang naka-update.

STORM ROVEN LOPEZ


I'm already in my dream land kissing those girls ass's when the f*cker Kade Zegers barge into the West dorm, banging on each and every door starting to make chaos while uproaring the name of Rheiko. Just what the damn is that ? And not to mention that he is f*cking drunk, emitting groudy substance here and there. So gross*

I shooed all the students watching Kade and they made their way back to their room until there's no one left except Kade and I.

"Hoy ! Pwede bang wag kang manggulo dito ah ? Ang ingay mo eh." Hahawakan ko na siya para itaboy pero tinulak niya lang ako.


"Wag mo kong hawakan ! Nasaan si Rheiko ? Ilabas mo si Rheiko." sigaw niya sa mukha ko, at darn ! Ang baho ng hininga niya, dahil sa naghalong alak at pagsusuka niya.

"Wala si Rheiko dito !" sumandal ako sa pader at tinignan siya ng nakakaloko.

He looked at me with a drowsy eyes and then smirk. "Liar ! This is West dorm right ? This is Rheiko's dorm, Ilabas mo siya !"

I gust a soft laugh and motion myself in front if him. "Kakaiba ka rin talaga no ? Pagkatapos mo siya pahiyain ng ganun sa harap ng maraming tao ngayon naman ay hahanapin mo siya ?"

"Wala kang ala--m Ilabas mo na si--ya !" hiccups interfering between his words.

I lazily shook my head. "Wala nga siya dito." at saka ibinalik ang pagkakasandal ko sa pader.

"Imposible, saan naman siya mapupunta ? RHEIKO ! RHEIKO !" and he began to shout again ang banging off the door. Annoying creature.

"She's in the South, together with Cali." he immediately stopped the booming and turn his red faced on me.

"What did you say ?" hindi ako sumagot at tinignan lang siya sa mapang-asar na paraan.

"WHAT DID YOU JUST SAY ?!" himutok niya na para bang nahulasan ang pagkalasing.

"Kailangan ko pa bang ulitin ?" I flashed my most playful simper to a greater degree.

He position his self to stood up straight without lurching. Really, Cali's name can fluster the mood out of him.

"You're lying." diretso niyang sabi nang walang pag-aalinlangan.

He's an importunate one. "If you can't trust my words, then go on search your girl. I don't have any obligation to force you just to believe me by the way." Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at iniloob ang mga kamay ko sa bulsa ng pajama na suot ko.

Nagsimula na naman siyang sumigaw kaya't sa inis ko ay kinuha ko nalang ang cellphone sa kanang bulsa ko at tinawagan si Rheiko pero hindi niya sinagot ng una, pangalawa at pangatlong ring kaya mabilis ko ng binaba at nagpadala nalang ng mensahe.

To AR Summer : Where the hell are you ? Kade hysterically barge in the West dorm and looking for you, 10minutes and if you don't showed up, I'll punch this f*cking guy on the face.

PS : He's drunk.

I hope she'd get it right away because my hand is already in the form of punching, seriously. One wrong move, I'll kick his ass out through the f*cking stairs.

Ilang saglit nang makarinig ako ng malalakas at mabibigat na yabag pataas papunta sa kinatatayuan namin. And there, just as before 10minutes when Rheiko came. 9 minutes and 53 seconds huh ? She really don't want me to hurt Kade. Malayo ang dormitoryo ng timog mula sa kanluran, kakayanin nga ito ng sampung minuto pero siguradong hingal kabayo ka na.

"S-Storm !" boses ni Rheiko sa di kalayuan ang pumailanlang sa kahabaan ng pasilyo sa dormitoryo ng kanluran.

Nilingon ko lang siya at hindi inaalis ang likod ko na nakalapat sa sementong pader. Her shoulders are turning up and down for heavy breathing, the panting is loud and clear. Lights are out now in the west dorm, so that the gleam of the moon are the only main source of the light to see the lucidity of her features. Her messy hair that surely made by the run is covering almost the half of her face. Drops of unwanted sweat are streaming down, mixed unsaid emotions are clearer in the view as I see.

Girls are really weak.

