Of The Shattered Compass

By ELRionCae

27.7K 1.6K 525

As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and w... More

Of The Shattered Compass
Chapter 1 : The Northerners
Chapter 2 : End of Summer
Chapter 3 : The Westerners
Chapter 4 : He Who Stole The Crown
Chapter 5 : Knowing Cali
Chapter 7 : Epic Grand Reunion
Chapter 8 : Endless Combat
Chapter 9 : OH YES WAY !
Chapter 10 : The Easterner
Chapter 11 : Healing Wounds
Chapter 12 : Cali's Home
Chapter 13 : Just Call Me "A"
Chapter 14 : First Attack
Chapter 15 : Waiting For You
Chapter 16 : Heart Beats
Chapter 17 : Mute
Chapter 18 : Wrong Side
Chapter 19 : Rules and Regulations
Chapter 20 : Rules and Regulations (2)
Chapter 21 : What We Used To Be
Chapter 22 : My Father, Ace Dennison Frazer
Chapter 23 : I'm Sorry
Chapter 24 : Bow Before Me
Chapter 25 : Beautiful in White
Chapter 26 : Permission
Chapter 27 : His Greatest Adversary
Chapter 28 : Courting Rivalry
Chapter 29 : Life Outside The Compass (1)
Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)
Chapter 31 : Back Story
Chapter 32 : Seeking Interuption
Chapter 33 : When Mute Talks
Chapter 34 : A Pirate's Work
Chapter 35 : Cali's Queen
Chapter 36 : Dethrone
Chapter 37 : I Love You, I think?
Chapter 38 : The Jealous Cali
Chapter 39 : Sudden Confession
Chapter 40 : Never Let Go
Chapter 41: Changes
Chapter 42: Nostalgia
Chapter 43: Mortello's Gang
Chapter 44: Frazer's Way
Chapter 45: I Will Miss You
Chapter 46: This Night
Chapter 47: Happiness, Love and Rages
Chapter 48: Caught
Chapter 49: Plan
Chapter 50: I Can't
Chapter 51: Lies and Butterflies
Chapter 52: Cali's Tears
Chapter 53: Rules of a Broken Heart
Chapter 54: The End of Everything
Chapter 55: Where's Cali?
Chapter 56: Last Hug
Chapter 57: Gone for Good
Chapter 58: You're Mine
Chapter 59: The Final Game
Chapter 60: Again. At Last
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 6 : The Southerners

643 44 5
By ELRionCae

Chapter 6


Dedicated to RealMenggay68 hi there ✋

AVIAH RHEIKO SUMMER

There's a lot of unexpected things happened in just one whole day. The sudden climate change, meeting the west dorm leader Storm Lopez, ball combat with westerner Ash Hayes, I saw Kade Zegers and experienced that shameful event, and last but not the least, I met Rhys Cali Frazer and run with him like a convicted suspect doing such an abnormal act. What a troubled day I had.

I sigh.


Inilapat ko ang likod sa kama para makapagpahinga na. Nakapasok narin ako sa ilang paksa ko kanina, may iilan paring bulungan ngunit hindi ko nalang pinansin iyon, mamamatay din ang pangyayari kanina at hihintayin ko nalang na mangyari yon. Hindi narin ako nagtangka na hanapin si Kade, wala akong mukhang ihaharap at ayoko ding makita siya. Masakit ang ginawa niya kanina, ni hindi man lang siya tumawag para humingi ng tawad, mukhang ginusto niya rin naman ang nangyari.

Ilang beses ba ako dapat umiyak ngayong araw para lubusan kong matanggap ang ginawa ni Kade ? Kanina lang ay kakapunas ko lang ng luha ngayon ay eto at umiiyak na naman ako. Hindi alam kung ano ang nangyari kay Kade ngunit nakakasiguro naman ako na may natitira pang pag-aalala sa puso niya. Kung tawagan ko kaya siya ? Pero baka hindi niya naman sagutin ang tawag at sa ganong paraan ay mapahiya na naman ako. Wala na akong pag-asa, kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak ko.

Minabuti kong tumayo para makapagbihis na lang, ngunit huli na nang mapagtanto ko na wala nga pala akong dalang damit, paano ako makakapagpalit nito ? Bukas ko pa kukunin ang mga damit ko dahil alas-diyes ng umaga pa naman ang simula ng una kong klase. Manghihiram nalang muna ako kay Audie.

Kinuha ko ang cellphone ko at itinipa doon ang numero ni Audie. Mabilis na tumunog ang kabilang linya at tumugon si Audie.

