My Only Mistake (My Only Seri...

Oleh NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... Lebih Banyak

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Book 2

Chapter 47 - Help

52.6K 1.9K 1.1K
Oleh NerdyIrel

Chapter 47 - Help


Isinantabi ko ang pagseselos ko kila Jiro at Jasmine dahil alam kong nilalason ko lang naman ang sarili kong utak.


Kita naman sa mga kilos ni Jiro na friendly lang siya kay Jas at ako pa rin talaga ang mahal niya.


"Knock knockkk"


I looked up and smiled at Jarren. "Pasok ka"

Tahimik siyang naglakad papunta sa tapat ng desk ko pero hindi siya umupo sa chair.


"Pinatatawag mo daw ako. Why?" He asked.

"Yayayain lang sana kita lumabas. Mamayang gabi after work"


Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Kenzie...gagamitin mo ba ko para makipaghiwalay kay Jiro?"


Nanlaki ang mga mata ko. "WHAT? NO! It's not like that. Ang ibig kong sabihin, pwede ka bang sumama samin nila Jiro at Jasmine mamaya"


Unti-unting umaliwalas ang pagmumukha niya. "Akala ko naman kung ano na hahaha bakit, anong meron?"


"Wala naman...bored lang" Tinutulungan ko lang naman si Jas.

"Oh sige...Daanan niyo na lang ako sa baba"

"Thanks Jarren"

"Anytime"


Lumabas na siya ng office kasabay ang pagpasok ni Jiro.

Napatingin siya sa nakasalubong niya.


"Oh. Bakit andito yon?"

"Niyayaya ko siya na sumama satin mamaya"

"Kakain ulit tayo sa labas?" Kinuha niya yung upuan at inilagay sa gilid ko para magkatabi kami.


Magagalit kaya si Jasmine sa akin pag kinwento ko kay Jiro yung tungkol sa feelings niya kay Jarren?


Ayokong maging madaldal.

Ako lang ang sinabihan niya, meaning ako lang ang pinagkakatiwalaan niya.


"Wala lang. Di ko trip kumain ng dinner sa bahay e. Don't worry, treat ko naman ngayon"

He nodded and then he diverted his attention to my computer.


"Anong ginagawa mo, love?"

"Helping Ma'am Lou with some stuff. Mahabang kwento pero patapos ko na rin naman"

"Ahhh"


Itinuloy ko na ang ginagawa ko at hinayaan ko na lang siyang panuorin ako.

Kakatapos lang ng workshop niya kaya siguro dumiretso agad siya dito.


"Naisip ko lang, maganda siguro kung mag out of town tayong dalawa"

Hindi ko siya magawang tignan dahil nagfo-focus ako sa tinatype ko.


"Tayo lang?"

"Oo para masolo naman kita"


I felt myself blush. "Tingin ko hindi tayo papayagan nila mama"

"We could make excuses. Palabasin nating kasama ang barkada pero di naman talaga..."


Itinigil ko ang pagtatype upang makapagisip.


Gusto ko yun.

Gusto kong magspend ng alone time with him.


Napaka-busy na kasi namin, sa school at sa work.


"Kailan tayo maga-out of town?"

"This weekend, ayos lang sayo?"

"Sige. Magfa-file na ko ng leave bukas"


He kissed the tip of my shoulder kaya napangiti ako.


Text ng text sa akin si Jasmine habang naglalakad kami ni Jiro papunta sa elevator. Nae-excite daw siya at panay pasalamat siya sakin dahil nagawa kong mayaya ulit si Jarren.


"Love, bakit di mo inimbita yung ibang mga kaibigan mo?" He asked me.

"Hindi tayo kakasya sa kotse"

"Hmmm sabagay"


Ang laki ng ngiti ni Jas pagka-meet namin sa kanya sa lobby.

"Good mood ang halimaw ah" Asar ni Kuya Biceps.

"Shut up monster! Kenzie!"


Lumapit siya at kumapit sa braso ko. Tinawanan lang naman kami ni Jiro.


Halimaw? Monster? May call names agad sila?


Okay kenzie rose, stop that. 

Hindi ba't hindi ka na dapat magselos pa at magisip ng kung ano-ano?


