Chapter 36 - Love Spell

81.7K 2.2K 1.3K
                                    


Chapter 36 - Love Spell 


Ang ingay ingay sa classroom namin dahil syempre, kakatapos lang ng Christmas Break at lahat kami ay may kanya-kanyang ikini-kwento sa mga kaibigan namin.


Gigi brought us a lot of chocolates today. Hindi lang ako ang binilhan ng papa niya ng pasalubong kundi sila Maika at Adeline din. Madami ngang nanghingi samin kaya binigyan na lang din namin.


"Ugh nakakaasar si sir fred. Kakabalik lang ng klase, nagpa-quiz agad" Reklamo ni Eli. "Buti na lang medyo nagbasa ako ng mga notes natin"


"Mukhang bagsak ako don" Tatawa-tawang sabi ko.

"Ako rin" Pagsangayon ni Gigi. "Bestfriends talaga tayo hahaha"


"Girls, nakita niyo ba yung lipgloss ko?" Naiiyak na tanong ni Ika habang hinahalughog yung bag niya.

Tignan mo itong isang ito. Iiyak agad eh!


"Baka nandyan lang yan" I said.

"Ay sorry. Hiniram ko nga pala kanina diba. Ito oh" Sabay abot ni Eli ng lipgloss ni Maika.


Bumuntong hininga si Ika. "MY GOSH! Akala ko nawala ko na! Hilig mo talagang kalimutan ibalik ang mga gamit ko"


"Ikaw talaga Ika, makakalimutan ka rin minsan ano" Asar ni Gigi.

Hindi siya ngumiti kaya nagtaka kami. Usually tatawanan niya ang bestfriend ko.


"May problema ba?" Tanong ko.

"Kasi...nagaway kami ni Enzo"


O____O

Parang first time yata namin narinig iyon.

Eh sobrang compatible kaya nila sa isa't-isa.

Di sila nagkakapikunan o nagkakatampuhan.


"Bakit?"


"Nakakaasar kasi siya. He wanted to see me two days ago kaso kasama ko nga parents ko diba. Nagba-bonding pa kami ng family ko. Sabi ko sa kanya, dito na lang kami sa school magkita tapos ayon, binabaan ako ng telepono. Nagalit. Hanggang ngayon di ako tinetext"

Grabe naman yun.


"Magusap na lang kayo mamayang lunch. Magkikita rin naman kayo"

"Kaya nga ako tulero eh. Halos tatlong araw kaming di nagusap. Di ko alam kung galit pa ba siya o hindi na. Kinakabahan ako"

"Nako ika, mamaya mo na yan isipin. Andyan na si Ma'am. Magdidiscuss yata siya ng bago nating notes"


Tumahimik na si Ika at sumimangot.

I gave her a huge smile when she looked at me.


"Magkakaayos din kayo for sure" Bulong ko.


My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now