"Hello Rheiko ? Oh bakit napatawag ka ?" tanong ni Audie sa kabilang linya.

"Ahh Audie sorry sa istorbo ah, ano kase wala akong nadalang damit pwede bang ----

"OUCH !!!"

----Oh shit !" napalingon ako sa bintana sa narinig na kalampag. "..ah Audie, I'll call you later okay ? Sorry, bye !" ibinaba ko ang cellphone at dahan dahang pumunta sa tabi ng bintana.

"Ouch ! Ouch ! Ang sama ng bagsak ko ah." isang lapastangang lalaki ang namimilipit sa sakit habang nakahiga sa sahig.

"Cali ?" again with this guy, what is he doing here ?

He stood up while giving a conscious smile feeling a pain of his back. "Hi-- Summer." he waved at me not losing the smile on his face.

"Cali ? Ano na namang ginagawa mo dito ? At ano tong dala dala mo ?" kinuha ko ang nagkalat na piraso ng tela habang siya ay dahan dahang humiga sa kama hawak ang kanyang likuran.

Plain pink t-shirt ang black pajama with a heart shape design all over it, para saan naman tong damit na ito ?

"Anong gagawin mo dito Cali ?" I asked while waving the clothes in front of his face.

"Uh, that's for you. You don't have any clothes to wear right ? Well, I just remembered. In case you want to change." he smiled sweetly as if he does a very good thing for the night.

I gape out of his dictum, it's another wow words for him. In what way he did all this stuff ? Wait, don't tell me..

"Saan mo nakuha to ?" angat ko ng kasuotang hawak ko. "..did you.. stole it ?"

He's out for words in a moment but it looks like another bulb light appear above his head and he find a words to convey or should I say to fill up the cracks of his madness.

"Ah no, actually kay Hymn yan." ngiti niya pang sabi.

"Hymn ?" I don't know the name neither heard it.

"Yung kasama ko kanina. Oo sa kanya yan."

"So he's a boy ?"

"Yes."

"With a pink t-shirt and black pajama with heart shaped design ?"

"Umm.. suotin mo nalang kase, wag ka ng magtanong diyan."

Magsasalita palang ako ng makarinig kami ng sigaw sa kabilang kwarto.

"Geezz! where's my clothes ? Ugh !" mabilis akong napatingin kay Cali at ngayo'y kakamot kamot siya ng ulo habang nagbibigay ng kakaibang ngiti sa labi.

"Hymn huh ?" mapang-asar kong tanong.

He just flashed a childish smile and continously scratching his head. I shook my head in the idea of stealing and amazed at the same time. He seriously steal it ? Para lang may maibigay sa akin at may maisuot ako, naalala niya pa talaga ang kakulangan ko sa gamit. Masyado niya akong napapabilib sa kanyang mga nagagawa. Alam kong hindi dapat ini-idolo ang mga nang-uumit ng gamit ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga ako sa ideya ng pagnanakaw. Kung paano niya nagagawa ng mabilisan ay hindi ko din alam. Kakaiba nga siyang talaga.

"Sige na, suotin mo nalang yan para makapagpalit ka na." sa isang banda ay tama nga siya, sa halip na manggulo pa ako ngayong gabi kay Audie ay eto muna ang isusuot ko, bukas nalang ako hihiram ulit kay Audie bago umalis. Tsk, bakit ba kase hindi ko naisipan magdala ng damit.

Iniladlad ko ang damit sa harap, mukhang eksakto naman para sa akin ang damit, sinadya niya bang maging eksakto sa katawan ko o nagkataon lang ?

"Wag ka ng mag-alala kasya yan sayo, at isa pa maganda ang may-ari ng damit na yan. Kutis mayaman talaga, ang balat niya mala-porselana at ang ganda ng hubog ng katawan niya, sayang lang at hindi ko nakita ang ----" napansin niya na nakatingin lang ako sa kanya at nararamdaman ko na ang pamumula ng mukha ko sa sinasabi niya. The hell, nasilipan niya ba ang babaeng pinagkunan ng damit na ito ?

He hem between the line. "Uhm, sige na magbihis ka na." itinaboy niya ako papunta sa cr habang hindi makatingin sa akin ng diretso. Napailing nalang ako at napatawa ng mahina sa inasta niya.

--

"It looks good on you." he's scanning my figure all over.

"Thank you Cali."

"Ikaw na bahala diyan pagkatapos mo gamitin, wag mo nalang ipakita yan dito sa lugar niyo baka mapagbintangan kang magnanakaw, sige ka ikaw din." ako pa ang pinagsabihan niya ngayon.