"Ay nakalimutan ko!!! Sabi nga pala ni Jarren, daanan daw natin siya"

"Babalik pa tayo sa taas? Ugh, love. Nakakatamad..." Pagrereklamo ni Jiro.


"Ikaw na lang umakyat, Jas. Okay lang?" I even winked at her.

"Ah eh...sure"


Nagmadali na siyang pumunta sa elevator kaya umupo muna kami dito sa mga upuan ni Jiro.


"Ang bait yata niya. Talagang sinundo pa si Jarren"

Eh kasi crush niya yon, love. Ganon talaga hahaha.


"Baka may nakalimutan din sa taas kaya ganon..."

"Baka nga"


Nanuod na lang si Jiro ng basketball doon sa TV na nakadikit sa pader.

Nung dumating na si Jarren ay pumunta na kami agad sa kotse niya.


"Saan tayo?" Tanong niya.

"Dun sa sinasabi mong masarap na restaurant"

"Hmmmm. Alam ko na"


Ngumiti siya at sumakay na. Tinulak ko naman si Jasmine papunta sa shot gun seat.

Nakita iyon ni Jiro pero di siya nagsalita. Pinagbuksan niya lang ako ng pintuan.


On our way, naisipan kong simulan na ang pagiging tulay sa kanila.


"Jarren, anong ideal type mo sa isang babae?"


Tumahimik silang tatlo pero nagsalita din agad si Jarren.


"Mabait, maganda hahaha, medyo kalog para masaya kasama, at totoong kaibigan"

"Eh ano yung ayaw mo?"

"Ayoko nung palaging nagme-make up..."


Napatingin ako kay Jasmine.

Palagi kasi siyang naka-make up kahit na hindi naman required minsan sa kanya.

Kahit nga nagwo-workshop sila ay naka-kilay at lipstick pa rin siya.


"Bakit mo tinatanong, love?" Pagsingit ni Jiro.

"Curious lang"


Tumingin naman ako kay Jasmine.


"Ikaw Jas? Anong tipo mo sa isang lalake?"

"Parang si Jarren"


O___O


Natawa bigla si Jarren. "Weh? Kakasabi mo lang nung kumain tayo sa labas na ayaw mo sakin eh"

"Sabi ko PARANG si Jarren, hindi SI Jarren"

"Sows"


We all laughed at that pero si Jiro tahimik lang. Hindi ko alam kung bakit pero nilalaro niya lang ang kamay ko.


"Anong ibig mong sabihin dun, Jas?"

"Gusto ko, matangkad, gwapo, mabait, at loyal"

"Paano mo naman nasabing loyal ako?" Tanong ni Jarren.


"Hindi nga ikaw! Sabi ko lang parang ikaw"

Hay nako Jas! Kung humihirit ka kaya ng magkaroon ng hint si Jarren na gusto mo siya!


"Parang dine-describe niyo lang naman ang isa't-isa. Yieee"

They both looked at each other before Jarren laughed loudly. "Hindi rin...HAHAHA"


*sigh*

Mahihirapan yata ako sa plano ko...


Pagdating namin doon sa restaurant ay hinila ako ni Jasmine upang kami ang magkatabi.

Nagtaka talaga ako ng sobra.


Hindi ba dapat sila ni Jarren ang magkatabi? Ayaw niya ba nun?

O baka naman naiilang na siya at kinikilig.


"Jarren, palit tayo. Gusto kong katabi si Jiro" I said.

"Sige" Tumayo na kami kaya walang nagawa si Jasmine.


Pagupo ko ay ngumiti ako sa kanya. Tumingin naman siya sa menu at yumuko.

Nahihiya na nga siya kay Jarren...


Nalaman kong nakakain na pala dito si Jiro with his family before kaya alam niya kung ano na yung masarap na dish na dapat orderin namin.


While waiting for our food, nagtry na naman akong asarin sila.


"May nagugustuhan ka ba sa VMA, Jasmine?" Diretsang tanong ko.

"Oo..." Sabay tumawa siya.


"Talaga? Sino?" Tanong ni Jarren.

Tumingin siya kay Jiro bago sa akin bago kay Jarren.


"Secret"


"Duga! Oy sabihin mo na" Pangungulit ni Jiro.