Pinahiya na siya sa maraming tao kanina ngunit hindi parin talaga natiis at ginawa ang lahat ng makakaya para lang makita ang lalaking gumawa ng hindi kanais-nais sa kanya. Isang senyales ng kahinaan na dapat ay inaalis sa katayuan. Kawawang babae.

Nilingon siya ni Kade, walang salita ang lumalabas sa kanilang dalawa kaya naman bago pa sila gumawa ng nakakadiring eksena ay dinespensa ko ang sarili para umalis. Pagtapat ko kay Rheiko ay binigay ko ang aking paalala

"Just 30 minutes, It's getting late Rheiko and besides, northerner's presence in west dorm is really suffocating. I'll be watching." saka idineretso ang sarili pababa.

Hindi ko na narinig ang usapan o anumang salita na tinuran nila sa isa't isa dahil dumiretso ako palabas para magpahangin. Ang presensya ni Kade sa kanluran ay hindi ko inaasahan. Ang makita siyang nakatayo sa harap ko ay nakakasakal, nakakagalit at nakakabwisit. Ngayon nalang ulit siya bumisita sa kanluran at nakakatawa na isang babae pa ang dahilan ng pagpunta niya. Sa puntong yon, isang kahinaan din ang pinakita niya. Kung ano man ang malalim nilang ugnayan sa isa't isa ay wala akong paki-alam, ngunit kung maari sana ay wag sila sa kanluran gumawa ng eksena, kaya pagkatapos ng pang-gugulo niya ngayong gabi ay sisiguraduhin kong hindi na yun mauulit pa.

Malamig ang simoy ng hangin,isang senyales na palalim na ng palalim ang gabi. Simula na talaga ng tag-ulan at tapos na ang nakakabwisit na tag-araw, kung umuulan lang sana ng yelo sa pilipinas ay mas natuwa pa ako. Umupo ako sa balkonahe ng west dorm at sumandal sa batong poste sa gilid. Tanaw ang kalakihan ng damuhan sa di kalayuan, maganda talagang pagmasdan lalo't walang mga taong naglalakad sa daan. Matagal ang tatlumpung minuto kaya naman ipinosisyon ko ang sarili para pumikit ngunit naulinigan ko ang nag-uusap na boses, dala ang kuryusidad tumayo ako para hanapin yon.

Nakarating ako sa gilid ng west dorm. Mula sa kinatatayuan ko ay mas lumakas ang bawat pangungusap na naririnig ko mula sa dalawang tao. Dahan dahan isinilip ang ulo sa kabilang palikong bahagi ng pader at doon nakita ang dalawang lalaki na nag-uusap. Naningkit nalang ang mga mata ko at napailing narin nang mapagtanto kung sino sila.

Cali is standing up on the branch of an old tree, exerting so much effort to squint one of the window on second floor of the west dorm. If I'm not mistaken, that's Rheiko's window. Below him is Hymn, twitching his eyebrows out of frustration for waiting Cali.

"Ano ? Maganda ba ang view diyan ?" mapang-asar na tanong ni Hymn kay Cali habang nakatingala siya dito.

"Hindi ko nga makita eh. Ang dilim, nakaka-inis !" sagot naman ni Cali.

"Baka may ginagawa na silang milagro diyan, bago pa magkaroon ng kasalanan ang mga mata mo umalis na tayo dito." sumandal si Hymn sa katawan ng puno at bumuntong hininga, senyales na bagot na siya sa kakahintay.

"Mamaya na, paalisin lang natin yung mokong na yan. Lasing siya, baka kung anong gawin niya kay Rheiko."

Tumingala ulit si Hymn at binigyan ng nakakalokong ngiti si Cali. "May gusto ka ba sa babaeng yan hah ? Kakaiba na tong mga pinag-gagawa mo, hindi ka nakakatuwa."

Nilingon naman pababa ni Cali si Hymn. "Sino ba nagsabi na matuwa ka sakin ? Wag ka nga maingay diyan, marinig pa tayo dito eh." saka ibinalik ang tingin sa bintana.

Napakamot sa ulo si Hymn at dala ng pagka-inis, humiga nalang sa damuhan at hinintay matapos si Cali sa ginagawa nitong paninilip.