"I know right." I mockingly said.

He stood up from bed and walk towards the window. "I'm going back to the south, I just delivered the clothes for you and to make sure you're not crying again." salita niya habang nakatalikod.

Hindi ako nagsalita at pinanood lang siya habang nakatalikod, ngunit tila nag-hihintay pa siya ng sasabihin ko at nilingon niya ulit ako ng bahagya.

"I'm going back to the South." he bluntly said. The way he talk, it looks like he want me to stop him from leaving.

"Take care Cali." paalam ko nalang.

"May gagawin ka pa ba pag-alis ko ?" tanong niya sa naiilang na tono.

"Uhm, nothing why ?"

He scratched his head. "Wala, natanong ko lang." then he turned his back again. 

He's in the position of jumping down when he pulled back again to faced me. "Gusto mo bang sumama ?" his voice is full of hesitant that made him cute in a way, he bow down his head just not to meet my gaze.

"Pwede ba ?" well, I want to meet southerner too.

He raised his head up. "Of course."

"What if they didn't give us a way to enter ?"

"I am the way Summer, and it's called the Cali's way." he winked at me like he'll be doing something incredible.

There are more outlandish ballgame that people can bring about to survived everyday life but I can't think of anything that Cali would accomplished more than stealing, but whatever it is to made a way to south just .... oh please Jesus just lead the way.

Binigyan ko nalang ng mensahe si Audie na bukas na ako manghihiram ng damit, alam kong hinihintay niya amg tawag ko kaya naman sinabihan ko na siya agad para hindi na siya maistorbo. Ginamit ko ang pinto para makalabas ng kwarto ngunit si Cali ay mas pinili ang pag gamit ng bintana, hindi ko alam kung paano niya natatalon yun, kung gagamitin naman ang puno sa tapat ng bintana ko ay masyadong malayo para maabot ng ganun lang, kaya nakakapagtaka talaga at mapapa-isip ka kung anong paraan ang ginagamit niya. Maswerte at walang bantay sa labas ng west dorm. Sa bagay, si Storm lang naman ang may karapatan dito magbantay pero wala sa mukha niya ang pag gawa ng ganoong bagay.

--

Nakapasok kami ng matiwasay sa South dorm, sa pag-aakala ko na gagawa ng kalokohan si Cali ay inihanda ko ang aking sarili. Sa pagtakbo ng mabilis kung may hahabol man at sa paghahanda sa pakikipaglaban kung mayroon man. Ngunit nagkamali ako, hindi siya gumawa ng kalokohan, walang bantay sa labas ng South dorm, nakapasok kami ng maayos at walang dinaanang anumang sagabal.

He is the South dorm leader. That's why he assured me that he is the way, the Cali's way as he told.

Hindi ko man lang napansin yon sa mga kilos niya, tulad ni Storm wala sa itsura niya ang pagiging isang leader para mapamunuuan ang mga estudyanteng nasasakupan. He's a carefree person, living life to the fullest like there's nothing to worry about in the world. He's far from the ideal leader you can be scared of, but the moment I step my foot on south ground, my rumination instantly got the final answer.

There's nothing really to be scared of.

Malayong malayo ang itsura ng South sa West, at kahit hindi ko pa napupuntahan paniguradong ganun din ang sa North at East. Black doors with different colorful stickynotes are on the sight, railings covered with artificial vines are snatching my attention, kaleidoscopic twinkling lamps are perfectly hanging on the side of every brick post, colorful dim light bulb in each corner of the door are braiding on the enchanted like effect of the view.

Parang bigla akong nawala. Para akong naging si Alice at napunta sa wonderland. Nakakamangha at nakakabigla, ang ganda sa timog, sobrang ganda sa timog. Kada lakad namin bawat pinto ay tinatanggal ni Cali ang mga sticky note na nakalagay dito, mga report daw yun ng mga taong taga Timog at doon inilalagay kapag hindi mahanap ang leader. Nang mawala daw siya sa South ay isang estudyante ang pumalit at ipinagpatuloy ang pamamalakad niya. Natutuwa naman siya at sa pagbalik niya ay ganun padin daw ang South at walang pinagbago. Wala ng  naglipanang estudyante dahil mga tulog na daw ang tao dito, hindi ko tuloy napurbahan kung paano sila makitungo sa isang bisita, pero nakakatiyak akong hindi katulad ng west na parang may susunggabang kaaway katulad ng nakita ko sa unang pagsalta ko sa kanila.