"Che! Wag nga kayo! Kenzie naman eh, bakit ganyan tanong mo?"


"Tayo-tayo lang naman ang nandito kaya wag ka na mahiya"

"Eh nandito nga rin yung crush ko"


Natahimik kaming apat dahil bigla siyang nadulas.


"Ako ba?" Jarren asked, totally interested for her answer.

"H-huh? Uhmm..."


Oh my gosh.

Ang hirap naman ng situation niya.


Biglang tumunog yung phone ko.

Si Mama.


Tumayo agad ako at aalis na sana kaso nakita ko ang pleading eyes ni Jas.

Wait, I can't just leave Jasmine here with Jiro and Jarren.


"Saglit lang ha. Love, si Mama kakausapin ka yata"

Hinawakan ko na ang kamay niya at hinila na siya papunta sa labas.


"Teka, di mo pa naman sinasagot yang call sayo. Paano mo nalamang gusto akong kausapin ni Tita?"

"Sssh"


Me: Hello Mama?

Mama: Nasa work ka pa ba, nak?

Me: Wala na po.

Mama: Dito ka magdinner. Nagluto ako ng alimasag! Your favorite!

Me: Hala mama, eh andito po ako sa restaurant ngayon. Kakain na po kami ng mga friends ko dito.


Mama: Ganun? Sayang naman. Oh pano umuwi ka na lang ng maaga ha. Aalis kasi ako, pupuntahan ko ang Tito Henry mo. Walang magbabantay ng bahay.


Ano ba itong si Mama.

Minsan na nga lang hindi matulog sa amin si Tito eh bibisitahin niya pa agad.

(-_-)


Me: Sige po. Bye ma.

Mama: Ingat ka pauwi.


In-end ko na yung call bago ko sinilip sila Jasmine at Jarren.

Naguusap sila ng masinsinan.


"What was that? Bakit hinila mo pa ko dito?" Tanong agad ni Jiro.

"Para may kasama ako hehe"

"Ano kaya yon...Oo nga pala, ano sabi ni Tita?"

"Pinapauwi niya lang ako ng maaga. Halika na love. Mukhang dumating na yung food natin"


Naglakad na kami pabalik sa loob.

Agad namang umayos ng upo yung dalawa at nanahimik.


Jarren stared at me.

Bakit? Ano kayang sinabi ni Jasmine sa kanya?


Kumain na kaming apat. Iniba ko na yung topic since I know na awkward para sa kanila kung kukulitin ko pa silang dalawa. Siguro naman ay umamin na si Jas.


"Jiro, ayos lang ba kung makikipagpalit ako ng sched ng workshop sayo?" Biglang tanong ni Jarren.


Nagulat ako doon.


Ohmygosh!

Ibig sabihin, type niya rin si Jasmine?

Kasi gusto niyang magkasama na sila tuwing MWF?

WAHHHH!


"Bakit pare?"

"May complications kasi"

"Nako, fixed na yung sched kong ito kasi may work ako sa costarica tuwing Tuesday at Thursday"


"I'm sure Jasmine can help you change it. Kasi diba, father niya naman ang owner ng costarica?" Pagsingit ko.


We all looked at Jas. "I don't have that authority Kenzie"

WHAT?! Pakikiusapan niya lang naman ang papa niya! Bakit di niya magawa?


"But your father does"

"Ang manager ang masusunod"


Ano bang problema niya? May hindi man lang siya magtry. Ugh!

Fine! Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta tumulong ako sayo...


"Sorry pare, mukhang imposible gusto mo" Sabi na lang ni Jiro.


Hindi na kami nagpahatid ni Jiro sa mga bahay namin dahil nakakahiya kay Jarren na ipagdadrive niya pa kami. Nagcommute na lang kaming dalawa.

Okay na rin yon para magkaroon ng alone time sila Jas.


Sobrang tahimik si jiro at hindi niya hinahawakan ang kamay ko kaya nagdecide akong komprontahin siya pagdating sa labas ng bahay.


"May problema ba, love?"

"Ewan ko kenzie. May problema nga ba?"


Nagkasalubong ang kilay ko dahil doon.

"Why do you sound as if we're not okay?"

