Chapter 14 - New Start

79.3K 2.1K 587
                                    


Sa mga nagkakaproblema po sa pagbabasa ng previous chapters (Mga mobile users) Paki-refresh na lang po yung story baka hindi na-load ng maayos. Kung di pa rin po okay, remove the story sa library then add again :) Mehehez hope this helps!

----------------------------------------


Chapter 14 – New Start


"May babayaran na naman? Anong tour yan?" Inis na tanong ni Mama habang umiinom ng tubig.


"Hotel Familiarization Tour po. Sa Baguio"

"8K? Bakit naman ang mahal?" Binabasa niya yung letter galing sa school namin.


"Magstay po kasi kami dun ng two days and one night. Tsaka buffet po yung breakfast, lunch and dinner namin. Kasama na rin po yung seminar sa babayaran"


"Saan ako kukuha niyan? Jusko kenzie, hindi ako nanganganak ng pera!" Sigaw ni Mama.


This is why I wanted to get a job. Kahit sa Mcdo or Jollibee, okay na sakin basta makatulong ako sa kanya. Ramdam ko ang hirap niya sa pagpapaaral sa akin.


"Kamusta nga pala yung naging dinner niyo ng papa mo, nak?"


I didn't look up to see my mom's face.

Ngayon lang kami nakapagusap dahil ginagabi siya palagi ng uwi.


"Okay lang po"


I don't want to lie.

Gusto kong sabihin kay Mama lahat ng hinanakit ko kay Papa.


But knowing our situation, wala akong choice kundi pakibagayan na lang ang tatay ko.

I need his financial help.


"Good. I'll ask him if he can lend you some money...Wala talaga akong maibibigay sa'yo anak. Tuyong-tuyo ang wallet ko ngayon"


Tumango na lang ako at nagpaalam na upang matulog.


Nanghihina akong umakyat sa taas.

Tama naman siguro itong ginagawa ko.

Itatago ko na lang ang totoong nararamdaman ko para sa ikabubuti ko.


Kung magagalit kasi ako kay Papa ay malamang, baka mapagod na siya kakaintindi sa akin. His first priority is his family now. Dapat unti-unti ko nang matanggap na isinantabi na talaga kami ng tatay ko.


Kung sasabihin ko naman kay Mama ang nangyari ay magagalit na siya kay Papa. Sasarilinin na niya ang problema namin at siya na gagawa ng paraan upang makasama ako sa tour.


Sana ay hindi na lang required ang tour na iyon. Mabigat masyado sa bulsa ng presyo.


***


Wala ako sa mood nung gumising ako. Tinatamad ako at feeling ko, lalagnatin pa ko.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now