Iwinaksi ko ang tingin sa kanila at sumandal nalang din sa pader sa paraang hindi nila makikita. Napailing nalang ako sa nakitang katangahan na ginagawa nila, lalo na kay Cali. They are all hopeless, caring and protecting each other is not a good thing to do. Kung nagbugbugan sila ay mas nakakatuwa pa. I checked my cellphone and I found out that it's already 29 minutes. I made my way back to the front hall of the west dorm to kick out the ass of Kade.

Sayang lang at pagbungad ko sa pasilyo ay nakasalubong ko na siya, nasa mukha na niya ang maayos na pustura at mukang nahulas na ngang talaga ang pagkalasing niya. Tinignan niya ako ng masama at nilagpasan, ngunit bago niya pa maitapak ang paa palabas ng kanluran ay nagbigay na ako ng banta.

"Sa susunod na pumunta ka para manggulo lang sa kanluran, sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas ng may malinis na mukha." sabi ko habang nakatalikod.

Ramdam ko ang paghinto niya kaya't hinintay ko ang sagot na ibibigay niya.

"Ipapalinis ko ang dumi na nagawa ko sa dormitoryo niyo, wag ka mag-alala hindi ko ginusto pumunta sa nakakabwisit na lugar na to kaya hindi na talaga ito mauulit pa."

Napalingon ako sa kanya at doon ko napagtanto na nakatalikod din siya sa akin.

"Very well said Kade Zegers, your existence here is rankling me up the wall, and you know it's not healthy." I saw him clench his fist then walk away.

I just stole his motto é. Really, seeing him around my environment is unhealthy. Tsk.

Papasok na ako sa kwarto ko nang mapahinto ako. Napatingin ako sa hagdan pataas. Ano nga kaya ang nangyari sa taas ? Nagka-ayos kaya sila ? Tanga si Rheiko kung papatawarin niya ang lalaking namahiya sa kanya. Napailing nalang ako at pumasok na sa loob. Pahiga na ako ng matanaw ko sa bintana ang dalawang lalaking naglalakad palayo na magka-akbay pa. Si Cali at si Hymn, tulad ko, napuyat din sila sa walang kwentang pangyayari, kapag ako nagising ng huli bukas ay sisisihin ko talaga silang lahat.

---

Kinabukasan, himala at maaga akong nagising. Kundi lang sa ingay ng mga taga kabilang kwarto ay hindi ako magigising kaya't bago umalis ay tinadyakan ko ang pinto nila dahilan kung bakit nasira iyon at bumagsak ng walang kalaban laban. Tumambad sa harap ko ang gulat na gulat na itsura ng dalawang babaeng estudyante na naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Natigil ang mga nakakabinging sigaw at tanging pag-tunganga ang nagawa sa nasira nilang pinto.

"Isang pag-istorbo pa, mukha niyo na ang gagawin kong pinto." yumuko sila bilang pag-paumanhin.

Nilisan ko ng nakasimangot ang tapat ng kwarto at naglakad papunta sa pangalawang klase. Nakaligtaan ko na na naman ang unang klase. Oo, maaga pa para sa akin ang pag-gising ng alas onse ng umaga para pumasok, kung pwede lang na wag nalang pumasok ay ginawa ko na.

I'm heading for the second subject, the most annoying subject of all. Values Education.What the hell. Sa kasamaang palad ay kaklase ko pa ang ilan sa taong kina-aayawan ko makita. Ang ilan sa mga taga hilaga, timog at silangan ay nagsasama sa paksa na ito na hindi dapat. It's another boring day and so I thought. Pagpasok ko palang ay puro kaguluhan na ang bumalandra sa harapan ko. Binati ako ng mga kasama kong mga taga kanluran ngunit hindi ko sila pinansin at umupo sa pinaka likuran kung saan ako nakapwesto. Naabutan ko na naka-upo na si Ash at prenteng natutulog sa sulok yakap ang mahiwaga niyang bola kaya naman tinadyakan ko ang upuan niya at napa-igtad siya ng gising saka nabitawan ang bola.

His dopy eyes are trying to familiarized my face and so I help him by tapping his both cheek. Mas nagising siya sa katotohanan at napa-ayos ng upo.