Isinama ako ni Cali sa ikatlong palapag pa ng South dorm, ganun din ang istilo bawat madaanan naming palapag, para tuloy akong naglalakad sa isang gubat na mahiwaga. Mula sa kabilang dulo ng pangatlong palapag, natanaw ko ang kabilang dulo pa na bukas ang pinto at sinabi ni Cali na doon ang tahak namin. Malayo palang ay may naririnig na akong hiyawan sa loob, boses ng mga lalaki, doon ako nakakasiguro. Nginitian ako ni Cali bago tuluyang hinila ako para makarating kami sa bukana ng pinto. Eksaktong pagtapat namin doon ay huminto ang ingay at ang tatlong pares ng mata ay nakatingin sa aming dalawa.

We spotted the pillow fight scene inside. Feathers are scattered all over the floor and some of those leave a messy fluff nest on their heads without them knowing. Nagulat sila sa biglaan naming pagdating ngunit agad na nakabawi at binati si Cali.

"Your majesty, you're getting home late." pagbibiro ng isang may singkit na mata at matapang na mukha.

"Ano na namang kalokohan to Hymn ?." so, he's Hymn. Ang lalaking pinapananggalang ni Cali na hiniraman niya daw ng damit.

"Ang tagal mo kase ayan tuloy, naubos yung unan sa kabagutan namin... Oh hi there." kumaway naman sa akin ang isang lalaki pa na may blonde ang buhok at nakangiting labi.

He's the one who showed the dirty finger in front of Cali. He seems so friendly now. Ang isa naman ay hindi nagsalita at tinignan lang ako, saka pinagdadampot ang nagkalat na balahibo sa lapag. Niyakag ako ni Cali sa loob at pumasok naman ako dahil pinilit narin ako ng dalawa. Mas malaki ang kwarto kumpara sa mga nadaanan namin, kita naman ang espasyo sa labas kaya masasabi na mas doble ang laki nito kaysa sa iba. Marahil narin siguro apat silang gumagamit dito, ang apat na kama ay pantay pantay na magkakahilera. Ang mga gamit at dekorasyon ay maayos na nakalagay kung saan sila nararapat.

Nang malinis ng isa nilang kasama ang mga balahibong nagkalat ay saka ko lang nakita ang kabuuan ng kwarto. Sobrang linis at aakalain mo na hindi lalaki ang mga nakatira. Indoor slippers are perfectly set on the track aside as well as the shoes. Side table is in the full clean up, theres no trace of messy things on the top and mini bookshelves is standing on its side. Picture frames are perfectly hanging on the wall. And as I scanning on the frames, one caught my attention.

Litrato ng isang masayang grupo ng mga bata. Nasa isa silang palaruan na parang sa loob ng bakuran ginawa, hindi ko na nabilang kung ilang bata ang nasa litrato ngunit may nakita akong pamilyar na mukha. Si Audie habang nakayakap sa batang lalaki na tingin ko ay pinaka matanda sa lahat at si Kade na siyang natatanging nakasimangot at tila nabuburyo sa ginawang pagkuha sa kanila ng litrato. Bakit sila nasa litrato ? Magkakakilala ba sila ? Magkakaibigan ? Pero bakit ngayon ay parang hindi naman.

"Ang gwapo ko diyan no ?" nawala ang pag-iisip ko ng sumingit sa gilid ko si Cali. Kakalapag lang niya ng inihain na pagkain.

"Andyan ka ?" tanong ko naman saka tinignan ang litrato.

"Oo no, ako to.." saka itinuro ang batang lalaki na may dalang transformer na robot. "..pinaka-gwapo sa lahat." nasa tono niya ang pagiging proud sa sarili.

"Pero sakin yang transformer na robot, hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasauli, grabe ka." biglang sumingit naman ang lalaking nagngangalang Hymn sa kabilang gilid ko at nakatingin na din sa litrato.

"Hoy, sinauli ko na yun." pagtatanggol naman ni Cali sa sarili.

"Kailan ? Bilangin mo kung ilang taon na si Yhno, ganun katagal mo na hindi sinauli ang laruan na yun." salita ulit ng Hymn.

"It's already 14years." natatawang sabi ni Cali.

Nakakatuwa at para bang nagawa nilang magbalik tanaw sa ala-ala ng litrato.

"You know him ?" tanong ni Cali sa akin habang itinuturo ang isang batang lalaki na prenteng naka-upo sa damuhan na may mayabang na posisyon.

Umiling ako. Doon lumapit na din ang dalawa pang kasama nila at naki-usyoso sa amin.

"That's Storm. Your dorm leader, Storm Lopez." napalingon nalang ulit ako ng biglaan sa sinabi ni Cali.

