Chapter 28 - Assurance

64.6K 2.6K 1.2K
                                    


Chapter 28 - Assurance


Umupo ng maayos si Mama at tinitigan ako ng maiigi.

Nagbago ang expression sa mukha niya.


"Kelan pa?" Mahinang tanong niya.


Ang bilis na ng tibok ng puso ko.

Hindi ko pinlanong sabihin iyon sa kanya ngunit napapagod na rin kasi akong magsinungaling.


"Last week lang po"


Umiling siya at bigla na lang lumabas ng kwarto ko.

Natulala ako ng ilang segundo.


"Ma!" Sigaw ko. Tumakbo agad ako palabas ng kwarto ko at hinabol siya pababa ng hagdan.


"Ma, saglit. Magpapaliwanag po ako"


"Pwede ba kenzie. Tigilan mo ko"

I stopped walking.


"Please. Kausapin niyo po ako"


Humarap siya at bigla akong dinuro.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Ito ang unang beses na ginawa niya iyon sa akin.


"Pinagsabihan na kita pero sumuway ka pa rin! Ano? Gumaganti ka dahil may syota din ako? Gumagaya ka? Tingin mo maganda para sayo na magkaroon ng boyfriend ng ganyang edad? WALA KA PANG ALAM SA BUHAY KENZIE!"


"Hindi ko naman po pinlanong mahalin yung tao eh---"

"LUMAYAS KA!"


My heart stopped breathing.


"Lumayas ka sa pamamahay ko at magsama na kayo niyang jiro na yan. Tutal kaya mo na rin namang tumayo sa sarili mong mga paa di'ba?"


Tumulo agad ang mga luha sa mata ko.

Ramdam kong kasumpa-sumpa ako sa mga paningin niya.


"Ma..."

"KUNIN MO NA LAHAT NG GAMIT MO AT WAG KA NG MAGPAPAKITA SAKIN"


"Ate Krista!" Sigaw ni Tita. 


Nilapitan niya kami at pumagitna siya.

Hinarangan niya ko mula sa masamang tingin ni Mama.


Humagulgol na ko sa iyak.

Is it really a mistake for me to love at a very young age?


"Wag ka nga magpadalos-dalos sa mga desisyon mo, ate" Tita Kriza said.

"Hindi! Hayaan nating lumandi yang si Kenzie----"


"Umakyat ka nga muna sa taas, iha" Tita told me. Maski si Tito tumayo na at lumapit sa kanila.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now