"Hindi ko alam kenzie. Yun kasi yung naramdaman ko kanina"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"


"Tingin mo hindi ko napapansin? Bakit lagi mong tinutulak si Jarren kay Jasmine eh sinabi na nga nilang dalawa nung isang gabi na magkapatid lang ang turingan nila sa isa't-isa?"


"Ano bang masama kung asarin ko sila? Bakit ka nagagalit?"


"Hindi basta-bastang pangaasar yan eh. Halatang gusto mong magkagustuhan sila. Bakit? Dahil naiilang ka kay Jarren? O baka naman may nararamdaman ka na sa kanya kaya mo siya itinutulak palayo sayo"


I wanted to be angry at his words pero mas pinili kong magrelax dahil kapag pinatulan ko siya ay magaaway na naman kami.


I looked away and exhaled loudly.


"Wala akong gusto kay Jarren dahil may mahal na ako at ikaw yon. Kaya ko lang siya pinipilit kay Jasmine ay dahil nagpapatulong si Jas sa akin. She said she likes him"


"Ano?" Gulat na tanong ni Jiro.


"Kaya sana Jiro, wag mo kong lagi pinagdududahan. Masakit kasi sakin marinig mula sayo na iniisip mong nagkakagusto ako sa iba. Lagi ka na lang nawawalan ng tiwala sa akin"


Kita kong naguilty siya kaya lumapit agad siya at hinawakan ang mukha ko.


"I'm really sorry. Oo, tama ka. I kept on losing my trust on you. Kasi kenzie, mahal na mahal talaga kita. At hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na ako yung pinili mo. Natatakot lang ako na baka isang araw, marealize mong mas deserving sila sa puso mo kaysa sakin"


"Jusko naman Jiro. Tignan mo nga yang sarili mo kaysa sakin. Hindi ba't ako ang dapat nagsasabi niyan? Ikaw yung habulin at ako ang hindi"


"Anong hindi? May Jarren ka na, may Nixon ka pa"

"At ikaw? Hindi mabilang sa mga kamay at paa ko ang mga babaeng nagpapansin sayo. Tsss"


Tumawa siya at niyakap na ako.

"Sorry ulit..."

"Wala na yon"


Lumayo na siya at ngumiti. "Pero totoo bang may gusto si Jas kay Jarren?"

"Oo nga"

"HAHAHA aasarin ko yung halimaw na yon. Kawawa yon sakin"


I didn't smiled at that.

Gusto kong sabihing nagseselos ako pero tinikom ko ang bibig ko.


You're insane, Kenzie.

Tumigil ka.


"Goodnight na love, see you sa school" Sabi ko upang umuwi na siya.


We shared a quick kiss before I went inside.

Sakto ay kakababa lang ni Mama ng hagdanan.


"Hindi ko alam kung dito kami matutulog o doon na sa bahay niya" Bungad niya sakin.

Okay...Sanay na sanay naman akong magisa dito.


"I-lock mo ang pintuan" Bilin ni Mama. "Ite-text na lang kita kung hindi ako uuwi"

"Opo"


Nilock ko na yung screen ng pintuan namin tapos umakyat na ko sa loob.


Nakareceive ako ng text kay Papa na magonline daw ako kaya kinuha ko ang laptop at doon ako sa sala nagonline. Para habang nanunuod ako ng TV ay nakakausap ko siya.


Me: Hi Papa! Kamusta na po kayo diyan?

Papa: May good news ako sayo, nak!

Me: Ano po yun?

Papa: Tapos ko na ang project namin dito!

Me: Wow papa, ang galing mo! Congrats po! Ibig sabihin po niyan, uuwi na kayo dito?


Papa: Nope. Eh kasi nagalingan sakin yung boss ko so inalok niya kami agad ng bagong project. This time, sa Canada naman. Syempre hindi na ko tumanggi dahil doble na ang sahod ko ngayon. Didiretso na ako doon. Actually, flight ko na next week.


Me: Agad? Wahh! Ang saya naman niyan papa. Gusto ko rin makapunta sa ibang bansa.


