Special Chapter 1

59.9K 1.5K 314
                                    

Special Chapter 1 – Jackson and Georgina


Gigi's POV


"Ano ba naman kenken. Halika nga dito ng maayusan kita. Ang dugyot mo talaga sa sarili mo" Hinila ko siya papasok sa CR pagkatapos ay sinimulan ko ng lagyan ng kung ano-ano ang oily face niya.


Enrollment namin ngayon for 1st year, 2nd sem.

Kakatapos lang namin pumila sa cashier.

Didiretso na dapat kami sa registrar ng mapansin kong halos dumikit na ang buhok niya sa mukha niya.


"Bakit ba affected na affected ka sa itsura ko eh hindi naman ikaw yung tinitignan ng mga tao?"


"College student ka na ngayon, not a higschool student. Kung dati bawal magmake-up, ngayon dapat matuto ka na. Lalong-lalo na sa course natin, required talaga 'to"


I don't get it. She's so much prettier kapag nakaayos siya.


"Required lang magmake-up pag magtatrabaho na. Wala namang sinabing kailangang pagpasok sa eskwelahan ay limang pack ng foundation ang ilalagay sa pisngi. Sus don't me, gigi. Don't me"


I rolled my eyes at her.


"Kaya ka di nagkakaboyfriend eh" Bulong ko.


She pouted and glared at me. "Ewan! Inatake mo na naman pagiging NBSB ko. Hay nako, wala naman kasing forever kaya bakit pa ko magsyosyota? Sasayangin ko lang ang oras ko sa kalandian"


Umatake na naman pagiging bitter ng isang ito.


Lumabas na kami ng CR pagkatapos ko siyang lagyan ng lipstick na light pink. Nagtalo pa nga kami hanggang sa pumayag siya.


"Ugh, ano ba namang sistema meron ang school natin? Tignan mo ang pila, abot hanggang munisipyo" Pageexaggerate ko sa inis.


"Eh kung inuna mo muna kasi ang pagpila kaysa ang paglalagay ng eyeliner mong hindi naman pantay, di sana kanina ka pa natapos"


Napalingon kami ni Kenzie sa isang lalakeng naka-rayban shades. He's wearing a black shirt and he's smiling like an idiot.


"Wag kang umepal Mr. Mukhang-Aattend-Ng-Patay. Di naman ikaw yung kinakausap ko. And FYI, pantay ang eyeliner ko. Banlag ka lang kaya di mo makita"


Natawa ng malakas si Kenken. Tumalikod na lang ulit ako at inisnob na yung feelingerong lalakeng yun.


"I'm Jackson" Nagsalita na naman siya.

I looked at him and he's still smiling at me.


"Tinatanong?" Pambabara ko.

Pogi sana to kasi nilait ako kaya wapakels na.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now