Chapter 40 - Cool Off

64.5K 2.5K 1.2K
                                    


Fast update mhuah! x


----------------------------------


Chapter 40 – Cool Off


Nagdecide akong matulog magdamag sa kwarto ko upang hindi makahalata si Mama na LQ kami ni Jiro. Tuwing bumababa naman ako para kumain ay pilit akong ngumingiti at nakikipagkwentuhan sa kanya.


Kuhanan ng class cards ngayong araw kaya no choice ako kundi pumunta sa school. Ayoko sana dahil magkikita lang kami ni Jiro...


I wore a simple black shirt at white pants. Naka-rubber shoes ako at hinayaan ko lang bagsak ang buhok ko. Wala akong kaayos ayos dahil wala talaga ako sa mood.


"Hindi pa rin kayo okay?" Tanong ni Gigi sa akin habang naglalakad kami papunta sa faculty room. Umiling lang ako at yumuko.


"Akala ko ba nakapagusap na kayo, kenken?"

"Nanghingi siya ng cool off eh"

"ANO?" Sigaw nilang tatlo.


I pursed my lips. "Ganun talaga. Nagsinungaling kasi ako kaya malamang, magagalit siya sakin"

"Pero para manghingi ng cool off? Sobra naman yata yon" Eli mumbled.


"Natamaan kasi ni Kenzie ang pride ni Jiro kaya hindi niya agad mapatawad itong kaibigan natin . Lam niyo naman, boys love their ego" Ika explained.


"More than their girlfriend? Aba hayop"


"They're both immature. Wala pa silang matibay na pundasyon sa relasyon nila kaya ganyan. They don't trust each other that much"


"Nagsalita ang matured. Jusko ika, kayo nga ni Enzo ganyan din naman. Di ba nga nanghingi siya ng space dahil nagsasawa na siya sa mga ginagawa niyo"


"Atleast may boyfriend kami. Ikaw wala. Belat"

"Halika dito, sasabunutan lang kita ng makalbo ka at hiwalayan na ni Enzo"


Naghabulan yung dalawa kaya natawa si Gigi.


I let out a long sigh. Inasikaso ko na lang ang class cards ko. Hinanap namin ang mga prof namin na magbibigay ng grades sa amin. Isa na lang ang kulang ko ng makita ko sila Jax. Nagtatawanan sila papunta sa amin.


Agad hinanap ng mga mata ko si Jiro. Tahimik ito at may salpak na earphones sa tenga.


"Tapos na kayo?" Tanong ni Ian.

"Di pa. Bakit kayo?"

"Tatlo pa"


Nagtago ako sa likuran ni Gigi para hindi ako makita ni Jiro. Baka mapansin niya pa ang malalim kong mga mata...

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now