Papa: Ito nga yung isa sa mga dahilan kung bakit ako tumawag. Maganda kasi ang benefits dito sa company ko. May inio-offer silang scholarship para sa mga anak ng employees. I already told Leah and her mom about this at pumayag sila. Mage-exam si Leah sa katapusan at kapag pumasa siya ay aasikasuhin na ng company ang mga papers niya ora mismo. Ikaw ba, nak? Gusto mo rin ba? Magsabay na kayo sa pagexam.


Natahimik ako.

Magandang opportunity ito pero ayokong matulad kila Jackson at Gigi na LDR ngayon.


Tsaka andito ang life ko.

Maganda ang work ko. Ayos naman ang grades ko.

Ayoko rin malayo sa mga friends ko at syempre kay Jiro.


Me: Pa, sorry po pero hindi ko rin po kasi kayang iwan si Mama.

Papa: May bago ng pamilya ang mama mo. Magkakaanak na nga sila ni Henry, hindi ba?

Me: Pero si Jiro po kasi...


Papa: Okay fine. I get it. But I really hope you consider my offer. Anak, gusto ko lang naman makabawi sayo. Gusto ko ring gumanda ang buhay mo. Imagine, kung dito ka makakapagtapos ay dito ka na rin magkakatrabaho. Malaki ang sweldo dito. Yayaman ka agad hahaha. Tsaka sila Nixon at Nina daw ay magtatry din. Magrereview na nga daw yung dalawa para sa exam, ayon ang sabi ni Luisito.


I smiled at that.

Me: Sorry po papa pero ayoko pong umalis.


Nakita kong nalungkot siya.


Papa: Well...you have till the end of the month to think about this. Sana ay magbago pa ang isip mo.

Me: Mukhang hindi na po hehe

Papa: Natawag si Leah. Mamaya na lang ulit tayo magusap ha. Okay lang ba, kenzie?

Me: Opo. Sige pa. Bye!


In-off niya na yung video call kaya chineck ko na lang mga notifications ko sa facebook.

Habang nagi-scroll sa homepage ko ay nakita ko ang post ni Jasmine.


Group picture iyon pero nakaakbay sa kanya si Jiro, though nakaakbay din naman siya sa katabi niya pang babae.


Sinarado ko na lang ang laptop ko at pumikit.


Stop being jealous, Kenzie!!!

Trust your boyfriend. Hindi ka niya lolokohin.


ARGH! Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko?


Biglang tumunog yung door bell kaya tumayo ako at lumapit sa pintuan namin.

Nanigas naman agad ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Tito Henry.


"Kenzie, iha. Buksan mo ang pinto"


Hindi ako gumalaw.

Nakatitig lang ako sa kanya.


"Ang mama mo?" Tanong niya.

"K-kakaalis lang po"


Tinignan niya ang phone niya tapos inilagay niya iyon sa tenga niya at may kinausap.


"Ha? Oo sige. Hintayin na lang kita dito. Okay" Ngumiti na siya at inilagay sa bulsa niya yung phone niya. "Pabalik na daw ang mama mo"


I didn't move.

"Hindi mo ba ko pagbubuksan ng pinto?"


Kumunot ang noo ko.


Alam kong magagalit sa akin si Mama kung madadatnan niya si Tito Henry na naghihintay sa labas ng bahay namin.


I slowly walked towards the door. Binuksan ko na yung screen ng pintuan at agad-agad akong bumalik sa sofa upang kunin ang laptop ko.


"Sige po, matutulog na po ako"


Halos tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

Isasara ko na dapat ang pintuan ko ng hinarang ni Tito Henry ang paa niya.


SINUNDAN NIYA KO? WHAT THE HELL?


"Saglit nga. Magusap tayo"

"Tito---"


Muntik ko ng mabitawan yung laptop ko ng bigla niyang tinulak ang pintuan.


"Ano bang problema mo sa akin at palagi mo kong iniiwasan?" Pagalit na tanong niya.

Humakbang ako patalikod.


"Tinatanong niyo pa po talaga yan? You're a pedophile! Baliw ka! Manyak!" Sigaw ko sa kanya.

"Manyak?"


Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa kaya nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko.

"Oo, gago. Matagal na kitang minamanyak sa utak ko"


Napanganga ako sa sinabi niya.