"Seriously ?" nanlalaking mata kong tanong.

Tumango siya. "Yeah ! He's really a rude boy since then.. and this.." saka tinuro ang lalaking bata na katabi ni Storm na masayang nakangiti at halata sa mukha ang kagustuhang magpakuha ng litrato. "..classmate mo siya sa second class mo, pamilyar ka ?" napakunot ang noo ko at napailing.

"Ano ba Cali, sabihin mo nalang kase kung sino, hindi yung binibigyan mo pa ng pasikot sikot na tanong, aabutin pa kayo ng madaling araw diyan kapag inisa isa mo yan." sabi nung may blonde ang buhok.

"Wag ka nga mangelam diyan boy tina, kukutusan kita diyan." napatawa nalang ako sa sinabi ni Cali.

Bumaling siya ulit sa akin. "That's Andreau Keast, if you're familiar with a nerdy looking guy with the corny looking hairstyle, then you know him already." oh that, naalala ko na. Siya yung nasa court din nung araw na nagkasakitan kami ni Ash.

"And this ..."

"Ano ba yan, seryosong papakilala mo ba lahat yan Cali ? Pwede bang pakainin mo muna ang bisita mo ?" sabat naman nung Hymn.

Tinignan naman siya ng masama ni Cali. "Tsk. Mga bwisit." tinignan niya ako at inihaya ang kamay para paupuin.

Gusto ko pa man malaman kung sino pa ang nasa ibang litrato ay saka nalang siguro, masyado na akong nagugulat sa mga nalalaman ko. Hindi ko alam na kakilala nila si Storm pati na yung Andreau. Nakakapagtaka, mukha namang magkakababata sila at magkakaibigan, paano naging ganito ang sitwasyon ng lahat ?

Pinakilala ni Cali ang ibang mga kasama niya sa kwarto, si Hymn Ryker Framm, nakilala ko lang sa pagtawag niya ng pangalan kanina. Ang lalaking may kulay ang buhok ay nagngangalang Jett Acker at isang pinaka tahimik sa lahat at may pinaka inosenteng mukha ay nagngangalang Draco Ainley. Katulad ni Cali ay puro kalokohan din ang alam nila, iba't ibang kwento ang lumalabas sa bibig nila na ikinakasaya ko. Kahit ang lalaking si Draco na kanina ay tahimik lang ngayon ay nakikipagkwentuhan na sa amin.

"Cal' para tayong nasa lamay, bakit naman tinapay tong hinanda mo ? Kape nalang kulang dito ah." reklamo  ni Jett habang ngumunguya ng tinapay na sinasabi niya.

"Hindi, may kulang pa. Yung pinaka patay, gusto mong gampanan ? papatayin na kita diyan puro ka reklamo eh." sabi naman ni Cali.

Hindi alintana ang lalim ng gabi puro tawanan ang naganap sa loob ng kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipan sumama kay Cali at makipag usap sa mga tao sa Timog, pero tingin ko ay naging maayos naman ang naging desisyon ko sa bagay na yun. Isinang tabi ko muna ang paalala ni Audie na wag magtitiwala sa kahit na sino kahit ngayon lang. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang tumunog ang cellphone ko. SL name that flashing on screen was calling, sudden fidgety feeling hit my chest because I know it was Storm. His number was noted on the rules and regulation copy that he gaved me and I'll save it already. Bakit kaya siya tumatawag ? Nalaman niya kaya na umalis ako at pumunta sa Timog ? Kung magka-ganon man ay patay ako. I was about to answer the call not having any words of explanation to say when the ringing stopped, I sigh in relieve. So, it was a misscall then. Bumalik agad ang kaba ko ng tumunog ulit ang cellphone ko but this time it was only a text message.

Agad kong binuksan ang mensahe at nagulantang sa aking nabasa.

From SL : Where the hell are you ? Kade hysterically barge in the West dorm and looking for you, 10minutes and if you don't showed up, I'll punch this f*cking guy on the face.

PS : He's drunk.

Then I stood up and run like hell way back to West dorm.

----

Continue Reading

You'll Also Like

118K 4.2K 14
Taong 6060 nabuo ang makabagong mundo na tinatawag na Etudia. Ang mundo na kung saan ang bawat bagay at nilalang ay pinapagalaw ng mga bar codes. Ang...
56.1K 911 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
74.2K 5K 64
in which the new girl in the university joins a co-ed dance club in order to make friends. she ends up being the only girl in the designated team and...
197K 8.4K 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat n...