"Simula na ba ?" sambit niya pa habang napapahilamos ng mukha at tumitingin sa harapan.

"Paano ka nakakatulog ng ganito ka-ingay ?" tanong ko nalang imbes na sagutin ang tanong niya.

"Tss. Ngayon lang naman ako nakatulog ng ganito ka-ingay. Sobrang puyat ako kagabi sa pang-gugulo ng bwisit na presidente niyo." Isinandal ko ang likod sa upuan at sinulyapan siya.

"Una at huli na yun, hindi na yun makakapunta sa kanluran." sabi ko at saka itinaas ang paa sa harap na silya.

"Sarap nila pag-untugin ng babaeng bagong dating na yun. Kung hindi mo lang ako pinigilan ay binugbog ko na silang pareho."

Gusto niya nga talagang gantihan si Rheiko sa ginawa nito ngunit hindi ko siya pinayagan kaya eto at nagrereklamo siya. Kasalanan niya din naman dahil nung may pagkakataon siyang gantihan sa gym ay hindi niya ginawa ngayon ay may gana pa siyang magreklamo sa akin. Hindi ko na siya inimik at naghintay nalang na dumating ang guro. Napansin ko na nandito narin pala si Rheiko, magkaklase kami sa paksa na ito pati narin si Andreau mas mabuti na yun kesa sa makasama ang iba.

"Ang boring ! Nakakainis." reklamo ni Ash at tumayo sa upuan. Dinampot niya ang nahulog na bola at inilagay sa isang sulok bago umalis sa kinauupuan.

Sa nakikita ko ay mukhang maghahanap na naman siya ng gulo. Pumunta siya sa pwesto ng ibang taga kanluran na nasa kabilang dulong bahagi lang namin sa bungad ng pintuan. Nang-asar ng mga taga silangan at nangbato ng kung ano ano sa kung sinong dumadaan. Mga walang pag-asa, ngunit tama siya napaka boring talaga ng klaseng ito. Lumipat ako sa upuang ginamit ni Ash at doon ipinosisyon ang sarili sa pag-sandal para matulog ngunit pipikit palang ako ng dumating ang guro. Bwisit.

Kusang nagbalikan ang mga estudyante sa kani kanilang pwesto. Kahit na mga pasaway ang estudyante ng Kristoff ay may natitira padin namang pag-galang sa bawat isa sa kanila. Si Ash ay bumalik na ngunit hindi ako umalis sa upuan at pinatuloy ang pagsandal kaya't wala siyang nagawa kundi umupo sa upuan ko. Nang maupo ang lahat ng estudyante ay saka ko lang napansin na bago ang guro namin. Nabalot ng bulungan ang paligid, pagtataka at pagtatanong. Ngunit mas nanaig ang mga irit ng mga babae naming kaklase maliban kay Rheiko na tahimik lang na nakatingin sa harap at mga babaeng taga silangan na nagkatinginan lang. Kung dati ay babae ang guro namin sa paksang ito, ngayon ay lalaki na. Nakatalikod siya kaya naman hindi pa namin nakikita ang mukha niya at nang mapaharap siya ay doon ko lang napagtanto kung sino siya.

I voluntarily haul myself to get-up from leaning on the wall. Ash and I both look on each other with jumbling thoughts. Andreau release his books down and nail his eyes in front. Marami man ang natuwa sa pagdating ng bagong guro, kami lang siguro ang sobrang nagtaka. Bakit nandito siya ?

Nilibot ng bagong guro ang paningin at ngumiti ng mapang-akit kaya lalong nagtilian ang mga babae naming kaklase.

"Hi class. I'm your new values teacher. Mrs. Dominguez transferred to another subject and I'm here as a replacement. Nice to meet you all, and by the way my name is Dagger Matheson you can call me Teacher Matt for short."

So much screeching sound are aired all around the room. While Ash, Andreau and I are swallowed by the shock.

"Anong ginagawa ni Tito Dagger dito ?" pabulong na tanong ni Ash na may halong pag-aaalala sa mukha.

I just shrugged.