"At ngayon, magagawa ko na lahat ng inimagine ko dahil hindi naman talaga uuwi ang mama mo. I didn't called her. Nagpanggap lang ako kanina sa baba na kausap siya para pagbuksan mo ko ng pintuan. Tanga tanga mo!" Tumawa pa siya ng malakas.


Hindi na ko nagdalawang isip pa, sumigaw na agad ako.


"TULONG!"


Hinagis ko sa kanya yung laptop ko at umakbo ako ng mabilis palabas ng kwarto ko ngunit nahawakan niya ang braso ko bago pa man ako makapunta sa hagdanan.


"Saan ka pupunta kenzie? Akin ka ngayong gabi! Dito ka lang!"


Naiyak na ko sa takot. 

Sumigaw ako ng malakas at pinalo-palo siya pero balewala ito sa kanya.


Kinaladkad niya ako pabalik sa kwarto ko.


"TITO HENRY PLEASE! ITIGIL NIYO ITO!" Pagmamakaawa ko pero hinagis niya pa ko sa kama ko.

"Ngayon na lang kita ulit nasolo! Fuck! Matagal na kitang gustong galawin"


Hinila niya ang mga paa ko kaya sumigaw ulit ako ng malakas.

Nakahiga na ko ngayon sa kama ko.


"TAMA NA PO!!!" He tried to pull my shirt up pero pinagsisipa ko siya.


Kita kong galit na galit siya sa ginagawa ko.

Tumayo siya ng maayos at dinilaan ang lower lip habang tinititigan ako.


Umupo na ko, nanginginig at tulero.

Ang tanging nasa isip ko lang ay makalayo sa kanya at makaalis sa bahay na ito.


"Tito..." Pagiyak ko habang niyayakap ko ang tuhod ko.


"Pwede ba! Wag kang umakto na parang birhen ka pa! Sigurado naman akong may nangyayari na rin sa inyo ng boyfriend mo!"


Umiling ako. "Hindi tito. Walang ganun. Wag niyo na ituloy yung pinaplano niyo, please. Hindi ko po kayo isusumbong kay mama, promise"


Tumawa siya ng malakas. "Anong pakielam ko sa mama mo? Hindi magaling sa kama yung malanding yun! Pero ikaw...tingin ko masarap ka..."


He knelt on my bed kaya mas lalo akong umurong sa dulo.


"Wag ka nang magpakipot. Masasayahan ka rin naman sa gagawin natin"


"Jiro..." Bulong ko kahit na alam ko namang hindi niya ko maririnig.

"Hindi dadating yung walang kwentang syota mo!"


Kinapa ko yung table ko sa gilid at ng malapit na siya sa akin ay pinukpok ko ang ulo niya gamit ng lampshade ko.


"Tangina!" Sigaw niya at napasalubsob siya sa kama ko dahil na rin siguro sa sakit.

Ginamit ko na yung pagkakataon upang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ko.


"TULONG!!! TULONGGG!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa makalabas ako ng bahay namin.


Pagdating doon ay nakita ko si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ma..." Paghagulgol ko.


Tumunog ang screen ng pintuan namin kaya napatingin ako doon.

Si Tito Henry...nakatitig sa amin. Halatang nagulat na umuwi si Mama.


"Bakit anak? Anong nangyari?" 

"He tried to rape me!" Sabay turo kay Tito Henry.


Nagtago ako sa likod ni Mama nung sinubukan ni Tito lumapit sa amin.


"Krista, hindi totoo yun. Kilala mo ako"

"SINUNGALING!!!" Sigaw ko. "Ma! Pinagtangkaan niya kong gahasain! Sa kwarto ko mismo!!!"


"Kenzie, sabihin mo ang totoo. Di ba pagakyat ko sa kwarto mo ay nagulat ka dahil nahuli kitang umiiyak habang kausap yang boyfriend mo sa telepono? Lumapit ako sayo at tinanong kung anong nangyari pero bigla kang nagwala at sinabing pakielamero ako. Hinagisan mo pa nga ako ng lampshade"


My eyes widened because of that.


"Mama! That's not true----"

"Kenzie pwedeng tigilan mo na?" Pasigaw na tanong ni Mama.


Unti-unti kong binitawan ang pagkakakapit ko sa braso niya.


"Ma...mas paniniwalaan mo siya kaysa sa akin? Ako na kadugo mo? Ako na anak mo?!"


"Tingin mo ba hindi ko napapansing ayaw mo kay Henry? May hindi ka nga natuwa nung sinabi kong magpapakasal kami at magkakaanak. My ghad Kenzie, hindi ko inaakalang pagbibintangan mo siya para lang magkahiwalay kami. Tanggapin mo na lang kasi na hindi na kami magkakabalikan ng papa mo!"


"I DON'T CARE ABOUT YOU AND DAD! Matagal ko na pong tanggap na may bago na siyang pamilya! Mama naman please! Believe me! He's just lying! Oo ayoko po sa kanya dahil pinagtangkaan niya na ko dati pa! Hindi ko lang masabi dahil ayokong sirain-----"


"KENZIE! TAMA NA!" Sigaw ulit ni Mama. "Tumigil ka na! Mahiya ka naman sa Tito Henry mo! Marangal na tao siya! May disenteng trabaho! Kung ganyan ka ng ganyan, aba lumayas ka na lang!"


Napailing ako.


"TALAGANG LALAYAS AKO DITO! Tutal mas importante naman po pala sa'yo yang Henry na yan kaysa sa akin! Magsama kayong dalawa habang buhay! Ayoko dito. Ayokong i-risk yung buhay ko kasama yang manyak na yan"


Pumasok ako sa loob at tumakbo papunta sa kwarto ko.


"Anak saglit" Rinig kong sigaw ni Mama pero ni-lock ko na ang pinto bago ko pa man marinig ang takbo niya sa hagdanan.


Hindi na ko nagisip pa.

Alam kong delikado ang buhay ko kung dito pa ko titira.


Kinuha ko na lahat ng mga damit ko at nilagay iyon sa backpack ko at sa isa pang malaking bag ko since wala naman akong maleta. Lahat ng mahahalagang gamit ko ay inilagay ko na rin doon.


"Kenzie...please. Pasensya na kung nabigla ako. I didn't mean what I said. Hindi kita pinapalayas---"


"Kahit na hindi mo po ako palayasin ay aalis at aalis talaga ako" Sigaw ko.

"Open the door, pagusapan muna natin yang problema mo"


Mas lalo akong naiyak. "HINDI NAMAN AKO YUNG MAY PROBLEMA DITO KUNDI YANG HENRY MO!"


BAKIT BA AYAW NIYANG MANIWALA SAKIN?

Mukha ba kong nagjojoke sa mga sinabi ko?


Palabas na sana ako ng makita ko yung jar na regalo sakin ni Jiro nung pasko. Kinuha ko yun at binuksan na ang pinto.


I saw my mom crying softly. Nasa likuran niya si Tito Henry na nakatingin sa akin.


"Mamili ka, mama. Ako o yang Herny na yan?"


"Nak, wag mo naman gawin ito sa akin. Kung ayaw mo kay Henry, oh sige hindi ko na ipipilit ang gusto ko. I'll give you more time to adjust. Alam ko namang maiintindihan ka ng Tito mo kung di mo pa siya matanggap bilang isang tatay"


Whatever I say, she still won't believe me.

And that hurts like hell.


Akala ko ako yung kakampihan niya.

Akala ko lang pala.


"I'm sorry, Mama. Mahal po kita pero mahal ko rin naman ang sarili ko"


Nilagpasan ko na sila at nagmadali na kong lumabas ng bahay.


-----------------------------------------------------------


Oh no! Saan na titira si Kenzie? 


Anyway, Thank you po sa lahat ng nanuod ng I'm His Tutor kagabi sa TV5 :)

(Sa mga hindi nakapanuod, I'm just waiting for wattpad presents to upload it on their site)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4.7M 100K 40
Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng totoo jan palagi ang bagsak niya. Palaging...
65.1K 1.5K 25
Billionaire Series - Book No. 2 (Damon Forteza) He is one of the leader of El Griego Organization and a Billionaire bachelor, while she is a runaway...
1.9M 40.6K 44
| COMPLETED | 5 October 2016 - 21 November 2016 | Stonehearts Series #3 | A foundling ever since she can remember, Aqui (a-ki) Marina Godorecci, has...