Nakita namin ang paglingon ni Tito Dagger sa pwesto namin kaya naman napa-iwas kami ng tingin at nagkunwaring walang alam. Nang matapos ang bulungan ay saka nagsalita si Tito Dagger or Teacher Matt as what he says. Sinimulan na niya ang klase sa isang walang kwentang tema. Friendship. The heck. Some or most of the girls are eager to listen and I know it's because of Tito Dagger's good looking features and not because of the topic. Pathetic. Nasa kalagitnaan na siya ng pagtuturo nang may tumawag sa kanya kaya napahinto siya at sinagot ang tawag. Pagkuwan ay bumaling ulit sa amin at nagsalita.

"This punk really giving me a hard time tsk." bulong niya sa hangin. "..there some changes on the subject. Re-shuffling of students are in the act." sabi niya sa amin at nagkatinginan na naman ang ilan sa mga kaklase namin.

May kumatok sa pinto na ikinatingin ng lahat ngunit hindi ako.

"Come in." sabi ni Tito Dagger. Nang bumukas ang pinto ay natahimik ang buong klase na ipinagtaka ko.

"Go find your seat Kade. Welcome to my subject." ngiting sabi ni Tito Dagger kaya napatingin ako sa pinto.

Just what the hell ? Si Kade ? Magiging kaklase namin dito ?

"What the f*ck is going on dude ?" sa inis ay napapagamit na na ng lenggwaheng banyaga si Ash.

"Don't ask me idiot !" ngitngit kong sabi habang nakatingin sa naglalakad na si Kade.

Bawat madaanan niya ay nayuko at nagbibigay galang sa kanya. Walang bulungan at walang pangungutya. Hindi siya pumapansin bawat isa sa mga ito. Taas noo ang paglalakad at parang walang nakikita. He looked every side the school president council that he is. This is what he wants, to made all the people bowed before him in the process of wanting them to kneel down. This attention seeker dimwit asshole is really annoying all the way he acts.

Kitang kita ang gulat ni Rheiko at tinitignan ang lalaking papalakad sa pwesto niya. May espasyo sa tabi ni Rheiko, nakatawa siya kay Kade na para bang tinatanggap ito ng malugod para maupo sa tabi niya. Ngunit dismaya ang inabot niya ng umupo si Kade sa likuran niya, sa dulo isang upuan ang pagitan sa tabi ni Andreau. Hindi talaga maintindihan ang ugali ng lalaking ito. Napayuko nalang si Rheiko at binaling ang tingin sa harap.

"Bakit ba kase lumipat pa tayo ng room ? Nakakainis lang ah."

"Shit ! Naiwan ko yung bag ko."

"Ang tanga mo naman, yung underwear mo baka naiwan mo din."

Scruffy voices infiltrate into the room. I snapped my head through the doorway and there I see four standing creature showing their rebelious smile to a higher scale.

Cali, Hymn, Jett and Draco.

"Are we on the right room ?" Draco asked his colleague while looking at us. Wondering.

Hymn cling his arm off to Draco's shoulder. "Yes indeed. We are on the right room Draco." then he throw an injurious glance to Kade.

Siniko ako ni Ash. "Can I ask you now Storm ? What the hell is happening here ?" tanong niya sa tono ng pagkalito.

Hindi pa ba halata ang nangyayari ?

Bumuntong hininga ako at tinignan siya. "It's a marvelous get together Ash. An epic grand reunion as it is."

"What ?" simangot niyang tanong.

He's the most stupid mammal on earth I've ever met. F*cking Ash Hayes.

I just rolled my eyes to him and flinched away.

And then I asked myself.

What really the f*ck is happening here ?

----

Continue Reading

You'll Also Like

Silent Scream By 👑

Mystery / Thriller

9K 349 12
A mystery/thriller story. Book 1: COMPLETED
118K 4.2K 14
Taong 6060 nabuo ang makabagong mundo na tinatawag na Etudia. Ang mundo na kung saan ang bawat bagay at nilalang ay pinapagalaw ng mga bar codes. Ang...
197K 8.4K 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat n...
40K 4.9K 38
leila (nayeon)'s face appeared like rose petals, so he pricks himself by always touching her; and he likes it haha YIKES. Highest rank; #9 in short s...